You are on page 1of 12

SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 1

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Sa kabanatang ito inilahad ng mga mananaliksik ang mga layunin at

kahalagahan ng pananaliksik na isasagawa, dahilan sa pagkakapili ng paksa,

kaligirang pangkasaysayan at saklaw at limitasyon na sa kabuuan ay

sandigan ng magiging pananaliksik.

Panimula

Bahagi ng buhay ng tao ang “musika”, maaari itong magbigay ng lungkot,

ligaya at iba’t ibang emosyon sa bawa’t isa. Maaari itong maging sandalan

ng mga taong may mabigat na dinadala sa kanilang mga puso o kung hindi

naman ay maging ekpresyon sa kasiyahang nadarama. Parte rin ito ng mga

kulturang makapilipino, sa pamamagitan ng pag-awit, pag-sayaw o pakikinig

sa mga sariling awitin ng bansang Pilipinas. Masisilayan ito sa iba`t ibang

parte ng bansa mula Luzon, Visayas at Mindanao. Isa ito sa nagbibigay

inspirasyon sa tao.

“Kung minsan ang mga liriko ay nagsasabi ng isang kuwento at

nagpapalawak sa ideya ng isang indibidawal na naglalayon na

makapag likha ng liriko ng isang awitin. Marahil ang awitin ay

nagbibigay sa iyo ng larawan ng isang tao, bagay, o pangyayari


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 2

na maaring gamitin sa paglalarawan at pagpuno ng mga patlang

upang lumikha ng iyong sariling eksena. O sa huli, ang mga titik

ay ibabalik kayo sa iyong nakaraan na magbibigay inspirasyon

sa isang indiidawal.” (Tydell, 2012).

Pinatutunayan lamang nito na ang pakikinig ng musika ay tunay ngang

nagbibigay ng iba’t ibang mga ideya at emosyon na nakakatulong sa isang

indibidawal upang makakuha ng inspirasyon mula sa mga awitin na nag-

uugnay sa nakaraang karanasan para sa kanilang pang araw-araw na

pamumuhay.

Maari itong gamitin sa pag-aaral upang mas maging pokus at relaks

ang mga isipan. Ayon sa ilang pag-aaral ng mga eksperto sa larangan ng

musika ay nakakatulong ang pakikinig ng mga klasikong musika katulad ng

“Mozart’s Symphony №40” at “Bach’s Six Cello Suites”. (Drope, 2018). Ibig

sabihin ito ay nakatutulong sa pagtalas ng kaisipan ng mga tao. Sa panahon

ngayon, mas tinatangkilik na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng

kompyuter, laptop, at selpon kaya mas madali na ang pagkalap ng mga

impormasyon. Mas napapadali na rin ang pakikinig ng iba`t ibang musika na

mayroong liriko. Kadalasan mas tinatangkilik ng karamihan ang mga

makabagong musika, katulad ng Rap, Pop, R&B, OPM, at marami pang iba.

Ayon sa isang artikulo:


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 3

“Ang mga uri ng musika na mas tinatangkilik sa Pilipinas ay

halos musika ng mga amerikano, R&B at ginagamit itong

inspirasyon upang makagawa ng mga bagong kanta ng

Pilipino. Halos lahat dito ay mga awiting pang pag-ibig.

Ang mga kanta ng OPM at internasyonal na mang-aawit

(muli na karamihan sa mga ito ay ang Amerikanong

musika) at sikat na mang-aawit sa Pilipinas ay halo-halo

sa kanilang listahan ng mga pinakikinggang awitin o

mainstream na Amerikanong mang-aawit at sikat na

Pilipinong mang-aawit. Sa mga nakaraang taon, doon

ay yumayabong ang OPM indie kung saan karamihan

ng mga tinedyer.” (Jane,2016).

Ang kulturang pang musika ng mga Pilipino ay hindi lamang umiikot

sa pakikinig ng OPM. Ang mga Pilipino ay nahihilig din sa pakikinig ng mga

banyagang musika.

