You are on page 1of 14

PAGSUSURI

I. “MGA BUGTONG TUNGKOL SA PRUTAS”

II. Konsepto ng Metapora

Ang metapora ay isang tuwirang paghahambing nang dalawang bagay na pinaghahalintulad


na ipinapalagay na iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng
pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay sa bagay na ihinahambing.

III. Pagsusuri

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o


nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong). Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw
na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong
nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata o mga matatanda. Sa
pagsisimula ng isang bugtong sa wikang Tagalog, karaniwang sinasabi muna ang katagang
"bugtong-bugtong" bago sabihin ang pinaka- bugtong at madalas itong may tugma.

Sinasabing ang bugtong ay pinapahayag sa pamamagitan ng mga metapora o ng metaporiko


kung saan tinutukoy nito ang isang bagay sa pamamagitan ng pagbanggit sa isa pang bagay
na naglalarawan o tumutukoy sa pinaka paksa o sagot ng bugtong. Katulad ng mga bugtong
ang mga pahayag na matalinhaga o may metapora ay kinakailangan pag isipang mabuti
upang maintindihan ang ibig nitong tukuyin o sabihin, dahil hindi basta basta ang
pagkakasulat nito ng may akda. Ang bawat salita o pahayag katulad sa bugtong ay
ginagamitan ng iba't ibang uri ng metapora tulad ng simile o paghahalintulad,
personipikasyon kung saan sang isang bagay ay hinahalintulad sa kaugalian ng tao, ang
hyperbole naman na ay ang pagmamalabis na paglalarawan sa katotohan o katangian ng
mga bagay at marami pang iba.

1
I. “MGA PAMAHIIN SA BUROL NG PATAY”

II. Teoryang Saykolohikal at Teoryang Eksistensiyalismo

Sa paggamit ng teoryang saykolohikal, layunin ng panitikan na ipaliwanag sa pamamagitan


ng mga salig sa pagbuo ng mga naturang behavior (pag uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) ng isang tauhan sa kanyang akda. Ipinapakita din sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng bagong behavior dahil sa mga salig.

Ang teoryang eksistensyalismo sa panitikan ay may layunin na ipakita na may kalayaan ang
tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo.

III. Pagsusuri

Ang mga katutubong paniniwala ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan at kultura bilang


Filipino. Ang mga paniniwalang ito ay nagpapakita ng ating gawain, tradisyon at kasanayan
na maaaring maglarawan ng ating pang araw- araw na pamumuhay na atin namang
namana mula sa ating mga ninuno. Isa lamang sa maraming bagay na ipinasa sa atin ng
nagdaang lahi ang pamahiin. Ang mga pamahiin ay ang mga paniniwalang walang batayan
hinggil sa mga bagay bagay na wala namang kinalaman sa isa’t isa ngunit mayroon itong
malaking epekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Noon pa man, nakasanayan na ng mga Filipino ang gawing batayan ang mga pamahiin
upang maging gabay sa kanilang pamumuhay sa araw-araw. Madalas ay nagiging batayan
rin ito ng pagkamit ng swerte o di kaya naman ay upang makaiwas sa kamalasan o hindi
magandang takbo ng buhay. Maging ang paggawa ng tama at dapat o ng mali at hindi dapat
gawin ay dito na rin ibinabatay.

Ang pamahiin para sa akin ay pinaghalong teoryang saykolohikal at eksistensyalismo. Una,


dahil ipinapakita sa akda na sa akda (pamahiin) na ang tao ay nagbabago ay nagkakaroon
ng panibagong behavior dahil may nag udyok na mabago o mabuo ito, nababago nito ang
persepsyon ng tao sa mga bagay bagay at kaisipan kung susundin ba ito o hindi kahit wala
itong siyentipikal na pag aaral. Panghuli ay ang kalayaan ng tao at kakayahan na mag

2
desisyon para sa kaniyang sarili kung susundin niya ba ang sinasabi ng ibang tao at ng
lipunan o mas pipiliin niyang mangatwiran pa para patunayan ang katibayan ng
kahalagahan ng isang akda. Wala din namang mawawala kung susundin natin ang mga ito.

