You are on page 1of 7

[tapusin]

Panitikan
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigationJump to search

Larawan ng mga librong pampanitikan.

Isang aklatang may mga aklat pampanitikan.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang isang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng


tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito
mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga
panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi
ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis ang mga ito, may punto de
bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at
[1]

mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,


kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura
sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing
pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.[1]

Nilalaman

 1Mga uri ng panitikan


 2Mga akdang pampanitikan
 3Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking Impluwensiya Sa
Buong Daigdig
 4Kaugnayan sa kalinangan
 5Kaugnayan sa kasaysayan
 6Tingnan din
 7Mga sanggunian
 8Mga talaugnayang panlabas

Mga uri ng panitikan[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang
mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin
at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat
ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga
tauhan, pangyayari,, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang
mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.[1]
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na
balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi
gawa-gawa lamang ang nakaka-engganiyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-
bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang
mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-
kasaysayan.[1]

Mga akdang pampanitikan[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga Akdang Tuluyan

 Anekdota
 Nobela
 Pabula
 Parabula
 Maikling kuwento
 Dula
 Pasaling Dula
 Sanaysay
 Talambuhay
 Talumpati
 Balita
 Kuwentong bayan
 Salawikain
 Kasabihan
 Alamat
 Mito
Mga Akdang Patula Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang
mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

 Awit at Korido
 Epiko
 Balada
 Sawikain
 Salawikain
 Bugtong
 Soneto
 Kantahin
 Tanaga
 Tula

Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking


Impluwensiya Sa Buong Daigdig[baguhin | baguhin ang batayan]
 Bibliya o Banal na Kasulatan- naging batayan ng
pananampalataya ng mga Kristiyano

 Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal na aklat ng mga


Muslim

 Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados


Unidos- nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig
na paglaganap ng demokrasya

 Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya- kinatutuhan ng mga


alamat at mitolohiya
 Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng
pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano
sa kapanahunang yaon

 Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga


kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles

 Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng


pananampalataya at kalinangang Intsik

 Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng


mga tao sa Arabya at Persya

 El Cid Compeador- tumatalakay sa kasaysayan ng


Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga
Kastila

 Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong ginto ng


Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces
Valles Doce Pares ng Pransya

 Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya


ng mga mamamayan ng Ehipto

 Mahabharata- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa


buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya
sa India

Kaugnayan sa kalinangan[baguhin | baguhin ang batayan]


Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan
ng kalinangang pinagmulan nito.[1]

Kaugnayan sa kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung
ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o
talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid
at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng
mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng
mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga
tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at
puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa,
pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]


 Panitikan sa Pilipinas
 Panitikang pambata
 Pagsusuring pampanitikan

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


1. ↑           The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat
Umakyat patungo:1.0 1.1 1.2 1.3 1.4

ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN


0-7172-0508-8
2. ↑ Sauco, Consolacion P., Nenita P. Papa, at Jeriny R.
Geronimo. Panitikan ng Pilipinas.

Mga talaugnayang panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


 Websayt ng PANITIKAN.com.ph – sityo ng National
Commission on Culture and the Arts, Likhaan Foundation,
Inc., at LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing.
 Panitikan - Karagdagang mga impormasyon ukol sa
panitikan
May kaugnay na midya ang
Wikimedia Commons ukol
sa artikulong:

Literature
LCCN: sh85077507
GND: 4035964-5
g
BNF: cb11939456c (data)
d
NDL: 00560981
BNE: XX5379304
Kategorya: 
 Panitikan
 Kultura
 Kultura at sining
Nav menu
 Hindi naka-login
 Usapan
 Mga inambag
 Gumawa ng account
 Mag-login
 Artikulo
 Usapan
 Basahin
 Baguhin
 Baguhin ang batayan
 Kasaysayan
Hanapin
Hanapin Punta

 Unang Pahina
 Mga nilalaman
 Napiling nilalaman
 Mga kaganapan
 Alinmang artikulo
Pakikihalubilo
 Patungkol
 Pamayanan
 Kapihan
 Mga huling binago
 Magkaloob
 Makipag-ugnayan
 Tulong
Mga gamit
 Mga nakaturo rito
 Kaugnay na pagbabago
 Natatanging pahina
 Permanenteng link
 Impormasyon ng pahina
 Sumangguni
 Item na Wikidata
I-print/i-export
 Lumikha ng isang aklat
 I-download bilang PDF
 Bersyong mapi-print
Sa iba pang proyekto
 Wikimedia Commons
Sa ibang wika
 Cebuano
 English
 Español
 हिन्दी
 Ilokano
 Kapampangan
 ‫اردو‬
 Winaray
 中文
184 pa
Baguhin ang mga link
 Huling pagbabago: 13:25, 15 Hunyo 2021.
 Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.
 Patakaran sa Pagkapribado

 Tungkol sa Wikipedia

 Pagtatanggi

 Bersyong pang-mobile

 Mga Developer

 Estadistika

 Tungkol sa Cookie

You might also like