You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Padre Garcia National High School
Poblacion, Padre Garcia, Batangas

Masusing Banghay- Aralin para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

Petsa: Setyembre 16, 2018


Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawang Markahan
Tema: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang mga akdang
pampanitikan ng Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting bayan gamit
ang wika ng kabataan.
Araw: Lunes

I. LAYUNIN
A. (F7PD-IIe0F9) Napapanood sa youtube at natatalakay ang isang halimbawang
pestibal ng Kabisayaan.
B. Naiisa-isa ang tradisyon at kulturang nakapaloob sa tinalakay na mga pagdiriwang
sa Kabisayaan.
C. Napapahalagahan ang mga pestibal na mayroon sa Kabisayaan.

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Kultura sa Kabisayaan
Sanggunian: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7 pp. 103-106)
Kagamitan: telebisyon, slide deck,speaker at laptop.
Kahalagahang Pangkatauhan: Pagbibigay galang at respeto sa mga kultura ng
Kabisayaan gayundin ang patuloy na pagtangkilik sa tradisyong mayroon sa isang
lugar.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
(Pagpapanood ng video clip ng
pagdarasal) Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo…
2. Pagbati sa Klase
Magandang Umaga mga bata. Magandang Umaga din po.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo ay magkakaroon
muna tayo ng AYOS TSEK.
A-yusin ang hanay ng inyong mga
upuan.
Y-umuko at pulutin ang kalat sa
paligid.
O-ras na upang tumanggap ng mga
bagong kaalaman.
S-abay sabay sabihin “Handan a
akong matuto”.
4. Pagtatala ng liban
Mangyaring tumayo ang sekretarya ng
klase at saihin kung sino ang liban sa
araw na ito.
5. Pagbabalik-aral
(paglalaro ng “lunting ilaw, pulang ilaw”)
1. Ano ang tinalakay natin noong
nakaraang araw? Tinalakay po natin ang tungkol sa komiks
at mga elementong binubuo nito.
2. Paano mo mapapahalagahan ang
mga lathalaing gaya ng komiks? Sa pamamagitan po ng pagtangkilik nito
at patuloy na pagbabasa.

A. ANALISIS
Ngayong araw ay maglalakbay tayo sa
isa sa magandang lugar sa Pilipinas
upang masilayan ang kanilang mga
ipinagmamalaki. Ngunit bago tayo
makarating doon ay kailangan nating
sumakay sa eroplano.
Handan a ba ang lahat para sa ating
masayang paglalakbay? Opo handa na po kami sa masayang
paglalakbay.
(tunog ng eroplano)
“Welcome to Visayas”
Ngayong narito na tayo ay Mapapanood
natin ang isa sa pestibal ng taga bisaya.

(pagpapanood ng video clip ng Sinulog


Festival)

B. ANALISIS
1. Batay sa ating napanood, ano ang
inyong naramdaman? Ang akin pong naramdaman ay
kasiyahan dahil nakapanood kami ng isa
sa pestibal na kanilang ipinagmamalaki.
2. Sa inyong palagay, ano ang
ikinaiba nito sa ibang pagdiriwang
sa Pilipinas? Ang tampok po ng pagdiriwang na ito ay
pagpapasalamat sa kanilang Santo Nino.
3. Sa inyong palagay, bakit kaya nila
ipinagdiriwang ang mga ganitong
pestibal? Sa akin pong palagay ay dahil bahagi ito
ng kultura ng mga taga Bisaya.
Tumpak ang iyong kasagutan, iyan nga
ang paksang ating tatalakayin ngayong
araw.

C. ABSTRAKSYON
Ang Sinulog Pestibal ay isa sa mga
tradisyon at kultura na mayroon ang taga
bisaya.
Alamin naman natin ngayon ang iba
pang kultura at tradisyon ng
kabisayaan.Bukod sa sinulog pestibal,
mayroon din silang iba pang pestibal na
ipinagdiriwang.
Mangyaring basahin ang unang
pagdiriwang. 1. Handuraw Pestibal- isang
kapiyestahan na kung saan ay
ipinagdiriwang tuwing Setyembre
1. Dito ipinakikilala ang agrikultura
at pagkain na mayroon sila.
Sa inyong palagay, ano ang tampok ng
pagdiriwang na ito? Sa akin pong palagay ay sa agrikultura at
sikat na pagkain na mayroon sila.