Ang mga kabataan sa henerasyon na ito ay maoobserbahan na

nakikinig ng musika habang nag-aaral o di naman kaya’y nagrerebyu, at

ang ilan naman ay nais mag-aral sa isang tahimik na lugar.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang mga

positibo at negatibong epekto ng pakikinig ng musikang mayroong liriko

habang nag rerebyu.Isinagawa ang pag-aaral na ito upang maipaalam sa

mga tao ang dulot ng ganitong gawi.Ito ay nakapokus sa mga piling mag-
SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 4

aaral ng Grade 11 Humanities ang Social Sciences (HUMSS) sa instirusyon

ng Santa Isabel College-Manila.

Kaligirang Pangkasaysayan

Nagkaroon ng ilang pag-aaral na naglalayong patunayan kung ang

klasikong musika ba ay nakatutulong sa pag-aaral ng mga estudyante . Ito

ay tiyak na kahanga-hangang gawa ng musika sa isang tao. Kung nakikinig

ang isang estudyante sa mga sulatin ng mga kilalang kompusitor sa larangan

ng klasikong musika na sina Vivaldi o Chopin ay maaring tumaas ang marka

nito sa kanilang pagsusulit, na patunay ngang naging kahanga-hanga.

(Grope,2018). na pinatunayan ng isang Pranses base sa kanyang pag-

oobserba at pag-aaral na isinagawa noong 2012 na nagpapahiwatig na ang

pakikinig sa klasikong musiko ay maaaring gamitin iyon sa pag-aaral. Base

sa kanyang pag-aaral sa dalawang magkakahiwalay na grupo ng mga mag-

aaral na binigyan ng parehong panayam sa bidyo.

“Ang isang grupo ay may musikang klasikal na naglalaro

sa background habang ang iba ay hindi. Ang

parehong mga grupo ay pinangasiwaan ang mga

pagsusulit batay sa materyal mula sa video. Kapag

inihambing ang mga pagsubok, natuklasan ng mga

mananaliksik na ang grupo na nakikinig sa musikang


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 5

klasiko ay nakakuha ng mas mataas na marka kaysa

sa grupo na hindi. Napagpasyahan nila na ang musika

ay dapat na lumikha ng isang pagbabago sa kapaligiran

na humantong sa isang pagtaas sa nagbibigay-malay

na pagganap.” (Grope,2018).S

Isa ito sa mga positibong patunay na ang pakikinig ng musikang

mayroong liriko habang nag-aaral ay nakatutulong upang mas maging pokus

at maging mas matalas ang isipin ng mga estudyante.

Pinaniniwalaan na ang mga komposisyon ni Wolfgang Amadeus Mozart

ay nakatutulong sa pagtaas ng antas ng katalinuhan ng isang indibidwal at

tinatawag itong “Mozart Effect” na naging tanyag noong 1993, dahil sa

kontrobersyal na papel. Ayon pa sa isang pag-aaral, ang mga pasyente na

nakinig sa klasikong musika sa panahon ng mahirap na kalagayan ay hindi

nakaranas ng pagkabahala kaysa sa mga pasyente na kung saan lamang

nabawasan ang ingay sa paligid. (Cancer, 2012).

Pinapatunayin na ang musikang klasiko ay maaaring makatulong sa

pagiging mas pokus sa pag-aaral o sa isang gawain ng isang indibidwal. Ito

rin ay nakatutulong upang hubugin ang antas ng kaalaman ng isang tao.

Ayon sa pag-aaral ni Therese Goussy (2018):

“Ito ay isa na malamang na nag-iiba mula sa isang indibidwal


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 6

hanggang sa susunod. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang

mga mag-aaral na nakinig ng isang oras na habang nagbabasa

na may musikang klasikal na tumutugtog ay nagpanatili ng

higit pang impormasyon kaysa sa isang grupo na nagbasa ng

walang musika. Maaaring ito ay dahil sa nagpapataas ng

emosyonal na kalagayan na maaaring magresulta sa pakikinig

sa musika, na ginagawang mas matatanggap sa impormasyon.

