You are on page 1of 14

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NG PAG-AARAL

RASYUNALE

Katakot-takot na ang mga pagnanakaw ng mga nakaupo sa pamahalaan, at

lantarang kilala natin ang mga sangkot sa pangungurakot, subalit walang balita kung sino

ang mapaparusahan at mabibilanggo. May mga katiwaliang naganap at nalustay na salapi

ng bayan ngunit walang may kasalanan. Gayong ipinagyayabang ang mga nakulimbat na

kayamanan. Hindi na ito bago, noon pa ito. Ang ipinagkaiba lamang, ngayon ay isa na

itong katangian na ipina-ngangalandakan. Institusyon na ang nakawin ang kaban ng

bayan. Titulo na ito ng mga pulitiko at halal ng bayan. Sa Kongreso, mataas o mababang

kapulungan man, lahat ay kasangkot dito. Kung may natitirangmatino; ito ay tulog,

natutulog, at nagtutulog-tulugan. Dahil kahit papaano ay nakikinabang din siya. Kung

hindi, higit na makabayan ang magbitiw sa tungkulin at lisanin ang kapulungan nang

hindi siya maparatangan ng pakikipag-sabwatan at pakikiisa.

Kapansin-pansin ngayon na inihahalal natin ang mga

magnanakaw (plunderers), mamamatay-tao, mga mandaraya(jueteng lords), smugglers,

drug lords, at rapist. Pati na ang mga heneral na galing sa PMA (Phil. Military

Academy) ay kasangkot din sa mga kaguluhan at nakawan. Sa katakawan ayaw nang

bitiwan ang mga luklukan. Kahit na walang mga kakayahan, isinasalin sa pamilya ang

kapangyarihan para panatilihin ang mga katiwalian. Nakakagulat na ito at kahindik-

hindik pa. Ang nakapagtataka nga lamang, tahimik pa rin at panis ang marami sa ating

mga kababayan.

1
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Titiyakin sa pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na mata

at malayang isipan upang malaman ang mga kasalukuyang kaganapan sa bansa ngayon.

Sasagutin din sa Pag-aaral naito ang mgasumusunod:

1. Bakit mahalaga para sa bawat isa na maging bukas ang isipan sa mga pangayayri

sa ating bansa?

2. Ano ang mga dahilan kong bakit minsan ay walang pakialam ang mga tao sa mga

pangyayarinsa ating bansa?

3. Bakit minsan mahirap ang pagkakaroon bukas na isipan sa mga kaganapang

dinaranas nga ating bansa ngayon?

4. Paano natin mahikayat upang may kamalayan ang ating mga kapwa Pilipino

tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa?

5. Ano ba ang kahalagahan ng pagiging bukas ang isipan at may kamalayan sa ating

bansa ngayon?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay mahalaga upang malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng

bukas na isip kung ano ang nangyayaring kaganapan sa ating bansa sa kasalukuyan . Ang

magiging resulta ng pananaliksik ay maaring makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral naito ay para sa mga mag-aaral upang malinang ang

kanilang kaisipan at maging mulat sa mga pangyayaring naganap sa ating bansa ngayon

sa kasalukuyan.

2
Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sasusunod na henerasyon

ng mga mananaliksik na madagdagan at palawakin ang pananaliksik ukol sa paksang ito.

Ito ay makatulong upang maging basehan sa kanilang sisimulang pananaliksik.

Mga Guro. Ang pag-aaral naito ay makatutulong sa mga Guro sa pamamagitan

ng pagpapalakas sa mga kaisipan ng mga mag-aaral kung anu-ano ang mga kaganapang

nangyayari sa loob ng ating bansa. At nang itoy maibahagi nila sa kanilang pagtuturo

nang sa ganoon ang mga estudyante ay bukas ang isipan.

Mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mamamayan upang

magkaroon ng kaalaman tungkol sa magiging epekto ng ng ibat-ibang kaganapan sa ating

kapaligiran at bansa. Dahil kung ano man ang mangyari ay handa silang harapin ito.

SAKLAW AT DILIMITASYON

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang mga blogs na napapaloob sa AKO, TUNAY

NA PILIPINO: KASALUKUYANG KAGANAPAN na mabubuksan natin sa pamamagitan

ng paggamit ng internet. Isinasaalang-alang dito ang mga post na naimungkahi sa blog at

nakakabukas ng isipan at mga mata ng sambayanang Pilipino kung ano ang nangyayari sa

ating kapaligiran ngayon. Nakakasindak ang mga kaganapan na nangyayari sa Pilipinas

ngayon, kung babasahin mo ang mga artikulong nailathla sa blog, mayroon ding mga

mungkahi ang mga mambabasa at kung paano ito masolusyunan. Hanggang sa blog

lamang naka pokus ang saklaw ng pananaliksik na ito at wala ng iba.

