You are on page 1of 19

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o

impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento,ang maikling

kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa

buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.

Dito, mas mapapalawak ang mga kaalaman ng bawat isa ukol sa mga teoryang

panitikan na siyang mag papakita ng pagiging malikhain ng bawat Pilipino. Kung iba’t

ibang klaseng storya ang kanilang nalilikha, iba’t ibang ugali ang nagagawa,

mgakarakter na minsan lang makita, mga pangyayari na kung saan nakakadama tayo

ng kasiyahan, inis, galit, lungkot, panghihinayang at sakit. Dahil nga sa mga

malilikhaing gawa ng mga Pilipino sa mundo ng literatura marami ng nakamit angating

mga kapwa manunulat na parangal na siyang hinahangaan ng mga dayuhang

manunulat.

Marami nang maikling kwento ang siyang nagpapaantig at nagbibigay ng

liwanag sa ating di maipintang kalagayan. Mga simpleng kwentong may laman at

nakakatulong sa pagpapaunlad ng isang tao sa kanyang sarili. Natuto sa bawat

pangyayaring nilalaman ng istorya. Mga buhay ng tao na nalugmok at muling


bumangon, kaganapang nagdudulot ng kagalakang sa bawat mambabasa. Dahil sa

mga ito maraming teorya ang nagsilabasan ukol sa pagsusulat ng maikling kwento,

mga teorya na pinagkukunan ng ideya nga mga manunulat upang mas mapaganda ang

kanilang malikhaing gawa. Isa na rito ang tatalakayin natin sa tesis na ito ang Teoryang

Moralismo at ating alamin ang mga aral na ating makukuha sa maikling kwentong ating

babasahin.

Ang Moralismo, Ipinapalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o

magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabambuhay at

unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.

Kung bibigyan nang masusing pansin ang mga mahahalagang aral at mga

balyung maikikintal mula sa mga maikling kwento, dito papasok ang usaping moralidad

na akma sa kasalukuyang panahon. Mapapansing marami sa mga kabataan ngayon

ang kakikitaan ng kawalang-galang sa mga matatanda maging sa mga guro at kapwa

mag-aaral. Sa halip na pagtuunang-pansin ang pag-aaral ay nahuhumaling sa pag-

inom, paninigarilyo at paggamit ng droga. Ang pambu-bully, pangongopya, pagkakalat

ng mga basasura, “vandalism”, palaging huli sa klase, madaldal, tamad, matigas ang

ulo at hindi pagsunod sa patakaran ng paaralan ay ilan lamang suliraning pampaaralan

na bunga ng kakulangan sa pagpapahalaga sa moralidad.

Mahalaga ang moralidad sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao. Isa itong

pangunahing kailangan upang makamit ng tao ang kanyang mga hangarin sa buhay.
Teoritikal at Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Pinapalagay sa pag-aaral na magiging matagumpay ang isang pag-aaral lalo na’t

may katulong na mga teorya na siyang gagamiting gabay upang makamit ang minimithi

ng mananaliksik. Isinalig ng mananaliksik sa Teoryang Moralistiko ang kanyang pag-

aaral. Sa teoryang ito, layunin ng panitikang ilahad ang iba't ibang pamantayang

sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din

nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang

kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan (Dinglasan, 2005). Samaktwid,

napagkakasunduan ang moralidad ayon na rin sa kaantasan nito. Ang aral na

pinahahalagahan sa mga akda ay nasa larangan ng moralidad ng kilos at gawi sa pang-

araw-araw na buhay ng tao bilang isang mamamayan o kasapi ng komunidad.

