You are on page 1of 27

BRIGHTWOODS SCHOOL

Junior High School


SY 2018-2019

FILIPINO 10
4th Quarter Lecture

PANGKALAHATANG IDEYA

Kailanman ay hindi matatawaran ang pagmamahal ni Rizal sa ating bayan.


Gamit ang kanyang dalawang nobela, buong pwersa niyang inilantad ang kanyang
saloobin tungkol sa pagpapahirap ng mga dayuhan sa ating mga kababayan.

Sa modyul na ito, ating tutuklasin at kikilalanin ang iba’t ibang tauhan sa


nobelang El Filibusterismo at atin ding susuriin ang kanilang mga katangian batay
sa kanilang tono, paraan ng pagsasalita, at pagkilos. Palalalimin din natin ang ating
mga nalalaman tungkol dito sa pamamagitan ng pagkilala sa mga isyung
panlipunan na pinalutang ni Rizal sa kanyang akda at pagsulat ng solusyon sa mga
suliraning ito. Ilang mga piling bahagi rin ng akda ang ating itatanghal.

Naririto ang mga araling ating tatalakayin:

Aralin 1 – Ang Nobela at ang Istruktura Nito

 El Filibusterismo

o Pagkilala sa mga Isyung Panlipunan na Tinatalakay sa Akda

o Pagsulat ng mga Solusyon sa mga Suliraning Panlipunang Nabanggit sa


Nobela at Paghahambing ng mga ito sa Kasalukuyan

o Pag-unawa sa mga gintong aral na nakatago sa bawat mahahalagang


linya sa nobela

o Pagsusuri sa Katangian at Kaugalian ng mga Tauhan Batay sa Tono,


Paraan ng Pagsasalita, at Kilos

o Pagtatanghal ng Piling Bahagi ng Akda

Aralin 2 – Talasalitaan

1
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

ARALIN 1: ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO


PAGHAHANDA 1

Ano ang NOBELA?


Ang isang nobela ay tinatawag ding kathambuhay. Naglalahad ito ng
maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawa pang
tauhan at iba pang katulong na tauhan.

Isa rin itong mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
Ang pangunahing sangkap nito ay ang pagpapalabas ng hangarin ng
bayani sa isang banda at ng hangarin naman ng katunggali sa kabila.

Maaari rin itong ilarawan bilang isang masining na pagsasalaysay ng maraming mga pangyayaring
magkakasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng
nobela..

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS

I. Panahon ng Kastila – paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang asal, nasyonalismo at reporma o


pagbabago.
A. Uri ng Nobela
a. Nobelang Pangrelihiyon- nagbibigay diin sa kabutihang asal
b. Nobelang Mapanghimagsik- nagbibigay diin ito sa kalayaan, reporma, pagbabago at
diwang nasyonalismo.
*Commision Permanente de Censuro -sumusuri sa mga akdang pampanitikan

B. Halimbawa
1. Noli Me Tangere at El Filibusterismo- Dr. Jose Rizal (mapanghimagsik)
2. Doctrina Christiana (1593)- Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
(panrelihiyon)
3. Urbana at Felisa- Padre Modesto de Castro (kagandahang asal, pangrelihiyon)
4. Barlaan at Josaphat (1703)- Padre Antonio de Borja
5. Ninay- Pedro Paterno (unang nobela inilathala)
6. Ang Bandido Sa Pilipinas- Graciano Lopez- Jaena (panahon ng propaganda,
mapanghimagsik)

