You are on page 1of 8

Mga Piling Pamahiin nananatili mula noon hanggang ngayon: isang pagsusuri

Kabanata I

Suliranin at Kaligiran

Ang pamahiin ay isang nakagawian at paniniwalang walang ganap na basehan tungkol sa mga bagay

bagay na inuugnay sa relasyon ng isa’t isa . Alam naman nating lahat na isa tayo sa naimpluwensyahan

ng pamahiing ito mapa sa buhay, kultura , tradisyon , tagumpay, kabiguan , at kasiyahan . (Gintong

Aral , 2015) Noon paman , nakasanayan na ng mga Filipino ang gawing batayan ang mga pamahiin

upang maging gabay sa kanilang pamumuhay at pang araw araw. Ang pamahiin ay naging kultura na ng

mga Pilipino kaya naman magpa hanggang ngayon ito’y patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino

Ayon kay Jovina (2013), ang mga sinaunang Filipino ay tulad ng mga tao sa ibang bansa na

may pinaniniwalaan ding mga pamahiin na karaniwan namang gabay nila sa pang-araw-araw na

pamumuhay Ang mga Kapampangan ay nababalot ng maraming pamahiin o mga paniniwala ng mga

matatanda tungkol sa mga bagay-bagay na walang relasyon sa ating nakikita o ginagawa magandang

halimbawa ay ang “Bawal maligo sa araw ng Biyernes santo at dahil ito’y kanilang kinagisnan sinunod

pa ito ng nakararami dahil sabi nila “wala naming mawawala kung susundin ito” . Halos bawat okasyon

ay may kaakibat na pamahiin na dapat sundin upang swertihin at malayo sa kapahamakan karamihan

galing ito sa mga matatanda sa bayan ng san isidro , Ayon kay Lorenzo (2005), pinaniniwalaang ang

mga pamahiin ang nagsilbing kalasag ng mga ninuno upang labanan ang pwersa ng kalikasan sa

anumang hindi mabuting pangyayari sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.

Likas na sa bayang ito ang mapagmahal sa kapaligiran lalo na sa kalikasan , kung kaya’t tuwing

may darating na sakuna ay agad itong binibigyan ng koneksyon sa pamahiin tuwing may kalamidad na

nangyayare “nagagalit ang sa taas kaya ito nangyayare” . Sinasabi ni Dr. Florentino Hornedo, na isinipi

nina Gonda at Malacapo, (2012) na ang pamahiin ay isa lamang paraan ng mga tao noon upang
bigyang paliwanag ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid, sapagkat noon ay wala pang sapat na

kaalaman ang mga tao sa lipunan sa mga bagay na may kinalaman sa agham.

Bagamat Ito ay isang kaugaliang namana sa ating mga ninuno na patuloy pa rin isinasagawa ng

karamihan. Ayon pa rin sa mga nakakatanda, ang pagsunod sa mga pamahiin ay nagdudulot ng

kaginhawaan . Ang sabi nga ng karamihan, wala namang mawawala kung susundin ang mga pamahiing

ito at higit na mabuti na sumunod sa mga ito upang manatiling ligtas at magkaroon ng matiwasay na

pamumuhay. Ayon kay Oblena, (2008) ang pamahiin ay isang gabay o batayan, na sa tamang paggamit

ay maaaring magbigay ng magandang kapalaran, lakas ng loob o dagdag na paniniwala sa iyong sarili.

Likas sa mga Pilipino ang may malaking paniniwala sa mga pamahiin. Ito ay isang malaking

bahagi na ng kultura na nakakaimpluwensya sa mga pananaw at iba’t ibang pangyayari sa ating

buhay. Ayon kay Andrews (2010; na sinipi nina Lopez, Nale et.al 2015), ang mga tao ay

biniyayaan ng kalayaang mamili o free will at may likas na kakayahang gumawa ng mga bagay na

sa tingin nila ay hindi magdudulot ng kasamaan at kapahamakan. Bawat indibidwal ay may

kakayahang gumawa ng isang hakbang o desisyon batay sa kaniyang kagustuhan at mga paniniwala.

