You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Grade 7)

I. Layunin
Matapos ang aralin sa araw na ito ang mga estudyante ay inaasahang :
-Natutukoy ang mga teorya tungkol sa pinag mulan ng tao;
-Nailalahad ang mga pangyayaring naganap sa bawat teoryang pinagmulan ng
tao;

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Mga Teorya Tungkol sa pinagmulan ng Tao.
Sanggunian: K to 12; Sinag 7 (Araling panlipunan)
Rosemarie Blandi; pahina 35-39.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2.Pagbati/Pagtala ng Liban
3. Pagbalik-aral
4. Pagganyak
Magaling mga bata. Maari na nga tayong pumunta sa susunod nating aralin mga
bata. Pero bago iyon my munting palaro akong inihanda sa inyo. Ang gusto ko ay maging
masaya ang aralin natin ngayon. Inaasahan ko ang inyong kooperasyon.
Ang laro natin ay Guessing Game.May inihanda akong katanungan at sa bawat
tanong ay may kaakibat na jumbled letters. Mula sa mga letrang ito ay bubuuin ninyo ang
tamang sagot. Ang nakasagot ng tama ay may surpresang nakalaan.

1.Munang tao sa alamat na lumabas sa kawayan


(lasakam ta nagadma)
2.Pag –aaral tungkol sa pinagmulan ng isang tao o nilalang.
(Y A E R T O)
3.Nilalang o organismong nananatiling buhay at malakas
(orvisruv)
4. Siya ang lumikha ng teoryang Ebolusyon ng Tao
(raclehs ridwan)
5. Siya ang lumikha ng teoryang Ebolusyon ng Tao
(raclehs ridwan)
6. Ito ay nilalang na pinaniniwalaang may higit na kapangyarihan kaysa sa mga
karaniwang tao.
(prulutansera)
7. Ito ay nilalang na pinaniniwalaang may higit na kapangyarihan kaysa sa mga
karaniwang tao.
(prulutansera)

5. Pagtalakay
Mga Teorya Tungkol Sa Pinagmulan ng Tao
TEORYANG MITIKAL AT TRADISYONAL
Sa teoryang ito, naniniwala ang tao na ang kanyang ninuno ay nilikha ng isang
supernatural na bagay o o katauhan para sa isang espesyal na dahilan.
Ang Alamat ni Malakas at Maganda

TEORYANG PANRELIHIYON
CREATIONISM – ang tawag sa teoryang lahat ng buhay ay nilikha ng iisang
supernatural na nilalang at
Ito ay sinasabing naganap sa gabay ng diyos.

TEORYANG PANG –AGHAM


*Teoryang Ebolusyon*
-ito ang teorya ni Charles Darwin na naglalahad na ang nilalang ay nagbago sa
pagdaan ng panahon sanhi ng ginawa nitong pag angkop sa kanyang nagbabagong
kapaligiran.
MGA PROSESONG NAGANAP SA EBOLUSYON NG TAO AYON KAY
CHARLES DARWIN:
1. Natural selection o “Survival of the Fittest”.
-mananatiling buhay ang organismong malakas at ang mahihina ay tuluyan
naming mawawala.
2. Mutation
-prosesong nagaganap ang pagbabago sa estruktura ng genes o punla dahil sa
nahalo na ritong ibang punla na madadala naman sa susunod pang henerasyon ng
organismo o species.
3. Isolation at Adaptation
-ito ang proseso kung saan nahihiwalay ang isang species o organismo sa ibang
species na nagkakaroon naman ng ibang kapaligiran at natutuhan ng organismong
nahiwalay na iangkop ang kanyang sarili sa bagong kapaligirang kanyang kinalalagyan.
4. Speciation
-ito ang prosesong pag angkop ng bagong organismo sab ago ring kapaligiran
na nagaganap naman ang unti-unting pagbabago rito mula sa pinaka simpleng
kalagayan patungo sa higit na maayos na kalagayan.

EBOLUSYONG PISIKAL NG TAO


Ito ang ebolusyon na tumutukoy sa mahabang proseso ng pagbabago ng tao
mula sa pagiging isang animo unggoy.
Ape- sinasabing pinagmulan ng tao.
Australopithecus – ito ang tinatayang tunay na ninuno ng sangkatauhan
- Sila ay bipedal o nakakatayo na sa dalawang paa.
- Ang kanilang mga ngipin ay hawig na sa tao./
Homo Habilis
-kilala din sa tawag na “Handy Man” ,nakakalakad na ng matuwid at
nakakagawa na rin ng mga kagamitan.
Homo Erectus
-tinaguriang “Upright Man” at sila ay gumagamit ng apoy at nakatira sa
mga kweba.
Homo Sapiens
- Ito ang tinitukoy na hominoid na kinabibilangan ng modernong tao.
- Sila ay matalino at mga taong nag-iisip.
6. Paglalahat

Mga Teorya Tungkol Sa Pinagmulan ng Tao


TEORYANG MITIKAL AT TRADISYONAL
TEORYANG PANRELIHIYON
TEORYANG PANG AGHAM
-ito ay kinabibilangan mg teorya ni Charles Darwin ang Ebolusyon ng Tao.

7. Paglalapat

Bilang pagtatapos ng aralin,tanungin ang mga estudyante kung alin sa mga


pangunahing teorya na pinagmulan ng tao ang kanilang pinaniniwalaan.Ipapaliwanag
ayon sa kanilang nalaman at bakit iyon ang kanilang pinaniniwalaan.

IV. TAKDANG ARALIN


Basahin at aralin ang sinaunang kabihasnan sa daigdig.

You might also like