2
II. Panahon ng Amerikano -paksain tungkol sa pag-ibig

A. Aklatang Bayan (1908)


Paksain tungkol sa panghimagsik, buhay lalawigan, karanasan
a. Umunlad ang nobela
b. Inilathala sa mga pahayagan ang mga nobela
c. Si Lope K. Santos - Ama ng Balarilang Tagalog
Pahayagan
a. Kapatid ng Bayan
b. Muling Pagsilang
c. Ang Kaliwanagan
Halimbawa
1. Salawahang Pag-ibig- Lope K. Santos
2. Unang Bulaklak- Valeriano Hernandez Pena (VHP) - pahayagang Ang
Kaliwanagan
3. Nena at neneng- VHP (pahayagang Ang Kapatid ng Bayan)
4. Mag-inang Mahirap- VHP (pahayagang Muling Pagsilang)
5. Sampaguitang Walang Bango (1918)- Iñigo Ed Regalado

B. Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934)


Halimbawa
1. Mutyang Itinapon- Rosalia Aguinaldo
2. Magmamani- Teofilo Sauco III C. Makasariling Pamahalaan - Bumaba ang uri
ng nobela dahil sa pagkahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kuwento.

III. Panahon ng Hapon -Hindi naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan ng materyales.

A. Halimbawa
1. Luha ng Buwaya- Amado V. Hernandez
2. Tatlong Mari- Jose Esperanza Cruz
3. Sa Lundo ng Pangarap- Gervacio Santiago
4. Lumubog ang Bituin- Isidro Castillo
5. Ibong Mandaragit- Amado V. Hernandez
6. Daluyong- Lazaro FranciscoIV.

IV. Panahon ng Republika (1946-1972)- nasyonalismo, isyung panlipunan

A.Layunin- mag-aliw ng mambabasa


B. Halimbawa
1. Sa Mga Kuko ng Liwanag- Edgardo Reyes
2. Binhi at Bunga- Lazaro Francisco
3. Dekada ’70- Lualhati BauitistaV.

V. Bagong Lipunan (1992- Kasulukuyan)- reporma, pag-ibig, ugali, pamilya at pangaraw-araw


na pamumuhay

A. Halimbawa
1. Ginto Ang Kayumangging Lupa- Dominador Mirasol
2. Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon
3
MGA ELEMENTO NG ISANG NOBELA

1. Tagpuan. Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon ng pinangyarihan ng mga pangyayari sa isang


akdang may kinalaman sa pag-ikot ng mga pangyayari rito.

2. Tauhan. Ito ay tumutukoy sa mga tao na gumaganap ng kani-kanilang tungkulin at siyang


nagbibigay-buhay sa akda upang lubusang mabigyan ng kulay at buhay ang mga salitaan at
dayalogo rito.

3. Banghay. Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa akda. Sa banghay tuwirang


nailalahad ng may-akda ang kanyang mga saloobin at nais na mangyari sa patuloy na pag-ikot ng
mga pangyayari sa akda.

4. Pananaw. Ito ay ang panauhang ginagamit ng may-akda sa paglalahad ng mga pangyayari.


• Una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
• Ikalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
• Ikatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. Damdamin. Ito ay ang nagbibigay ng kulay sa mga pangyayari. Anumang damadamin na


ipinapahayag ng mga gumaganap sa nobela ay may malaking tungkulin sa paghatak ng mga
mambabasa at tagasuri ng akda.

6. Tema. Ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa akda katulad ng pag-ibig, buhay sa


lalawigan, paggawa o mga manggagawa, propesyon o pulitika, at iba pa.

7. Istilo. Ito ay ang pamamaraan ng may-akda sa pagsulat ng nobela. Tumutukoy ito sa pagka-
orihinal ng makata sa kung paano niya sinulat o isinusulat ang isang akda.

8. Pananalita. Ito ay ang mga dayalogo o ang palitan ng salita o usapan sa akda.

9. Simbolismo. Ito ay ang pagbibigay ng mas malalim na kahulugan ng akda sa tao, bagay at
pangyayari.

4
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGTATANIM 2

Unawain ang buod ng ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal sa ibaba.


Sa inyong notebook, suriin ang pinanood nating pelikulang historikal, ang Jose Rizal
BUOD NG
(1998), sa pamamagitan ng pagsagot “EL katanungang
sa mga FILIBUSTERISMO”ito.

