You are on page 1of 9

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SORSOGON STATE UNIVERSITY


SORSOGON CITY CAMPUS
SORSOGON CITY

BACHELOR OF CULTURE AND ARTS EDUCATION


MGA ANYO NG PANITIKAN SA PILIPINAS

Hinanda ni:
Emmanuel Antes Habla Jr.
I. PANIMULA:

Sa pinakapayak na paglalarawaang, ang isang panitikan o panulatan


ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit
upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas
lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis ang
mga ito, may punto de bista at nakapagpapa haba ng interes ng mambabasa ang
isang sulating pampanitikan.

PAUNANG GAWAIN:

PANUTO: Hanapin ang mga salitang maiuugnay or may kaugnayan sa


Panitikan:

1. 2.
3. 4.
5.

II. PAGTALAKAY NG PAKSA:


KAHULUGAN NG PANITIKAN:

• Ang Panitikan o “literarture” sa wikang Ingles ay tumutukoy sa isinulat na mga


imahenasyon, kaisipan at malikhaing pagpapahayag ng manunulat. Ito rin ay
payak na paglalarawan ng pagsulat patungkol sa tuwiran o tuluyang patula.

• Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,


relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad
ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba.
MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN :

• Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin


ng tao.
• Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay
na nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming
palaisipan dumarating sa buhay ng bawat nilalang.
• Ang panitikan ay talaan ng buhay.
• Bungang – isp na isinatitik.
• Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan nng
sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga
pahayag.
• Ito ay kabuuuan ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, pamahiin
at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda
at makasining na paraan.
• Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa isip at puso ng mambabasa

LAYUNIN SA PAGAARAL NG PANITIKAN:

• Mabasa natin ang kalinangan ng lahing Pilipino at ang mga minanang yaman ng
kaisipan
• Maituro na ang tradisyong Pilipino ay marangal tulad ng sa ibang lahi
• Maitama ang kapintasan at kakulangan ng ating panitikan
• Maipakilala ang ating kahusayan sa panitikan upang mapaningning at
mapayaman
• Maipakita ang pagmalasakit at pagtangkilik sa sariling atin
URI AT ANYO NG PANITIKAN:

MGA URI NG PANITIKAN:

• KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula


sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling
kuwento, nobela at iba pa.

• HINDI KATHANG -ISIP (NON – FICTION) - ang mga panulat na batay sa


tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan,

HALIMBAWA NG PANITIKAN
• Alamat • Talumpati
• Bugtong • Tula
• Salawikain o Sawikain • Tayutay
• Epiko • Parabula
• Pasyon • Palaisipan
AYON SA PAGHAHALIN:
May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito
ang PASALINDILA, PASALINSULAT, AT ANG PASALINTRONIKO
PASALINDILA
•Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig
ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga
makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko,
at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang
pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit
nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa
ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang
maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga
Pilipino.
PASALINSULAT
•Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng
pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap
ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang
mas naunang baybayin at mga katulad nito.
PASALINTRONIKO

Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng
panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng
teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga
diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga
aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus
ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter
AYON NG PANITIKAN:
• TULUYAN O PROSA – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng
mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo
ngpangungusap o pagpapahayag.
• TULA O PANULAAN – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa
pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma

HALIMBA NG MGA AKDANG TULUYAN:

• ALAMAT – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga
mga hayop or mga halaman.

• ANEKDOTA – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari


sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
• NOBELA – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang
kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.

• PABULA – akda kun saan amg mga tauhan ay mga hayop

• PARABULA – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong


may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

• MAIKLING KUWENTO – ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

• DULA – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa


mga teatro.

• SANAYSAY – maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na


kuru-kuro ng may-akda.

• TALAMBUHAY – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base


sa mga tunay na impormasyon.

• TALUMPATI – isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang
humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahadng isang paniniwala.

• BALITA – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob


ng isang bansa

• KWENTONG BAYAN – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan


na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan

HALIMBAWA NG MGA AKDANG PATULA

• TULANG PASALAYSAY – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga


tagpo opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

• AWIT/KORIDO AT KANTAHIN – musikang magandang pinakikinggan.

