You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin ng Ika-7 Baitang-Filipino

Ikatlong Markahan
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nabibigyang- kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap
F7PT-IIIh-i-16
*Nakakapanood at nakakapakinig ng sa isang maikling kwento
*Naibubuod ang napakinggang kuwento sa pamamagitan ng Graphic Organizer
batay sa mga larawan.

II. Paksang aralin: Maikling Kuwento -“Sandaang Damit” ni Fanny Garcia


Sanggunian: Ika-3 Modyul sa Filipino 7 ph. 196-200
Kagamitan sa Pampagkatuto: PowerPoint Presentation, Pop-Up Book,
Papel,ballpen

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


III. Pamamaraan/Istratehiya
 Paghahanda

 Pagbati
Magandang hapon, 7-Bonifacio! Magandang hapon din po!

 Panalangin
Sino ang mangunguna sa panalangin para sa Precious:
hapong ito? Maraming salamat sa araw na ito na kami’y
nagsasama-sama.
Kami po ay makapagkumbabang humihiling
na sana ay kalugdan ninyo kami at ang
pagdiriwang na ito ng inyong presensya.

Ang lahat ng ito ay hindi maitutupad ng wala


ang inyong paggabay. Kayo ang naging
inspirasyon upang maging matagumpay ang
aktibidad na ito. Patuloy niyo po sanang
biyayaan ang aming klase.
Ang lahat ng ito ay idinarasal namin sa ngalan
ng Ama, Anak ang ng Espiritu Santo.
 Pagsasaayos ng Silid Aralan Amen.
Bago magsiupo, pulutin ang mga kalat na
nakikita sa inyong silong at harap at pakiayos
ang inyong mga upuan.
Umupo na ang lahat.
 Pagtatala ng mga Lumiban
Sino ang lumiban sa araw na ito?
Mahusay! Bigyan ang lahat ng tatlong Wala po.
palakpak dahil kumpleto ang atendans ngayon.
Sana sa susunod pang mga araw ay ganito uli.
Maasahan ko ba ‘yon?
Opo ma’am.

A. Pagbabalik- aral

Ngunit natin buksan ang panibagong aralin,


sino ang nais maglahad ng ating nakalipas na Ma’am, patungkol po sa paggamit ng mga
pinag-aralan? salitang naghihinuha.

Magaling!
Sino naman ang maaring magbigay ng ilan sa
mga salitang naghihinuha? Ma’am Baka, Tila, Siguro atb.

Tama!
Maraming salamat sa mga sumagot.

B. Pagganyak
(Ang guro ay ilalahad ang pangganyak na
larawan)

Bago tayo dumako sa ating aralin , mayroon


muna akong nais ipakitang mga larawan at
inyo itong suriin.
Ano ang inyong napapansin sa mga larawan?
Ma’am, yung una po niloloko, yung pangalawa
naman po pinagtatawanan, yung pangatlo at
huli sinasaktan.
Tama! Salamat! Sa makatuwid ito ay
tinatawag na?
Bullying!
Ano nga ba ang Bullying?
Ang Pang –aasar, Pang-iinis, Panunuya, o
Pang aapi at hindi katanggap-tanggap na ugali
o asal mula sa kamag-aral, kasamahan sa
paaralan o sa komunidad ay isang Bullying.

Sino na rito ang narasanan nang ma-bully o


kasalukuyang binu-bullly? Taas ang kamay.

Ano ang inyong aksyon nang naranasan ito?


Ma’am…
Bakit wala?
Ma’am, wala po.
Kasi po natatakot po.
Ito ang tatandaan ng lahat lalo’t higit ng mga
nakaranas nang pambubully, wag kayong
madadalawang isip na magsabi sa amin na
inyong mga guro at sa inyong mga magulang
sapagkat ang bullying ay lubos na hindi
pinahihintuluan. Ito ay hindi magandang asal
na dapat itinatama.
At sa mga mag-aaral naman na bully o yung
mga nanloloko o nang-aapi, pakiusap ihinto
ang ganitong klase ng gawain. Hindi niyo alam
kung gaano kalaki ang epekto ng inyong
panloloko sa ibang tao. At kung ilalagay kayo
sa sapatos ng inyong mga niloloko o inaapi,
sigurado hindi niyo rin ito magugustuhan.
Nauunawaan ba ng bawat isa?

Dahil alam na natin kung ano ang bullying,


ngayon naman alamin natin ang kwento ng Opo.
isang mag-aaral na kagaya niyo, kaugnay sa
panunuya sa kanya ng kanyang mga kaklse.

C. Paghawan ng Sagabal
Nabibigyang- kahulugan ang mga salita batay
sa konteksto ng pangungusap F7PT-IIIh-i-16

Ngunit bago tayo tuluyang dumako sa akda,


magkakaroon muna tayo ng paghawan sa mga
di- pamiyar na salita. Ito ay sa pamamagitan
ng isang laro.

