You are on page 1of 2

Advance Institute of Technology, Inc.

Sangi New Road, Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu, Phils., 6015

IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 9
S.Y. 2017 – 2018

Pangalan: ___________________________ Grade & Section: _______________ Iskor: _____


Petsa: ________________________ Guro: ______________________________

I. Pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot. WALANG PAGBUBURA.


1. Salita o pahayag na nagbibigay diin sa kaisapan o damdamin.
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagtatambis d. Tayutay
2. Isang uri ng panitikan na nasa anyo ng isang tula o awit ng pagluluksa para sa karangalan ng
taong yumao na.
a. Pabula b. Nobela c. Tulang Pasalaysay d. Elehiya
3. Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
a. Pang-ugnay b. Pang-uri c. Pangatnig d. Pang-abay

4. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid

a. Epiko b. Pabula c. Alamat d. Elehiya

5. Isinasaad ang kapanahunan kung kailan nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.

a. Pang-abay b. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na


Pamaraan

6. Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng


pandiwa.

a. Pang-abay b. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na


Pamaraan

7. Isang mahabang tulang pasalaysay na nagpapakita ng mga kabayanihan,


pakikipagsapalaran at pagtutunggali ng isang indibidwal.

a. Epiko b. Pabula c. Alamat d. Elehiya

8. Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan ng pangngalan o panghalip.

a. Pang-ugnay b. Pang-uri c. Pangatnig d. Pang-abay

9. Mga salitang tumutukoy sa bilang ng pangngalan o panghalip.

a. Pamilang b. Panlarawan c. Kardinal d. Ordinal

10. Nagbibigay ng malinaw na impormasyon sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng


pagbibigay ng anyo, uri, hugis at laki.

a. Pamilang b. Panlarawan c. Kardinal d. Ordinal

II. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay tama at kung ang
pahayag ay Mali isulat ang tamang sagot. WALANG PAGBUBURA.
__________________1.Ang Shahnameh ay itinuturing na pambansang epiko ng Iran.
__________________2.Ang elehiya ay kadalasang nakikitaan ng mga pangyayaring di kapani-
paniwala o kababalaghan.

Page 1 of 2
__________________3.Isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Mabanglo ang Shahnameh: Epiko
ng mga Hari ng Persia.
__________________4.Ang tambalan ay mga salitang ugat na may panlapi.
__________________5.Ang Cyprus ay isang bansa sa Silangang Asia.
__________________6.Matatagpuan ang Five Fingers Mountain sa Syria.
__________________7.Tinatawag ding Pentadaktylos ang Five Fingers Mountain.
__________________8.Si Shakeer Al Ashwal ay isang manunulat na Yemeni-American.
__________________9.Si Shakeer Al Ashwal ay nakapagsulat ng tatlumpong maikling kwento
sa loob ng dalawang taon.
__________________10.Isa sa mga halimbawa ng maikling kwentong isinulat ni Shakeer Al
Ashwal ay ang Five Fingers Mountain.
__________________11.Ang Paglisan ay isa sa halimbawa ng panitikang elehiya na nasa
anyong tula o awit.
__________________12.Ang Elehiya ay mula sa salitang Greek na elegy na
nangangahulugang awit ng pangungulila.
__________________13.Ang Paghihimig ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na
tila ito ay isang tao.
__________________14.Ang Jinn ay mga mahiwagang nilalang sa mitolohiyang Islam at Arab.
__________________15.Ang salitang Jann ay nangangahulugang magtago o magkubli.

III. Pagkakakilanlan. WALANG PAGBUBURA.


A. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
__________________1.Sa parabulang “Ang Mabuting Intensyon ng Arab at ang Malisyosong
Genie,” ito ang lugar kung saan nakita ng batang Arab ang tansong
lampara.
__________________2.Ito ay isang tunggalian na madalas makita sa pagitan ng bida at
kontrabida.
__________________3.Ito ay isang uri ng tunggalian na humahamon sa karakter ng tauhan.
__________________4.Mga salita o salitang ugat na may lapi o nilalapian.
__________________5.Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtambal upang makabuo ng
bagong salita na may ibang kahulugan.
B. Isulat sa patlang ang tinutukoy na uri ng tayutay sa bawat pahayag.
__________________6.Anong nangyari sa kagandahan ng aking mahal na kalikasan?
__________________7.Siya ay hindi isang kriminal.
__________________8.Banal na makasalanan.
__________________9.Baha at lindol kami ay iyong lubayan.
_________________10.Niyakap ako ng pighati.

IV. Sanaysay. (15 puntos)


Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong dapat gawin upang magkaroon ng kaunlaran sa bayan?
Ipaliwanag.
Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay
Nilalaman 45% = 6.75 pts.
Kaugnayan sa Tema 30% = 4.5 pts.
Paggamit ng Salita 25% = 3.75 pts
Kabuuan 100% = 15 pts.

“Be honest, even if others are not, even if others will not, even if others cannot. He, who walks
honestly, walks securely.”

Page 2 of 2

You might also like