Bilang mga karaniwang tao na nagpapakita ng kalikasang pumili ng mga bagay na sa tingin nila ay

mabuti at tama. Isa ring dahilan ay ang wala namang mawawala kung tatanggapin at paniniwalaan

ang mga pamahiin sapagkat ang mga ito ay hindi naman makababawas sa pagkatao.

Ang pamahiin ay isa sa mahalagang kulturang kinagisnan na binibigyang pansin upang

maipakita ang pagpapahalaga sa pagiging Pilipino. Sa layo na narating ng sibilisasyon ay nagkaroon na

tayo ng iba’t ibang paniniwala. Naimpluwensyahan ng maraming bagay ang isipan ng nakararami at tila

hindi na nabibigyang pansin ang mga katutubong paniniwala tulad na lamang ng pamahiin. Dahil dito,
minabuti ng mga mananaliksik na bigyang pag-aaral ang usapin upang alamin kung patuloy pa bang

pinanghahawakan at pinaniniwalaan ang mga pamahiin sa kabila ng makabago at sibilisadong

pamumuhay. Ang antas ng pagtangan ng mga kabataang Cabuyeño kaalinsunod sa sinaunang pamahiin

sa gitna ng modernisasyon. Aalamin din ng mga mananaliksik ang mga konsepto sa sarili ng mga

kabataang Cabuyeño tungkol sa mga sinaunang pamahiin.

II. Paglalahad ng Suliranin

I . Kilala paba ng mga kapampangan ang mga nabanggit na pamahiin?

 Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo

 Bawal magligpit hanggat dipa natatapos kumain ang lahat ng mga nasa hapagkainan

 Bawal magsuot ng pula sa burol

 Pag nakakita ka ng itim na pusa may mangyayaring hindi maganda

 Bawal magwalis sa gabi

II. Gaano karaming Kapampangan parin ang naniniwala sa mga nabanggit na pamahiin ?

III. Ano ang naitutulong nito sa kulturang Pilipino at sa mga pamumuhay ng kapampangan?

III. Saklaw at limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa patuloy na natitirang naniniwala at sa natitirang

pamahiin ng magpa hanggang ngayon ay sinusunod ng mga Kapampangan batay sa kanilang sariling

paniniwala . Ito ay sumasaklaw sa mga piling kapampangan sa Lungsod ng Pampanga na may edad

labingwalo (18) pataas . Ang mananaliksik ay kukuha ng isang daan (100) na katao sa Barangay San

Isidro Bacolor at Cabalantian upang maging respondente sa mga katanungan. Mula sa bilang na ito,

kakalap ng maaaring tatanungin ang mananaliksik.


Sa pag-aaral din na ito ay tumutukoy sa mga kaakibat ng pagbabago sa konsepto ng natitirang

naniniwala sa pamahiin mula nuon hanggang ngayon.

IV. Kahalagahan ng Pag aaral

Bilang tagapagsaliksik sa pamanahunang papel na ito, napili ang paksang ito dahil sa ito ay

tunay na mahalagang usapin. Napapanahon ang paksang ito upang malaman ang patuloy na paniniwala

ng mga tao sa mga sinanunang pamahiin at kung nasusunod pa ba ito magpahanggang sa ngayon .

Nakatuon ang pag-aaral sa mga Kapampangan. Mga pamahiing patuloy na sinusunod.

Sa mga Kabataan. Upang ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman

ang mga naunang pamahiin na nasusunod pa hanggang ngayon.

Sa mga Mananaliksik. Upang malalaman kung patuloy pa bang pinanghahawakan ang mga

pamahiin at sinasabuhay nilang ganap. Upang magkaroon din ng isang pag-aaral na magbibigay sa

kanila hindi lamang ng kapaki-pakinabang na kaalaman, higit sa lahat ay isang kakaibang karanasang

tatak sa kanilang puso at isipan.

Sa Pamantasan. Upang makapag-ambag sa pagyabong ng hanay ng mga pananaliksik sa

institusyon na maaaring pagkuhanan ng mga susunod na henerasyon ng mga mananaliksik.

Sa mga susunod na mananaliksik. Upang magkakaroon ng dagdag na kaalaman at

mahahalagang salik ng impormasyon na maaaring makatulong na kaugnay sa kanilang pag-aaral.