Nagsimula ang El Filibusterismo sa isang paglalayag ng Bapor Tabo mula sa Ilog Pasig sa Maynila
patungong Laguna. Palibhasa’y Disyembre noon at bakasyon sa mga paaralan, sakay nito ang mga
mag-aaral na sina Isagani, at Basilio, ang anak ni Sisa. Binata na si Basilio at nag-aaral ng medisina
sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

Sakay din ng bapor ang mga tauhan sa Noli Me Tangere, na sina Doña Victorina at Padre Salvi.
Hindi pa rin nagbabago si Doña Victorina. Patuloy siya sa pagpapanggap na isang Europea.
Pinagbibigyan lamang siya kapag kasama niya ang ulilang pamangking si Paulita Gomez. Si Paulita
ay katipan ni Isagani.

Naglalakbay si Doña Victorina upang hanapin si Don Tiburcio na ayon sa balita ay nagtatago sa
Laguna. Tumakas si Don Tiburcio dahil sa pagmamalabis ng Doña.

Si Padre Salvi, tulad ng dati, ay payat at maputla pa rin.

Kabilang din sa mga pasahero si Ben Zayb, ang manunulat na mukhang prayle; si Padre Camorra,
ang paring mukhang artilyero at siyang kura sa bayan ng Tiyani, ang bayan ni Kabesang Tales; ang
prayleng Dominiko na si Padre Irene; Padre Sibyla, ang Vice Rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas;
at si Don Custodio, ang tagapayo ng mga prayle.

Natatangi sa lahat ng pasahero si Simoun. Isa siyang mag-aalahas na matagal nang nanirahan sa
Amerika del Norte. Ipinalalagay na isa siyang mulatong Amerikano dahil kahit mestisuhin ay may
kaitiman ang kanyang kulay. Lagi siyang nakasalamin ng bughaw na nagbibigay-anyo sa kanya na
isang bulag o dili kaya ay may kapansanan sa mata. Ang mag-aalahas ay kinatatakutan kahit na ng
mga prayle dahil ang mga payo niya ang pinakikinggan sa lahat ng gawain at pagpapasya ng
Kapitan-Heneral.

Nang bisperas ng Pasko, palihim na nagtungo si Basilio sa gubat ng mga Ibarra, sa puntod ng
kanyang ina. Sa pagdalaw niyang iyon, isang mapanganib na lihim ang natuklasan ni Basilio – si
Simoun at Ibarra ay iisa!

Hindi pinatay ni Simoun si Basilio. Alam niyang malihim ang binata at mapagkakatiwalaan.

5
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

BUOD NG “EL FILIBUSTERISMO”

Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa kanyang pagpapabagsak sa pamahalaang Kastila.


Inihayag ni Simoun ang kanyang balak. Sa pamamagitan ng kanyang salapi, palalalain niya ang
kasamaan ng mga nasa tungkulin upang mapilitang mag-alsa ang bayan. Si Basilio ang mangunguna
sa pagsira ng pinto ng kumbento ng Sta. Clara upang kunin si Maria Clara dahil siya lamang ang
nakakikilala rito bukod kay Kapitan Tiyago at Ibarra. Tumanggi si Basilio sapagkat ang tangi niyang
gusto ay mamuhay nang tahimik at makatapos ng medisina.

Muli, minsan pang lumapit si Simoun kay Basilio upang pakiusapang mamuno sa pagkuha kay Maria
Clara sa kumbento. Isasabay ito sa unang pagtatangka ni Simoun ng paghihimagsik. Sa kalagitnaan
ng kanyang mga plano ay nakaramdam ng labis na paghihinagpis si Simoun dahil nalaman niya kay
Basilio na namatay na ang dalaga nang gabing iyon. Nawala si Simoun sa sarili kaya hindi siya
dumating sa tagpuan nila ng mga taong kausap niya tungkol sa gagawing pag-aalsa.