Marahil ay nalulunok lamang ng musika ang iba pang ingay

sa labas at potensyal na mga pagkagambala, na nagpapahintulot

sa mga estudyante na higit na tumutok sa materyal. Gayun-

paman, ang ilang mga klasikal na mga tagahanga ng musika

ay nakikita ang kabaligtaran - na ang musika ay sobrang

nakahihikayat na maglaho sa background at nagtatapos na

nakagagambala mula sa gawain sa kamay.”

Pinatutunayan lamang nito na ang klasikong musika ay mayroong

positibong dulot. Ibig sabihin mas napapalawak ang pokus ng pagbabasa ng

isang estudyante habang nakikinig ng klasikong musika. Ito ay dahil

nagkakaroon ang mga estudyate ng klarong pag-iisip, at karagdagan sa

kanilang antas ng katalinuhan.

Ayon sa pag-aaral na ito, dumidipende sa isang tao kung epektibo ba

ang pakikinig ng kahit anong klase ng musika habang nagbabasa. Para sa


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 7

iba ito ito ay maaaring maging dahilan ng kanilang pagkalito sa ginagawa.

Para naman sa iba ito ay kapakipakinabang. Ito ay dumedipende sa

emosyonal na karakter o katangian ng isang indibidwal. Nakadepende sa

emosyonal na kapasidad ng isang tao kung mas maiintindahan ba nito ang

kanyang inaaral habang nakikinig ng musikang mayroobg liriko.

Balangkas Konseptuwal

Makikita sa konseptuwal na balangkas ang paradigma at magiging daloy

ng pananaliksik na gagawin.
MUSIKANG MAYROONG LIRIKO

GENRE

KLASIKONG MUSIKA

POP SLOW BALLAD


ESTUDYANTE

POSITIBO NEGATIBO

MAYROONG LIRIKO INSTRUMENTAL

KONKLUSYON
SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 8

Sa batayang konseptuwal na ito, ang mga musikang may liriko ay

may iba’t ibang uri ng genre. Ang genre na ito ay nahihiwalay sa tatlong

(3) na yunit na pop, slow ballad, klasikong musika. Dito ipinapakita ang

saloobin ng mga estudyante kung may positibo o negatibong epekto ba

ang musikang may liriko o ang instrumental lamang. Ang konklyusyon ay

ibabatay sa datos na nakuha mula sa mga estudyante.

Paglalahad ng Suliranin

Ninais na malaman ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na may

paksang EPEKTO NG PAKIKINIG NG MGA MUSIKANG MAYROONG

LIRIKO SA PAGREREBYU NG MGA PILING MAG-AARAL NG SANTA

ISABEL COLLEGE-MANILA SA GRADE 11 HUMSS STUDENTS HABANG

NAGBABASA ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng respondente? ayon sa;

a. Edad

b. Kasarian

c. Seksyon

d. Strand

2. Paano nakakatulong ang musika sa komprehensyon ng mag-aaral sa

akadamikong teksto habang nagrerebyu?

3. Nakatutulong ba sa isang mag-aaral ang pakikinig ng musikang mayroong

liriko sa pagrerebyu ng isang pang akademikong teksto?


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 9

4. Nagugulumihanan ba ang mag-aaral sa pagintindi ng akademikong teksto

kung mayroong silang naririnig na musikang may liriko?

5. Mayroon ba itong positibo at negatibong epekto sa mga pagsusulit, pokus,

at kanilang antas ng katalinuhan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito na may paksang EPEKTO NG

PAKIKINIG NG MGA MUSIKANG MAYROONG LIRIKO SA PAGREREBYU

NG MGA PILING MAG-AARAL NG SANTA ISABEL COLLEGE- MANILA

SA GRADE 11 HUMSS STUDENTS HABANG NAGBABASA ay ang

sumusunod: Maipabatid at maipamulat sa mga indibidwal ang kahalagahan

at mga postibo at negatibong epekto ng pakikinig ng mga musikang

mayroong liriko habang nagrerebyu.

