bang hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi? Ipaliwanag ang iyong sagot? Ano-anong bagay sa mundo ang hindi maaring bilhin ng salapi? Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga patlang: 1 para sa pinakamababaw at 3 sa pinakamatindi ang digri o intensidad. _________ Damang-dama ang labis na bigat ng kalooban ng dalaga sa kanyang malakas na paghagulgol nang pilitin siyang ipakasal sa hindi niya iniibig. _________ Tahimik na paghikbi ang maririnig sa dalaga nang kausapin siya ng ina. _________ hindi napigil ng dalaga ang pag- iyak dahil hindi na niya kayang itago ang sama ng loob sa kagustuhan ng ina. _________ Nakararamdam si Mayang ng inis sa tuwing makikita niya si Goryong, ang lalaking gusto ipakasal sa kanya ng magulang. _________ Nakadama ng galit si Mayang nang ayaw pakinggan ng ina ang kanyang paliwanag. _________ Labis na pagdaramdam ang nadama ni Myang dahil ipakakasal siya sa lalaking hindi niya iniibig kapalit ng isang kalabaw. _________ Ang lalong paglalapit ng kalooban nila ni Mayang ay nagpasaya kay Felix. _________ Nagpangiti kay Felix ang pagbibigay sa kanya ni Mayang ng bahaw na kanin at daing. _________ Labis na kaligayahan ang nadama ni Eling nang ikasal sila ni Mayang. TALASALITAAN a.Bisig Tala b.Bituin Braso c.Buntal Pantalan d.Bulawan Doktor e.Dalisay Magbiyahe f. Daungan Puro, malinis g.Kahihinatnan Kahahantungan h.Maglakbay Ginto i. manggagamot suntok j. Mayabong Ilaw k. Nababanas malago l. Magsadya Burak, putik m. Nagsususpetsa Naiinis n. Nalulumbay Nalulungkot o. Pag- aaruga Pag-aalaga p. Pinakamasahol Magpunta q. Pusali Pinakamalala r. tanglaw nagdududa PAGBASA: ANG PEKE
Bawat pangkat ay magbabasa
ng dula ng mga Cebuano na ibibigay ng kanilang guro. Pagkatapos pipili ng isang representatib upang ibahagi sa klase. MGA TAUHAN: Don Felix- Ang “Peke” o Mini Mayang- Dalaga Dr. Casas- Manggagamot Ingka- Ina ni Mayang Alipio- Ama ni Mayang Goryo- magiging asawa sana ni Mayang Quintin- Kapatid ni Mayang Pilar- Nars ni Dr. Casas Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung nabanggit ito sa dula at ekis (X) kung hindi. _______ pagbibigay ng bugay tulad ng kalabaw sa pamilya ng mapangasawa. _______ pamamanhikan _______ panggagamot ng albularyo _______ panghaharana _______ pagpapadala ng pamilya ng lalaki ng tuba o alak sa tahanan ng babae para sa pamamanhikan. _______pagpili ng magulang ng mapapangasawa ng kanilang anak. _______ seremonya sa pagsilang ng sanggol _______ seremonyas sa paglilibing Gabay na tanong: Anong uri ng sakit ang ikionsulta ni Don Felix o Eling kay Casas? Ano-ano ang mga itinanong ng doctor kay Eling? Bakit kinailangan niyang itanong ang mga bagay na ito sa kanyang pasyente? Batay sa mga isinagot ni Eling, anong pagkatao niya ang makikita sa uri ng kanyang pamumuhay? Pagkatapos makuha ang mga ang mga sagot sa mga tanong niya, ano ang sinabi ng doctor patungkol sa sakit ni Eling? Bakit niya nasabi kay Eling na “may sakit ka pero walang sakit” subalit “ang sakit mo’y higit na Malala kaysa pinakamasahol na sakit”? Totoo nga ba ang nasabi ng doctor na kahit mayaman si Eling ay hindi ito nagkakahalaga ng kahit isang sentimo at bakit kaya higit na may halaga pa raw kaysa sa mayamang binate ang isang simpleng kargador sa daungan? Totoo nga bang walang silbi at maituturing na taong “peke” si Eling? Patunayan. Ano raw ang dapat gawin ni Eling kung nais niyang maging totoong tao at maging maligaya? Bakit tinanggap ni Eling ang hamon para mapatunayanniyang siya’y magiging totoong tao at hindi peke? Paano niya maging masaya at magkaroon muli ng makabuluhang buhay? Party Committees
Food Gifts Decorations Thank you someone@example.com