Nagbago ng pasya si Basilio tungkol sa paghihimagsik nang ibilanggo siya kasama ng iba pang mga
estudyante. Ito’y dahil sa kilusan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Lumapit si Huli,
kasintahan ni Basilio, kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya sa binata. Ngunit
sa halip na tulungan ay inabuso ng prayle ang dalaga. Pinagsamantalahan ni Padre Camorra si Huli
kaya nagpakamatay ang dalaga sa pamamagitan ng pagtalon mula sa tuktok ng kumbento.

Si Simoun ang nagligtas kay Basilio sa piitan. Kusa nang inihandog ni Basilio ang kanyang tulong sa
paghihimagsik na inihanda ni Simoun. Ang mga kaibigan ni Simoun na mga tulisan ay mga taong
biktima ng kalupitan ng pamahalaan. Isa na rito si Tales, ang ama ni Huli. Natalo ito sa usapin laban
sa mga prayleng kumuha sa kanyang lupa na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa at
panganay na anak. Naging guwardiya sibil si Tano at nabihag ng mga tulisan si Tales habang
nagbabantay ng kanyang lupain. Si Huli ay nagpaalila upang may ipantubos kay Tales. Napipi si
Tandang Selo sa matinding pagdaramdam sa sinapit nilang mag-anak. Tuluyan nang namundok si
Tales nang palayain ng mga tulisan. Naging kilabot ng Luzon si Tales bilang Matanglawin. Isa pang
matinding kasawian ang naganap sa pagitan ni Tano at ng kanyang amang si Tales. Sa kalagitnaan
ng sagupaan ng mga kawal at tulisan ay ipinabaril kay Tano ang kanyang ama na hindi niya nakilala.
Pinatay din si Tandang Selo ng mga guwardiya sibil sa nasabing sagupaan.

Kabilang si Isagani sa mga nabilanggong estudyante dahil kusa niyang isinuko ang sarili. Para kay
Paulita, isa itong katangahan ni Isagani kaya nakipaghiwalay sa binata at nagpakasal kay Juanito
Pelaez. Ang Kapitan-Heneral ang tatayong ninong, mga opisyales at mga prayle ang panauhin.
Itataon naman ni Simoun ang pagpapasabog sa pagdarausan ng kasal – ang bahay ni Kapitan
Tiyago na pag-aari na ngayon ni Don Timoteo sa tulong ni Simoun. Pinalagyan ni Simoun ng pulbura
ang sahig sa ilalim ng kiyosko, ang mga dingding, kisame at bubong.

6
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

BUOD NG “EL FILIBUSTERISMO”

Isang kakaibang lampara na may dinamita ang handog ni Simoun sa mga ikakasal. Ito ang
magpapasabog sa buong bahay. Ang pagsabog na ito ang hudyat ng malawakang himagsikan sa
buong Maynila.

Lahat ng ito ay alam ni Basilio sapagkat siya ang pinamuno ni Simoun sa mga baryo. Nagbabantay
ang binata sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Inaabangan niya ang pagbaba ni Simoun sapagkat ito ang
palatandaan na malapit na ang pagsabog. Pagkaraan ng dalawampung minuto matapos masindihan
ang lampara, lalabo ang liwanag nito. ‘Pag itinaas ang mitsa, ito ang magiging dahilan ng pagsabog
ng lampara.

Paalis na si Basilio nang makita niya si Isagani. Malungkot na nakatingin kay Paulita. Napilitan si
Basilio na ipagtapat kay Isagani ang magaganap nang ayaw iwanan ni Isagani ang lugar na iyon.
Nanaig ang pag-ibig ni Isagani kay Paulita kaya nang lumamlam na ang lampara, sumugod siya sa
bahay at simbilis ng kidlat na kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog.

