You are on page 1of 1

“Kahalagahan ng Paggamit ng mga Batas at Tuntunin sa Pagsusulat sa Filipino”

“Ang mundo ay ginawa ng Diyos. Tao ang naging laman ng mundong ito. “

Masasabi mo bang magiging mabuti lang ang mundo kung ang mismong tao dito ay
walang batas at mga tuntuning sinusunod?

Tulad ng mga tao, ang mga bagay ay may sarili ding batas at tuntunin na dapat
sundin. Ang tuktok ng tagumpay ay mula sa mga paa ng problemang nagpatatag ditto.
Ang ganda ng paligid ay mula sa mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa mga ito.
Tao o aspekto man ng bagay ay may kanya-kanyang halaga at kapakinabangan ngunit
sa likod nito ay may mga batas at tuntunin na dapat gampanan at payabungin sa mas
maganda at maayos na pananaw.

Ang kahalagahan ng paggamit ng mga Batas at Tuntunin sa Pagsusulat sa


Filipino ay nagiginhg daan upang mas maayos na maipabatid ang mga impormasyon.
May organisasyon o pagkakaayos ang mga salitang gagamitin kung nasusunod lagi
ang mga batas at tuntunin na ito. Nagiging mas makulay at maliwanag kahit na ang
maliit na detalye na syang nagbibigay suporta at nagiging tulay upang lalong maging
buhay ang mas malalaking impormasyon. Ang kahalagahan ng paggamit nito ay mas
nagiging maganda at kaaya-aya ang mga salitang nagagamit ng isang manunulat o
indibidwal na nagsusulat.

Tandaan na mahalaga ang pagsunod sa mga batas o tuntunin upang ang mga
sulatin ay magkaroon ng isang mayaman at hitik na hitik na mga impormasyon.

You might also like