You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7 – PAGGAMIT NG MGA ANGKOP NA PANG-

UGNAY SA PAGLALARAWAN AT PAGHAHAMBING

IKA-28 NG OKTUBRE, 2017

I. LAYUNIN
A. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa paglalarawan at
paghahambing sa pagbuo ng pangungusap.
B. Nakikilala ang tatlong antas ng pang-uri batay sa alamat na binasa.
C. Nakakaguhit ng isang larawan at naihahambing ang sariling likha sa nilikha
ng iba.

II. PAGGAMIT NG MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY SA PAGLALARAWAN


AT PAGHAHAMBING
Sanggunian: Marquez, Servillano Jr. T., PhD
Pintig ng Lahing Pilipino 7, Ikalawang Edisyon
927 Quezon Ave., Quezon City
SIBS PUBLISHING HOUSE, INC.
pp. 168
Mga Kagamitan:
Mga Larawan, Tarpapel, Kartolina, Pangsulat

III. PAMAMARAAN
PANG-GURONG GAWAIN PANG-MAG-AARAL NA GAWAIN
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Panimulang Pagbati
Pagtatala ng lumiban at di-lumiban sa
klase

B. Balik Aral
Bilang balik tanaw sa ating napag-
aralan kahapon, ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan
sa katangian o bilang ng isang
pangngalan o panghalip.
Tama.
Mayroon akong inihandang mga
larawan sa bawat pangkat. Bumuo ng
mga pangungusap gamit ang mga
salitang naglalarawan.Bibigyan natin
ng puntos ang unang makatapos
Pangkat Pula
1. Dr. Jose P. Rizal
2. Lapis
3. Edsa Revolution
Pangkat Dilaw
1. Pang. Rodrigo M. Duterte
2. Cellular Phone
3. Pasko
Pangkat Puti
1. Dr. Leodivina P. Tagama
2. Libro/Aklat
3. Araw ng mga Puso
Bawat pangkat ay nagpamalas ng
kagalingan. Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili.

C. Pagganyak
Ngayon naman bumuo kayo ng 3-5
pangungusap at ihalintulad ninyo ang
inyong pangkat gamit ang mga pang
uri. Maaari ninyo itong sabihin sa
paraang paawit o patula.
Pangkat Pula ang aming pangalan.
Sagisag ng kulay naming ay
katapangan, yan din ang aming
katangian. Kaya mga ibang pangkat
kami ay inyong paghandaan.
Mahusay.
Pakinggan naman natin ang Pangkat
Dilaw
Kami ang Pangkat Dilaw na
maihahalintulad sa ilaw. Liwanag at
talas ng aming pag iisip, kailanma’y
hindi ninyo masusungkit
Magaling.
Ang panghuling pangkat ngunit hindi
magpapahuli, Pangkat Puti?

Pangkat Puti, simple at payak man


kami sa inyong paningin, bakit hindi
ninyo kami subukin? Nang mamalas
ninyo ang tunay na galing namin?
Mahusay din.

D. Paglalahad
Ang mga katangiang taglay ng inyong
pangkat na kinabibilangan ay may
kaugnayan sa ating paksang aralin
ngayon. Ito ay ang paggamit ng
angkop na pang-ugnay sa
paglalarawan at paghahambing.

Basahin inyo ang inihanda kong


maikling kwento. Ang Alamat ng
Bundok Kanlaon. Salungguhitan
ninyo ang lahat ng pang uri na inyong
makikita sa kwento.
ALAMAT NG BUNDOK
KANLAON