Nabigo na naman ang balak ni Simoun na paghihimagsik. Natuklasan ang masama niyang tangka
kaya pinag-uusig siya ng mga kapangyarihan, gayundin ng mga manghihimagsik na makalawa na
niyang inilagay sa panganib.

Nagtago si Simoun sa bahay ni Padre Florentino sa baybayin ng Dagat Pasipiko. Uminom siya ng
lason upang hindi mahuli nang buhay. Ngunit bago siya namatay, ipinagtapat niya sa pari kung sino
siya at kung ano ang naging buhay niya sa loob ng nakaraang labintatlong taon na wala siya sa
Pilipinas. Bago siya nawalan ng hininga, nagkaroon sila ng diskusyon ni Padre Florentino sa
katumpakan o kamalian ng paraang kanyang ginamit sa paghihimagsik.

Pagkamatay ni Simoun, inihagis ni Padre Florentino sa dagat ang sisidlan ng kayamanan ni


Simoun upang hindi na makapagdala ng kasamaan.

7
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGLILINANG 3

Basahing mabuti ang kabanata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

KABANATA VII
SI SIMOUN
Pauwi na sana si Basilio nang may makita siyang liwanang at
makarinig ng papalapit na yabag. Nangubli siya sa puno ng baliti upang
hindi siya makita ng sinumang dumating. Sa kabila ng puno tumigil ang
dumating. Nakilala ito ni Basilio nang mag-alis ito ng salamin – ang mag-
aalahas na si Simoun. Nagsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng
isang asarol at biglang naalala ni Basilio – ito ang taong tumulong sa
paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa bangkay ng isa pang
lalaking doon din namatay. Nag-isip si Basilio. Sino kaya talaga ito – si
Ibarra o ang taong namatay na kanilang sinunog?

Nagpakita si Basilio kay Simoun. Sa gulat ni Simoun ay mabilis niyang nadukot ang
rebolber at itinutok kay Basilio. Hindi natinag si Basilio. Ani ni Basilio, “May 13 taon na po mula
nang ako ay inyong tulungan sa paglilibing ng aking ina. Ikaliligaya ko po kung ako naman ang
tutulong sa inyo.”

“Sino ba ako sa palagay mo?” tanong si Simoun. Tugon ni Basilio, “Kayo po’y isang taong
mahal sa akin; kayo’y ipinalalagay ng lahat na patay na; isang taong ang mga kasawian sa buhay
ay akin ding ikinalulungkot.”

Lumapit si Simoun sa binata. Aniya, “Basilio, ika’y nanghahawak ng isang lihim na


maaaring kong ikamatay, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira
ng aking mga balak.” At sinabi ni Simoun na maari niyang patayin si Basilio upang iligtas ang
kanyang layunin. “Gayunman,” ani Simoun, “hahayaan kitang mabuhay. Gaya ko rin ay may
dapat kang singilin sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan kaya sa halip na tayo ay
maglaban ay dapat tayong magtulungan.”

At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang kanyang paglilibot sa buong
daigdig upang magpakayaman at magbalik upang maghiganti at ibagsak ang pamahalaang
marumi kahit dumanak pa ang dugo.

Pinagalitan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng Akademya


ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay
na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay-daan sa Pilipinas sa pagiging
bayang walang sariling budhi, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit
manghiram ng wika.

8
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

Ayon kay Basilio, ang Kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng
Pilipinas. Ito’y pinabulaanan ni Simoun. Anya, “Ang Kastila, kailanman, ay ‘di magiging wikang
pangkalahatan sa bayang ito sapagkat ang totoong laman ng kanyang isip at puso ay walang
akmang pananalita sa wikang iyan.” Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang
iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin.

Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito
sa mga nasasakupan ‘di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun, “Kayo’y nakalilimot na
habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang
wika ay isang pag-iisip ng bayan.”