Sa pag-aaral na ito ay inilalahad ng mananaliksik upang tuwirang maipakita ang

daloy ng pagsusuring gagawin sa mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat, Sandy

Ghaz, Benjamin P. Pascual. Tinukoy ng mananaliksik ang pinag-ugatang

pagpapahalagang moral na angkin ng mga tauhan sa kwento. Ang mga

Pagpapahalagang Moral. Paggalang sa Buhay (Respect for Life), ang buhay ay

dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito ay paraan ng pagpapahalaga at

pagmamahal sa Diyos. Ang mga magulang ay nararapat na igalang dahil sila ang

umalalay sa mga anak. Paggalang sa mga magulang dahil sila ang paraan at tinatawag

na kasama sa paglikha ng tao sa mundo . Ang pagiging marangal na tao ay nababatay

sa kung paano ka kumilos ayon sa kasarian. At Wastong Pamamahala ng mga

Materyal na Bagay (Responsible Dominion Over Material Things), naunang likhain ng

Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa tao kayat ang tao ang siyang
ginawang tagapangasiwa ng mga ito. Ang tao ay lilipas sa mundong ito ngunit

mananatili ang mga bagay sa mundo. Paggalang sa Mas Nakakatanda (Respect

Olders) Mayaman o Mahirap dapat ipagkaloob natin an gating respeto sa mas

nakakatana sa atin. Paggalang sa Kapwa Tao, Ang tao ay may kanya kanyang abilidad

at persepsiyon sa buhay. Huwag manghusga ng hindi pa alam ang buong katotohan sa

iyong kapwa.

Ang pananaliksik ay nakatuon sa tatlong piling maikling kwento na kung saan

susuriin ng mga mananaliksik ang mga akda gamit ang iilang elemento ng maikling

kwento.

Sa teoryang ito, layunin ng panitikang ilahad ang iba't ibang pamantayang

sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din

nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang

kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan (Dinglasan, 2005).


Pinapalagay sa pag-aaral na ito na tuklasin ang mga mahahalagang aral
mula sa tatlong piling maikling kwento

Teoryang Moralistiko

IMPENG NEGRO ANG KALUPI ANG BAHAY NA MARMOL


SA GITNA NG GUBAT

ni: Rogelio Sicat ni: Benjamin P.Pascual Ni: Sandy Ghaz

Sa

Tema Moral na makukuha Kalagayang Panlipunan

Figyur 1: Iskematikong Dayagram ng Kaligirang Teoritikal sa Pag-aaral


Ang Figyur #1 ay tumatalakay at sumasalamin sa pag-aaral na ito na tuklasin

ang mga mahahalagang aral mula sa tatlong piling maikling kwento pagmamahal sa

kapwa at pagpapahalagang moral gamit ang teoryang Moralismo pinapahalagahan sa

pag-aaral na ang tatlong piling maikling kwento. Susuriin ng mga mananaliksik ang

tatlong piling maikling kwento na pinamagatang Imping Negro ni Rogelio Sicat , Ang

Kalupi ni Benjamin P. Pascual, at Ang bahay na marmol sa gitna ng gubat ni Sandy

Ghaz. Pinagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang tatlong

tiyak na suliranin; tema ng mga piling maikling kwento, moral na makukuha at

kalagayang panlipunan.

Mahalagang mabatid ang mga kaalamang ito ng sa ganoon bilang mga guro sa

hinaharap na bukas ito ang magsisilbing gabay o lunsaran sa pagtuturo ng akdang

pampanitikan sa paaralan. sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang mga kabataan sa

modernong panahon ay magkakaroon ng bagong kaalaman na huhubog sa pagkatao at

magpapatibay at magiging sandata para sa magandang kinabukasan.

Sa pahayag ni Tolentino, ang mga publikasyon ng maikling kwento ay limitado

ngunit patuloy parin ang produksiyon ng kwento. Sa kasalukuyan ang publikayon nito

upang makahimok sa pagbasa at pagsuri ng maikling kwento. Ang maikling kwento

noon pa mang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay malinaw at ganap na

katuturan ng kanilang pangarap. hanggang ngayon sila ay mahalaga sa pagbuo nito sa

daigdig ng mga manunulat puspos ng imahinasyon, matayog na damdamin at kaisipan

at hango a realidad na buhay" sinipi nina Buenaventura at Javier (9). ang maikling

kwento ay binuo gamit ang kasalukuyang pangyayari na naranasan ng bawat indibwal.