… Para sa mga Mag-aaral – Dito maipapakita ang epekto ng pakikinig sa

musika na may liriko habang nag-aaral. Ito ay magiging gabay kung maganda

o hindi ang epekto ng pakikinig ng musika na may liriko habang nag-aaral.

… Para sa mga Magulang – Ito ay magiging gabay para sa mga magulang

kung epektibo ba ang pakikinig ng kanilang anak sa musikang may liriko

habang nag-aaral.
SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 10

… Para sa mga makakabasa nito-upang malaman nila kung ano ang

maaring maidulot ng pakikinig ng musikang mayroong liriko sa pag-aaral. Ano

ang maaring maging tulong nito sa pagtaas ng kanilang antas ng katalinuhan.

Layunin ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito na may pamagat na EPEKTO NG PAKIKINIG NG

MGA MUSIKANG MAYROONG LIRIKO SA PAGREREBYU NG MGA

PILING MAG-AARAL NG SANTA ISABEL COLLEGE-MANILA SA GRADE

11 HUMSS STUDENTS HABANG NAGBABASA ay naglalayon na:

Tulungan maunawaan ang mga mag-aaral ng Grade 11 HUMSS seksyong

Prudence at Fortitude sa panuruang taong 2018-2019 ang papel na

ginagampanan ng musika sa kanilang akademikong pag-aaral, pagtalakay at

paghahambing na maari maging kapaki-pakinabang sa pag-aaral. Kung

mayroon itong pagkakaiba sa pagitan ng pakikinig ng musika na may liriko o

walang liriko, upang tayo ay makabuo ng konklusyon nang malaman at

matukoy kung saan ito mas mahusay. Upang malaman din ang positibo at

negatibong epekto nito sa mga piling mag-aaral ng Santa Isabel College-

Manila. Malalamin din natin ang mga iba’t ibang taktika ng pag-aaral upang

makatulong sa pagtaas ng kanilang antas ng katalinuhan.


SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 11

Saklaw at Limitasyon

Sa pananaliksik na ito na may paksang EPEKTO NG PAKIKINIG NG

MGA MUSIKANG MAYROONG LIRIKO SA PAGREREBYU NG MGA

PILING MAG-AARAL NG SANTA ISABEL COLLEGE-MANILA SA GRADE

11 HUMSS STUDENTS HABANG NAGBABASA ay nakapokus lamang sa

pagpapatunay na ang pagrerebyu habang nakikinig ng musikang may liriko

ay mayroong mga positibo at negatibong epekto sa mga piling mag-aaral ng

Santa Isabel College-Manila sa pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito

ay isasagawa ng mga mananalisik sa mga araw kung saan nagrerebyu ang

piling limampu (50) na estudyante mula sa Prudence at Fortitude ng baitang

labing-isa HUMSS bago ang kanilang panuruang pagsusulit sa panuruang

taon 2018-2019.

Katuturan ng Salitang Ginamit

Ang mga sumusunod na salita ay ginamit ng mga mananaliksik

upang lalong maunawaan at maging angkop sa isa’t isa ang mga salita

sa loob ng pangungusap. Binigyan ng kahulugan ang mga sumusunod

na salita ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa pananaliksik:

LIRIKO Ang salitang liriko ay ang mga salita na


nakalapat sa isang tula o awitin.
SANTA ISABEL COLLEGE—MANILA 12

REBYU Ang salitang rebyu ay nangangahulugang


muling pastingin, vo pagbabalik tanaw. Ito
rin ay isang paraan upang maalala ala
ang mga konseptong natutunan na.

MUSIKO Ang mga pinagsama-samang tunog na


nakakagawa ng magandang anyo,
pagkakaisa, at pagpapahayag ng
damdamin.

OPM (ORIGINAL PINOY/ PILIPINO MUSIC)


Ito ay ang terminolohiyang ginagamit
upang matukoy kung ang isang awitin ay
gawa ng isang Pilipino.

You might also like