PANUTO SA GAWAIN:
Hatiin sa 5 pangkat ang klase. Tukuyin ang
sinasaad na kasing kahulugang ng nakahilis
na di pamilyar na salita na nasa pangungusap.
Gamit ang illustration board, paunahang itaas
ang tamang sagot. Ang unang
makapagbibigay ng tamang sago tang siyang
makakkuha ng puntos.

Ang mga di-pamilyar na salita:


1. Nakadispley sa teheras ang sari-saring PAPAG
damit ng batang babae.

2. - Kung minsa’y di bahagyang sulyapan MESA


ang mga pagkaing nasa ibabaw ng pupitre
ng kaniyang mga kaklase
PABULONG
3. Mahina at paanas pa kung ito’y
magsalita.
PANGIINIS
4. Tumindi ang pambubuska at panlalait
ng mga kaklase sa batang babae.
TAHIMIK
5. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at
walang-imik ang batang babae
Mahusay! Bigyan ng tatlong palaklapak ang
lahat.

D. PAGTATALAKAY
* Nakakapanood at nakakapakinig ng sa
isang maikling kwento

Dahil nakilala na ninyo ang mga di-pamilyar


na salita sa akda, sa tingin ko handa na ang
lahat para talakayin ito. Tama ba ako? Opo!
Kung handa na, makinig ang lahat dahil atin
nang tatalakayin ang akdang pinamagatang
“Sandaang Damit” na sinulat ni Fanny Garcia

(Ilalahad ng gruo ang gabay na tanong para


akdang tatalakayin)
Nagunit bago iyon, basahin muna ang mga
gabay tanong sa maikling kuwentong ating
tatalakayin.

Gabay na tanong:
1. Ilarawan nga ulit ang pisikal at emosyunal
na kalagayan ng batang babae.
2. Bakit naging malulungkutin at walang-kibo
ang batang babae?
3. Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay
ng pamilya ng batang babae? Patunayan ang
iyong sagot.
4. Naniniwala ka bang may sandaang damit
ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi?
5. Ano sa iyong palagay ang nangyari sa
batang may sandaang damit? Bakit kaya siya
hindi nakakapasok sa eskwela?

(Ang guro ay magpapanood ng maikling video


presentation kaugnay sa akdang tatalakayin.)
May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa
paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang
pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-
iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo
na‟y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap
ang mga mata, sasagot lamang kapag
tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung
magsalita.Naging mahiyain siya sapagkat
maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at
ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman
sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit
na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang
tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit
nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa‟y
kupasin at punong-puno ng sulsi.

Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-


kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw
ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan
ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-
konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi
malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang
pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay
masusulyapan niya ang mga pagkaing
nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga
kaklase: mansanas, sandwiches, kending may
iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi
nagwawakas sa kaniyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang
kaniyang pagkain at sila‟y magtatawanan
kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa
lamang pirasong tinapay na karaniwa‟y
walang palaman.Kaya lumayo siya sa kanila.
Naging walang kibo. Mapag-isa.

Ang nangyayaring ito‟y hindi naman lingid sa


kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o
makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa
panunukso ng mga kaklase, at siya‟y
magsusumbong. Mapapakagat-labi ang
kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo,
at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at
paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila
anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag
nakakuha ng maraming pera ang iyong ama,
makakapagbaon ka na rin ng masasarap na
pagkain, mabibili na rin kita ng maraming

At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang


ama‟y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming
pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay.
Ngunit ang bata‟y unti-unting nakaunawa sa
kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang
pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang
pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase.
Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na
siya nagsusumbong sa kaniyang ina.

Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay


ng kaniyang mga kaklase na siya‟y kanilang
talun-talunan kaya lalong sumidhi ang
kanilang pambubuska. Lumang damit. Di
masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila
sa kaniyang isip.Hanggang isang araw ay
natuto siyang lumaban.Sa buong pagtataka
nila‟y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap
na batang babaeng laging kupasin, puno ng
sulsi,at luma ang damit, ang batang laging
kakaunti ang baong pagkain. Yao‟y isa na
naman sanang pagkakataong walang magawa
ang kaniyang mga kaklase at siya na naman
ang kanilang tinutukso.

