You are on page 1of 14

PANOPTIKO NG

LITERATURANG
TSINOY
• Kabilang sa literaturang
Tsinoy ang lahat ng
komposisyong sinulat ng
mga Intsik ng Pilipinong
Intsik, at mga sulatin sa
iba’t- ibang wika ng mga
Intsik sa Pilipino.
• Sa kalahatan ang literaturang
Tsinoy ay tumutugon sa mga
akdang pampanitikang nasulat sa
wikang Intsik, Filipino at sa iba
pang wikain ng mga Pilipinong
may lahing Intsik o mga Intsik sa
Pilipinas na naglalarawan ng
kanilang karanasan, kaisipan,
damdamin, adhikain bilang Intsik
sa Pilipinas.
MAY AKDA MGA AKDA

Lee Jen Yu The Overseas. (Nobela)

The Baguio Concentration


Lee Chen Tzu Camp. (Nobela)

Literary Anthology at Gou


Sy Yinchow Meng Chi (mga antolohiyang
pampanitikan)

Sy Yinchow at Ker Shu- Fan Chaw Mon o The Dreams


bao of Fragrant Grass (Koleksyon
ng mga sanaysay)
MAY AKDA MGA AKDA
Chow Jei Gi o Humble as
Lin Liu Grass (katipunan ng mga
sanaysay)
Tsu Shan Ju Shih o My
Wu Ban-shan Risks (tala ng karanasan
ng digma)
Ta Han Hwen o The
Do Jo Chinese Soul (koleksyon
ng mga sulat at sanaysay)

Luningning Miclat My Poems (koleksyon ng


mga tala)
MAY AKDA MGA AKDA

The Love of Blood


Ya Lan Relations in Skyedge
(maikling katha)

An Epic of the
Claro Ben Lim Bloodless Revolution
• Ang kasunod ay iilang katha ni
Grace Lee o Hsieh-hsing ang
makatang Intsik na dumating
sa ating bayan noong 1964 at
dito na nanirahan magmula
noon. May pamagat itong “
Halo- Halo’’ at isinalin ni Cruz
(1995: 23). Masdan.
halo- halo
Halo- halong dugo ng Espanya
Amerika, China at Luzon.
Mabangong hasmin.

Halo- halo raw


ay maganda
halo- halong kultura
halo- halong wika
halo- halong asal
relihiyon at buhay
malaking pamilyang masaya

tahanang mahal
punong- puno ng tawa, saya at
pag- ibig
sa isang bansang katoliko
bawal sa Diyos ang condom
sa nakagawiang pag- iisip ng mga
Asyano
mabuti ang malaki ang pamilya
At marami ang anak.

fiesta ay halo- halo


fiesta ng masaganang ani
bawat bahay ay maliwanag at pinaganda
bawat gabi ay puno ng awit at sayaw
masdan! maraming
maraming magandang kulay
pula, orange, dilaw, berde,
Grey, asul, purple
Lahat ay nasa baso ko
kumikinang.
Narito naman ang kanyang akdang La Generala
na patungkol kay Gabriela Silang ang asawa ng
bayaning si Diego Silang :

Mahal kong Diego, ang mga turista


ay nakatayo sa paligid ang aking estatwa
nakatingala, pinupuri nila ang aking
mahabang buhok na nililipad ng hangin
masungit na mukha
Kadakilaan may dalang gulok
“ What a gorgeous statue!’’
“What a beautiful heroine!’’
Pabayaan mo na sila, mahal
kong Diego
Pabayaan mo na silang kalimutan
nila ang digma
ang dahas at patayan
Pabayan mo nang matuwa
sila sa akin na parang
eskultura lamang ako. Pabayaan
mo nang habambuhay
nilang matikman
ang kalayaan, pagkapantay- pantay,
Ang demokrasya
Pabayaan mo na silang mapuno
ng kasaganaan at pag- ibig
Pabayan mo na silang matuwa
tulad ng ating mga unang araw sa Vigan
nangangabayong sabay.

You might also like