3
KATUTURAN NG KATAWAGAN

Upang mas mapalawak ang kaalaman sa pagbabasa at pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

 Blog- iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa

web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa

mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog

na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-

blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero

sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.

 Post- mga naipaskil o nalathala sa isang anyo ng anumang uri ng media. Ito’y

maaaring opinion o makatotohanan maliban kung may patunay at katibayan.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa, ang ating

kaganapan ngayon ay nakaugat sa kasalukuyan at ito’y magiging kasaysayan na. May

pagpapahalaga ba tayong mga Pilipino sa ating kasaysayan? Paano natin dapat

pahalagahan ang ating kasaysayan bilang isang bansa at lipi? Suriin natin ang pananaw

ng mga mananalaysay patungkol sa kahalagahan ng kasaysayan.

Ayon kay Fr. Jose S. Arcilla, SJ, isang propesor sa kasaysayan, ang mga estudyante ng

kasaysayan ay dapat gumugugol ng oras upang masusing maunawaan ang mga

pangyayari sa nakalipas. Dagdag pa niya na kapag nabatid na ito ng estudyante,

4
maiuugnay na niya sa iba pang pangyayari ang isang pangyayari na bahagi ng

pangkahalatang kasaysayan.

Ayon naman kay Gat Jose Rizal, nais niyang maikintal ang pagpapahalaga sa

kasaysayan bilang kasangkapan sa pagsulong ng nasyonalismo na masasalamin sa mga

kataga na: “Ano ka sa hinaharap, ang taong walang personalidad, ang bayang walang

kalayaan, ang lahat ng sa iyo ay hiram, kahit na ang iyong mga kahinaan.”

Sa kabilang banda, naniniwala naman si Propesor Teodoro Agoncillo, isang

historyador, na ang pagkakakilanlan sa sarili at sa bansa (national identity) ang halaga ng

kasaysayan. Ayon naman sa kilalang pilosopong si George Santayana, ang pag-aaral ng

kasaysayan ay nagsisilbing gabay ng mga tao sa kinabukasan. Ipinararating ng pilosopo

na makatutulong sa tao ang pag-alam sa nakaraan upang maiwasan na ang kamalian noon

at makatulong sa pagbuo ng mga wastong hakbang para sa kinabukasan.

KAUGNAY NA LITERATURA

"Ang pagtuturo tungkol sa mundo, pambansa, estado, at lokal na mga pangyayari ay

kailangang magsasangkot ng aktibo, pakikilahok sa pag-aaral sa halip na walang pag-

aaral," sabi ni Thomas N. Turner, propesor ng edukasyon sa Unibersidad ng Tennessee.

"Nangangahulugan ito ng maraming mga hands-on, multisensory na aktibidad kaysa sa

mga aktibidad kung saan ang guro o isang mag-aaral ay nag-uulat habang ang iba ay

nagpapanggap na makinig."

Sa "Pagsakay sa Rapids ng Mga Kasalukuyang Kaganapan" (Ang Mga Pag-aaral sa

Panitikan, Mayo / Hunyo 1995), ang mga nagmumungkahi ng mga gawain tulad ng mga

5
mock trial at paggamit ng mga questionnaire na ginawa ng estudyante bilang mga paraan

upang mas aktibo ang pag-aaral ng mga kasalukuyang kaganapan. Nagpapahiwatig din si

Thomas ng mga aktibidad para sa paghahambing ng iba't ibang mga paggamot ng mga

mapagkukunan ng balita ng parehong kuwento ng balita at isang aktibidad na

nagsasangkot sa mga mag-aaral sa pagmamapa ng pagbubuo ng mga kuwento ng balita

habang lumalabas sila.

"Gustung-gusto din ng mga mag-aaral na pumunta sa harap ng camera, at ang mga video

na binabanggit sa mga simula ng mga ulat ng dramatikong nakaraan at kasalukuyang mga

kaganapan sa balita ay kadalasang nagdudulot ng kanilang interes," dagdag ni Turner.

"Ang mga mag-aaral ay maaaring maglaro ng mga kaganapan sa balita o mag-pantomime

sa mga ito habang binabasa ng isang reporter ang kaganapan para sa madla. Ang

pagpaplano at paglikha ng script o kuwento board para sa mga dramatikong piraso ay

maaaring maging kooperatibong aktibidad sa pag-aaral."