Natatangi sa Negros ang barangay ni


Datu Ramilon dahil sa kanyang
kahanga-hangang katapangan at
kabaitan. Dagdag sa pagging bantog ng
datu ang pagkakaroon ng
napakagandang anak na nagngangalang
Kang.
Hindi tumututol si Datu Ramilon sa
pamimintuho ng kalalakihan sa kanyang
anak dahil siya ay isang maunawain at
mapagmahal na ama. Madalas nga
niyang sinasabi: “Ang lalaking maibigan ng
aking anak ay hindi ko tututulan.
Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan
kung ito ang kanyang ikaliligaya.”
Sa dinami-rami ng mga mangingibig kay
Kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak
ng isang raha sa kalapit na barangay.
Isang araw, naglakas loob ang
magkasintahag magtapat. “Ama, may ibig
pong sabihin sa inyo si Laon,” ang bunga
ni Kang kay Datu Ramilon.
“Magsalita ka binata,”tugon ni datu. “Ano
ang iyong pakay?”
“Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot
sa aming pag-iibigan ni Kang,” pagtatapat
ni Laon.
“Wala kang aalalahanin,” sagot ni Datu
Ramilon. “Humanda kayo at idaraos natin
ang inyong kasal sa kabilugan ng buwan.”
Naghandog si Laon ng dote kay Datu
Ramilon. Sagana ang hapag kainan sa
masasarap na pagkain bilang
pagsalubong sa pagtataling puso nina
Kang at Laon.
Subalit hindi pa natatapos ang seremonya
ng kasal ay biglang narinig ang malakas
na tinig ng isang mandirigma ni Datu
Ramilon. “ Mahal na Datu Ramilon! Mahal
na Datu Ramilon! Dumarating po ang
pangkat ni Datu Sabunan!”
Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid
na manliligaw ni Kang. Nagpasiya itong
lumusob sapagkat nabalitaang ikakasal
sina Kang at Laon. Mabilis na inuutos ni
Datu Ramilon na harapin ng kanyang mga
mandirigma ang kalaban. Naganap ang
madugong labanan at sa kasamaang
palad ay nalipol ang pangkat ni Datu
Ramilon.
Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon
nagpasiya silang magpakamatay na
lamang upang walang makapigil sa
kanilang taos na pag-iibigan. Natagpuan
ang kanilang mga bangkay na
magkayakap sa paanan ng burol. Sa
paglipas ng araw, napansin na tumataas
ang munting burol na kinamatayan at
pinaglibingan sa magkasintahan.
“Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan
nina Kang at Laon!” nasambit ng isang
utusan. “Oo nga at tila nagiging mabilis
ang paglaki,” ayon naman ng kausap.
Mula noon, ang dating maliit na burol ay
nagging isang mataas na bundok.
Tinawag ito ng mga tao na bundok nina
Kang at Laon. Subalit sa paglipas ng
panahon, ito ay kinilalang Bundok
Kanlaon.

Ipakita ng bawat pangkat ang mga


nasalungguhitang pang-uri.
Natatangi, katapangan, kabaitan,
bantog, napakaganda, maunawain,
mapagmahal, sagana, masasarap,
malakas, masugid, madugo, tibay,
taos, maliit, mataas
Magaling.
Ngayon naman ipapakita ko ang
bawat larawan ng mga tauhan batay
sa kwento. Ilarawan ninyo ang
kanilang mga katangian.

1. Si Datu Ramilon ay tanyag sa


bayan ng Negros dahil sa
natatangi niyang katapangan at
kabaitan.
2. Si Kang ang kaisa-isang anak ni
Datu Ramilon na napakaganda.
3. Ang tanging lalaki na
nakapagkamit ng pag-ibig ni
Kang ay si Laon. Siya ay may
wagas na pagmamahal kay
Kang.
Tama ang inyong mga kasagutan.
Paano naipakita ng magkasintahang
Kang at Laon ang kanilang wagas na
pag-iibigan?
Nagpasiya sina Kang at Laon na
magpakamatay na lamang upang
walang makapigil sa kanilang taos-
Tama. pusong pag-iibigan.
Ihambing ang kanilang pag-iibigan
kina Romeo at Juliet.
Katulad nina Kang at Laon, nagpasya
rin sina Romeo at Juliet na
magpakamatay upang maipamalas nila
Magaling. ang wagas nilang pag-iibigan.
Kaugnay sa mga salitang inyong
sinalungguhitan,suriin ang mga pang-
uring ginamit.
Iba-iba po ang paraan ng paglalarawan
ng mga salita. May ibang salita na
payak lamang at may mga salita na
may karugtong upang ipakita ang mas
mataas na antas ng pang-uring
Tama. ginamit.
Mayroon akong inihandang mga
larawan na may pangungusap na
nagsasaad ng kanilang katangian.

1. Si Nena ay malusog.
2. Pula ang kulay ng laso
3. Ang ilang-ilang ay may
mahalimuyak na amoy.
Siyasatin ang mga pang-uri na
ginamit sa mga larawan?
Antas ng Pang-uri
1. Ang mga pang-uring ginamit ay
simple lamang upang ilarawan
ang mga sumusunod na
larawan.
Magaling.
Lantay ang tawag sa antas ng pang-
uring ginamit kapag ito ay
ginagamitan ng payak na pang-uri.

Suriin naman ang mga sumusunod


na larawan.
1. Si Nena ay mas malusog kaysa
kay Nene.
2. Magkasing-kulay ang nabili nating
laso.
3. Ang ilang-ilang ay may
mahalimuyak na amoy kaysa
rosas.

Siyasatin ang mga pang-uring


ginamit?
2. Ang mga pang-uring ginamit ay
nagtutulad o naghahambing.
Maaring ito ay Magkatulad o Di-
Magkatulad.
Tama.
Ang tawag sa antas ng pang-uri na
may pagtutulad o paghahambing ay
Pahambing.