3
I. “MGA KASABIHAN TUNGKOL SA BUHAY”

II. Teoryang Moralistiko

Sa paggamit ng teoryang moralistiko, layunin ng panitikan na ilahad ang iba't ibang


pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao- ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian
ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.

III. Pagsusuri

Ang ibig sabihin ng kasabihan ay isang pangungusap na madalas na sinasabi ng mga tao at
nagbibigay ng payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao. Ito ay isang
maikling kilalang pananalita - isang pahiwatig ng karunungan at katotohanan o isang
pangkalahatang payo.

May mga kasabihan tungkol sa pag-ibig. Meron din namang tungkol sa buhay at tungkol sa
kabataan. May mga kasabihan din na nakakatawa. Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang
Pilipino. Ito ay ipinasa sa atin ng ating mga ninuno, ang kasabihan ay nagbibigay ng paalala
at mabutiing aral sa atin.

Ang mga kasabihan ay matuturing na ginamitan ng teoryang moralistiko bilang


pinapahalagahan nito ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda. Dito ang
tao ay makatwiran, nilikha ng may malawak na pag iisip at kusang loob. Ang kasabihan o
moralidad ang gagabay sa atin kung anu ang mabuti, tumpak, at makatwiran batay sa batas
ng diyos at ng tao. Ito ay nakatuon sa bisa ng isang panitikan sa kaasalan, isipan at
damdamin ng tao.

Hindi man katanggap tanggap ang ilang mga sinasabi ng mga kasabihan, patuloy pa rin
itong ginagamit ng nakakarami sa atin lalo na ang mga matatanda uoang magbigay aral sa
mga bata at ang ilan ay magbigay inspirasyon sa iba upang magpatuloy sa pagtahak sa
daang kanilang tinutungo.

4
I. “MGA AWITING BAYAN TUNGKOL SA PAG-IBIG”

II. Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o ng kahit anung
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kanyang
kinalakihan. Ipinapakita rin na akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag ibig sa ibang tao o sa bayan niya.

III. Pagsusuri

Ang mga awiting bayan ay ang mga katutubong awitin ng mga ninuno natin noong
panahing ng pre kolonyal o bago tayo sakupin ng mga kastila na naging parte ng saling-dila
ng mga naunang henerasyon upang patuloy itong ipamana at ipaalam sa lahat. Ang awiting
bayan ay nagpapakita ng iba't ibang paraan ng pamumuhay at pag uugali ng mga tao, mga
kaisipan at damdamin ng bayan. Ito rin sinasabing kasasalaminan ng kalinangan isang lahi
(lahing Pilipino) at nagpapakita ng diwang makata bilang ito ay bunga ng bulaklak ng
matulaing damdaming galing sa puso kaluluwang bayan.

Ang ilan sa mga awiting bayan ay maikokonekta sa teoryang romantisismo bilang layunin
ng teoryang ito na ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o ng sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag ibig. Ipinakikita rin sa akda (mga awiting bayan) na gagawin ng isang
tao o nilalang ang lahat upang maipaalam at maipahayag lamang ang kanyang tuos pusong
pagmamahal sa tao o bayang napupusuan.

Sa bawat liriko ng mga awiting bayan, mapapansin at mararamdaman ang ipinapamalas


nitong pag ibig sa paksa nito- tao, bagay o bansa. Ang bawat salitang ginamit ay nilalarawan
ang napupusuan ng may akda o kumakanta. Ipinakita rin sa kanta ang kanilang mga
pinagdaan, ang larawan ng kanilang paligid o unang pagkikita, ang alaala ng kanilang pag
ibig at kung anu ang kaya nilang gawin sa ngalan ng pag ibig para sa kanilang kapwa o
bansang tinatangi.

5
APENDIKS

MGA BUGTONG TUNGKOL SA PRUTAS:


1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

 Sagot: Langka

2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.