• EPIKO – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga


tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

• BALAD – uri o tema ng isang tugtugin.

• SAWIKAIN – tumutukoy ito sa:


IDIOMA – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindikomposisyunal.
MOTO – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang
grupong mga tao

SALAWIKAIN – mga kasabihan o kawikaan.

• BUGTONG – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.

• TANAGA – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na


naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.

IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO :


Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng
tao at ito’y may dalawang kalagayan ;

1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing


pinanggalingan ng panitikan.

2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga


damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Maraming ang mga akdang pampanitikan nagdadala ng malaking impluwensiya sa


daigdig.Ang ilan sa mga ito’y ang mga sumusunod :
1. BANAL NA KASULATAN – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano

2. KORAN – (ARABIA) Bibliya ng mga Muslim

3. ILIAD AT ODYSSEY – ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat


at mitolohiya

4. MAHA-BHARATAS - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya

5. DIVINA COMEDIA - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad,


pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano

6. AKLAT NG MGA ARAW - ni Confucious – (Tsina) – naging batayan ng


kalinangan at pananampalatayang Insik

7. AKLAT NG MGA PATAY – (Ehipto) – kinapapalooban ng mitolohiya at


teolohiya ng mga taga-Ehipto.

8. COUNTERBURRY TALES – ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga


ugaling Ingles at ng kanilang pananampalataya
9. EL CID CAMPEADOR – (Espanya) – nagpapahayag ng kanilang mga alamat,
pag-uugali at kasaysayan

10. UNCLE TOM’S CABIN – si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas
ng mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng
paglaganap ng demokrasya sa Daigdig

III. KONKLUSYON
Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral,
umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit
nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong
nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng Pilipino, o ng
may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito,
tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan,
tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga
likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba't ibang wika sa
Pilipinas

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na


naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang
kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula,
nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula,
alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na
pangradyo, pantelebisyon at pampelikula.

GAWAIN:
A. CROSS WORD PUZZLE: Kumpletohin ang CROSSWORD PUZZLE sa ibaba, gamitin
ang natutunan sa aralin ngayong Araw.

PABABA:
1. Ang mga panulat na batay sa
tunay na pangyayari.

2. Nagiging batayan ng
pananampalatayang Kristiyano.

4. Nahahati sa mga talata o talataan


ang mga bungkos ng pangungusap at
hindi pasaknong.

PAHALANG
3. Payak na paglalarawan ng pagsulat
patungkol sa tuwiran o tuluyang
Patula.
5. ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng
pangungusap.

6. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at


sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakas.

7. pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang


Elektroniko.

B. ESSAY: Sagutan ang mga sumusunod na tanong ayon sa inyong kaalaman at


komprehensiya: ( Hindi baba sa dalawang TALATA ang mga sagot sa mga tanong).

1. Sa iyong palagay, bakit ba importante ang Panitikan sa buhay ng Tao? At


papano it nakakaapecto sa buhay ninyo sa kasalukuyan? (4 na punto)

2. Bilang mga guro sa hinaharap, papaano ba na kakatulong ang PANITIKAN sa


iyoung karera?
IV. SANGGUNIAN:

• Jade, A. D. (n.d.). PANITIKAN | PDF. Scribd.


https://www.scribd.com/doc/48715832/PANITIKAN.
• https://quizlet.com/170498609/layunin-sa-pag-aaral-ng-panitikang-filipino-flash-
cards/
• Ang Panitikan At Mga Uri. (2014, October 25). tnhsg9filipinomanlantao.
https://tnhsg9filipinomanlantao.wordpress.com/2014/10/25/ang-panitikan-at-mga-
uri/.
• Panitikan Sa Pilipinas | Wikiwand. (n.d.). Wikiwand.
https://www.wikiwand.com/tl/Panitikan_sa_Pilipinas#/citenoteEskwela3.
• Konklusyon | PDF. (n.d.). Scribd.
https://www.scribd.com/document/468291541/konklusyon.

You might also like