You are on page 1of 12

Bulacan State University

College of Education

City of Malolos, Bulacan

Masusing Banghay Aralin sa MTB-MLE 2

PAKSA: Pagkilala at Paggamit ng Simili at Metapora sa Pangungusap

Lopez, Blessed Keziah G.

Racelis, Julien Sophia S.

Ucag, Maria Althea Mae G.

BECED 2A

1
Bulacan State University

College of Education

City of Malolos, Bulacan

Masusing Banghay Aralin sa MTB-MLE 2

Masusing Banghay Aralin sa MTB-MLE 1

I. Mga Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakakikilala ng Simili (Simile) at Metapora (Metaphor) sa pangungusap.

B. Nakikibahagi sa mga aktibidad na patungkol sa paksang tinalakay.

C. Nakagagawa ng Simili (Simile) at Metapora (Metaphor) sa pangungusap.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Pagkilala at Paggamit ng Simili at Metapora sa Pangungusap

B. Sanggunian:

MTB-MLE 2 Ikalawang Markahan – Module 3, pp. 1-6

C. Kagamitan:

Biswal na Presenstasyon at nakalimbag na mga salita.

III. Pamamaraan:

2
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

 PANANALANGIN

(Panagalan ng estudyante) maaari  Opo, Binibini ( Ama, kami po


mo bang pangunahan ang buong klase sa ay nagpapasalamat sa araw na
pambungad na panalangin? ito na muli ay matututo kami
mula sa aming guro. Bigyan
mo po kami ng katalinuhan
upang maintindihan namin
ang aming aralin. Tulungan
mo po ang aming guro na
maituro sa amin ang aralin na
ito. Ito po ang aming
panalangin sa pangalan ng
Panginoong Hesus, Amen.

 PAGPUPUNA SA  Opo, Binibini! ( Tumingin sa


PALIGID paligid at pinulot ang mga
kalat tsaka itinapon sa
Bago muna natin umpisahan ang basurahan ).
ating pag-aaral, maaari nyo bang tingnan
kung mayroon kalat sa paligid ng silid at
ilalim ng upuan tsaka itapon sa basurahan?

 PAGBATI

Magandang araw mga mahal kong  Magandang araw din po,


estudyante! Binibini!

Handa na ba kayong mag-aral sa  Opo Binibini, handa na po


araw na ito? kami.

Kung handa na kayo, maaari bang


 Opo, Binibini.
pumadyak kayo ng tatlong beses at isigaw
ang “Handang handa na!”

3
Halina’t pumadyak at sumigaw. ( Pak,  ( Pak, Pak, Pak, Handang
Pak, Pak Handang handa na! ) handa na! )

 PAGTATALA NG
LUMIBAN
 Wala po Binibini.
Sa unang hanay ba ay may lumiban?  Wala po Binibini.
Sa ikalawang hanay ba ay may  Wala po Binibini.
lumiban?  Wala po Binibini.
Sa ikatlong hanay ba ay may
lumiban?
Sa ikatlong hanay ba ay may
lumiban?
 ( Nag-apir ang mga
estudyante ).

Walang lumiban sa ating klase sa


araw na ito kaya bigyan mo ng Apir ang
iyong katabi.

 PAGBABALIK-ARAL

Bago muna tayo tumuloy sa atin


talakayan, balikan muna natin ang ating
 Ako po Binibini! Ang
napag-aralan nitong nakaraang araw.
paksang ating tinalakay ay
patungkol po sa Panghalip na
Maaari bang may magmula sa klase
Pamatlig, Panghalip na Paari,
na pwedeng balikan ang pinag-aralan natin
at Panghalip na Subject-
kahapon? Maaaring magtaas ng kamay ang
Object.
nais sumagot.

Mahusay! Natumpak mo ang sagot!


Ngayon magbibigay ako ng mga salitang
Panghalip at tukuyin ninyo ito kung ito ba ay
( Ididkit ang uri ng panghalip sa pisara
Panghalip na Pamatlig, Panghalip na Paari, at
pagkatapos sumagot )

4
Panghalip na Subject-Object. Magtaas ng
kamay ang nais sumagot.  (Nagtaas ng kamay)
Panghalip Pamatlig po.

Ang salitang “Diyan” ay isang


panghalip na?
 Panghalip na Paari po.
Maaari mo bang idikit kung saang
panghalip ito nabibilang?

Mahusay! Ang salitang “Atin” ay


isang panghalip na?

 Panghalip na Subject Object


Maaari mo bang idikit kung saang po
panghalip ito nabibilang?

Mahusay! Ang salitang “Ako” ay


isang panghalip na?

 Panghalip na Subject Object


Maaari mo bang idikit kung saang po
panghalip ito nabibilang?

Mahusay! Ang salitang “Kami” ay


isang panghalip na?

 Panghalip na Pamatlig po
Maaari mo bang idikit kung saang
panghalip ito nabibilang?