V. Depinisyon ng mga terminilohiya

 Ninuno. Ito ay ang pinagmulan ng lahi ng isang tao, hayop o maging halaman.
 Nakagawian ito ay nakasanayan masasabing ang Gawain ay nakasanay kung ito ay matagal mo

ng ginagawa.
 Matiwasay ito ay nangangahulugang may kasaganaan o abundansya ang isang bagay.

 Kapalaran ang kapalaran ay tumutukoy sa hindi maiiwasang takbo ng mga pangyayari.

 Kapahamakan ito ay bagay o pangyayari na nadudulot ng malibhang pinsala.

 Kasamaan ito ay pangyayari na may ginawa ka masama sa iyong kapawa.

Kabanata II

Kaugnay ng Literature at Pag aaral

I . Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay pagpapahayag ng mga literatura at pag-aaral na nabasa ng

mananaliksik at mga natuklasan sa pag-aaral.

Ang bawat pananaliksik ay mayroong tinutuklas upang magkaroon ng sapat na impormasyon

sa kanilang pag-aaral, na kung saan ang mga tinutuklas ay mayroong mga pinanggalingan. Ang mga

kaugnay na literatura ay siyang magiging gabay upang mas mapadali ang pananaliksik na gagawin.

Sa bahaging ito nakalahad ang pinagmulan ng isang pag-aaral o kaya ay mas lalong mapatunayan

ang mga naunang pag-aaral.

Pagtuklas ng mga iba’t iba at sinaunang pamahiin bilang sentro ng pag aaral na ito, na

patuloy na pag-hinog ng panahon patungo sa isang lipunang nagbibigay-kiling sa siyentipikong

pagpapaliwanag ng mga pangyayari sa kapaligiran. Ang bahaging ito ay magpapaliwanag sa usapin

sa mga pamahiin.

Mga pahayag ng positibong pananaw tungkol sa pamahiin ay may dahilang wala naman masama

kung maniniwala, wala namang mawawala kung maniniwala. Ayon sa Andres at Andres (1987), na

sinipi nina Lopez, Nale et.al (2015). Nangangahulugan ito, na ang mga pamahiin ay bahagi na ng

kasaysayang mayroon ang Pilipinas. Noon pa man hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin itong
nabubuhay at pinaniniwalaan. Ayon kay Zhang (2012), ang mga paniniwala sa pamahiin ay may

malaking epekto sa mga indibidwal kapag nakagagawa sila ng panganib. Hangga't ang indibidwal

ay nag-iisip na ang mga paniniwala sa pamahiin ay kapaki-pakinabang sa kanilang sarili, patuloy

nilang ginagawa ang mga ito kahit na alam nila na ang hindi paniniwala sa mga paniniwala ay hindi

makatwiran. Kaya, hangga't nais ng mga tao na malaman ang hinaharap, ang kalooban ng pagiging

ligtas, kawalan ng pag-asa at takot, ang mga paniniwala sa pamahiin ay mapapanatili sa

pagpapatuloy (Köse at Ayten, 2009). Isinasaad dito na ang mga pamahiin ay nagsisilbing parte ng

buhay kung saan ito ay nagiging kaakibat na sa araw-araw na pamumuhay. Mayroon ding mga taong

gumagamit nito bilang isang gawaing nakasanayan na.

Kapag ang mga tao ay naghahanap ng mga palatandaan upang maka-impluwensya ng

mga kinalabasan ng pagkakataon, ginagamit nila ang pamahiin bilang upang makagawa ng desisyon

(Carlson et al., 2009). Ang pamahiin ay ginagamit nilang batayan upang desisyon sa isang bagay.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa pamahiin, maaaring maiwasan ng isang indibidwal ang

pagsisisi dahil sa may negatibong bunga ng hindi pagsunod sa pamahiin. Sinasabi na kapag may

inaasahang isang bagay na maaaring pagsisihan, ito ay magdudulot ng matinding damdamin na

tutulong sa isang tao upang maiwasan ang mga posibleng panganib o peligro na mangyari (Dean,

2012; na sinipi nina Lopez, Nale et.al 2015). Kaya naman, upang maiwasan ang pagsisisi,

nagsusumikap ang ilan na sundin ang mga sinasabing pamahiin na kanilang alam at sa paraang ito,

nagbabaka sakali sila na mayroong suwerteng dumating o kaya naman ay makaiwas sa malas.

