You are on page 1of 9

Ang mga katutubong paniniwala ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan at kultura bilang Filipino.

Ang mga
paniniwalang ito ay nagpapakita ng ating gawain, tradisyon at kasanayan na maaaring maglarawan ng
ating pang araw- araw na pamumuhay na atin namang namana mula sa ating mga ninuno. Isa lamang sa
maraming bagay na ipinasa sa atin ng nagdaang lahi ang pamahiin. Binigyang kahulugan ng isang blog
ang pamahiin bilang isang paniniwalang walang siyentkipikong batayan hinggil sa mga bagay-bagay na
wala namang kinalaman sa isat isa ngunit mayroon itong malaking epekto sa pang-araw-araw nating
pamumuhay (Gintong Aral, 2015). Noon pa man, nakasanayan na ng mga Filipino ang gawing batayan
ang mga pamahiin upang maging gabay sa kanilang pamumuhay sa araw-araw. Madalas ay nagiging
batayan rin ito ng pagkamit ng swerte o di kaya naman ay upang makaiwas sa kamalasan o hindi
magandang takbo ng buhay. Maging ang paggawa ng tama at dapat o ng mali at hindi dapat gawin ay
dito na rin ibinabatay. Mula sa isang blog ni Siojo (2015), sinabi niya na ang ibat ibang paniniwala sa mga
kasabihan at pamahiin ay bahagi na ng ating kulturang Filipino at ito ay naiimpluwensyahan ng mga
nagaganap sa ating paligid o kaya naman ng mga bagay na nagbibigay takot sa mga tao. Ayon kay Jovina
(2013), isang Filipino blogger, ang mga sinaunang Filipino ay tulad ng mga tao sa ibang bansa na may
pinaniniwalaan ding mga pamahiin na karaniwan namang gabay nila sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sinasabi rin nina Gonda at Malacapo (2012) na nakagisnan na ng mga Filipino ang maniwala sa mga
pamahiin kahit na hindi ito nabigyang paliwanag ng mga nagdaan ng henerasyon at patuloy parin itong
ginagamit na batayan sa pamumuhay ng marami. Mahalaga para sa mga Filipino ang pamahiin sapagkat
ito ang nagbibigay linaw sa mga bagay na nangyayari sa ating paligid gaya ng mga likas na trahedya.
Sinasabi ni Dr. Florentino Hornedo, na isinipi nina Gonda at Malacapo (2012), na ang pamahiin ay isa
lamang paraan ng mga tao noon upang bigyang paliwanag ang mga bagaybagay sa kanilang paligid,
sapagkat noon ay wala pang sapat na kaalaman ang mga tao sa lipunan sa mga bagay na may kinalaman
sa agham. Kalakip rin ng paniniwala sa mga pamahiing ito ay ang pag-asang mapabuti ang lahat ng bagay
sa kanilang paligid; at dagdag pa ni Goretti (2013) mula sa kaniyang blog, ang mga sinaunang tao ay
umaasa lamang sa kanilang kapaligiran. Sa dami ng mga dayuhang sumakop sa atin at sa layo ng narating
ng sibilisasyon ay nagkaroon na tayo ng ibat ibang paniniwala. Naimpluwensyahan ng maraming bagay
ang isipan ng nakararami at tila hindi na nabibigyang pansin ang mga katutubong paniniwala tulad na
lamang ng pamahiin. Dahil dito, minabuti ng mga mananaliksik na bigyang pag-aaral ang usapin upang
alamin kung patuloy pa nga bang nabubuhay ang mga ito sa kabila ng makabago at sibilisadong
pamumuhay. Inalam din ng mga mananaliksik kung patuloy pa rin bang naaapektuhan ng pamahiin ang
kaisipan at pamumuhay ng mga Filipino ngayon. Karagdagan pa, matapos ang paghahanap ng mga pag-
aaral at literaturang may kaugnayan sa pamahiin, napag-alaman ng mga mananaliksik na tila may
kakulangan sa pag-aaral tungkol sa pamahiin sapagkat karaniwan na lamang itong nakikita sa mga blogs.
Dahil sa paghahanap ng mga literaturang makapagbibigay alam sa kalagayan ng pamahiin sa
kasalukuyang panahon, iilang sulatin lamang ang nakita at nabasa ng mga mananaliksik. Napagtanto rin
ng mga mananaliksik na maaaring may pagaaral at kasulatan tungkol sa pamahiin noon ang naitalakay na
ngunit hindi nailathala. Maaaring isa ito sa mga dahilan kaya may kakulangan sa mga mapagkukunan ng
literaturang magbibigay kaalaman tungkol sa pamahiin. Sa kabilang banda, nahahati ang tao sa ibat
ibang henerasyon at ang mga kategoryang tumutukoy sa mga ito ay ang mga sumusunod: The
Depression Era, World War II, Post-War Cohort, Baby Boomers, Generation Jones, Generation X,
Generation Y o kilala rin sa tawag na The Millennials, at Generation Z (Schroer, 2012). Ngunit sinasabi
nina Posadas at Fernandez (2015) na sa mga nabanggit na henerasyon, tatlo lamang ang mas kilala sa
ngayon ito ay ang mga Henerasyon X, Y, at Z. Ang mga tao sa henerasyon X ay ang mga taong
ipinanganak noong taong 1966 hanggang 1976; habang sa henerasyon Y ay ang mga taong ipinanganak
naman sa taong 1977 hanggang 1994; at ang mga tao sa henerasyon Z ay ang mga taong ipinanganak sa
taong 1995 hanggang 2012 (Schroer, 2012 na sinipi nina Posadas at Fernandez, 2015). Sa paglipas ng
panahon, unti-unting nagkakaroon ang mga tao ng sapat na kaalaman tungkol sa lipunan at agham. Ayon
kay Milana (2008; na sinipi nina Posadas at Fernandez, 2015), ang bawat henerasyon ay siyang
nagbibigay ng gabay at direksyon sa mga henerasyon na sumunod sa kanila. Kaya naman sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito, inalam ng mga mananaliksik kung patuloy pa nga bang nabubuhay
ang mga pamahiing ito sa kabila ng paglipas ng ilang henerasyon at kung mayroon pa nga bang gamit ang
mga ito sa pamumuhay ng mga Filipino. Upang mapalalim pa ang pag-unawa tungkol sa pamahiin,
sinubukan ng pag-aaral na ito na alamin ang konsepto ng pamahiin ng mga taong nabibilang sa tatlong
henerasyon: ang X, Y, at Z. Inalam din ng mga kalahok ang mga sumusunod: (1) ang mga pamahiin na
patuloy na nananatili; (2) ang bilang ng mga kalahok na tumatanggap at sumusunod sa pamahiin sa
bawat henerasyon, gayon din ang hindi tumatanggap at hindi sumusunod; (3) ang mga dahilan ng mga
kalahok sa (a) pagtanggap o hindi pagtanggap na tumutukoy sa paniniwala sa pamahiin at (b) pagsunod o
hindi pagsunod sa pamahiin; (4) sa paanong paraan nagiging bahagi at naaapektuhan ng pamahiin ang
pang arawaraw na pamumuhay ng mga kalahok.