2. Tinuom Pestibal- selebrasyon ng


Cabanatuan na kanilang
ipinagmamalaki ang malinamnam
na sabaw mula sa pangunahing
Sa inyong palagay, sa paanong paraan sangkap na tagalog na manok.
nila ipinagdiriwang ang mga ito?
Sa pamamagitan po ng pagsasayaw na
kung saan ay ipinakikita ang tampok ng
pestibal.

3. Karatong Pestibal- ito ay


karatong na nangangahulugang
isang kawayan na sinasamba at
pinaniniwalaan.
Bakit kaya sila nagdiriwang ng ganitong
uri ng pestibal? Sa akin pong palagay ay bilang
pagpapasalamat sa kawayan na kanilang
sinasamba.

4. Tambobo Pestibal- kapiyestahan


ng pasasalamat sa Panginoon
dahil sa kanilang mga ani, kilala rin
ito bilang Hiligaynon.
Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa pagdiriwang na
mayroon ang kabisayaan? Mapapahalagahan ko po ang mga
pagdiriwang ng taga bisaya sa
pamamagitan ng pagbibigay galang at
respeto sa mga ito gayundin ang
pagpapahalaga sa mga pagdiriwang nila.

D. APLIKASYON
Bago tayo lumisan sa lugar na ito ay
kailangan nating malagpasan ang mga
pagsubok na inihanda ng ating mga
kapatid na bisaya. Bawat pangkat ay
bubunot ng gawain na kung saan ay
magiging paraan kung paano
mapapahalagahan ang mga tradisyunal
na pagdiriwang ng Kabisayaan.
Maliwanag ba ang inyong gagawin?
Opo, maliwanag po ang aming gagawin.
Mga Gawain
1. Tula
2. Slogan
3. Awit
4. Dula-dulaan
5. Poster
6. Rap

Gayundin ay mamarkahan ang inyong


ginawa gamit ang pamantayan sa
pagmamarka. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 50%
Pagkamalikhain 20%
Organisasyon ng mga ideya 30%
KABUUAN 100%

PAGLALAHAT
Muli, isa-isahin ang mga pagdiriwang ng
Kabisayaan at tampok nito. Ang mga pagdiriwang po ay Sinulog
Pestibal, Handuraw Pestibal, Tinuom
Pestibal, Karatong Pestibal at Tambobo
Pestibal.
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong pestibal
ang ipinapahayag ng bawat pahayag.

1. Sina Luz at Armando ay dumalo


ng isang pestibal sa Kabisayaan
na ipinagdiriwang tuwing
Setyembre 1. Anong pestibal ito?
a. Karatong Pestibal
b. Handuraw Pestibal
2. Ang pagdiriwang na ito ang isa sa
mga ipinagmamalaki ng
kabisayaan bilang
pagpapasalamat sa santo nino.
a. Sinulog Pestibal
b. Tambobo Pestibal
3. Ang mga cast ng Probinsyano na
sina Coco Martin ay dumalo ng
isang pestibal na kung saan ay
selebrasyon ng Cabanatuan.
a. Tinuom Pestibal
b. Karatong Pestibal
4. Ang mga taga bisaya ay
nagkaroon ng pagdiriwang bilang
pasasalamat sa Panginoon dahil
sa kanilang ani.
a. Sinulog Pestibal
b. Tambobo Pestibal
5. Nagkaroon ng pagdiriwang sa
lugar nina Ramon na nagpapakita
ng pagsamba sa kawayan na
pinaniniwalaan nila.
a. Tinuom Pestibal
b. Karatong Pestibal

Susi sa Pagwawasto:
1. b
2. a
3. a
4. b
5. b

Bahagdan ng Pagkatuto:_______

Takdang-Aralin
1. Sumulat ng isang sanaysay kung
bakit mahalagang alamin ang mga
pagdiriwang sa Kabisayaan.
2. Ano ang Dula ?

Sanggunian:
Kalinangan(workteks sa Filipino 7)
google.com

Inihanda ni :

ROSE ANN A. PADUA


Gurong- nagsasanay

Binigyang pansin ni:

MINERVA M. BUAN
Gurong- Tagapagsanay

You might also like