You are on page 1of 6

Banghay Aralin Para sa ika-apat na baiting

l. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang

a. Ang mga nagaaral ay inaasahang matutukoy ang mga elemento ng pabula.

b. Ang mga mag-aaral ay inaasahang nakasasagot sa mga tanong tungkol sa kwentong napakinggan.

c. Naibibigay ng malinaw ang mahalagang detalyeng ipinapahiwatig ng kwento.

ll. Paksang Aralin

a. Paksa: Elemento ng Pabula

" Ang inahing manok at ang kanyang mga sisiw "

b. Sanggunian: https://aralinph.com/ano-ang-pabula-uri-at-elemento/(YAMAN NG LAHI WIKA AT


PAGBASA SA FILIPINO) pahina 121-123

c. Mga Kagamitan: Sagutang papel, panulat, mga larawan ng hayop, libro

lll. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Lahat tayo ay magsipag tayo, at manalangin Ang mga nagaaral ay tatahimik at pananalangin
(Panalangin) Amen.
Magandang umaga mga mag-aaral!
Magandang umaga po din Po!
Handa naba kayong makinig?
Opo ma'am!
Bago tayo sa paksang ating tatalakayin ngayong
araw, dumako muna tayo sa nakaraan nating
aralin.

Naalala niyo paba kong ano ang tinalakay natin


noong nakaraang araw? Ang tinalakay natin noong nakaraang araw ay
ang tungkol sa talambuhay
Tama, ano nga ba ulit ang talambuhay?

Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan kung


saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao batay sa mga tunay na tala,
pangyayari, o impormasyon.

Mahusay mga bata! tama ang inyong mga sagot!

B. Pagganyak

Ngayon magkakaroon tayo ng isang laro.

Gusto niyo ba ng laro mga Bata? Opo ma'am!

Mayroon akong isang bagay dito na kailangan


niyong ipasa-pasa kasabay sa saliw ng inyong mga
tinig habang kumakanta ng musika, at kapag ito'y
huminto ang estudyanteng may hawak ng bagay
na iyun ay tatanungin kong ano ang paborito
niyang hayop. (Natapos ang laro ng masayang masaya ang
lahat)
Maaari niyo bang isa isahin sakin kong anong mga
uri ng hayop ang inyong naririnig sa kapaligiran?

Tama andrew. Ma'am aso po

Ikaw Jayson anong hayop ang naririnig mo sa ating


palagid?

Mahusay!
Ma'am manok po
1. Ano ang pangalan ng hayop na ito?

Ma'am unggoy Po!

2. Anong uri ng hayop naman ito?


pusa po!
3. Ibigay ang pangalan ng hayop na ito?

Ma'am aso po!

4 Ano namang uri ng hayop

Yan po ay isang manok!

C. Paglalahad

Ngayon mga bata, alam niyo ba kong ano ang Hindi po ma'am!
Pabula?

Upang mas maunawaan kong ano ang Pabula at


ang mga elemento nito, mayroon akong babasahin
sa inyo na isang kwento. Gusto niyo bang Opo ma'am!
makarinig ng isang kwento?

Ang kwentong ating babasahin ay pinamagatang "


Ang inahing manok at ang kanyang mga sisiw "

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw


ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang
araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari
ng taniman at sinabing, “panahon na upang anihin
ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang
aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking
pag-ani bukas!”Narinig ito ng mga sisiw at agad
iminungkahi sa kanilang ina, “kailangang lumikas
na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan
inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga
magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!
Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng
inahing manok. “Kung mga kapit-bahay lamang ang
aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang manirahan
dito.”Tama nga ang sinabi ng inahing manok.
Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga kapit-
bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng
magsasaka. Kung hindi ko maasahan ang aking mga
kapit-bahay, sa aking mga kamag-nak ako lalapit
upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-
Ang mga tauhan ay ang inahing manok at ang
ani bukas!”
kanyang tatlong sisiw
Ngayon mga bata? Sino sino ang mga tauhan sa
Sa gitna ng taniman ng mais,
kwento?
(Nilahad ng mga bata ang banghay o
pagkasunod-sunod na pangyayare sa kwento.)
Saan ang tagpuan sa ating kwentong binasa?
Kung nais mong magtagumpay sa isang bagay,
Maaari niyo bang tukuyin ang banghay o pagsikapan mo iyon ng hwag umaasa sa iba.
pagkasunod- sunod ng kwentong ating binasa?

Ano ang aral na makukuha sa Pabulang ito?

D. Pagtatalakay

Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang isip


lamang na kinapupulutan ng magandang aral. Mga
hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang
gumaganap na pangunahing tauhan dito.

Elemento o Bahagi ng Pabula

1. Tauhan- Ang anumang hayop na gumaganap sa


istorya o kwento.

2. Tagpuan - Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar


na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari itong
maging dalawa o higit pa.

3. Banghay- Ito ang kabuuang pangyayari na


naganap sa kwento.

4. Aral - Ito ang mga mahalagang matututunan


pagkatapos mabasa ang kwentong pabula.

E. Paglalagom/ Paglalahat

Ano ang Pabula? Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang


isip lamang na kinapupulutan ng magandang
aral.
Ano ang gumaganap sa isang pabula? Mga hayop o bagay na walang buhay ang
karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan
dito.
Ano-ano ang mga elemento ng Pabula?
Elemento o Bahagi ng Pabula

Tauhan - Ang anumang hayop na gumaganap sa


istorya o kwento.
Tagpuan- Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar
na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari
itong maging dalawa o higit pa.
Banghay- Ito ang kabuuang pangyayari na
naganap sa kwento.
Aral- Ito ang mga mahalagang matututunan
pagkatapos mabasa ang kwentong pabula.

F. Pagtataya

Idikit sa tapat ng Elemento ng Pabula ang


mabubunot na salita.

Tauhan Tagpuan Banghay Aral


IV. Takdang Aralin:

Magbasa ng isang Pabula sa aklat na YAMAN NG LAHI WIKA AT PAGBASA SA FILIPINO sa pahina 121-
213. Suriin ang mga Elemento ng Pabulang binasa, at tukuyin ang aral na makukuha dito. Ito ay ipapasa
sa ika- anim ng Hunyo taong kasalukuyan.

You might also like