You are on page 1of 10

LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF

MODULE TECHNOLOGY

TEORYANG
ROMANTISISMO
At
EKSISTENSIYALISMO

Ipinasa ni:
Dinahrae P. Valiente
MAEd - FILIPINO

Ipinasa kay:
DR. GEMMA R. ESCULTOR
PROPESOR

March 2021

ARALIN 1 TEORYANG
ROMANTISISMO
Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 1
LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

PANIMULA:

Ang Romantisismo ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa


akda. Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap.
Nagbibigay ang teoryang ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng
pagtakas sa katotohanan, heroismo at pantasya.
Umusbong ang Romantisismo sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabingwalong
dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na
pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas
ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang
sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad
at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga
karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalaking
nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
Nagpapakita ang Romantisismo ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao.
Mas pinapahalagahan pa ito kaysa mga gamit sa mundo. Anyo ito ng pag-iisip na
nagpapahalaga sa indibidwal, imahenasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Sa
romantisismo rin matatagpuan ang laging pag-aangat sa higit na mataas na antas o
nibel ang kaluluwa, pag-iisip, at moralidad.

MGA LAYUNIN:

Sa loob ng 45 minutos inaasahan ang mga mag-aaral maisagawa ang mga


sumusunod na layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan ng Romantisismo


2. Nalalaman ang mga manunulat ng Teoryang Romantisismo
3. Nasasagutan ang mga katanungan tungkol sa paksa.

PAGTATALAKAY:

TEORYANG ROMANTISISMO

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 2


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

Romantiko (Maromantiko) – terminong unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang


ibig sabihin ay nahahawig sa malafantasyang katangian ng midyeval na romansa.

Dalawang Uri

1. Tradisyunal na Romantisismo
- Nakatuon sa makasaysayan at nagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at
tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at
pagkakristyano.

2. Romantisismong Rebolusyonaryo
– Ito ay bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas,
kapusukan at pagkamakasarili.

Ang Romantisismo ay nagpapamalas ng:

 Pag-ibig sa kalikasan
 Pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan
 Paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao
 Paghahangad ng espirituwalidad at hindi mga bagay na material
 Pagpapahalaga sa dignidad
 Kahandaang mag mahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at
magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

MAKATANG ROMANTIKO:
Maikling Kuwento at Nobela
Panulaang Pilipino
 Macario Pineda
q Jose Corazon de Jesus  Jose Esperanza
q Lope K. Santos  Faustino galauran
q Idelfonso Santiago
q Florentino Collantes
q Inigo Ed Regalado
q Teodoro Gener
SARILING PAGSUSURI

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 3


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

Upang lubos nating mapalawak ang ating kaisipan sagutin ang mga sumusunod na tanong
ng buong kahandaan at kagalakan upang ganap na masagutan ang mga nakahandang
katanungan. Handa ka na ba?

A. Basahin ang pangungusap at isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay
tama at MALI kung ang pahayag ay mali.

_____ 1. Kasalungat ng romantisismo ang Humanismo sapagkat ang higit na


pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni.

_____ 2. Ang Romantisismo ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob


sa akda. Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at
pangungusap.

_____ 3. Sa romantisismo rin matatagpuan ang laging pag-aangat sa higit na


mataas na antas o nibel ang kaluluwa, pag-iisip, at moralidad.

_____ 4. Tradisyunal, ito ay bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na


may pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.

_____ 5. Nakatuon sa makasaysayan at nagpapanatili o pagbabalik sa mga


katutubo at tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo,
pagkamaginoo at pagkakristyano.

B. SEMANTIC WEB. Punan ang mga hinihinging kasagutan sa loob ng sematic


web. 15 puntos

Ano-ano ang
Ano-ano ang
dapat ipamalas
dapat ipamalas
ng Teoryang
ng Teoryang
Romantisismo
Romantisismo
?
?

TEORYANG
ARALIN 2
Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino 4
EKSISTENSIYALISMO
February 2021
LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

PANIMULA:

Ang teoryang ito ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng


personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan at
katuwiran at sinusuri ang tauhan batay sa kaniyang kilos, paniniwala, paninindigan
na ang tao lamang ang tanging may kakayahang megdesisyon sa kaniyang sarili.

MGA LAYUNIN:

Sa loob ng 45 minutos inaasahan ang mga mag-aaral maisagawa ang mga


sumusunod na layunin:
1. Naiintindihan kung ano ang paksa
2. Nauunawaan ng mabuti ang iba’t ibang pananaw ng eksistensiyalism;
3. Nakasusuri ng piyesa.

PAGTATALAKAY:

Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan


at sa mundo. Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng
pagtanggap niya sa naging bunga ng pagpapasya.

PANANAW NG EKSISTENSIYALISMO
Malaya ang Tao – siya lamang ang maaaring magdesisyon kung paano niya
guguluhin ang panahon niya habang siya ay buhay

Responsable ang Tao – siya lamang ang responsible sa kaniyang buhay kahit pa
nag desisyon niya ay para sa kaniyang kabutihan o kasamaan

Indibiduwal ang Tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kaniyang pag-iisip.
Damdamin, kaalaman at kamatayan ay kaniya lamang.
Walang makapagsasabi kung alin ang tama o mali maliban sa taong
nakaranas sa pinag-uusapan.