Iminungkahi ng isa pang ideya na si Turner sa kanyang artikulo sa The Social Studies ay

isang tinatawag na People Scavenge.

"Sa isang People Scavenge, ang mga estudyante ay naglibot sa klase at alamin kung ano

ang nalalaman at nakaranas ng kanilang mga kapantay," sabi ni Thomas. "Ang

panuntunan sa lupa ay maaari nilang gamitin ang parehong indibidwal para sa hindi

hihigit sa dalawa (o tatlo) na mga item ngunit dapat mangolekta ng mga inisyal ng isang

tao para sa bawat tanong."

6
TALASANGGUNIAN

7
TALASANGGUNIAN

A. (Mga) Aklat

Aquino Clemen C., Kintanar Thelma B., KUWENTONG BAYAN/NOONG

PANAHON

Muyot Alberto T., Katarungang panlipunan at karapatang pantao sa

Pilipinas, University of the Philippines Press

B. Di-nalathalang Tesis/Disertasyon

Travis, Rink (2016, Sept. 29). Current Events and Why We Need to Teach

Them!. Retrieved from http://blog.mimio.com/current-events-and-why-we-need-to-

teach-them

C. Website/s

http://mganapapanahongisyusapilipinas.blogspot.com/2017/

https://wagasmalaya.blogspot.com/search?q=kasalukuyang+kaganapan

http://pangyayarisabansa.blogspot.com/

http://www.digilearn.com.ph/epub/books/gs7_ap01/Text/intro.html

http://pinoyweekly.org/new/category/isyu/pambansang-isyu/

8
KURIKULUM VITAE

9
KURIKULUM VITAE

Personal na Propayl ng Mananliksik

Pangalan: Robert P. Anlocotan Jr.

Edad: 17

Tirahan: Dapitan, Cordova, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: April 18, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Lapu-Lapu City

Pangalan ng Ina: Santiaga Anlocotan

Pangalan ng Ama: Robert Anlocotan Sr.

EDUKASYON

Elementarya: Day-as Elementary School

Day-as, Cordova, Cebu

Sekundarya: Babag National High School

Babag 1, Lapu-Lapu City

10
KURIKULUM VITAE

Personal na Propayl ng Mananliksik

Pangalan: Reziel A. Cabuenas

Edad: 17

Tirahan: Tabla Sudlon I Cebu City

Petsa ng Kapanganakan: Oktubre 30, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Tabla Sudlon I. Cebu City

Pangalan ng Ina: Jocelyn Cabuenas

Pangalan ng Ama: Sofriano Cabuenas

EDUKASYON

Elementarya: Bitlang Integrated School

Tabla Sudlon I., Cebu City

Sekundarya: Bitlang Integrated School

Tabla Sudlon I., Cebu City

11
KURIKULUM VITAE

Personal na Propayl ng Mananliksik

Pangalan: Christine Dessa B. Velarde

Edad: 17

Tirahan: Sto.Niño Compound, Pahina Central, Cebu City

Petsa ng Kapanganakan: December 15, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Mantalongon Dalaguete, Cebu City

Pangalan ng Ina: Susan Becher Velarde

Pangalan ng Ama: Valeriano Velarde

EDUKASYON

Elementarya: Mantalongon Elementary School

Mantalongon, Dalaguete, Cebu

Sekundarya: City Central High School

Osmena Boulevard, Cebu City

12
KURIKULUM VITAE

Personal na Propayl ng Mananliksik

Pangalan: Jewlian Rose C. Jaca

Edad: 16

Tirahan: L.Flores St., Mahayahay 1, Pasil Cebu City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: Oktubre 28, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Cebu City

Pangalan ng Ina: Elena C. Jaca

Pangalan ng Ama: Michael D. Jaca

EDUKASYON

Elementarya: Pasil Elementary School

L.Flores St., Pasil Cebu City, Cebu

Sekundarya: Pasil Night High School

L.Flores St., Pasil Cebu City, Cebu

13
KURIKULUM VITAE

Personal na Propayl ng Mananliksik

Pangalan: Daylene Jane D. Capadngan

Edad: 16

Tirahan: 73-1-Y-1-T-Padilla St., Cebu City

Petsa ng Kapanganakan: Mayo 15, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Cebu City

Pangalan ng Ina: Emma D. Capadngan

Pangalan ng Ama: Alberto A. Capadngan

EDUKASYON

Elementarya: Zapatera Elementary School

Sikatuna St., Cebu City

Sekundarya: Abellana National School

Osmeña Blvd., St. Cebu City

14

You might also like