Nasabi ni Simoun na ang kilusan ng kabataan na nais magpaturo ng wikang Kastila ay


ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na
para sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at
kanyang mga kapwa mag-aaral ngunit baka ‘di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang
pagpapatayin ang mga ito. Ang sabi ni Simoun, “Huwag hayaang magpalagay ang mga Kastila
na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito maliban sa pagiging mga manlulupig
at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at hinayaan ko kayong
mabuhay!”

Nakahinga si Basilio. Aniya’y ‘di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa
paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol. Sa
kasalukuyang kalagayan daw ay ‘di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay
Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit na nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga
ang buhay na ‘di nauukol sa isang layuning dakila. Ang sabi naman ni Basilio ay pinili niya ang
siyensiya upang makapaglingkod sa bayan.

Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Sinabi ni Simoun na walang
ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Sa halip na ipaghiganti
ang kasawian ng kanyang ina ay umiiyak na lamang si Basilio. “Paano ako makapaghihiganti?”
tanong ni Basilio, “ako’y dudurugin lamang nila.” Sinabi ni Simoun na tutulungan niya si Basilio.
“Hindi na bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid ko,” tugon si Basilio.

Magmamadaling araw na. Matapos sabihing naniniwala siya na hindi ibubunyag ni Basilio
ang kanyang lihim ay sinabing kung magbago ang isip ni Basilio at magpasyang siya’y tulungan
sa kanyang mga balak ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta.
Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip. ‘Di kaya niya napaniwala si Basilio sa
paghihiganti o may balak itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o
sadyang wala nang hangad maghiganti? Lalong lumakas sa loob ni Simoun ang matinding nasa
na makapaghiganti.

9
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Ano ang lihim na natuklasan ni Basilio?


A. Si Simoun ay purong Filipino.
B. Sina Ibarra at Simoun ay iisa.
C. Galit si Simoun sa pamahalaang Kastila.
D. Inimbita siya ni Simoun na samahan siya sa kanyang mga plano.

_______2. Ano ang tingin ni Simoun sa mga Kastila?


A. manlulupig C. pinuno
B. kakampi D. kapatid

_______3. Ano ang layunin ni Simoun sa kanyang pagbabalik?


A. magpayaman
B. maging prayle
C. maghiganti sa pamahalaang kastila
D. maging gobernador heneral

_______4. Paano pinaglilingkuran ni Basilio ang kanyang bayan?


A. Nagpapaalipin siya sa mga Kastila.
B. Nagtatatag siya ng kilusang susugpo sa mga Kastila.
C. Nais niyang maging pulitiko at baguhin ang sistema sa Pilipinas.
D. Nais niyang maging doktor at gamutin ang kanyang mga kapwa Pilipino

_______5. Ano ang kahulugan ng salitang nangubli sa unang talata?


A. nagtago C. nagputol
B. nagpakita D. nagtanim

_______6. Ano ang maaaring kasalungat ng salitang tangisan sa ikalabing-isang talata?


A. iyakan C. sigawan
B. kagalitan D. tawanan

_______7. Ayon kay Simoun, bakit hindi magiging pangkalahatang wika ang Kastila kailanman?
A. Ayaw itong ituro ng mga Kastila.
B. Mahirap pag-aralan ang wikang ito.
C. Ayaw itong pag-aralan ng mga Pilipno.
D. Hindi nito kayang katawanin ang tunay na nararamdaman ng mga Pilipino.

10
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

_______8. Bakit hindi pumayag si Basilio sa nais ni Simoun na maghiganti sa pamahalaang Kastila?
A. Sa pamamagitan ng panggagamot siya gaganti.
B. Wala siyang impluwensya at kayamanan upang makapaghiganti.
C. Sa panggagamot nakaukol ang kanyang panahon, hindi sa paghihiganti.
D. Wala siyang pakialam sa kanyang bayan at sa kanyang mga kapwa Pilipino.