SARILING PAGSUSURI

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 5


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

Basahin at unawain mabuti ang akdang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ako ang Daigdig


ni Alejandro G. Abadilla

Tinaguriang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog,” si Alejandro G. Abadilla o


mas kilala sa kanyang palayaw na “AGA,” ay isinilang sa bayan ng Rosario, Cavite.
Lumaki sa simpleng pamilya, nang makatapos sa sekondarya o mataas na paaralan ay
nagtungo si Alejandro sa Amerika upang mag-hanapbuhay at masuportahan ang
pamilya. 
I Ako
Ako ang larawang
ang daigdig buhay
Ako ang tula
Ako ang daigdig Ako
ng tula ang buhay
na walang hanggan
Ang tula ng daigdig
Ako ang walang maliw na Ako Ako
ang walang kamatayang ako ang damdamin
ang larawan
ang tula ng daigdig
ang buhay
II Damdamin
Ako ang daigdig ng tula larawan
Ako ang tula ng daigdig buhay
tula
Ako ang malayang ako matapat sa sarili ako
sa aking daigdig
ng tula
IV
Ako ang tula Ako
sa daidig ang daigdig
Ako ang daigdig
sa tula
ng tula
Ako
Ako
ang tula
III
Ako sa daigdig
ang damdaming
malaya Ako
ang daigdig

Ako
ang tula
SARILING PAGSUSURI O PAG-UNAWA SA SARILING PAGKATUTO
Daigdig

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 6


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

A. Upang lubos nating mapalawak ang ating kaisipan sagutin ang mga sumusunod na
tanong ng buong kahandaan at kagalakan upang ganap na masagutan ang mga
nakahandang katanungan. Handa ka na ba?

1. Sino ang sumulat ng akdang “Ako ang Daigdig” at katayuan niya sa buhay?

2. Batay sa iyong sariling pananaw, bakit kaya niya pinamagatang “Ako ang Daigdig”
ang kaniyang piyesa?

3. Akma bang tawaging napabilang sa teoryang Eksistensiyalismo ang nasabing akda?


Bakit?

4. Suriin ang ibig ipakahulugan ng saknong sa ibaba mula sa tulang “Ako ang Daigdig”.
“Ako
Ang damdamin
Ang larawan
Ang buhay
Damdamin
Larawan
Buhay
Tula
Ako”

B. Punan ang Matrix. Isulat ang kahingian kahulugan ng mga salita.

Malaya ang Tao

Responsable ang Tao

Indibiduwal ang Tao

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 7


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

SUSI SA PAGWAWASTO
TEORYANG ROMANTISISMO

A. SARILING PAGSUSURI (Tama o Mali)


1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
B. Semantic Web (15 puntos)

Paniniwala sa
taglay na
kabutihan ng tao

Pagmamahal sa
kalayaan at sa Pag-ibig sa
lupang kalikasan
sinilangan
Ano-ano ang
Ano-ano ang
dapat ipamalas ng
dapat ipamalas ng
Teoryang
Teoryang
Romantisismo?
Romantisismo?

Paghahangad ng
espirituwalidad
Pagpapahalaga
at hindi mga
sa dignidad
bagay na
material

TEORYANG EKSISTENSIYALISMO

A.
1. Si Alejandro G. Abadill ang sumulat ng akdang “Ako ang Daigdig”. Tinaguriang “Ama
ng Makabagong Panulaang Tagalog,” mas kilala sa kanyang palayaw na “AGA,” ay
isinilang sa bayan ng Rosario, Cavite. Lumaki sa simpleng pamilya, nang makatapos
sa sekondarya o mataas na paaralan ay nagtungo si Alejandro sa Amerika upang
mag-hanapbuhay at masuportahan ang pamilya. 

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 8


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

2. Sa tingin ko’y ipinapakita rito ang pagkakaisa ng katauhan ng nagsasalita sa daigdig,


at sa tula. Ang salitang ako, daigdig, at tula ay pinagbabaliktad dahil sila ay pare-
pareho at hindi mo makikilala ang kanilang pagkakaiba.

3. Masasabi kong akmang tawaging napabilang sa teoryang Eksistensiyalismo ang


nasabing akda dahil hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng
tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan at katuwiran at sinusuri
ang tauhan batay sa kaniyang kilos, paniniwala, paninindigan na ang tao lamang ang
tanging may kakayahang megdesisyon sa kaniyang sarili.

4. Pinapakita niyaang pagkakaisa ng kaniyang pagkatao, damdamin, at paniniwala sa


tula na kaniyang daigdig. Ang huling salita dito ay “ako” at pinapakita nito ang
kaniyang pagtitiwala sa pasya niyang lumihis sa nakasanayang estilo ng panunulat
ng tula.

B. Punan ang matrix. Isulat ang kahingian kahulugan ng mga salita.

Malaya ang Tao Siya lamang ang maaaring magdesisyon kung


paano niya guguluhin ang panahon niya habang
siya ay buhay
Responsable ang Tao siya lamang ang responsible sa kaniyang buhay
kahit pa nag desisyon niya ay para sa kaniyang
kabutihan o kasamaan
Indibiduwal ang Tao walang isang tao na kaparehas niya. Ang
kaniyang pag-iisip. Damdamin, kaalaman at
kamatayan ay kaniya lamang.

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 9


LEARNING SURIGAO STATE COLLEGE OF
MODULE TECHNOLOGY

MGA SANGGUNIAN

 https://www.slideshare.net/benjieolazo/teoryang-romantisismo-at-
realismo
 https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-
eksistensyalismo-2/
 https://abliterature-philippines.com/module-on-ako-ang-daigdig/

Filipino 211- Pagtuturo ng Filipino February 2021 10

You might also like