You are on page 1of 11

PARAAN NG KABATAAN SA 11 SHS SA PAGPAPANATILI SA

KULTURANG PILIPINO (PAMAHIIN SA PATAY)

Papel ng Pananaliksik

Iniharap kay Ginoong Kenn

ng Looc National High School

Lungsod ng Plaridel

ni

GABRIEL IZAGANNI A. SANCHEZ

BLANCHE MAGTAGAD

SWEETHEART JUMAWAN
KABANATA 1

Ang Suliranin

Introduksyon
Maraming Pilipino ang naniniwala sa mga pamahiin na hanggang ngayon ay
nabubuhay pa rin sa ating mga Pilipino. Maraming henerasyon na ang nagdaan
ngunit hindi pa rin natin nakakalimutan ang ganitong klaseng paniniwala. Ang
mga Pilipino namay kanya-kanyang pinapanigan, may naniniwala, at mayroong
hindi, kaya naman maraming Pilipino na rin ang tumatalikod sa ganitong
paniniwala. Ang buhay ngayon ng mga Pilipino ay masyadong praktikal, hindi
nila binabase ang kanilang gawain sa daloy ng panahon. Hindi nila inihahambing
ang pamumuhay sa realidad. Ang pamahiin ay paniniwala kung saan ang isang
pangyayari ay maaaringmakaapekto sa isa pang pangyayari bagama't sila ay
walang relasyon sa isa't-isa.Marami sa atin ang naniniwala rito at marami rin ang
hindi naniniwala pero ito parin ay tradisiyon sa ating mga Pilipino.(Francesca Joy
Santos,2018)

Ang pamahiin ay pinaniniwalaan ng ating mga matatanda o ng ating mga


magulang. Ito ay ipinapalagay nila ang mga bagay atpangyayari sa pamahiin na
may halong pag-asang mapabuti.Sa pag-aaral na ito, nais na malaman na ang
ibang Pilipino ba ay naniniwala parin sa mga pamahiin. May mga pagtutunay sa
pananaliksik na ito na gagampananan ngbawat Pilipino na sakop nito. Sa
paghahatid ng mga katanungan tunkol sa mgapamahiin, malalaman kung ito ay
nanatili pa rin sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa ganitongparaan malalaman kung ano
ba talaga ang mga dahilan ng kung bakit may mga paniniwala ang amg Pilipino
na s’yang gumagabay sa bawat pagpasok ng bawat henerasyon sa ating bansa.
Matutugunan at mapapanatili nito ang mga paniniwala tungkol sa pamahiin nating
mga Pilipino.Ito ay ang mga gabay natin sa mga bagay na gusto nating
mapaganda. Nagmulaito sa ating mga ninuno na pumanaw na, maraming
halimbawa ang mga pamahiin,katulad na lamang sa patay, sa kasal, sa mga bata at
marami pang iba. Base sa ilangpananaliksik, nagmula ang mga sinaunang
paniniwala sa mga manlalakbay na galing samga karatig bansang Indonesia,
Malaysia, China at iba pang bansa mula sa TimogSilangang Asya. Ito ay pamana
sa atin ng mga ninunong Ita na siyang kauna-unahangnanirahan dito sa Pilipinas.
Ang mga pamahiin na ito ay mga paniniwalang binabase samga nangyayari o
panahon na naayon sa mga Pilipino na nananatiling naniniwala rito.

Mahalaga ito sa ating kultura dahil ito ay atin nang nakasanayan. Sa ating
kaalamanhindi naman lahat ng sumusunod gumaganda ang buhay, kailangan lang
natin na sundindahil ito ang ating nakasanayan. Ito ay hindi nawawala o nabubura
sa kahit na sinumangPilipino, kaya lahat ng mga matatanda ay sinasabi sa mga
kabataan ang mga pamahiinpara hanggang sa huling henerasyon ay alam nating
mga Pilipino na hindi mawawalaang tradisyong ito na ating minana sa ating mga
ninuno. Nais nito na maiparating sa mgakabataan kung ano ba talaga ang mga
kahalagahan nitong mga pamahiin natin. Angmga pamahiin na ito ay mapapabuti
rin naman tayong Pilipino sapagkat sinusunod natinang kulturang dapat naman
talaga nating tinatangkilik.Kahit saan pumunta ang mga Pilipino ang una nilang
iniisip ay ang mgapamahiin. May bagay lang na mangyari sa atin pumapasok na
agad sa ating isipin angpamahiin dahil kahit kailan hindi nawala sa atin ang
ipinamana na pamahiin.Pinaniniwalaan ang mga pamahiing naging kalasag nila
upang labanan ang pwersa ngkalikasan sa anumang di mabuting pangyayari sa
kanilang pang-araw-araw napamumuhay. Pinapaalam nito na saanman tayo
mapunta ay nakakapit pa rin angpaniniwala natin tungkol sa mga pamahiin. May
paraan ito upang maisaayos ang atingpamumuhay bilang isang Pilipino na may
paniniwala sa ganitong kultura.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang mapatunayan kung ang ating paniniwalasa
ganitong usaping ay umiiral pa rin sa ating bansa. Naglalaman rin ito ng iba’t
ibang

