Professional Documents
Culture Documents
D. Pananakop ng Hapon
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang
Pilipinas.
Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang
pangyayaring ito.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon
ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang
Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at
pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod),
nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-
7)
E. Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga
Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha atMga Piling
Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni
Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang
panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan
ng Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for
Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada
’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at
Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag samedia gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan.
Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin,
Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mgajukebox. Mga lagaristang
gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa
Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata,
Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang
pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil
sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa
OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green
Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino
ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the
Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting
kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong
Kabayo,Himala,Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney.
Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol
Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang TV at 5 and up. At
mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang produksyong
pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang
mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak
din ang maraming genre ng pelikula gaya ngindependent flims atcinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang
sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-
technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy
na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t
ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng
mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi
magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang
pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.