Ayon kay Dhillon at Satinder (2015), halaw sa pag-aaral ni Arora (2003), itinuturing na ang

modernisasyon ay isang proseso na sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang pagbabago ay

nagiging mas malalim at sumasaklaw rin sa mga halaga ng kultura at oryentasyong personalidad. Ito

ay ang pag-unlad ng isang pagsisiyasat at mapag-imbentong saloobin ng isip, indibidwal at lipunan na


namamalagi sa likod ng paggamit ng mga diskarte at makina at inspirasyon sa isang bagong paraan ng

panlipunang relasyon. Dahil sa paggawa ng makabago ang iba't ibang pagbabago ay nagaganap sa

agham at teknolohiya, pamumuhay at sistemang halaga.

Ang bawat indibidwal ay may kani-kaniyang pananaw sa buhay batay sa kanilang pinaniniwala.

Sa patuloy na pag-unlad ng bansa kasabay ng mga paniniwala, unti-unting nagkaroon ng pagbabago.

Maraming bagay ang naaapektuhan dahil sa pagbabago o tinatawag na modernisasyon. Ito ay proseso

kung saan ang isang bagay ay nagbabago o ang pag-unlad ng isang bansa at patuloy na pagbabago

hanggang sa susunod na henerasyon .

Kabanata V

Layon , Konklusyon at rekomendasyon.

I .

Layunin ng mananaliksik na alamin kung ang mga nabanggit o mga napiling pamahiin ay patuloy

pa rin bang sinusunod at pinaniniwalaan ng mga kapampangan lalo na sa bayan ng Bacolor dahil duon

pinaka tinamaan nuon ang pagsabog na mt. Pinatubo na lalong nagpatibay sa mga nananampalataya

at piniling manatili sa kabila nang mga nangyare nuon , at gaano pa ba kadami ang naniniwala nito

sa modernong pagbabago ng panahon may natitira pa bang naniniwala nito . At layong rin iparating

sa mambabasa na ang pamahiin ay paniniwalang nakagawian na, ayon sa nakararami wala namang

mawawala kung susundin ito at lalong wala namang masama kung paniniwalaan ito dahil walang

nakakaalam sa atin ng katotohanan. Ito ri’y nag silbing gabay sa mga naunang tao laban sa kalamidad

ng kanilang kapaligiran na magpa hanggang ngayon patuloy parin itong sinusunod . ( 137 words yapa

200 kailangan padagdag din )


II

Bagama’n ang mga tao lalo na ang mga Pilipino ay puno ng pamahiin saan man magpunta

nakasunod na nga ata ang pamahiin mula bata hanggang pagtanda may okasyon man o wala dahil hindi

naman masama kung susundin ito at lalong wala namang mawawala, minsan sa buhay hindi natin alam

ang mga nangyayare at mangyayare palang nasanay na sa bawat galaw at pangyayare ay may kaakibat na

pamahiin na may relasyon sa kapaligiran kaya’y magpa hanggang ngayon sinusunod pa rin ito ng

nakararami na namana sa mga sinaunang ninuno bagama’t nagbabago man ang panahon nananatili parin

sa mga kapampangan ang naiwang kultura ng mga sinaunang tao ( padagdag nmu own opinion yayan

2 paragraph pa sana )

III. Rekomendasyon (okay ne yan )

 Pagsunod sa Nakatatanda

 Pananalig sa Poong Maykapal

 Paniniwala sa sa sarili

Sanggunian :

https://prezi.com/o8emprgbxzix/isang-pananaliksik-tungkol-sa-pamahiin-na-pinaniniwalaan/

https://1715373997.rsc.cdn77.org/wp-content/uploads/2015/11/Pamahiin-PSP-PSU.pdf

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/Folk_Beliefs/mga_iba_pang_pamahiin.htm

https://www.slideshare.net/lazojovina/pamahiin

https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Pahina

https://pinoycollection.com/pamahiin/

https://en.wikipedia.org/wiki/Superstition

You might also like