You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education (DepEd)


PIO DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL
Division of City Schools-Manila
District VI
SY: 2022-2023

UNANG MARKAHAN-Ikatlong Linggo

FILIPINO IV- Newton, Einstein, Pascal, Archimedes, Edison

Lunes

Setyembre 5, 2022

I. LAYUNIN:

1. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang pangngalang pantangi at pambalana sa pagsasalita tungkol sa sarili
at ibang tao sa paligid.
II. PANIMULANG GAWAIN:

1. Panalangin
2. Pamantayan
3. Pagtatala ng mga dumalo
III. BALIK-TANAW:

Naalala mo pa ba ang aralin tungkol sa pangngalan? Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

IV. MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN:

Pangngalan ang tawag sa bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
• May dalawang (2) uri ng pangngalan:
1 Pangngalang Pantangi – ang tawag sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Ito ay nagsisimula sa
malaking letra.
2 Pangngalang Pambalana– ang tawag naman sa Karaniwan o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop at
lugar. Sa maliit na letra lamang ito nagsisimula.
Talakayan:
Subukin nating kilalanin ang mga pangngalang pantangi at pambalana sa tsart na binasa.
V. GAWAIN:
Panuto: Salungguhitan ang angkop na pangngalang nasa loob ng panaklong na bubuo sa diwa ng
pangungusap. Isulat din sa patlang kung ito ba ay pangngalang pantangi o pambalana.
_________1. Ang sabong (Colgate, Safeguard, Sunsilk, Joy) ay panglinis ng katawan.
_________2. Ang ganda ng bestidang nabili ko. Ibibigay ko ito kay (kuya, tiyo, nanay, lolo).
_________3. Mahilig maglagay ng ipit ang kapatid kong si (Billy, Willy, Lily, Teddy)
_________4. Ang kaklase ko ay mahilig magsuot ng palda. Siya ay isang (lalaki, babae, guro, kuya)
_________5. Kunin mo ang (suklay, pamaypay, pitaka, panyo) para makabili tayo ng pagkain.
VI. ISAISIP:

Ang pangngalan ay may 1. __________ uri. Ito ang pangngalang 2. __________ at


pangngalang 3. __________. Ang 4. _________ay tanging ngalan ng tao, hayop, bagay pook at
pangyayari. Ito ay nagsisimula sa 5. __________ letra. Ang 6. __________ ay ngalan ng tao,
hayop, bagay pook at pangyayari. Isinusulat ito sa 7. __________ na letra, maliban kung nasa
unahan ng pangungusap.

VII. PAGTATAYA:

VIII. TAKDANG-ARALIN:

Para mas mapalawak pa ang kaalaman patungkol sa pangngalan ay alamin at hanapin ang mga halimbawa ng
apat na kasarian nito.
Inihanda ni:

REGGIE M. SORIANO
Teacher II Sinuri ni:

JUDY CARMEN D. SONZA


Dalubguro I

Binigyang pansin nina:

ROSANA G. RAMOS. SIMONETTE A. CASTRENCE


Principal IV PSDS
Republic of the Philippines
Department of Education (DepEd)
PIO DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL
Division of City Schools-Manila
District VI
SY: 2022-2023

UNANG MARKAHAN-Ikatlong Linggo

FILIPINO IV- Newton, Einstein, Pascal, Archimedes, Edison

Martes

Setyembre 6, 2022

I. LAYUNIN:

1. Nagagamit nang wasto ang kasarian ng pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao sa paligid;

2. Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili.

II. PANIMULANG GAWAIN:

1. Panalangin
2. Pamantayan
3. Pagtatala ng mga dumalo

III. SUBUKIN NATIN:

Panuto: Gamitin ang mga pangngalan sa loob ng kahon upang mabuo ang sinasabi sa talata. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mahusay na (1) ___________ si (2) ___________. Siya ay nagtuturo sa (3) ___________ Elementarya ng (4)
___________ na matatagpuan sa (5)___________. Siya ay may anak na (6) ___________ at (7) ___ ________.
Maliban sa pagiging guro, isa rin siyang (8) ___________. Malaki ang kaniyang palayan at taniman ng mga (9)
___________ at (10) ___________. Siya ay kinagigiliwan ng karamihan dahil sa kaniyang kasipagan.

IV. MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Talakayan:

1. Alin ang salitang Panlalake, Pambabae, Di-Tiyak, at walang kasariaan sa panawagan?


Ang Pangngalan ay may kasarian. Maaari itong pambabae, panlalaki, di- tiyak, walang kasarian.
1. Pambabae pangngalang tumutukoy sa babae. Halimbawa: (ate, nanay, blusa, lola)
2. Panlalaki pangngalang tumutukoy sa lalaki. Halimbawa (kuya, tatay, polo, lolo)
3. Di-Tiyak pangngalang maaaring tumukoy sa lalaki o babae. (halimbawa guro, pulis, prinsipal, bata)
4. Walang kasarian pangngalang tumutukoy sa mga bagay na walang kasarian. Halimbawa (upuan, mesa,
papel, lapis)
V. GAWAIN:
Punan nang tamang pangangalan ang talata tungkol sa iyong kaibigan. Gamitin ng mga pangngalang may
iba’t ibang uri at kasarian. Pumili sa loob ng kahon.