NAKAGISNAN na sa kulturang Pilipino ang maniwala sa mga pamahiin. Hindi man ito lubos
na naipaliwanag ng mga nagdaang henerasyon, ginagawa pa rin itong basehan sa
pamumuhay ng marami sa atin.

Marami sa mga pamahiin o matandang paniniwala ang kapupulutan ng mabuting


halimbawa, gawi at pag-iingat. Ngunit hindi pa rin lubos na maunawaan ang pinagmulan at
dahilan ng mga pamahiing ito.

Sa likod ng paniniwala

Ani Dr. Florentino Hornedo, dalubhasa sa kasaysayan, literatura at pilosopiya at may akda
ng mga libro ukol sa kultura gaya ng Culture and the Community in the Philippine Fiesta and
other Celebrations, isa lamang ang pamahiin sa mga paraan upang maipaliwanag ng tao
ang mga bagay na nakapaligid sa kanya.

Superstitions are [the] primitive forms of science. They are generalizations on limited
evidence.
Dahil sa wala pang sapat na kaalaman ang lipunan noon, ipinagpapalagay ang mga
pamahiin bilang basehan kung paano mapabubuti ang pamumuhay.

Isang halimbawa rito ang pamahiin na kapag inaantok, magigising ka kung iinom ka ng
kape. Maaring isa lamang itong matandang kasabihan ngunit sa pag-usad ng panahon,
nagkaroon din ng paliwanag ang pamahiing ito.

Pinatunayan ng agham na isang stimulant o pampagising nga ang kape, paliwanag ni


Hornedo.