Mahusay! Ang salitang “Doon” ay


isang panghalip na? .
 ( Clap,Clap,Clap – GOOD
JOB!)
Maaari mo bang idikit kung saang
panghalip ito nabibilang?

Ang gagaling ng aking mga


estudyante! Dahil dyan, bigyan ninyo ng
GOOD JOB Clap ang isa’t isa.

B. PAGLALAHAD NG ARALIN
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral na

5
nais sumagot)
I. Paggaganyak

Ngayon mga anak, maglalaro tayo ng ( Isusulat ng mag-aaral ang tamang sagot sa
isang laro na aking pinamagatang “Blangko, patlang )
Punan mo.” Ako ay magpapakita ng mga
blankong pangungusap na kailangan ninyong  tila po.
punan ng naaangkop na salita. Mamimili
lang kayo sa mga salitang pagpipilian.
Magtaas ng kamay ang sinumang nais
sumagot.

a. Si Cardo ay _______ isang


leon sa sobrang bangis.  kasing po.
Pagpipilian: ( tila, kasing )

Mahusay! Basahin natin ang


sumunod na pangugusap.

b. Hindi maitatangi na _______


tibay ng bakal ang paniniwala
sa Panginoon ni Beverly at
Aileen.
Phapipilian: (kasing, katulad  Nagmisulang po.
ng)

Mahusay! Basahin natin ang


sumunod na pangugusap.

c. Sila ay _________ tarsier sa


laki ng mata nang malaman na
nanalo sa patimpalak.
Pagpipilian: (nagmistulang,  Tulad po.
magkasing)

Mahusay! Basahin natin ang


sumunod na pangugusap.

d. Humiling si Cindy sa
engkantada na maging ______
siya ng isang paruparo na
pagkaganda-ganda.

6
Pagpipilian: (tulad,
magkasing)  Gaya ng po.

Mahusay! Basahin natin ang


sumunod na pangugusap.

e. _______ bundok naging  (Clap, Clap, Clap, Clap)


matatag sa buhay si Jay.
Pagpipilian: (Gaya ng,
Nagmistulang)

Mahuhusay kayong lahat!


Palakpakan naman natin ang mga nagsisagot
sa ating laro.

II. Presentasyon ng Aralin

Ngayon talakayin natin ang dalawang


uri ng Tayutay: ang Simili at Metapora. Pero
bigyan muna nating kahulugan ang Tayutay.

Ano nga ba ang Tayutay?


Ang Tayutay ay pahayag na ginagamit
upang magbigay diin sa isang kaisipan,
damdamin, o ideya. May mga iba’t ibang
tayutay na ginagamit sa mga teksto kabilang
dito ang Simili at Metapora.

Ang Simili ay tinatawag na hindi tiyak


na paghahambing ng magkaibang mga bagay.
Pangatnig ang isa sa mga salitang ginagamit
nito. Halimbawa ng mga pangatnig na
ginagamit ay ang sumusunod: tila, kawangis
ng, mistulang, magkasing, gaya ng,
magkasim, magkatulad, tulad, katulad ng, at
katulad.

Ang Metapora ay isa ring tayutay


ngunit hindi to gumagamit ng pangatnig
upang maghambibg at magwangis.
Diretsyahan ito kung maghambing .

7
( Babasahin ng mag-aaral ang halimbawa at
ipapaliwanag ng guro ang ibig sabihin ng
pangungusap na iyon) (Babasahin ng mag-aaral ang mga halimbawa ng
Simili at Metapora.)

Ang mga sumusunod ay halimbawa


ng Simili:

1) Ang mga pasahero ay nagmistulang


sardinas sa loob ng dyip.

Ang ibig sabihin ng pangungusap na


ito ay ang mga pasahero ay nagsisiksikan sa
dyip na parang mga sardinas dahil sa sobrang
dami nila.

2) Ang langit ay kawangis ng liwanag


ng kaniyang mga mata nang makita
niya ang kaniyang ina.

Ang ibig sabihin ng pangungusap na ito


ay ganoon kasabik at kanais niyang makita
ang kanyang ina.

Ang mga salitang may salungguhit ay


mga pangatnig na ginagamit sa Simili upang
maghambing.

Ang mga sumusunod ay halimbawa


ng Metapora:

1) Hulog ka ng langit.

Ang ibig sabihin ng pangungusap na


ito ay isa siyang malaking tulong na
ipinadala mula sa langit.

2) Ang kaniyang ina ay ilaw ng


tahanan.

8
Ibig sabihin ng pangungusap na ito
ay ang ina niya ay gumagabay at
pumapatnubay sa kanilang buong
pamilya.

Dito sa metapora ay makikita natin na  Opo, Binibini.


diretsyahan ang paghahambing.