pag-aaral na pwedeng pagbasehan ng aming pananaliksik. Masusuri dito


angkahalagahan at iba pang uri ng pamahiin sa pag-aaral na ito. Dito rin
malalaman ang iba’t ibang uri ng pamahiin sa patay na hindi pwedeng gawin
habang ikaw ay nasa burol.

Malalaman ang iba’t ibang solusyon o sagot sa mga katanungan na aming


kailangang sagutin.
Balangkas Konseptwal

Interbyu Pamahiin sa Patay Pananaliksik

Mga estudyante sa 11
SHS sa paaralang Looc
National High School

Opinyon Paniniwala
Batayang Konseptuwal
Sa pananaliksik na ito, ang Pamahiin sa Patay ang magsisilbing puso ng pag-
aaral. Ito ay bibigyang kahulugan sa paraang Pananaliksik at Interbyu. Sa
pamamagitan nito susuriin ng mga mananaliksik ang mga pamahiin sa patay na
pinaniniwalaan ng mga estudyante sa Sitio Looc National High School, Lungsod
ng Plaridel. Sa balangkas na ito makikitaang nakakabit na Paniniwala at Opinyon
na siyang magsisilbing batayan ng pananaliksikna ito.

Pangkalahatang Tanong
Ano-ano ang mga persepsyon sa pamahiin sa patay na pinaniniwalaan ng mga
estudyante?

Layunin ng Pag-aaral
1.Natutukoy ang paniniwala ng mga estudyante sa pamahiin sa patay.

2.Nasusuriang iba’t ibang pamahiin sa patay na pinaniniwalaan ng estudyante


natumatak na sa ating Pilipino na ito ay nakapaloob sa ating kinagisnang kultura.

3.Nakabubuo ng batayan na mga pinanainiwalaang pamahiin ng


mgakasalukuyang mananaliksik

. Kahalagahan sa Pag-aaral
Para sa mga Mag-aaral

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa iba pang mag-aaral na siyang


magiginggabay sa pagkalap ng impormasyon na nakabatay sa ganitong klase ng
pag-aaral.

Para sa mga Guro

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga guro sa pamamagitan ng pagtuturo


opagbibigay kaalaman tungkol sa mga pamahiin sa kabataan na katulad nito.
Para sa mga Mananaliksik

Makatutulong ito sa iba pang mananaliksik sapagkat isa rin ito sa instrumento
namaaari nilang pagkuhaan ng iba pang impormasyon na may kinalaman sa
ganitong uring pag-aaral.

Para sa Administrador

Makatutulong ito sa mga administrador dahil alam natin na may iba’t-


ibangkaranasan na sila na napagdaanan na maaaring mga pamahiin ito sa patay na
kanilangsinusunod o hindi na siyang pinag-aaralan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay saklaw lamang ang persepsiyon sa pamahiin sa patay sa
mga estudyante na may edad na 16-20 taong gulang sa 11 SHS ng Looc National
High School, Lungsod ng Plaridel.

Terminolohiya
Pamahiin –paniniwala o pagkukuro na hindi nakabatay sa katuwiran o
kaalaman.(UPDIKSIYONARYONG FILIPINO BINAGONG EDISYON, 2009)
Kabanata II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura buhat sa lokalat
banyagang mga sulatin na makatutulong sa pagpapaunlad ng pag-aaral na ito.