Bukod sa nagiging basehan ang mga pamahiin, mayroong social control belief na tinatawag
sa antropolohiya, dagdag pa ni Hornedo. Gumagawa ng kuwento ang mga matatanda
upang sundin sila ng kabataan. Sinasabi ng mga matatanda na may lumalabas na multo,
maligno at iba pang uri ng nilalang tuwing gabi kaya mapanganib para sa mga bata.

Wala namang multo, ani Hornedo. They (elders) create stories to avoid accidents. In
anthropology, it (superstition) is tolerant because there are explanations.

Dulot man ng agham o antropolohiya, hindi maikakailang malaki ang naitulong ng pamahiin
upang bigyan ng direksyon at paliwanag ang karanasan ng tao.

Naging bahagi na ng kultura ng mamamayan ang pamahiin. Naging makabago man ang
panahon ngayon, hindi pa rin maaalis sa ating mga Pilipino ang maapektuhan o maniwala
sa mga pamahiing ito.

Wika ng pamahiin

Ayon kay Eros Atalia, propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters at junior associate
ng Center for Creative Writing and Studies, wika ang isang dahilan ng pagkakabuo ng mga
pamahiin.

Isang tungkulin ng wika ang maipaliwanag ang realidad, aniya. Nakatali sa wika ang
limitasyon ng ating realidad at ng katotohanan.
Hinuhubog ng wika ang kamalayan at kaugnayan sa daigdig, dagdag ni Atalia. Nagkakaroon
din ng kolektibong pagtawag at konsepto ang mga bagay na nakapaligid sa atin tulad na
lamang ng mga pamahiin.

Isang halimbawa ang pamahiin sa pusang itim.

May katawagan tayo sa pusa at sa kulay itim at mayroon din namang konsepto para rito,
paliwanag ni Atalia. Ang konsepto natin sa pusa, stray o pakalat-kalat, ang itim naman,
masama. Kaya kapag may nakasalamuha kang pusang itim may makakasalamuha ka na
pakalat-kalat na masama.

Itinuturo ng mga pamahiin na suriin natin ang realidad ng lipunan at mga alituntuning inatas
sa atin. Ito, para sa ating mga ninuno, ang mga dapat at hindi dapat paniwalaan.

Ngunit tulad ng isang batas, pagmamalasakit sa kapwa ang isang ugat ng mga pamahiing
ito. Tulad na lamang ng pamahiin sa pag-ikot sa plato. Ani Atalia, pag-aalala sa taong aalis
ang maaring dahilan nito.

Kina-kailangang tingnan ang konsepto at mensahe sa likod ng mga pagbabawal na ito,


sabi niya. May ugnayan ang kilos, social practice at wika.

Ayon sa librong Language and Power ng Lancaster University linguist na si Norman


Fairclough, isang social practice ang wika. Kaugnay ng pagsasabuhay ng pamahiin ang
pagsasabuhay din ng wika.

May nakataling konsepto sa wika tulad ng usapin sa pamahiin, gaya na lamang ng


pamahiing Oro, Plata, Mata, na nangangahulugang, ginto, pilak at kamatayan.

Sinasabing kung magpapatayo ka ng isang bahay na may hagdan, kailangang banggitin ang
mga salitang Oro, Plata, Mata. Pinaniniwalaang nababatay ang uri ng pamumuhay ng may-
ari ng bahay sa pamahiing ito.
Ani Atalia maaaring nangangahulugang mahirap, payak, o marangyang pamumuhay ang
konsepto ng pamahiing Oro, Plata, Mata.

Kung paano kinokonsepto ang salita gayundin kinokonsepto ang pamahiin, sabi ni Atalia.

Ang pilosopiya ng pamahiin

Bahagi ng pamahiin ang paniniwalang may mas higit na nilalang o diyos na maaaring
makaapekto sa pamumuhay nila.

Ayon kay Fleurdeliz Altez, propesor ng pilosopiya sa Faculty of Arts and Letters, naging
bahagi na ang ilang mga pamahiin ng Kristiyanong gawi.

May mga bagay sa labas ng ating paniniwala na hindi natin matatanggal. Marahil nauna pa
ito sa pagdating ng relihiyong Kritiyanismo, paliwanag niya.

Dagdag niya, may mga sumusunod sa pamahiin dahil wala namang mawawala kung
susundin ito.