Inilahad ditto ang mensahe at makukuhang moral. Mga karanasan at malikhang pag-
iisip ng indibidwal ng sa ganoon ay mailahad ng mga manunulat ang nadarama. sa

pagdaan ng panahon ang panitikan lalong-lalo na ang maikling kwento ay nagbabago

ngunit ang tema o mensahe ay katulad pa rin ng dati. (Mauhum) ang maikling kwento

ay sinusuri sa pamamagitan ng pagdulog na moralistiko at sosyolohikal na

ginagamitang palarawan, kanyang natuklasan ang mga makatotohanang pangyayaring

naganap(48).

Ang maikling kwento ay nangangahulugang likha at ang manunulat ay tinatawag

na manlilikha at may mga napupulutang aral" sinipi nina Dizon at Jumalon(16). ang

maikling kwento ay isang pagbabagong hugis ng buhay na kung saan nagsisilbing ito

ay mga kwentong sinuri na may kapupulutang aral na dapat taglayin ng sinuman.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral sa tatlong maikling kwento ay tumatalakay sa pagpapahalagang

moral at pagmamalasakit sa mga kapwa tao. Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin

ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa mga piling maikling kwento

ni Rogelio R. Sicat, Sandy Ghaz, Benjamin P. Pascual .

Nilalayon din ng mga mananaliksik na masagot ang mga tiyak na konsepto.

1. Tema;

2. Moral na makukuha; at,

3. Kalagayang Panlipunan.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay napatutungkol at nakatuon sa pagsusuri ng tatlong

piling maikling kwento at dito mas napapalawak ang kanilang kaisipan ukol sa teoryang

Moralistiko. Lumalawak ang karanasan ng isang mambabasa o mangangaral dahil sa

kanyang nababasa at may nalalamang bagong ideya at mas mapadali ang pagunawa

sa iba’t ibang kwento na ginagawa ng mga magigiting na Pilipinong manunulat. Ang

kaalaman ng mga mag-aaral ay mapalawak tungkol sa kahalagahan ng moralidad.

Makatutulong sa mga guro ang pag-aaral na ito dahil ang mga punong-guro ang

maghikayat na bigyan ng pagpapahalaga at mapaalalahanan ang pagtuturo sa

panitikan bilang isang makabuluhang paksa. Magagabayan ang mga magulang ukol sa

karagdagang kaalaman na dapat hubugin ng kanilang mga anak na dapat nilang

maibigay upang higit na mapalawak ang ating panitikan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral sa tatlong piling maikling kwento mga pagpapahalagang moral

na taglay ng mga tauhan na kapupulutan ng mahahalagang aral at balyung maikikintal

mula sa tatlong maikling kwento ni Rogelio Sicat, Impeng Negro (1962), Benjamin P.

Pascual, Ang Kalupi , Sandy Ghaz, Ang Bahay Na Marmol sa Gitna ng Gubat

(2018) .Isinagawa ang pananaliksik ngayong taong (2019-2020) sa paaralang Asian

Learning Center Punta Rizal Campus Lapu- Lapu City Cebu mag aaral ng ABM

seksiyon INVESTMENT. Pagtutuunan ng pansin sa pag-aaral ang tema, moral na

makukuha, at kalagayang panlipunan.


Depinisyon ng Terminolohiya

Maikling Kwento ay naglalaman ito ng maikling salaysay tungkol sa isang

mahalagang pangyayari ng kuwento na nag-iiwan sa isipan ng isang mambabasa ng

aral o impresyon tulad ng maikling kwentong napili ay pagpapahalaga ng moral.

Moralidad ay nagsasabi sa aral na isinagawa, dito ay kailangang magpahalaga,

magandang ugali at pagpapahalaga ng asal importante ito sa lahat ng oras at bagay.

Moralistiko ay napupulutan ng aral at pagwawasto sa mga maling landasan sa

buhay. At makikita sa teksto nato ang katatagan ng tao sa harap ng pagsubok at

kahinaan sa buhay.

