You are on page 1of 5

MODYUL MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

KABANATA 2: KASAYSAYAN NG MAIKLING KUWENTO

Layunin:

a.) Nalalaman ang kasaysayan ng maikling kwento.


b.) Natatalakay ang iba’t ibang maikling kwento.
c.) Nakikilala ang mga kilalang kwwentistang Filipino.

MAIIKLING KWENTO BAGO DUMATING ANG KASTILA

- Kuwentong Bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na


pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng
guniguning di kapanipaniwala.

- Karamihan sa mga Panitikan nila’y pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang


bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga
kwentong bayan, alamat, at mito na anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at
ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

- May mga panitikan ding nakasulat sa pirasong kawayan matitibay na kahoy at


makikinis na baro ngunit ilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
sapagkat batay sa kasaysayan pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating sila sa bansa sa paniniwala na ang mga ito ay gawa ng demonyo.

PAHINA 10
MODYUL MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

MAIIKLING KWENTO SA PANAHON NG KASTILA

- Kakana – sumulpot pagdating ng


Espanyol, naglalaman ng mga alamat at
engkanto, panlibang sa mga bata.

- Kwentong Tungkol Sa Buhay ng mga


Santo at Santa - layunin nila ay mapa-
laganap ang Kristiyanismo.

- Parabula- naglalaman ng mga


talinghaga at nagtuturo ng aral.

- Lalo’t lalong sumigla ang mga kilusang pampanitikan sa partikular ay sa kwento.


Nang lumabas ang Taliba at Liwayway.

- Sa gitna ng kasiglahan ng panulat sa loob ng panahon ng “Ilaw at Panitik” lumitaw


ang mga pampanitikang kritiko na kinabibilangan nina Clodualdo del Mundo at
Alejandro Abadilla na naglathala ng mga 25 piling maikling kwento mula 1929-
1935 na pinamagatang Kwentong Ginto.

MAIIKLING KWENTO SA PANAHON NG AMERIKANO

- Sa larangan ng panitikan, isang malaking


ambag ng mga Amerikano ang
pagkakaroon ngayon ng Maikling Kwento
bilang bahagi ng ating panitikan. Kapansin-
pansin ang pagkahilig ng mga mambabasa
sa mga akdang madaling basahin ay
naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng
buhay- kosmopolitan. Ang mga kathang ito
ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino
kundi pati narin sa wikang Ingles.

- Ang pagdating ng mga Thomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng


pampublikong Edukasyon na kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa
Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay kinilala
ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang mga
manunulat upang linangan ang kanilang kakayahan na sumulat ng mga

PAHINA 11
MODYUL MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

sanaysay,dula, tula, kwento, at ng lumaon pati na rin ang mga nobela gamit ang
wikang ingles.

- Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng
mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw.

- Dagli - maikling-maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay


namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.

- Pasingaw - patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at


kung anu-ano pa.

MGA SAMAHANG PAMPANITIKAN

1. Aklatang Bayan - nagsimula ang maikling katha nang


hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang
karakterisasyon.

2. Ilaw at Panitikan (popularisasyon) - Isinilang ang


Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.

3. Parolang Ginto ni Del Mundo - katipunan ng mga


pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat
taon.

4. Ilaw ng Bayan - sa panahong ito ay nangibabaw ang


bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa
Wikang Ingles.

MAIKLING KWENTO SA PANAHON NG MGA HAPON

- Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit


anong uri ng akda. Nagkaroon ng kalayaan sa pagsulat ngunit ang lahat na akda
ay dadaan muna sa “Manila Shimbunsha”
Manila Shimbun-sha – ang nagsilbing sensor ng mga Hapones upang
maharangan ang mga akdang hindi nila nais. Kadalasang inaapbrubahan nila ay
ang mga akdang patungkol sa papuri sa mga Happon.

PAHINA 12
MODYUL MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

- Gintong Panahon ng Maikling Kwento - Pansamantalang napinid ang mga


palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay
muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya’t
biglang nakapasok dito ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang
babasahin.

- “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943” - Nagdaos ng


timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa
isang aklat.

Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kwento:

Pangunahin- “Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes


Pangalawa- “Uhaw Ang Tigang na Lupa” ni Liwayway A. Arceo
Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” ni NVM Gonzales
Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda

MAIIKLING KWENTO SA PANAHON NG REPUBLIKA AT KASALUKUYAN

- Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng


bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak
sa maikling katha noong 1950.

- Naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa


pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. Ang Diwa at
Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa
panitikan, wika at pagtuturo.

- Nakilala bilang mahuhusay na manunulat ng maikling kwento sina Genoveva


Edroza Matute, Efren Abueg, Rogelio Sikat, Pelagio Cruz, Benjamin Pascual,
Edgardo Reyes, Benigno Juan at iba pa. Patuloy pa rin sa kasigasigan sa
pagsusulat ang ating mga manunulat sa hangaring higit pang mapaunlad at
maitaas ang uri ng maikling kwentong Filipino.

Tulong upang maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=88WK_tEgozc

PAHINA 13
MODYUL MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Tulong upang maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=Q0VnDKeZbuc

Tulong upang maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://www.slideshare.net/chrisbasques/kasaysayan-ng-maikling-kwento

Tulong upang maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/09/07/kasaysayan-ng-maikling-kuwento-sa-pilipinas/

https://www.slideshare.net/chrisbasques/kasaysayan-ng-maikling-kwento
https://www.slideshare.net/edrianne/presentation1-report-mam-fuentez
http://merceneivyjoy.blogspot.com/2017/03/kasaysayan-ng-maikling-kwento-sa.html

PAHINA 14

You might also like