Kung di nagkatotoo, mabuti. Kung sinuwerte ka, masaya, sabi ni Altez.

Naniniwala umano ang mga Pilipino sa pamahiin ayon sa paniniwalang nakatadhana na


ang buhay ng tao, at bahagi nito ang mga paniniwalang dadalhin ka sa isang tiyak na
kaganapan o maaaring maging takbuhan para sa isang kasiguraduhan ng buhay.

Kultura at pagkataong Pilipino

Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ang isa pang pinaguugatan ng mga pamahiin.

Every culture who is not familiar with what the other culture is doing, the former will say
that it is superstitious, sabi ni Hornedo.
Dahil dito nagiging kapalit ang pamahiin ng naglalahong kultura. Ito na lamang ang natitira
sa napag-iwanang kultura, ang paniniwala ng mga nakatatanda na nagpapasalin-salin na
lamang sa bibig ng mga mamamayan nito.

Dati-rati, naniniwala ang mga Pilipino sa diwata, maligno, at mangkukulam. Nang dumating
ang Kastila at ang relihiyong Krisiyanismo, unti-unti itong napalitan ng diyos, anghel, at iba
pang dayuhang nilalang, paliwanag ni Hornedo.

Naniniwala naman si Altez na hindi magtatagal ang mga pamahiin sa buhay ng tao.

Hindi rin naman puwedeng pamahiin ang magtanggal sa will ng tao, sabi niya.

Bagaman malaki ang naging epekto ng dayuhang kultura sa pamumuhay at paniniwala


nating mga Pilipino, may ilan pa ring mga pamahiin ang magpahanggang ngayon,
sinusunod at ginagawa pa rin ng marami.

Ayon kay Atalia, hindi ito magtatagal nang ganito kung wala itong silbi.

Nangangahulugan ng isang tungkulin ang pamahiin, aniya. May silbi ang antanda tuwing
dumaraan sa harap ng simbahan at pag-tabi po sa ilang lugar

Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala
namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensiya ng
mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng
mga Filipino.

Maraming mga pamahiin ang sinusunod natin, ito'y namana nating sa mga nakatatanda sa atin.
Ang hindi pagsunod sa mga pamahiing ito ay nagdudulot ng kamalasan, ayon sa mga
nakatatanda. Ang mga kaugaliang ito ay mga paniniwala sa isang bagay, gawain, o pangyayari
na nakaaapekto sa mga espesipikong na kaugalian natin, ngunit wala itong kahit anong lohikal
na kaugnayan sa kalalabasan nito. Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian na kinagisnan
mula pa sa ating mga ninuno, buhat pa noong unang panahon at tinataglay pa rin ng marami,
lalo na yaong mga naninirahan sa malalayong lalawigan.

Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panunturan ng pang araw-araw na buhay ng ibang
tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain, plano, o hangarin nila sa buhay.
Maaaring ginagawa nila ang mga ito bilang respeto at pagbibigay-galang sa mga
nakatatandang nagpayo sa kanila na sumunod sa mga pamahiin
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi maipaliwanag ng siyensya ang ilan sa mga kasabihan at
pamahiin ng matatanda? Kung minsan ay hindi natin malaman ang paliwanag at pinagmulan ng
kanilang mga kasabihan. Kung minsan naghahanap pa tayo ng paliwanag at batayan bago natin ito
sundin o paniwalaan. Sawa ka na ba sa pagsaway ng lola mo sayo tuwing nagwawalis ka sa gabi?
Nabwiset ka na ba nung hindi ka pinagbilhan sa sari-sari store ng karayom dahil gabi na? Ilang
beses ka ng sinabihan ng lolo mo na hindi ka makakapag-asawa dahil sa pagliligpit mo ng maaga
ng mga pinggan na kinainan niyo?

Kinokontrol ba ng mga Pamahiin


ang Iyong Buhay?
ANG mga pamahiin ay pinaniniwalaan sa buong daigdig. Kung minsan ay
lubhang pinahahalagahan ang mga ito bilang bahagi ng pamana ng kultura. O
maaaring itinuturing ang mga ito na maliliit na bagay lamangnagpapasigla
sa buhay. Sa Kanluraning mga bansa, ang mga pamahiin ay kadalasang hindi
itinuturing na seryosong bagay. Sa ibang lugar namanhalimbawa, sa Aprika
ang mga pamahiin ay maaaring labis na makaapekto sa buhay ng mga tao.