Tema ay ang nilalaman ng kwento o kung saan tungkol o hango ang kwento. Ito

din ang pangkalahatang kaisipan na nais palutangin ng may-akda ng kwento upang

mas maintindihan ng manunuod o mambabasa. Dito din nabubuo ang kaisipan ng

manunuod.
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalarawan ang mga piling maikling kwentong pinag-aralan sa kasalukuyang

mga pangyayari na nararanasan ng bawat indibidwal. Inilalahad dito ang mga

pagpapahalagang moral na taglay ng bawat tauhan na kapupulutan ng mga

mahahalagang aral at mga balyung magiging patnubay sa buhay.

Kaugnay Na Literatura

Naglalarawan ang mga piling maikling kwentong napag aralan sa kasalukuyang

mga pangyayari na naranasan ng bawat indibidwal. Inilalahad dito ang mga moral at

mensahe na taglay ng bawat pangunahing tauhan na kapupulutan ng mahahalagang

aral at mga batayang magiging patnubay sa buhay.

Ayon kay Tolentino (2002), ang mga publikasyon ng mga maikling kwento ay

limitado ngunit patuloy parin ang produksiyon ng kwento. Sa kasalukyan ang

publikasiyon nito upang makahimok sa pagbasa at pagsuri ng maikling kwento.

Ang pahayag ni Tolentino ay patuloy ang produksyon ng mga maiikling kwento

kahit na limitado ang mga publikasyon nito, patuloy parin ang produksyon ng mga

maiikling kwento dahil higit na nakakatulong ito sa pampanitikang Pilipino. Limitado at

may makukuhang aral at moralidad, mga mambabasa na naatnig sa kwento


kasalukuyang nangyayari na nararanasadn ng bawat indibidwal at taglay ng bawat

mambabasa na kapupulutan ng mga balyung magiging patnubay sa buhay.

Ayon kay Herb Leibacher ang pagbabasa ng maikling kwento ay nakakatulong

sa kabataan dahil ito ay nagtuturo ng mga moral na leksyon sa isip nila na magagamit

nila sa kanilang pagtanda. (3)

Ang pahayag ni Herb Leibacher ay nakakatulong ang maikling kwento sa mga

kabataan dahil marami silang makukuhang magagandang aral na makikita sa mga

kwentong binabasa sa pamamagitan nito mahuhubog ang pag iisp ng isang bata kahit

sa murang edad palang marami na silang dapat matututunan at una na dito ang

kabutihang asal. Sa pagbabasa ng maikling kwento mahuhubog an gating mga kaisipan

at damdamin na madadala sa ating pagtanda. Mga balyung magiging patnubay sa

buhay at ito ay maibahagi mo sa iba at mapabatid ang mga mahahalagang aral na

makukuhamula sa maikling kwento na nabasa.

Ayon kay Teodoro Agoncillo ang maikling kwento ay gumagamit ng unang

panauhan. Tungkol sa buhay sa lunsod. Matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng

damdamin, dahop sa malinis na pananagalog.

Masasabi sa pahayag ni Teodoro Agoncillo ay gumagamit ang mga may akda ng

maikling kwento ng basehan ng kanilang gagawing kwento at kong ano ngaba ang

layunin ng kanilang gagawing maikling kwento. Maaari nila itong maihambing sa

kanilang mga karanasan at dapat dahop sa malinis na pananagalog ang kanilang

gagawin. Mga karanasan nila sa buhay na at binahagi sa pamamagitan ng mailing


kwento at mga makukuha mong aral mula sa kwento na iyong nabasa at maihambing

mo sa sariling karanasan at tago sa realidad mga pag-aaral sa moralidad.

Isang pag-aaral sa kahalagahang pang-edukasyon ng mga maikling kwento ni

Buenaventura S. Medina, ay isinagawa ni Javier (1968) na tumatalakay sa kabutihan ng

tao, ng kanyang kaugaliang moral, ng kanyang disiplina at ng kanyang mabuting

pagtingin sa kahalagahan ng paggawa at sa kanyang panunungkulan .

