May panitikan nang masasabi ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga kastila. Ito ay ayon sa patotoo ng isang misyonerong kastilang nagngangalang Las Casas.
Ang pinakapapel ng mga katutubo noon ay mga kawayan,dahon ng palaspas, balat ng
kahoy at ang pinakapanulat ay mga dulo ng lanseta, mga tinulisang bakal,kahoy o patpat na kawayan.
Sa dahilang hangad ng mga misyonerong kastila na mapalaganap ang kristiyanismo,
ang mga sangkap na ito ng lumang panitikan ay kanilang sinira at ang tanging nalabi lamangn ay ang mga bugtong,salawikain, kasabihan, awit at ang mga epiko. Ang mga ito ang kinikilala ngayong “Matandang Panitikang Pilipino”
Ang mga kantahing-bayan, mga kwentong bayan at mga karunungang-bayan ay mga
katibayang mauuri bilang matandang panitikang Pilipino, mga lipat lipat-dila o salimbibig ng mga ninuno ng unang panahon.
Sa pamamagitan ng bibig o dila at ang pag-uulit-ulit nito hanggang sa matanim sa isipan
ang nilalaman ng kasaysayan o kwento ay nangyari sa panahon ng mga katutubo sa dahilang hindi pa nila nalalaman ang sistema ng pagsulat at pagbasa; dinaraan lamang ang lahat sa paraang pabigkas at pakikinig .Sa ganitong paraan natanim sa kamalayan ng mga unang ninuno ang mg pahayag na ito na siyang pinag-ugatan ng tinatawag at kinikilala ngayong panitikan.
Sa kabuuan, ang tinutukoy ng panitikan ay ang alinmang akdang tuluyan o patula
samantalang ang panitikang Pilipino ay anumang akdang sinulat ng mga Pilipino: Bicolano-Cebuano,Kapampangan,Bisaya, Ilocano,at iba pa. Ukol sa tradisyon,paniniwala at ugaling niyakap at sinarili ng mga Pilipino .
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay pagkakaroon din ng sariling panitikan na
mapagkakakilanlan ng sariling pagkatao, pagkalahi at pagkamamamayan. Ito`y isang walang kamatayang daloy ng isipan,guniguni at damdamin ng daigdig na mabubura lamang kung wala na ang tugpa ng hininga at kamalayan sa balat ng lupa. Ito`y nababalutan ng pagkabigo ,kalungkutan,panibugho, pagtataksil, pag-ibig, pag-asa, tagumpay at kaluwalhatian na maaring ipahayag sa paraang pasalita, patanghal at pasulat.
Panitikan - ang panitikan ay buhay, buhay-buhay ng mga tao o ekspresyon ng tao.
Kahulugan ng panitikan sa iba`t ibang manunulat
1. Ponciano B.P Pineda- ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal,
masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi. 2. Maria Ramos – ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng panitikan. 3. Simplicio Bisa(1987) - ang panitikan ay “salamin ng lahi”. 4. W.J Long- ang panitikan ay nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao. 5. Hon. Azarias sa kanyang aklat na “Pilosopiya ng Literatura” – ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. 6. Paz N. Nicasio at Federico B. Sebastian (1985) – ang panitikan ay kabuuan ng karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinapahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at masining na pamamaraan nakasulat man o hindi. 7. Teresita P. Capili-Sayo(1987) – ang panitikan ay lakas na nag-uugnay sa damdamin ng mga tao upang makita ang katwiran at karunungan, dahil dito`y masasabing lumilinang ang panitikan sa nasyonalismo ng mga mamamayan. 8. G.K.R Pineda at T.C Ongoco (1972) – ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan, ang panitikan tulad ng kasaysayan ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito. 9. Lydia Fer Gonzale,et al (1982)- ang panitikan ay pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat. 10. Jose A. Arrogante (1983) – ang panitikan ay talaan ng buhay