Ang karamihan sa kulturang Aprikano ay salig sa pamahiin. Ang mga pelikula,


programa sa radyo, at literatura na ginawa sa Aprika ay kadalasang
nagtatampok ng pamahiin at mga paksang may kababalaghan, gaya ng
mahika, pagsamba sa mga ninuno, at mga anting-anting. Bakit labis na
naiimpluwensiyahan ng mga pamahiin ang mga tao, at saan galing ang mga
pamahiin?

Ano ang Nasa Likod ng mga Pamahiin?


Maraming pamahiin ang pangunahin nang nagmumula sa pagkatakot sa mga
espiritu ng mga patay o sa anumang uri ng mga espiritu. Ang mga pangyayari
ay binibigyang-kahulugan bilang mga pagtatangka ng mga espiritung ito na
makipag-ugnayan sa mga nabubuhay taglay ang pagbabanta, babala, o
pagpapala.

Ang mga pamahiin ay may malapit na kaugnayan din sa pagpapagaling at


panggagamot. Para sa karamihan ng mga tao sa papaunlad na mga bansa,
ang makabagong panggagamot ay napakamahal at kadalasang wala talagang
mabili. Kaya naman, marami ang naghahanap ng kagamutan o nagsisikap na
mag-ingat sa pamamagitan ng pagbaling sa mga kaugalian ng mga ninuno,
espiritismo, at mga pamahiin. Mas madali rin para sa kanila na makipag-
ugnayan sa mga albularyo na nakaaalam sa kanilang mga kaugalian at
nagsasalita ng kanilang wika kaysa sa isang doktor sa medisina. Sa gayoy
nananatiling buhy ang mga paniniwala sa pamahiin.

Ang mga tradisyong mapamahiin ay naniniwala na ang sakit at mga


aksidente ay, hindi basta nagkataon lamang, kundi mga pangyayari na dulot
ng mga puwersa sa daigdig ng mga espiritu. Maaaring angkinin ng mga
albularyo na ang isang patay na ninuno ay nababagabag hinggil sa isang
bagay. O maaaring imungkahi ng mga espiritista na may nangkulam sa isang
biktima sa pamamagitan ng kaaway na albularyo, at iyon ang dahilan kung
bakit nagkasakit o naaksidente ang biktima.

Ang mga pamahiin ay lubhang magkakaiba sa buong daigdig, at ang


paglaganap ng mga ito ay depende sa lokal na kuwentong-bayan, mga alamat,
at mga kalagayan. Ngunit ang pangkaraniwang salik ay ang paniniwala na
may isang persona, o isang bagay, mula sa di-nakikitang daigdig ng mga
espiritu na kailangang payapain.

Di-nakapipinsala o Mapanganib?
Para sa karamihan ng mga pamilya, ang kapanganakan ng kambal ay isang
natatangi at kapana-panabik na pangyayari. Gayunman, sa mga mapamahiin,
ito ay maituturing na isang tanda. Sa ilang rehiyon sa Kanlurang Aprika,
minamalas ito ng marami bilang kapanganakan ng mga bathala, at dahil dito
ay sinasamba ang kambal. Kung ang isa o ang parehong kambal ay namatay,
gumagawa sila ng maliliit na istatuwa ng kambal, at ang pamilya ay
kailangang maghandog ng pagkain sa mga idolong ito. Sa ibang dako naman,
minamalas ng mga tao ang kapanganakan ng kambal bilang isang sumpa,
hanggang sa punto na patayin ng ilang magulang ang kahit isa sa mga ito.
Bakit? Naniniwala sila na kapag nabuhay ang magkakambal, balang araw ay
papatayin nila ang kanilang mga magulang.

Ipinakikita ng mga halimbawang tulad nito na bagaman ang ilang mga


pamahiin ay waring kakatwa at di-nakapipinsala, ang iba naman ay maaaring
maging mapanganibnakamamatay pa nga. Dahil sa nakatatakot na
pagpapakahulugan, ang isang di-nakapipinsalang pangyayari ay maaaring
humantong sa isang mapanganib na kaganapan.
Oo, sa katunayan, ang pamahiin ay isang paniniwala, isang anyo ng relihiyon.
Kung isasaalang-alang ang mapanganib na mga aspekto ng pamahiin,
mahalagang itanong: Sino sa katunayan ang nakikinabang sa mga paniniwala
sa pamahiin at paggawing mapamahiin?

You might also like