Ayon sa pag-aaral ni Javier ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti;

kahusayan sa moral; kagalingan. Ang kabutihan ay lubus-lubusan anupat walang

anumang bahid ng kasamaan o kabulukan. Isa itong positibong katangian at

naipamamalas ito sa pamamagitan ng mabubuti at kapaki-pakinabang na mga gawa

para sa iba.

Ipinaliwanag naman ni Tiempo (1995), na hindi biro ang pagsuri ng kwento.

Pinatunayan lamang ni Tiempo na kailangan ng masusing pagkilatis sa mga detalyeng

nakalahad.

Masasabi sa pahayag ni Tiempo ay kailangan ng malalimang pagsuri ng maikling

kwento gamit ang mga teoryang naangkop dito at hindi biro ang magsuri nito dahil

nangangailangan ito ng pukos para makilatis ng mabuti ang bawat piling maikling

kwentong gagamitin sa pagsusuri. Dito, makikita na ang kabutihan ay isang katangiang

kinapapalooban ng awa, maibiging-kabaitan, at katotohanan ngunit sa anumang paraan

ay hindi ito nangungunsinti o nakikipagtulungan sa kasamaan.


Ayon kay Edgar Allan Poe(1840), ang tinaguriang ama ng maikling kwento ay

isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isp na hango sa isang tunay

na pangyayari sa buhay.

Sa pahayag ni Edgar Allan Poe ay bawat kwentong gagawin ay isang akdang

pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip ng bawat may akda na maaaring

maihahango sa totoong buhay ng may akda at mga pahayag o

pangungusap na nagbibigay-pahiwatig pag-unawa sa binasa at bigyang diin ang isang

kaisipan o damdamin.

Isinulat ni Canon (2006), sa kanyang artikulo na pinamagatang ‘’Meeting

Children’s Need Through Literature,’’ang mga maikling kwento ay nang eengganyo na

tumuklas ng ibang mundo, gumamit ng mga imahinasyon, at makaranas ng ibat-ibang

yamang dulot ng emosyon o damdamin.

Samakatuwid, isang paraan sa pagpapayaman pa ng ating panitikan ay ang

patuloy pang pag-aaral sa mga uri nito. Kitang-kitang ito ay may malaking pakinabang

sa pag igting ng interes ng mambabasa sa pag-aaral at makabuo ng sariling

imahenasyon na ang kalalabasan ay ang mapahusay pa sa kanilang ibat-ibang

kakayahan at kasanayan sa ibat-ibang aspekto lalo’t higit sa moral at sosyal.


Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik ang mga akda sa anyo ng maikling kwento na

isang piksyon at gawa-gawa lamang ng malikhaing imahenasyon ng manunulat, ay

masasabing sumasalamin sa totoong pangyayari sa lipunan o sa totoong buhay.

Sa ginawang pag-aaral ni Jumalon na may pamagat na “Mga Pagpapahalagang

Moral sa Mga Piling Maikling Kwento ni Genoveva Edroza Matute” kanyang natuklasan

ang kagandahang-asal na matatagpuan sa mga tauhan ng kwento na dapat tularan

ayon sa itinakda ng lipunan.

Ayon sa pag-aaral nina Virgie Baoc et al. na pinamagatang ‘’Mahahalagang Aral

at Balyung Makikintal Mula sa Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kwento’’ isang

Formalistikong pagsusuring naglalayung alamin ang mga mahahalagang aral at

balyung makikintal na nakapaloob sa mga piling maikling kwento upang maging

patnubay ng mga mambabasa sa pagpapalaganap ng kabutihang asal.

Pagkatapos na mabasa, masuri, at mabigyan nang masusing pansin ang mga

natatagpuang mahahalagang aral at balyung makikintal mula sa mga piling maikling

kwento ng dalawang pananaliksik ay naktitiyak na nakapagbibigay ang mga

mananaliksik ng mahahalagang kasagutan sa mga katanungan ng ginawang pag-

aaral.Natuklasang punong-puno ng mahahalagang moral ang mga akdang

pampanitikan na nakapagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa upang

mapalawak ang kanilang kaalaman, naipakita ng may akda sa kwento ang mga aral na

nais iparating sa mambabasa, nangingibabaw ang mga pagpapahalagang moral na

mabubuti sa kwento dahil sumusunod ang mga tao sa pamantayan ng kagandahang

asal at nagbubunga ng masama ang mga gawaing di mabubuti.