 Sagot: Bayabas

3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.

 Sagot: Kasoy

4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.

 Sagot: Atis

5. Isang tabo, laman ay pako.

 Sagot: Suha

6. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.

 Sagot: Santol

7. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.

 Sagot: Saging

8. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.

 Sagot: Balimbing

9. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.

 Sagot: Niyog

6
10. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.

 Sagot: Dahon ng saging

MGA PAMAHIINSA BUROL NG PATAY

 Ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay na para sa patay ay magiging


magnanakaw sa habambuhay.

 Bawal magpapakuha ng larawan na tatlo lamang dahil mamamatay ang isa.

 Bawal magpatay ng manok kung hindi pa nakakapagbabang luksa.

 Bumibisita ang yumao kapag ayaw umalis ang isang kulay tsokolateng paruparo.

 Hindi dapat magwalis kapag may patay sa bahay.

 Huwag kumanta habang nasa harap ng kalan dahil maagang mamamatay ang
mapapangasawa.

 Huwag lumapit sa patay kapag may sugat dahil hindi ito gagaling.

 Huwag matutulog na paharap sa pinto dahil hihilahin ni kamatayan.

 Iwasang mauntog ang kabaong kapag inilalabas ng bahay para hindi mahirapan ang
kaluluwa ng namatay.

 Kailangang gumising kapag may dumaang karo ng patay dahil baka isama ng namatay

MGA KASABIHAN TUNGKOL SA BUHAY:

 Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.

 Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

 Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.

7
 Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan.

 Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.

 Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.

 Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.

 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.

 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.

 Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.

MGA AWITING BAYAN TUNGKOL SA PAG-IBIG:

“BARONG TAGALOG”

Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik

Ang barong Tagalog na sadyang makisig.

Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip

Na ito’y damit ng bansang kay hirap malupig.

Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga

Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina.

Sa sariling bayan nati’y alinsangan

Makapal na kayoy hindi kailangan.

Ang barong Tagalog kahit sinamay lang

Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang.

Nang maghimagsik itong ating bansa

8
Dahil sa paglaya

Ang barong Tagalog natin ay dakila

Pagka’t siyang ginamit

Ng bayaning namayapa.

“BANAHAW”

Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis

Sa bundok Banahaw

Ay inihahatid, ay inihahatid

Nang hanging amihan

Kaya’t yaring abang puso

Sakbibi nang madlang lumbay

Sa sandaling ito, sa sandaling ito’y

Naliligayahan.

Halina, irog ko at tayo’y magsayaw

Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay

Dini naman sa lumang kudyapi

Ikaw irog aking aawitan

Sa saliw ng hanging palay-palay

Sa bundok ng Banahaw.

9
“AY, AY, AY, O, PAGIBIG”

Buhat nang kita’y makita

Nadama ang pagsinta

Ng puso kong nagdurusa

Giliw ko, maawa ka.

Huwag mo sanang pahirapan

Puso kong nagdaramdam

Pagka’t magpakailan man

Ikaw ang tunay kong mahal.

Ay, ay, ay, ay O pagibig

Pagpumasok sa puso ay may ligalig

Ay, ay, ay, ay, ay hanggang langit

Ang pangako ng pusong umiibig

“ALAALA KITA SA PAGTULOG”

Akala mo yata kita’y nililimot

Alaala kita sa gabing pagtulog

Ang inuunan ko luhang umaagos

Ang binabanig ko ay sama ng loob.

Di ka na nahabag, di ka na naawa.

Lusak na ang lupa sa patak ng luha.

10
Buksan mo na neneng ang munting bintana

At ako’y dungawin nagmamakaawa.

“MANANG BIDAY”

Manang Biday, ilukatmo man


‘Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem ‘toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian
Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad
Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto ‘diay sadi daya
Agalakanto’t bunga’t mangga
Ken lansones pay, adu a kita
No nababa, dimo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng
Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso
Alaem dayta kutsilio
Ta abriem ‘toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento

11
12
13
14

You might also like