Professional Documents
Culture Documents
MODYUL SA FILIPINO
(BAITANG 7)
GAWAIN 1:
A. Suriin kung paanong nagbago ang mga salitang hango sa salitang-ugat na lamig batay sa panlaping
ginamit sa bawat isa. Piliin ang sagot sa kahon at saka isulat ang titik sa linya.
a. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo kapag mainit.
b. Nagiging asal ng taong nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon
c. Nararamdaman ng tao kapag malamig
d. Taong madaling makadama ng lamig
e. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
_____2. Malamig sa Baguio kaya mraming tao ang naaakit magbakasyon doon.
_____4. Hindi na madalas kasama ni Mena ang kanyang matalik na kaibigang nanlalamig na sa
kanilang pagkakaibigan.
B. Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa
pangungusap.
1. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’t hindi ito nakita dahil sa malalagong
dahong tumatakip ditto.
2. “Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain ng isang matipunong tao,”
ang pambobola ni Pilandok sa baboy-ramo.
3. Sinagpang ng buwaya ang paa ng pilandok subalit hindi na ito nagpapahalatang nasaktan kahit pa
sinunggaban siya nito.
4. Mabuti na lag at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat at
malaking buwaya.
5. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop laban kay pilandok subalit lalo
nilang ipinagdiwang ang narinig na pagbabago ni Pilandok.
PAGLINANG:
“Maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong tuso at manloloko upang maiwasang maging
biktima nito.”
GAWAIN 2:
Gamit ang grapikong pantulong sa ibaba, ilarawan ang katangian ng mga tauhang nabanggit sa kwento.
PILANDOK
BABOY-RAMO
BUWAYA
SUSO
GAWAIN 3:
Sagutin ang sumusunod na mga tanong
1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan para kay Pilandok, matalino nga ba o mapanlinlang?
Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay, nararapat nga kaya ang
ginawa niyang panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para
makaligtas ka na maging hapunan ng baboy-ramo nang hindi mo ito kailangang ipahamak?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok? At bakit naman galit din si Pilandok sa buwaya?
Sa paanong paraan muling naisahan ni Pilandok ang buwaya?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Sa paanong paraan napagtanto ni Pilandok ang kanyang pagkakamali? Sino ang nakatulong sa kanya
upang maimulat siya sa kanyang pagkakamali?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay tulad ni Pilandok na mahilig manlinlang o manloko ng iyong kapwa, ano ang
kailangang baguhin mo upang hindi dumating ang araw na pagsisisihan mo ang mga kasamaang
ginagawa mo?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
6. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay Pilandok kung magpapatuloy pa rin siya sa
pagiging mapanlinlang? Magbigay ng patunay batay sa mga nababasa o napapanood mong
nangyayari sa mga taong nanloloko o nanlilinlang sa kanilang kapwa.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
GAWAIN 4:
A. Ano kaya ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakalahad sa bawat bilang? Maghinuha batay sa
nabasa o napakinggang akda.
1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya
hayop. . .
a. iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya
b. mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop o ang mga halimbawa niya
c. pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop
2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli
ang landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting susô si Pilandok. Ano kayang mensahe ang
ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
a. Pumusta kami kay Suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo
b. Tama lang na nangyari iyan sa 'yo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag
ikaw naman ang nanlilinlang sa kanila
c. Ang galing mo talaga, Pilandok! Ikaw ang "idol" naming mga hayop dito
4. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong
katangian ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kailan siya magpapakumbaba
b. Masipag din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para makatulong sa mga kapwa
hayop
c. Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming hayop ang mabait na si Pilandok