Ayon kay Genoveva Matute, ang maikling kwento ay isang salaysay na

tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Ito ay isang salaysay Hinggil sa isang

mahalagang pangyayaring kinasasakungtan ng isa o ilang mga tauhan na may iisang

kakintalan o impresyon lamang (3).

Ayon naman kay Bisa, ng maikling kwento ay likhang isip lamang subalit batay rin

sa mga karanasang naoobserbahan sa tunay na buhat (7).

Ang pahayag ni Bisa masasabi na ang maikling kwento ay isang kathang isip

lamang ng manunulat na maaaring bunga lamang ng kabagutan kung kaya nabuo,

ngunit ito ay sumasalamin sa mga totoong buhay ng tao.

Ayon naman sa paliwanag ni Soledad Reyes, ipinapaliwanag ang mga katangian

ng maikling kwentong tagalog bilang anyong pampanitikang matatagpuan ng mga

pananaw o persepsyon ng mga tao sa ibat ibang realidad (7).

Masasabi sa pahayag ni Soledad Reyes na ang bawat tao may kanya-kanyang

ginagampanan sa lipunang ginagalawan. Nalilikha ang ibat-ibang maikling kwento dahil

sa ibat ibang karanasan ng tao sa buhay. Ang karanasang ito ay nagbibigay resulta

upang mas maging matibay at makabuluhan ang ng tao sa realidad.

Sa sipi sa pag-aaral na ginawa nina Rogelio Sicat at Benjamin Pascual et. al ,na
may paksang " Pagsusuri sa tatlong piling maikling kwento ng Teoryang Moralistiko "
nakasaad sa konklusyon nito na ang maikling kwento ay mabisang instrumento sa
pagpapaunlad ng mga gawa-gawa lamang ng malikhaing imahenasyon ng manunulat,
ay masasabing sumasalamin sa totoong pangyayari sa lipunan o sa totoong buhay. Sa
pamamagitan nito ay mapapalawak ang kaisipan ng mga mag-aaral sa pagbabahagi ng
kanilang saloobin.
KABANATA 3
PAMPANITIKANG PAMAMARAAN NG PAGSUSURI

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraan at pinagmulan ng akdang

pampanitikan na sumasagot sa pangunahing suliranin ng pag-aaral.

Pamamaraan ng Pampanitikang Pananaliksik

Ang pag-aaral sa tatlong piling maikling kwento mga pamamaraang palarawan

(Descriptive Analysis) at pangnilalamang pagsusuri (Content Analysis). Ginamit ito

upang matukoy ang pangunahing persepsyon ng mag-aaral na kapupulutan ng mga

mahahalagang aral at mga balyung magiging gabay sa landas ng buhay.

Gumamit ng tatlong (3) maikling kwento nina Rogelio Sicat, Benjamin Pascual ,

Sandy Ghaz ang mananaliksik. Pinili niya ang mga kwentong ito dahil lubos siyang

naniniwala na punung-puno ito ng mga pagpapahalagang moral. Ang tatlong (3)

maikling kwento ay: Impeng Negro (1962), Ang kalupi , Ang Bahay sa gitna ng Gubat

(2018). Gamit ang kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik ginagabayan ng mga

pangunahing suliranin na Tema, Moral na makukuha at Kalagayang Panlipunan.


Pinagmulan ng Datos

Ang tatlong piling maikling kwento na pinamagatang Imping Negro (Rogelio

Sicat, 115), Ang Kalupi (Benjamin P. Pascual ), Ang bahay na marmol sa gita ng gubat

(Sandy Ghaz), nagsasabi na kailangan may pagpapahalagang moral at

pagmamalasakit sa kapwa tao.