Lokal na Literatura
Ayon kay Silverio (1997), kung sa kasaysayan ng Pilipinas, makikita na
nagpaniniwala sa pamahiin ay nakaugat na sa kung ilang henerasyon ng mga
Pilipino. Sakapanahunan ng ating mga ninuno, mababatid na sa kanila na payak
na pamumuhay aymayroon na silang sinusunod na paniniwala kung saan binabase
nila ang mgapangyayari sa kanilang paligid (Amper et. al., 2010). Ayon kay Dr.
Florentino Hornedo, iyon ay dahil sa ang mga sinaunang tao ay walapang sapat na
kaalaman sa lipunan noon kaya naman ay ipnagpapalagay nila ang mgabagay at
pangyayari sa pamahiin na may halong pag-asang mapabuti ang lahat dahildito
(binaggit sa Gonda & Malacapo, n.d.). Base sa ilang mananaliksik, nagmula
angmga sinaunang paniniwala sa mga manlalakbay na galing sa mga karatig
bansang Indonesia, Malaysia, China at iba pang bansa mula sa Timog Silangang
Asya(www.elaput.org na binanggit sa Amper et. al., 2010). Ang pamahiin ay
hinahanapan ng basehang paniniwala kung saan ang isang pangyayari ay
maaaring makaapekto bagama’t sila’y walang relasyon sa isa’t isa(Pamahiin,
online). Ito ay isang gabay na kung gagamitin ng tama ay magdudulot
ngmagandang kapalaran at dagdag na paniniwala sa isang sarili (Oblema, 2008).

Banyagang Literatura
Nakikita nating nakolekta sa aklat na ito (Ang Bibliya) ang mga pamahiin
sapaniniwala ng sinaunang mga naninirahan sa Palestine, na may mga malabo na
dayaming mga kathang-isip ng mga Indian at Persiano, na nagkakamaling
imitasyon sa mgateorya at kaugalian ng Ehipto, ang makasaysayang mga istorya
na tila walang katiyakanat iba't ibang mga tula, pantao at Hudyong pambansa na
bihirang nakikilala ang mgakagandahan ng pinakamataas na pagkakasunud-sunod
ngunit madalas sapamamagitan ng sobrang kahihinatnan ng pagpapahayag,
kabastusan (Max Nordau1901).
Ang isang hanay ng mga saloobin, pag-uugali, at mga simbolo na ibinahagi
ngisang malaking grupo ng mga tao at kadalasang nakipag-ugnayan mula sa
isanghenerasyon hanggang sa susunod (Shraev at Levy 2004). Ang mga
paniniwala ay angpang-unawa ng tao tungkol sa katotohanan ng mga bagay at
ibinabahagi ang mga ideyatungkol sa mga kalagayan at ang kanyang kapaligiran
ay nagpapatakbo. Sapamamagitan ng kanilang mga paniniwala, ang mga tao ay
may katuturan ng kanilangkaranasan, parehong personal at panlipunan. Ang mga
ito ay epektibo ng lubos napinahahalagahan na pakiramdam tungkol sa mundo
kung saan nabubuhay ang mga tao(Crapo, 1990).

Lokal ng Pag– Aaral


Ayon sa pag –aaral ni Jovina (2013), isang Filipino blogger, ang mga
sinaunang Filipinoay tulad ng mga tao sa iabng bansa na may pinaniniwalaan di
na mga pamahiin na karaniwannamang gabay nila sa pang – araw-araw na
pamumuhay. Dulot man ng agham o antroplohiya,hindi maikakailang malaki ang
naitulong ng pamahiin upang bigyan ng direksyon at paliwanagang karanasan ng
mga tao. Ayon din sa pag –aaral ni Eros Atalia, propesor ng Filipino sa Faculty of
Arts and Letters At Junior Associate Ng Center for Creative Writing and Studies,
wikaang isang dahilan ng pagkakabuo ng pamahiin.

Banyagang Pag–aaral
Ayon sa librong Language ang Power Ng Lancaster University Linguist na si
NormanFairclough, isang Social Practice ang wika. Kaugnay ng pagsasabuhay ng
pamahiin angpagsasabuhay din ng wika. May nakataling konsepto sa wika tulad
ng usapin sa pamahiin, gayana lamang ng pamahiing Oro, Plata, Mata, na
nangangahulugang , ginto, pilak at kamatayan.
KABANATA III

METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga metodolohiya, disenyo at paraan ng
pananaliksik sa mga Estudyante sa 11 SHS ng Looc National High School,
Lungsod ng Plaridel.

Disenyo ng Pananaliksik
Descriptive Design

ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagsusuri. Ang Descriptive Design ay


naglalarawan ng isang sitwasyon o pangyayari.Hindi itogumagawa ng tumpak na
mga hula, at hindi nila tinutukoy ang sanhi at epekto. Mayroongtatlong
pangunahing uri ng mga Descriptive Design:Observation Methods, Case
StudyProcedures, at Investigative Procedures. Naangkop ang disenyo na ito sa
pag –aaral ngmga mananaliksik kaugnay sa mga persepsiyon ng mga matatanda
sa pamahiin sapatay. Nailalarawan nito ang mga pamahiin na maaaring nasa isang
pangyayari o salugar na siyang pinangyarihan o sa kanyang ginagalawan.