_______9. Alin sa mga sumusunod na kataga ang maaaring ipalit sa salitang magbuklod-buklod?
A. magkaisa C. magsumbungan
B. maghiwalay D. magkawatak-watak

_______10. Bakit pinagalitan ni Simoun si Basilio ukol sa kagustuhan nitong magtayo ng Akademya
sa Wikang Kastila?
A. Mawawala ang korapsyon.
B. Magiging masama ang budhi ng mga Pilipino.
C. Maaaring mawalan ng pagkakakilanlan ang Pilipinas.
D. Magiging tulay ito upang maraming Pilipino ang makaintindi sa mga tulad ni Simoun
na marunong gumamit ng wikang Kastila.

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon na nabasang teksto.

1. Paano tinulungan ni Basilio si Simoun 13 taon na ang nakalipas?

2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika ng isang bayan?

3. Ayon kay Simoun, ano ang palatandaan na ang isang bayan ay nananatiling malaya?

4. Masasabi bang walang pagmamahal sa bayan si Basilio? Ipaliwanag ang iyong sagot.

5. Nais ba ni Simoun na maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

11
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng talaan sa ibaba.

Buong Pangalan Paglalarawan Simbolismo Mahahalagang Linya


1. SIMOUN

2. ISAGANI

3. BASILIO

4. KABESANG TALES

5. TANDANG SELO

12
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng talaan sa ibaba.

Buong Pangalan Larawan Paglalarawan Simbolismo Mahahalagang Linya


6. GINOONG PASTA

7. BEN ZAYB

8. PLACIDO
PENITENTO

9. PADRE CAMORRA

10. PADRE
FERNANDEZ

13
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng talaan sa ibaba.

Buong Pangalan Larawan Paglalarawan Simbolismo Mahahalagang Linya


11. PADRE
FLORENTINO

12. DON CUSTODIO

13. PADRE IRENE

14. JUANITO PELAEZ

15.
MAKARAIG/MACARAEG

14
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng talaan sa ibaba.

Buong Pangalan Larawan Paglalarawan Simbolismo Mahahalagang Linya


16. SANDOVAL

17. DONYA VICTORINA

18. PAULITA GOMEZ

19. QUIROGA

20. JULI/HULI

15
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng talaan sa ibaba.

Buong Pangalan Larawan Paglalarawan Simbolismo Mahahalagang Linya


21. HERMANA BALI

22. HERMANA
PENCHANG

23. GINOONG LEEDS

24. IMUTHIS

25. PADRE SALVI

16
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Isa-isahin at ilarawan ang mga kondisyon o isyung panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat
hanggang sa kasalukuyan. Bukod sa impormasyong nabanggit, maaari ding magsaliksik sa aklatan o internet. Punan ang talahanayan.

Mga Kondisyong/Isyung Panlipunan Mga Epekto Matapos Maisulat Mga Mungkahing Solusyon

17
Aralin 1 ANG NOBELA AT ANG ISTRUKTURA NITO

PAGPAPAUSBONG 4

Sa anong teleserye or telenobela maaaring maihahalintulad ang El Filibusterismo? Patunayan ang


sagot sa pamamagitan ng paghahambing gamit ang Venn diagram. Sumulat ng isang talatang
nagpapaliwanag ng iyong pananaw kung bakit magkapareho ang dalawang likhang-sining.

Sariling Sariling
Katangian Katangian

Pagkakatulad

El Filibusterismo Teleserye/Telenobela
___________________________
________

Paliwanag:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________ 18
_________________________________________________________________________
Aralin 2 TALASALITAAN

ARALIN 2: TALASALITAAN
PAGHAHANDA 1

Ang ilang mga salita rito ay makatutulong upang mas maintindihan ang lecture na ito.

