You are on page 1of 18

EPIKO NG HINILAWOD

(EPIKO NG MGA BISAYA)


‘’PAMILYA’Y IYONG MAHALIN AT
PAHALAGAHAN
DAHIL SA PANAHON NG MATINDING
PANGANGAILANGAN
SILA’Y LAGING NANDIYAN UPANG IKAW
AY DAMAYAN.’’
Mahalagang
Tanong
Paano mo maipapakita ang
pagdamay o pakikiisa sa
isang kapamilyang
dumaraan sa isang
pagsubok sa buhay? Bakit
mahalagang magdamayan
ang magkakapamilya?
Suriin at piliin mula sa kahon ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Isulat sa maliliit na kahon
ang titik ng tamang sagot.

a. nakatindig b. nagsilang c. Palaso


d. sumangguni e. suyuin

1. Nang nanganak si Diwatang Alunsina ay


agad ipinatawag ang pari upang magsagawa ng
ritwal para sa mga sanggol.
2. Ang magkakapatid ay nakatayo agad
kahit mga sanggol palang sila.

3. Humingi ng payo si Baranugon sa


kanilang Lola Alunsina tungkol sa kanilang
problema.

4. Nagpunta si Labaw Donggon sa bayan


ng Handug para ligawan ang magandang
dalagang si Angoy Ginbitinan.
5. Gamit ang pana ay natalo ni
Baranugon ang lalaking bumihag sa
kanilang ama.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Anong uri ng pamilya nagmula ang


magkakapatid na sina Labaw Donggon,
Humadapnon, at Dumalapdap?

2. Ano-anong bagay ang hindi


pangkaraniwan o kakaiba sa tatlong
magkakapatid?
3. Ano ang naging dahilan sa
naunang paglalakbay at
pakikipagsapalaran ng panganay na
si Labaw Donggon?

4. Bakit hindi agad pumayag ang Ina


nilang si Alunsina sa pag-alis ng
kanyang panganay?
5. Ano-anong pakikipagsapalaran ang
sinuong ni Labaw Donggon sa
paghahanap sa kanyang
mapapangasawa?

6. Bakit hindi nagging madali ang


pagnanais niyang mahanap at maging
pangatlong asawa si Malitong Yawa
Sinagmaling Diwata?
7. Sa paanong paraan nabihag ni
Saragnayan si Labaw Donggon?

8. Kung ikaw ang asawa ni Labaw Donggon


at sa kasalukuyang panahon nangyari ang
pagtataya niya sa kanyang buhay para
lamang makuha ang kamay ng iba pang
babaeng nais niyang mapangasawa, ano ang
gagawin o sasabihin mo?
9. Kung may kahinaan man ay may
mabubuting katangian din si Labaw
Donggon. Ano-ano sa mga katangian niya
ang hinangaan mo?

10. Paano ipinakita ng mga anak niyang


sina Baranugon at Asu Mangga ang
pagmamahal sa kanilang ama?
11. Sa iyong palagay, nararapat lang ba
ang ipinakitang pagmamahal at
pagmamalasakit ng mga kapamilya kay
Labaw Donggonkahit pa ang mga
nangyari sa kanya ay bunga ng hindi
gaanong magagandang desisyon niya sa
buhay? Ipaliwanag.
12. Ano-anong kaugalian at kultura ng
mga sinaunang mamamayan ng Sulod
ang makikita sa buod ng epiko?
Ang isa sa mga katangian ng epiko ay ang
pagkakaroon ng mga kababalaghan o hindi
pangkaraniwang pangyayari. Kilalanin kung
alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
kababalaghan at kung alin ang nagpapakita
ng karaniwang pangyayari na maaaring
maganap kahit sa tunay na buhay. Isulat ang
kababalaghan o karaniwan sa linya.
_____1. Ang isang diwatang tulad ni
Alunsina ay nagpakasal sa mortal na
tulad ni Datu Paubari.
_____2. Nagsilang si Alunsina ng tatlong
malulusog na sanggol na lalaki.
_____3. Nagpatawag ang mag-asawa ng
isang pari upang magsagawa ng ritwal
para sa mga sanggol.
_____4. Ang tatlong sanggol ay agad
naging makikisig at malalakas na binate
nang mahipan ng hangin mula sa hilaga.

_____5. Ang lalaki ay umibig sa dalawang


magagandang babae subalit nagnais pa
ring makuha ang isa pang magandang
babae.
_____6. Isang lalaki ang nakipaglaban sa
isang malaking halimaw at walang
kahirap-hirap na natalo niya ito.
_____7. Iniwan muna ng lalaki ang
kanyang asawa sa kanyang ina.
_____8. Inilubog ng lalaki ang ulo ng
kalaban niya sa loob ng pitong taon
subalit nang iahon niya ay buhay pa rin
ito.
_____9. Hinanap ng mga anak ang
nawawala nilang ama.
_____10. Isang lalaking hindi basta
natatalo ng kanyang mga kalaban dahil
ang hininga pala niya ay nakatago sa
puso ng isang baboy-ramo.

You might also like