Seting ng Pananaliksik
Ang pag–aaral na ito ay isinagawa mula sa mga piling kalahok sa Sitio
Cabatuhan,Lungsod ng Valenzuela at sa tulong na rin ng silid –aklatan ng
Valenzuela City Libraryupang makahanap o makakuha ng mga kaugnay na pag –
aaral at literatura at ilang mgataong nakasalamuha ng mga mananaliksik kaugnay
sa pag–aaral ng mgamananaliksik.

Pagpili ng Kalahok
Purposive Sampling ang ginamit ng mga mananaliksik para sa pag–aaral naito.
Ang Purposive Sampling ay isang di-posibilidad na sample na pinili batay sa
mgakatangian ng isang populasyon at ang layunin ng pag-aaral. Ang Purposive
Sampling aykilala rin bilang Judgmental, Selective, o Subjective Sampling.

Ang mga sumusunod ayang kraytirya sa pagpili ng mga kalahok:

1. Ang mga kalahok sa pag–aaral na ito ay mga estudyante sa 11 SHS na


nasa 16-20 taong gulang.
2. May kaalaman tungkol sa paksa ng mga mananaliksik, pamahiin sa patay,
ang mga respondente. Inilahad ng mga mananaliksik sa ibaba ang mga
sumusunod na katanungan sapakikipanayam sa mga estudyante ng 11 SHS sa
Looc National High School, Lungsod ng Plaridel nakaugnay ng pananaliksik
na ito:

1. Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin? Bakit oo at bakit hindi?

Gustong malaman ng mga mananaliksik ang kanilang opinyon kaugnay nito.

2. May mga pagkakataon ba na tama ang inyong paniniwala?

Nais na malaman ng mga mananaliksik ang kabisaan ng paniniwala ng


mgarespondent kaugnay sa pamahiin.

2. Naranasan niyo na ba sundin ang mga sinasabi sa pamahiin na ito?

Nais malaman ng mga mananaliksik ang tungkol sa karanasan ng


mgarespondente sa pamahiin.

4. Nakasanayan mo na bang sumunod sa mga pamahiin tungkol sa patay na


alammo?

Nais na malaman ng mga mananaliksik ang kanilang nakagisnan sanasabing


pamahiin.5. Sa panahon ngayon mas pinaniniwalaan pa ba ang pamahiin ng mga
matatandatungkol sa patay?

Nais na malaman ng mga mananaliksik kung umiiral pa ang ganitong


pamahiinsa kasalukuyang panahon.

6. May mabuti at masamang epekto ba ang pagsunod sa pamahiin?

Nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang epekto ng pamahiin na itosa
kanila.
7. Kung bibigyan kayo ng pagkakataon upang ipaliwanag ang tungkol sa
pamahiin,ano ito at bakit?

Nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang mga hinaing nila tungkol
sapamahiin.

Paraan ng Pangangalap ng Datos


Matapos makakalap ng impormasyon ng mga mananaliksik sa naturang
lugar,binigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga datos na mula sa mga
respondente nasiyang kailangang tiyakin ng mananaliksik.Sinuri ng mga
mananaliksik nang maigi ang bawat datos upang mapatunayang ito aymay
katotohanan o sadyang opinyon lamang mula sa mga napiling kalahok
ngpananaliksik na isinasagawa ng mga nasasabing mananaliksik. Ayon sa
pag-aaral, maaaring maglahad ito ng pagtitiyak sa mga nasabing katanungan.
Bumuo ng paglalahat ang mga mananaliksik, batay sa pagsusuri maraming
mgamatatanda pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin na siyang nakagisnan na
natin atnilalaman na ng ating kasaysayan. Maraming matatanda rin naman na
binabaliwalalamang ang nasabing paksa, may mga respondent rin na maaaring
naniniwala na nanghusto sa mga pamahiin sa patay. Sa mga resulta ng pag –aaral,
maraming datos ang nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na
kanilang pinagtanungan.
Tritment ng Datos
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa Looc National
High School, Lunsod ng Plaridel. Sa pagkakataong ito ang mga mananaliksik ay
gumamit ng instrumento upang makapanayam at upang makasigurado sa mga
impormasyong nakukuha mula sa mga respondente na kinakailangan sa pag –aral
na ito.

You might also like