You are on page 1of 6

Pamagat ng Asignatura: FIL 202 – Panitikang Rehiyonal (Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas)

Deskripsyon ng Asignatura: Ang kursong ito ay pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng


panitikan/literatura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusuri sa mga tekstong
pampanitikang hango sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Matatalakay rin ang teoryang
pampanitikang magpapaliwanag ng simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng
sistematikong paraan ng paglalarawan ukol dito.

Paksang-Aralin: (Unang Linggo)


Introduksiyon
1.1 Ang Katuturan ng Panitikan
1.2 Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan
1.3 Ang Uri ng Panitikan sa Paraang Pagsasalin
1.4 Ang Tungkulin ng Panitikan
1.5 Ang Anyo ng Panitikan
1.6 Ang Uri ng Panitikan
1.7 Ang Impluwensiya ng Panitikan

Inaasahang Pagkatuto:
• Natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng panitikan
• Nalalaman ang uri ng panitikan sa paraang pagsasalin
• Naiisa-isa ang tungkulin, anyo, at uri ng panitikan

Panimulang Gawain:

Bumuo ng pahayag na magpapakita ng ugnayan ng Panitikan sa sumusunod na salita:

BUHAY ALIW
PANITIKAN
KAALAMA
LIPUNAN
N

MASININ NAILIMBAG
G

Pagtalakay/Paglalahad:

Bawat bansa ay may sari-sailing kultura, may sari-sariling pambansang identidad na


madaling pagkakakilanlan ng bawat isa. Kung natural lamang sa bawat isa ang magkaroon ng
sariling wika, natural lamang din na magkaroon ang bawat isa ng sariling panitikan. Panitikang
magsasalamin sa tangi at tunay na sarili – pagkatao, pagkalahi at pagkabansa.

KATUTURAN NG PANITIKAN
Talaan ng buhay (Arrogante), sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay
ng kaniyang buhay, ang daigdig na kaniyang kinabibilangan at pinapangarap.

Lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan (Salazar).

Kalipunan ng mga akdang naisusulat sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag (Webster).

Kung gayon ang tunay na Panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan


at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan sa pamamagitan
ng aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang
panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

 Sa pamamagitan nito ay malalaman, madarama at masusumpungan natin kung paano


nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.
 Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid ang kaugnayan ng
kasalukuyan sa nakaraan upang sa gayon ay maharap natin ang darating ng may lakas at
talino.
 Nakikilala natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na
simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.

-mula sa aklat na Salamin ng Lahi -

URI NG PANITIKAN SA PARAANG PAGSASALIN

Pasalindila – kung ito’y nasasalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.

Pasalinsulat – ang mga dating panitikang inaawit, ikinukuwento, o binibigkas lamang ay


naisatitik na mula nang matutuhan ng tao ang sistema ng pagsulat.

Pasalintroniko – paraan ng pagsasalin gamit ang makabagong teknolohiya.

TUNGKULIN NG PANITIKAN

Dulce – tungkuling magbigay kaalaman, impormasyon at aral

Utile – tungkuling magbigay-aliw

ANYO NG PANITIKAN
Tuluyan – kung ito’y naisusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa paraang patalata.

Patula – Ito’y nasusulat sa taludturan at saknungan.

Pandulaan – kung ito’y itinatanghal sa entablado.

URI/GENRE NG PANITIKAN
Mga Akdang Tuluyan

Nobela – mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap sa


mahabang panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan, at nahahati sa mga kabanata.

Maikling Kuwento – salaysay ng mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o ilang


tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon.

Alamat – salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay.

Pabula – salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging mga bagay na walang
buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na mga tao.

Parabula – kuwentong hango sa banal na kasulatan.

Sanaysay – isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang


suliranin o paksa.

Anekdota – maikling salaysaying layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa.

Talambuhay – kasaysayan ng buhay ng isang tao.

Balita – paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, lalawigan, sa pamahalaan


at iba pa.

Talumpati – isang pagpapahayag na binibigkas saharap ng mga tagapakinig.

Mga Akdang Patula

Tulang Pasalaysay – kuwento ng mga pangyayaring nasusulat ng patula, may sukat at tugma.
* Epiko – tula hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan sa mga pangyayaring di kapani-paniwala.
* Awit at Korido – patulang pasalaysay na paawit kung basahin.

Tulang Pandamdamin o Liriko – tulang tumatalakay sa nilalaman ng damdamin.


* Awiting Bayan – tulang binibigkas ng may himig.
* Soneto – binubuo ng 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan.
* Elehiya – tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng minamahal sa
buhay.
* Dalit – tulang inaawit bilang papuri sa Diyos.
* Pastoral – tulang naglalarawan ng pamumuhay sa bukid.
* Oda – tulang may kinalaman sa paghanga sa isang bagay.

Tulang Patnigan – paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga


namatayan.
*Balagtasan – patulang pagtatalo o pangangatuwiran.

Mga Akdang Pandulaan

* Teatro
* Dulang Panradyo
* Dulang Pantelebisyon
* Dulang Pampelikula
* Dulang Panlansangan

IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN

Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng


tao at ito’y may dalawang kalagayan:
(1) Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng panitikan.
(2) Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin
at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Maraming mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa


daigdig. Ilan sa mga ito’y ang sumusunod:

Banal na Kasulatan o Bibliya – Ang naging batayan ng pananampalatayang Kristiyano sa buong


daigdig.

Koran mula sa Arabia – Ang pinakabibliya ng mga Muslim.

Illiad at Oddysey ni Homer – Kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.

Mahabharata - Tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa India. Ipinapalagay itong


mahabang epiko sa buong daigdig.

Canterbury Tales ni Chaucer – Naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles


noong unang panahon.
Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe – Nagbukas sa mga mata ng mga Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.

Divine Comedia ni Dante – Nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga


Italyano noong unang panahon.
El Cid Compeador – Naglalarawan sa katangiang panlipi ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.

Isang Libo at Isang Gabi – Akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglalarawan ito ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.

Aklat ng mga Araw ni Confucius – Naging Batayan ng pananampalataya ng mga Intsik.

Aklat ng mga Patay – Naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiyang
Ehipto.

Awit ni Rolando- Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay rito ang
gintong panahon ng Kristiyanismo sa Pransya.

Pagsasanay/Pangwakas na Gawain:

Batay sa natutuhan, itala ang nakikitang adbantahe at disadbantahe ng uri ng panitikan


sa paraang pagsasalin.
Adbantahe

PASALINDILA
Disadbantahe

Adbantahe
PASALINSULAT
Disadbantahe

Adbantahe
PASALINTRONIK
O
Disadbantahe

Sanggunian:

Almario, V. (2006). Pag-unawa sa Ating Pagtula. Mandaluyong City: ANVIL Publishing, Inc.

Arrogante, J.A. et al. (2004). Panitikang Filipino (Antolohiya). Mandaluyong City: Cacho Hermanos Inc.
Casanova, A. et. al., (2011). Mga Kuwentong-Bayan ng Katimugang Pilipinas. Mandaluyong City: ANVIL
Publishing, Inc.

Mag-atas, R.U. (1994). Panitikang Kayumanggi. Valenzuela City: Printing Co., Inc.

Villafuerte, P. et. al., (2006). Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas. Valenzuela City: Mutya Publishing
House, Inc.

You might also like