C. Pagtatalakay  (Nagtaas ng kamay) Simili at


Metapora po.
Kayo ba ay natuto at naintindihan
nyo ba ang ating talakayan sa araw na ito?
 (Nagtaas ng kamay) Simili po.
Sige nga kung naintindihan ninyo ang
ating napag-aralan, ano nga ulit ang dalawang
uri ng tayutay?

 (Nagtaas ng kamay) Metapora


Mahusay! Ano ang tayutay na po.
gumagamit ng pangatnig para maghambing
ng dalawang bagay?

 (Nagtaas ng kamay) Tila po.


Mahusay! Ano naman ang tayutay na
naghahambing ng diretyo at hindi gumagamit
ng pangatnig?
 (Nagtaas ng kamay) Magkasing
at magkasim po.
Mahusay! Magbigay nga kayo ni ilang
pangatnig na ginagamit sa Simili.

 (Nagtaas ng kamay) Katulad ng,


at tulad ng po.
Mahusay! Ano pa ang ibang
pangatnig?

Mahusay! May nais pa bang


magdagdag?

Mahusay! Lagi nating tandaan na


 (Clap, Clap, Clap, GOOD
magkaiba ang Simili sa Metapora. Ang Simili
JOB!)
ay naghahambing at gumagamit ng pangatnig

9
samantala ang Metapora ay naghahambing ng
diretyo at hindi gumagamit ng pangatnig.

Ngayon bigyan ninyo ng GOOD JOB


Clap ang mga nagsisagot sa ating talakayan.
(Clap, Clap, Clap, GOOD JOB!)
D. PAGSASANAY/PANGKATANG
GAWAIN

Ngayon ay dumako tayo sa ating


 (Magpapangkat ang buong klase ng
pangkatang gawain. Kayo ay mahahati sa
limang grupo upang gawin ang
limang grupo at makakatanggap ng mga
aktibidad. Ididikit ng bawat lider ng
enbelop na naglalaman ng mga materyales
grupo ang pangungusap sa pisara.
para sa pangkatang gawain.
Pagkatapos tutukuyin kung Simili o
Sa pangungusap na ibinigay sa inyo,bilugan
Metapora ang ginamit sa
ninyo kung ito ay mayroong pangatnig sa
pangungusap.)
pangungusap at tutukuyin kung ito'y simili o
metapora. Bibigyan lamang kayo ng limang
minuto upang sagutan ang pangkatang
gawain.

 UNANG PANGKAT:
Ang babae ay kasing ganda ng
bulaklak
 IKALAWANG PANGKAT:
Siya ay ilaw sa landas ng buhay ko.
 IKATLONG PANGKAT:
Gaya ng huni ng ibon ang pag-awit ng
aking kapatid.
 IKAAPAT NA PANGKAT:
Si Jose ay poste sa sobrang laki kaysa
sa akin.
 IKALIMANG PANGKAT:
Katulad ng pagsayaw ng ng bulaklak
ang kanyang pagsasayaw.

Bata- 10 5
yan
Koope- Mayroong May
rasyon kooperas-yon pagkakaisa
ang bawat subalit may
miyembro ng ilang di

10
pangkat. tumulong sa
Lahat ay gawain.
nakiisa sa
gawain.
Takdan Natapos ang Natapos ang
g oras pangkatang pangkatang
gawain nang gawain ngunit
buong husay lumampas sa
sa loob ng takdang oras.
itinakdang
oras.

E. PAGLALAHAT

Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan patungkol sa ating talakayan
kanina.

 Tayutay.
Ano ang ginagamit upang magbigay diin sa
isang kaisipan, damdamin, o ideya?

Ito ay tinatawag na hindi tiyak na


paghahambing ng magkaibang mga bagay.  Simili.

Pangatnig ang isa sa mga salitang ginagamit


nito.

Ito ay isa ring tayutay ngunit hindi to  Metapora.


gumagamit ng pangatnig upang maghambibg
at magwangis. Diretsyahan ito kung
maghambing .

Alin sa dalawang tayutay ang gumagamit ng


pangatnig?  Simili

 Ang Simili ay naghahambing na may


Ang Simili ay naghahambing na may
kasamang pangatnig samantala ang
__________ samantala ang Metapora ay
Metapora ay naghahambing ng
naghahambing ng __________.
walang pangatnig.

11
F. PAGTATAYA

Isulat sa patlang ang S kung ito ay tumutukoy sa Simili at M kung Metapora.

___________ 1) Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kagupinhawahan.

___________ 2) Kasing itim ng budhi ang ugali niya.

___________ 3) Sina Nicolas at Kyla ay parang aso at pusa kung mag-away.

___________ 4) Ang anak ni Maria ang anghel sa kaniyang buhay.

___________ 5) Ang pag-aalburuto ni Yen sa galit ay tulad ng bulkan na nagbubuga ng laba.

G. TAKDANG ARALIN

Bumuo ng tig-dalawang pangungusap na halimbawa ng Simili st Metapora.

1)

2)

3)

4)

12

You might also like