SALITA KASINGKAHULUGAN KATUMBAS SA INGLES

1. hindi matatawaran priceless


2. kinasasangkutan involving
3. katunggali kalaban antagonist; opponent; enemy
4. palasak sikat; pangkaraniwan popular; commonplace; prevalent
5. umiiral kumakalat; nangingibabaw prevailing
6. likas bukal; katutubo; natural natural; inherent; innate
7. paghatak paghila haul; pull
8. makata manunula poet
9. paglalayag paglalakbay-dagat sailing; voyage; trip; seafaring
10. mag-aalahas alahero jeweler
11. mulato mestizo ngunit may kaitiman mulatto
12. paghihinapis paghihimutok; sama ng loob sigh
13. nawala sa sarili lost oneslef
14. pag-aalsa paghihimagsik uprising
15. pasya desisyon; hatol decision
16. kilusan kampanya movement; campaign
17. pinagsamantalahan exploited
18. tulisan bandit; outlaw
19. nabihag captured
20. nagpaalila to allow someone to enslave another
21. ipantubos ransom
22. kilabot terror
23. sagupaan labanan clash; encounter
24. katipan kasintahan bethroted; sweetheart
25. magbubukold- band together
buklod

19
Aralin 2 TALASALITAAN

PAGTATANIM 2

Isulat sa talahanayan ang mga salitang ibibigay ng mga tagapagsalita sa bawat


talakayan. Ibigay ang kasingkahulugan nito sa Filipino at ang salin nito sa Ingles.

SALITA KASINGKAHULUGAN SALIN


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.

20
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.

21
54.
55.
56.
57.
58.
59.
60.
61.
62.
63.
64.
65.
66.
67.
68.
69.
70.
71.
72.
73.
74.
75.
76.
77.
78.
79.
80.
81.
82.
83.

22
84.
85.
86.
87.
88.
89.
90.
91.
92.
93.
94.
95.
96.
97.
98.
99.
100.
101.
102.
103.
104.
105.
106.
107.
108.
109.
110.
111.
112.
113.

23
114.
115.
116.
117.
118.
119.
120.
121.
122.
123.
124.
125.
126.
127.
128.
129.
130.
131.
132.
133.
134.
135.
136.
137.
138.
139.
140.

24
Aralin 2 TALASALITAAN

PAGLILINANG 3

Hanapin ang mga kasingkahulugan at katumbas na salita sa Ingles ng mga salita sa ibaba.

KAHULUGAN O KATUMBAS SA
SALITA
KASINGKAHULUGAN INGLES
1. itataon
2. kiyosko
3. hudyat
4. mitsa
5. lampara
6. simbilis ng kidlat
7. manghihimagsik
8. lumamlam
9. yabag
10. nangubli
11. asarol
12. rebolber
13. natinag
14. ipinalalagay
15. dumanak ang dugo
16. pinabulaanan
17. hangal
18. manlulupig
19. naantig ang
kalooban
20. tangisan
21. ibubunyag
22. magsadya
23. tanggapan
24. nakaukol
25. sisidlan

25
Aralin 2 TALASALITAAN

PAGPAPAUSBONG 4

Sumulat ng dalawang makabuluhang pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita o parirala.

1. hindi matatawaran
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

2. nawala sa sarili
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

3. simbilis ng kidlat
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

4. dumanak ang dugo


a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

5. naantig ang kalooban


a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

6. palasak
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

26
Aralin 2 TALASALITAAN

7. palasak
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

8. paglalayag
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

9. paghihinapis
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

10. pinabulaanan
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

Jose Rizal University. Retrieved on January 20, 2017 from http://www.joserizal.ph/fi03.html

Lanusa, D. (2012). Scribd. Retrieved on January 20, 2017 from


https://www.scribd.com/document/185059138/Kahulungan-Ng-Nobela

Rex Intercative. Retrieved on January 20, 2017 from


http://www.rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%209%204rth%20Q.pdf

Susana, C. (2014). Slideshare. Retrieved on January 20, 2017 from


http://www.slideshare.net/christinejoysusana/nobela-34655859?next_slideshow=1

Weebly. Retrieved on January 20, 2017 from http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/

27

You might also like