Professional Documents
Culture Documents
Salawikain at Kasabihan
1. Ang taong walang karanasan sa kagipitan akala’y di na mangangailangan
kailanman. Ngunit kapag sinubukan ng Maykapal masahol pa sa hayop kung
mag umatungal.
- Ipinahihiwatig sa salawikain na ito na ang tao na hindi dumaan sa
hirap sa kanilang mga kabataan ay paniguradong lubos na
mahihirapan kung sakaling may madaanan mang lubak sa kanila daan
o kaya ay may mabigat na problema na dumaan sa kanilang buhay.
Kaya’t mas mainam pa na lubos ang hirap na madaan kahit na tayo ay
mga musmos pa lamang upang sa gayon ay mamulat na tayo kung
gaano kahirap ang ating tatahakin sa ating paglaki at sa pagharap sa
realidad ng buhay.
3. Iyang bundok ay nilikha para lang sa puno. Puno’y di dapat Putulin at bahay
ay itayo. Magtagumpay ka ma’y pansamantala lamang Pag lupa’y gumuho
,pagsisisihan lang.
- Ipinapahiwatig naman dito na dapat ay huwag natin tanggalin ang
isang bagay sa natural nitong pwesto o lugar, dahil kung hindi,
magkakaroon ito ng malaking epekto sa atin. Hindi man natin ito
makita kaagad, pero ito ay may ibabalik na ganti sa atin. Katulad na
lamang sa buhay ng tao, sa bahay galaw o desisyon na iyong gagawin,
meron itong magiging epekto sayo, minsa’y hindi natin to kaagad
nakikita pero panigurado at may babalik na “consequence” ito sa
buhay natin.
1. Walang batong sakdal tigas, na sa patak ng ulang ay di naagnas.
- Ang pagkakaintindi ko dito ay walang bagay sa mundo ang
permanente, kahit pa ang isang bati na ubid ng tigas, o ang isang
pusong puno ng galit at kasing tigas na rin ng isang bato. Lahat ng
bagay ay may kaakibat ng kahinaan, at minsan ang kahinaang ito ay
kadalasan ay hindi na natin pinapansin dahil inaakla natin ito ay
masyadong mahina para maging “kahinaan” natin.
2. Basang sisiw
• Kawawa
• “Tila isang basang sisiw ang batang aming nakita sa mall kanina.”
3. Buwaya sa katihan
6. Kisap mata
• Mabilis na pangyayari
• “O, kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo, sinta, Daig mo pa'ng isang
kisapmata”
8. Magdildil ng asin
• Magtiis
• “Habang wala pang trabaho ang itay, tayo ay magdidildil ng asin
pansamantala.”
9. Magsunog ng kilay
• Magbasa nang magbasa o mag-aral nang mag-aral
• “Hindi mapagkakaila na siya’y magiging isa sa dean’s lister ngayong taon,
dahil grabe siya mag sunog kilay.”