A
ng Aking Kaibigan Ako ay may 1. _______. 2. _______ ang kanyang pangalan. Siya ay napakabait. 3. _______niya ay
aming pinagsasaluhan. Kapag wala akong 4. _______ at 5. ______ ako’y kanyang pinapahiram. Talagang napakabait
ng aking kaibigan

VI. ISAISIP:
Ang Pangngalan ay may apat na kasarian. Maaari itong pambabae, panlalaki, di- tiyak, walang kasarian. Ang
pambabae ay tumutukoy sa ngalan ng 1. __________. Ang panlalaki ay tumutukoy sa ngalan ng 2. __________. Kung
hindi sigurado ang tinutukoy na pangngalan, ito ay 3. ______________samantalang 4. __________ kung tumutukoy
sa bagay, lugar, at pangyayari. Ito ay ginagamit sa pagsasalita sa sarili at sa ibang tao. Nagiging malinaw ang
pagsasalita kung gumagamit nang wastong kasarian sa bawat pinag-uusapan.

VII. PAGTATAYA:
VIII. TAKDANG-ARALIN:

Gumawa ng maikling usapan tungkol sa sarili at sa iyong kaibigan, gamitin ang mga uri at kasarian ng pangngalan sa
usapan. Isulat ang sagot sa papel.

Inihanda ni:

REGGIE M. SORIANO
Teacher II Sinuri ni:

JUDY CARMEN D. SONZA


Dalubguro I

Binigyang pansin nina:

ROSANA G. RAMOS. SIMONETTE A. CASTRENCE


Principal IV PSDS
Republic of the Philippines
Department of Education (DepEd)
PIO DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL
Division of City Schools-Manila
District VI
SY: 2022-2023

UNANG MARKAHAN-Ikatlong Linggo

FILIPINO IV- Newton, Einstein, Pascal, Archimedes, Edison

Miyerkules

Setyembre 7, 2022

I. LAYUNIN:

1.Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon;

2. Nagagamit nang wasto ang diksiyonaryo

II. PANIMULANG GAWAIN:

1. Panalangin
2. Pamantayan
2. Pagtatala ng mga dumalo

III. BALIK-ARAL:

Panuto: Tukuyin ang mga pangngalan na nasa unang kolumn kung ito ay patangi o pambalana at kasarian nito.
Gawin ito sa sagutang papel.

PANGNGALAN PANTANGI/PAMBALANA KASARIAN NG PANGNGALAN


1. Ginoong. Soriano
2. Linda
3. ibon
4. tatay
5. Pureza

IV. MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Talakayan:

Balikan mo ang ilustrasyon at sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Anong ang dalawang pamatnubay na salita? Palakat – Palanggana
2. Anu-anong salita naman ang makikita mo sa loob ng dalawang pamatnubay na salitang ito? palakaw,
palalos, palamuti,
3. Ano ang tamang bigkas at baybay ng salitang palakaw? Pa •la •kaw
4. Ang salitang-ugat ng palalos ay _________
5. Ibigay ang kahulugan at kasingkahulugan ng salitang palamuti.
V. GAWAIN:
Panuto:Hanapin ang halimbawang tinutukoy sa sumusunod na bahagi ng diksiyonaryo. Piliin ang letra ng
tamang sagot sa mga pamimilian sa kahon.
1.Bahagi ng pananalita –
2.Baybay at bigkas ng salita –
3.Kahulugan ng salita –
4.Salitang-ugat –
5.Kasingkahulugan –
VI. ISAISIP:
Ang diksiyonaryo ay isang mahalagang sanggunian para higit pang mapalawak ang talasalitaan o bokabularyo
ng gagamit. Makikita sa diksiyonaryo ang mga salitang nakaayos nang paalpabeto na binibigyang – kahulugan o
pormal na depinisyon upang maunawaan ng mambabasa.

Pormal na Depinisyon – mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
karaniwang nakapag-aaral sa wika..

VII. PAGTATAYA:

Panuto:Ibigay ang pormal na depinisyon o kahulugan ng salitang naka-italisado sa bawat pangungusap.


Gumamit ng diksyunaryo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang paghuni ng ibong pipit ay musika sa aking pandinig.

2. Hindi maaninag ng aking lolo ang mukha ng kaniyang anak dahil mahina na ang kanyang mga mata.

3. Noong kami ay bata pa, masaya kaming namamaybay sa aming bukirin.

4. Huwag kang sumuko sa mga pagsubok na dumarating sa buhay mo.

5. Sa munting bahay naninirahan ang mag-anak ni Mang Carlos.

VIII. TAKDANG-ARALIN:

Muling hanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa ibaba. Ibigay rin ang kasingkahulugan at
kasalungat na salita nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. kubo 4. tulay 2. lambat 5. lumot 3. Tilamsik

Inihanda ni:

REGGIE M. SORIANO
Teacher II Sinuri ni:

JUDY CARMEN D. SONZA


Dalubguro I

Binigyang pansin nina:

ROSANA G. RAMOS. SIMONETTE A. CASTRENCE


Principal IV PSDS

You might also like