You are on page 1of 9

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa

isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga
sundalo.

Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang ito ay
di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din
naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong
lugar at di-totoong panahon.

Mga nilalaman [itago]


1 Kayarian
2 Mga Elemento
3 Mga uri
4 Tema
5 Mga bahagi
5.1 Simula
5.2 Gitna
5.3 Wakas
Kayarian[baguhin | baguhin ang batayan]
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng isang
pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon,
may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga Elemento[baguhin | baguhin ang batayan]


Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba
sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
Kaisipan- mensahe ng kuwento.
Banghay- pangyayari sa kuwento.
Mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]
May sampung uri ng maikling kuwento:

Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari
na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
Tema[baguhin | baguhin ang batayan]
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito
ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga
sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa
pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig
sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang
pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga bahagi[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula[baguhin | baguhin ang batayan]


At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.

Gitna[baguhin | baguhin ang batayan]


Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas[baguhin | baguhin ang batayan]


Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento
para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring
kahinatnan ng kuwento.
TUNGKULIN NG WIKA
PAGSASALITA
SANGKAP SA PAGSASALITA
PAKIKINIG AT PAGSASALITA
MGA KASANAYAN SA PAKIKINIG
1.KASANAYAN SA PAGBUBUOD
2.KASANAYAN SA PAGTATALA
3.KASANAYAN SA PAGBABALANGKAS
4.KASANAYAN SA PAGSUNOD SA NAPAKINGGANG PANUTO/DIREKSYON
5.KASANAYAN SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI.

PAKIKINIG
ISANG SA MGA BAGAY NA DAPAT TAGLAYIN AT MATUTUNAN NGA TAO AY ANG MABISANG PAKIKINIG
UPANG IYONG MAUNAWAAN AT MAINTINDIHAN ANG MGA BAGAY-BAGAY.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
NG PAGSASALITA

PAGSASALITA:

ITO AY ANG KAKAYAHANG MAKAPAGHAYAG NG NILOLOOB-NADARAMA O NAIISIP.

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA


UNANG NILILINANG NG TAO ANG PAKIKINIG AT ANG UNA NAMANG NATUTUNAN NG TAO AY ANG
PAGSASALITA.

AYON KINA BROWN AT YULE , DALAWA ANG PANGUNAHING TUNGKULIN NG WIKA (1)ANG LAYUNING
INTERAKSYONAL(2)ANG LAYUNING TRANSAKYONAL : KAYAT NG PAGSASALITA AY NANGANGAILANGAN
NG KAKAYAHAN AT KASANAYAN KINAPAPALOOBAN NG PAGUNAWA, PAGBIBIGAY-
INTERPRETASYON,PAGHAHATOL AT APLIKASYON NG ANO MANGNARINIG O NABASA.
KAALAMAN - UPANG MAGING MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA, MANANALUMPATI, KAILANGAN MAY
LAMAN ANG ATING SASABIHIN.
prepared by : group 7
1.KASANAYAN SA PAGBUBUOD ANG PAGBUBUOD AY ANG MULING PAGSASALAYSAY, PAGLALAHAD O
PAGSULAT NG ANO MANG NAPAKINGGAN SA PARAANG MGA PINAKAMAHALAGANG PANGYAYARI O
IMPORMASYON LAMANG ANG SINABI O ISINULAT.
Kasanayan sa Pagbubuod
KASANAYAN SA PAGTATALA
KASANAYAN SA PAGBABALANGKAS
KASANAYAN SA PAGSUNOD SA NAPAKINGGANG PANUTO/DIREKSYON
KASANAYAN SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI.
KASANAYAN SA PAGTATALA ITO AY ANG PAGTATALA SA MGAMAHAHALAGANG DETALYE NA MULA SA
LEKTUR NG GURO O MAGING SA MGA DINADALUHANG SEMINAR O KUMPREHENSYA SA ISANG
MAHALANG GAWAIN AT TALUMPATI.
KASANAYAN SA PAGBABALANGKAS TINATAWAG TONG KLANSAY NG MGA [ANGUNAHING PAKSA O
KAISIPAN NG NAPAKINGGAN O NABASANG AKDA. (A.PAPAKSA)(B.PAPANGUSAP)(C.PATALATA)
KASANAYAN SA PAGSUNOD SA NAPAKINGGANG PANUTO/DIREKSYON MADALAS SA
NAPAKINGGAN NATIN ANG MGA PAGLALAHAD NA NAGPAPALIWANAG KUNG PAANO ANG PAGGAWA
SA ISANG BAGAY O PUPUNTAHAN SA ISANG LUGAR.
KASANAYAN SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI - MAHALAGA ANG KASANAYANG ITO
SAPAGKAT SA PAMAMAGITAN NITO, NABIBIGYAN NG EBALWASYON O PAGTATAYA NG TAGAPAKINIG
KUNG ANO ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI SA NAPAKINGGANG KWENTO
,DULA,TAMBUHAY AT IBA PA.
FILIPINO
TUNGKULIN NG WIKA
ANG LAYUNING INTERAKSYONAL
ANG LAYUNING TRANSAKSYONAL
ANG PAGSASALITA AY ANG KAKAYAHANG MAKAPAGPAHAYAG NG NILOLOOB,NADARAMA AT NAIISIP-
PARA SA PAGHAHATUD NG MENSAHE. PAANO BA NALILIKHA ANG TUNOG NA NARIRINIG NATIN KAPAG
NAGSASALITA?
TATLONG SANGKAP NA MAHALAGA SA PAGLIKHA NG TUNOG
PINANGGALINGAN NG LAKAS O ENERHIYA
BABAGTINGANG-TINIG NG NAGSISILBING ARTIKULADOR
ANG BIBIG AT ILONG ANG SUMASANGKAP NAPALATUNUGAN O RESONADOR
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA
KAALAMAN
TIWALA SA SARILI
KASANAYAN
TIWALA SA SARILI - UPANG MAGING MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA DAPAT IKAW AY MAY TIWALA SA
IYONG SARILI.
KASANAYAN - ANG KASANAYAN AY MAHALAGANG PUHUNAN PARA SA MATAGUMPAY NA PAGBIGKAS.
ANG MAY KASANAYAN AY MAKIKITA MU SA KANYA ANG TAMING TINDIG NA MASASABI MU NA SIYA AY
MAY TIWALA SA SARILI.
ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO
NG WIKA

PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA


PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

Nalalaman ang ibat ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang
makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.
Nabibigyang-halaga ang ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib
para sa makabuluhang pagtuturo.

I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo


Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na
ipinalalagay na mabisa:

Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika


EDCOM REPORT nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.
Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.
Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay na
subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para
sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan, dapat
ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng
Filipino.

III. Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika


Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang


kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence (kaalaman sa
wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi
gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng
nag-uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan na binuo ni
Hymes sa akronim na SPEAKING.

SPEAKING ni Hymes. . . .

S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

IV. Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika


Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal,
interpersonal, directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi
binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa
aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.

You might also like