Sinusuri ang tatlong piling maikling kwento sa tulong ng teoryang Moralistiko sa

mga tiyak na suliranin: Tema, Moral na makukuha at Kalagayang Panlipunan.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Sa tulong ng Teoryang Moralistiko ay susuriin ng maayos at pagtitiyak ang

tatlong piling maikling kwento na pinamagatang Imping Negro, Ang kalupi, at Ang bahay

na marmol a gitna ng gubat. Ang pag-aaral ay may tatlong hakbang na sumasagot sa

pangunahing suliranin ng pag-aaral; Unang hakbang ay Tema, pangalawa ang moral na

makukuha at ang panghuling hakbang ay ang kalagayang panlipunan.

Unang Hakbang : Tema.Nakakaakit sa mga mambabasa ang pagkasulat ng

maikling kwento sapagkat binibigyang halaga ang tema sa maikling kwento ito ay ang

nilalaman ng pangkalahatang kaisipan na nais palutangin ng may-akda ng kwento

upang mas maintindihan ng manunuod o mambabasa. Dito din nabubuo ang kaisipan

ng manunuod.

Ito ang unang suliraning kinahaharap ng mga mananaliksik mula sa tatlong piling
maikling kwento na pawang sumasalamin sa pagpapahalaganag moral at
pagmamalasakit sa kapwa tao. Kakikitaan ng koneksyon na makatutulong sa
pagpapaganda ng pagbabasa ng tula at nagpapalantad sa emosyon ng bawat saknong
ay ang nilalaman ng kwento o kung saan tungkol o hango ang kwento. Ito din ang
pangkalahatang kaisipan na nais palutangin ng may-akda ng kwento upang mas
maintindihan ng manunuod o mambabasa. Dito din nabubuo ang kaisipan ng
manunuod.

MGA MAIKLING KWENTO TEMA PAGTITIYAK

Imping Negro

Ang Kalupi

Ang bahay na marmol sa


gitna ng gubat

Ikalawang Hakbang : Moral na makukuha. Ito ang ikalawang suliranin ng mga

mananaliksik na dapat magampanan sa tatlong piling maikling kwento nila Rogelio

Sicat, Benjamin Pascual at Sandy Ghaz na sumasalamin sa pagpapahalaganag moral

at pagmamalasakit sa kapwa tao.

Isinaalang -alang sa mananaliksik ang moral na makukuha sa maikling kwento

upang tuklasin kung ano ang mga aral at mga moral na makukuha sa piling maikling

kwento.

MGA MAIKLING KWENTO MORAL NA MAKUKUHA PAGTITIYAK

Imping Negro

Ang Kalupi

Ang bahay na marmol sa


gitna ng gubat
Ikatlong Hakbang : Kalagayang Panlipunan. Pinagtibay sa ikatlong suliranin ng

mananaliksik kung ano ang nais ipabatid ng tatlong piling maikling kwento nina Rogelio

Sicat, Benjamin Pascual at Sandy Ghaz na sumasalamin sa pagpapahalagang moral at

pagmamalasakit sa kapwa tao.

Magiging daan ang suliraning ito para sa mga mananaliksik upang palitawin ang

kagandahang ipinapahiwatig ng tatlong piling maikling kwento.

MGA MAIKLING

KWENTO KALAGAYANGPANLIPUNAN PAGTITIYAK

Imping Negro

Ang Kalupi

Ang bahay na marmol


sa gitna ng gubat

Sa pangkalahatan, ang talahanayan sa gagawing pag-aaral ay napakahalagang

susi upang mabigyan ng tiyak na pag-unawa ang tema, moral na makukuha, at

kalagayang panlipunan gamit ang tatlong piling maikling kwento na pinamagatang

Imping Negro ni Rogelio Sicat , Ang kalupi ni Benjamin Pascual, Ang bahay na marmol

sa gitna ng gubat ni Sandy Ghaz ay sumasalamin sa pagpapahalagang moral at

pagmamalasakit sa kapwa tao.

You might also like