Kailan natin masasabi na ang


pangungusap ay nasa anyong
Magkatulad?
Kapag ito ay ginamitan ng mga panlapi
tulad ng ka, magka, sing, kasing,
magsing, ga, gaya, tulad, paris at para.

Mahusay.
Magbigay nga ng halimbawa?
1. Magkasingganda si Sam at
Jacinta.
2. Singtaas ng puno ng mangga
ang kanilang bahay.
3. Kasingliit ng piso ang nawawala
nyang butones.
Magagaling.
Kailan naman natin masasabi kung
ang anyo ng pangungusap ay di-
magkatulad?
Kung ang ginamit na pang-uri ay
pasahol o palamang.

Magbigay ng pangungusap na nasa


anyong pasahol.
1. Di-gaanong mahirap ang
signaturang Filipino kung
ihahambing ito sa Matematika.
2. Ang dagat ay di-lubhang maalon
ngayong umaga na tulad
kagabi.
3. Di-gaanong matapang ang
kanilang hukbo na tulad ng nasa
kabilang ibayo.
Mahusay.
Magbigay naman ng pangungusap na
anyong palamang?
1. Labis na napalitan ng
kalungkutan ang dating
masiyahing mukha ni Alyana.
2. Di-hamak na mas magaling
sumayaw si Maja kay Kim.
3. Higit na mas malakas ang
leon kaysa sa daga.
Tama.
Suriin naman ang mga huling
pangungusap na naglalarawan sa
mga larawang aking inihanda.
1. Pinakamataba si Nini sa kanilang
magkakapatid.
2. Ang laso na nabili ko ay higit na
makulay kaysa sa lasong nabili
nila.
3. Wala ng hihigit pa sa bango ng
sampaguita kaysa ano pa mang
bulaklak.
3. Ang mga pang-uring ginamit
ay nagpapakita ng kahigitan o
pamumukod tangi sa
paglalarawan ng mga
pangungusap.
Tama.
Ito ang huling antas ng pang-uri.
Pasukdol ang tawag sa mga ito na
nangangahulugan ng
pangingibabaw, kahigitan, o
pamumukod tangi sa karamihan.

E. Paglalahat
Anu-ano na nga ang tatlong antas ng
pang-uri na nagpapakilala ng
pasidhing paglalarawan sa mga
pangngalan o panghalip?
Antas ng Pang-uri
Lantay.
Pahambing.
Pasukdol.
Mahuhusay.
Magbigay ng mga pangungusap na
lantay, pahambing, at pasukdol.
Pangkat Pula
1. Ang tagal gumalaw ng pila.
(Lantay)
2. Magkasing-laki lang ang
tinitirhan naming mga bahay.
(Pahambing-Magkatulad)
3. Ang pinakamadaling pagsusulit
ay Matematika. (Pasukdol)
Pangkat Dilaw
1. Maayos manamit si Johanne.
(Lantay)
2. Mas madumi ang damit ni Rita
kaysa kay Ray. (Pahambing-Di-
Magkatulad)
3. Ang pinakamayamang lalaki sa
buong mundo ay nakatira sa
Tsina. (Pasukdol)
Pangkat Puti
1. Matayog ang puno ng niyog.
(Lantay)
2. Ang payong na nabili ko ay
singtulad ng payong na nabili ni
Nanay. (Pahambing-
Magkatulad)
3. Siya ang nagmamay-ari ng
pinakamaliit na bahay sa aming
tatlo. (Pasukdol)
Lahat ng pangkat ay nakapagbigay
ng tamang halimbawa. Mahusay at
naunawaan ninyong lahat ang ating
paksang pinag-aralan.

F. Paglalapat.
Naririto ang mga larawan, bumuo
kayo ng pangungusap gamit ang mga
iba’t ibang antas ng pang-uri.

1. Pang. Rodrigo R. Duterte


2. Iphone X
3. Luneta Park

Lantay Pahambing Pasukdol


1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.
IV. Pagtataya
Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng
antas ng pang-uri upang mabigyan ng paglalarawan ang mga sumusunod na
larawan.

1. Dr. Julieta M. Lagasca


2. Tarlac State University
3. Lalawigan ng Tarlac
4. Tarlac Festival

V. Kasunduan

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng tao, bagay, pook o pangyayari. Ibigay


ang mga katangiang taglay ng larawang iginuhit gamit ang mga pang-uri.
Ihambing ang sariling iginuhit na larawan sa ibang larawan na iginuhit ng iba
gamit ang iba’t ibang antas ng pang-uri.

You might also like