You are on page 1of 22

KASAYSAYAN NG PANITIKAN

PANGKALAHATANG TALAKAYIN
• Ito ang nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan,
ANO NGA mga damdamin, mga karanasan,
BA ANG hangarin at diwa ng mga tao. At
PANITIKAN? ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula.
1. Alamat 9. Parabula
2. Bugtong 10. Palaisipan
3. Salawikain/Sawikain
HALIMBAWA 4. Epiko
NG 5. Pasyon
PANITIKAN 6. Talumpati
7. Tula
8. Tayutay
Pero ano ba ang
kahalagahan ng Panitikan?
Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating
mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyong siya nating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.
Upang matanto natin ang ating mga
kakulangan sa pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
Upang makilala at magamit natin ang ating
mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na
ito'y malinang at mapaunlad.
Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong
nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangang maipamalas ang pamamalasakit
sa ating sariling panitikan
PANANAW NI ZEUS SALAZAR

• Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng


lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng
diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa
palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na
makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'y magpalaya ng mga
nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at
istruktura.
PANANAW NI JOEY ARROGANTE

• Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa


malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang
daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.
PANANAW NI TERRY EAGLETON

• Maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga


malikhaing salita o talinghaga. Ito ang tinatawag na “fiction”.
Subalit nagbigay siya ng argumento na hindi lahat ng malikhaing
akda ay matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks,
pelikula, telebisyon, at pocketbooks na bunga ng isang malikhaing
pag-iisip subalit hindi itinuturing na panitikan.
KASAYSAYAN NG PANITIKAN
PANAHON NG KATUTUBO

• Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya


ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at
awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat
at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal
ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
PANANAKOP NG KASTILA

• Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs –


GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing
layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang
lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
kanilang nasasakop.
• Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay
pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa
ay ang panitikang panrebolusyon.
PANITIKANG PAMAKSANG PANANAMPALATAYA
AT KABUTIHANG-ASAL

• Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat


wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti
lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
• Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang
Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang
panrelihiyong aklat.
• Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon.
Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, Santa
Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay
pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang
mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga
Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi
ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang
Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari
sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
• Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang
Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro.
PANITIKANG REBOLUSYONARYO AT SEDISYOSO
• Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na
Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-
akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang
nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong
Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga
Kabataang Dalaga sa Malolos.
• Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na
PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro
Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay
nagsisulat din.
PANANAKOP NG AMERIKANO

• Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na
ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo. Ipinakilala rin ng mga ito ang
iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-
tabing, ang pelikula.
• Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga
Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula
ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at
sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng
Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa
bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw
lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting
naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa
nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-
tahimik.
PANANAKOP NG HAPON
• Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang
Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

• Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa


pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga
makintal na maka-feministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku, nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga.
PANAHON NG PAGKAMIT NG KALAYAAN
HANGGANG KASALUKUYAN
• Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa
radyo, telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong
Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab,
Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox.
Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro,
Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at
Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro,
Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna,
Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.

You might also like