“Alam n‟yo,” aniya sa malakas at


nagmamalakiing tinig, “ako‟y may sandaang
damit sa bahay.”Nagkatinginan ang kaniyang
mga kaklase, hindi sila makapaniwala.“Kung
totoo „ya‟y ba‟t lagi na lang luma ang suot
mo?”Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil
iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa‟min para


kami maniwala!”Iisang tinig na sabi nila sa
batang mahirap.“Hindi ko madadala rito. Baka
makagalitan ako ni Nanay.Kung gusto n‟yo‟y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas,kung
ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may
laso o bulaklak.”At nagsimula na nga siyang
maglarawan ng kaniyang mga damit.Ayon sa
kaniya‟y may damit siya para sa iba-ibang
okasyon. May damit siyang pambahay,
pantulog, pampaaralan, pansimba han, at iba
pa.
Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento.
Paano‟y inilarawan niya hanggang kaliit-
liitang detalye ng bawat isa sa kaniyang
sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang
damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab
na rosas ang tela nito na sinabugan ng
pinaggupit- gupit na mumunting bulaklak at
makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga
ang manggas. May tig-isang malaking laso sa
magkabilang balikat. Hanggang sakong ang
haba ng damit. O kaya‟y ang kaniyang dilaw
na pantulog na may prutas sa kuwelyo,
manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting
pansimba na may malapad na sinturon at
malalaking bulsa.

Mula noo‟y naging kaibigan niya ang mga


kaklase. Ngayo‟y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kaniyang
tagapakinig. Lahat sila‟y natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit.
Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging
masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang
kaniyang pamamayat kahit ngayo‟y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang
baong mansanas o sandwich, isa o dalawang
kendi.Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa
klase ang mahirap na batang babaeng may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At
nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang
linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang
kaniyang mga kaklase at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang


batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sirasira at
nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang
isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang
mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit
na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa
anumang marangyang kasangkapan. At sa
isang sulok ay isang lumang teheras at doon
naratay ang batang babaeng may sakit pala.
Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang
maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang
mga papel na maayos na maayos na nakahanay
at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng
teheras.

Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang


ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang
drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang
damit.Magaganda, makukulay.Naroong lahat
ang kaniyang naikuwento.Totoo‟t naroon ang
sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa
pagtitipon.Naroon din ang drowing ng
kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba,
ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na
kailanma‟y hindi nasilayan ng mga kaklase
dahil ayon sa kaniya‟y nakatago‟t iniingatan
niya sa bahay.

Naunawaan at nagustuhan ba ang kuwento? Opo!

Kung talagang naunawaan, ating sagutin ang


mga gabay na tanong.
(Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral
upang sumagot sa mga sumusunod na Gabay
na Tanong)

Gabay na tanong: Kasagutan sa Gabay na Tanong


1. Ilarawan nga ulit ang pisikal at emosyunal
na kalagayan ng batang babae. 1. Ma’am walang-imik. Malimit siyang nag-
2. Bakit naging malulungkutin at walang-kibo iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo
ang batang babae? na‟y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap
3. Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay ang mga mata, sasagot lamang kapag
ng pamilya ng batang babae? Patunayan ang tinatawag ng guro.
iyong sagot.
4. Naniniwala ka bang may sandaang damit Halos pabulong pa po siya kung magsalita.
ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi? Mahiyain siya sapagkat maaga niyang
5. Ano sa iyong palagay ang nangyari sa natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa
batang may sandaang damit? Bakit kaya siya mga kaklase
hindi nakakapasok sa eskwela?
2. Nakikita niya sa mga kaklase niya.
mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang
hugis at kulay na pambalot na palara ang baon
at samantalang siya isang karaniwang tinapay
lang

3.Ma’am mahirap po. Kasi po hidi siya


nakakapagbagon ng masasarap na pagkain
gaya sa mga kaklase niya.
4. Hindi po, kasi luma naman yung lagi niyang
suot na damit.
5.Ma’am baka po nagkasakit?

E. Paglalapat
(Ang guro ay pipili ng mga mag-aaral na nais
sumagot sa mga katanungan.)

Kung talagang naunawaan, mayroon akong


ilang kataungan at na nais kong marinig ang
mga kasagutan mula sa inyo.

1. Mayroon kang isang kaklase na luma


ang kanyang damit at tanging pandesal
lamang baon na pumapasok sa
eskuwela, gagawin mo rin ba ang
ginawang pangungutya ng mga kaklase Hindi po, kasi masama po ang mambully.
ng batang babae? Bakit. Ipaliwanag.

Tama! Sa buhay ngayon, tayong mga tao ay


mapanghusga, hinuhusgahan natin ang ating
kapwa dahil sa kanilang pisikal na anyo at
posisyon sa buhay. Ngunit di man lang natin
naisip na ang mga taong ating
tinatapaktapakan ay ang mga taong may mas
mataas na pang unawa at pangarap kaysa sa
atin.lahat ng tao ay may pangarap na gustong
abutin. Lahat tayo ay may hinahangad na
ginhawa. Ang kahirapan ay hindi hadlang
upang makamit ang ating mga pangarap ..
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng
bidang batang babae, magagawa mo rin Hindi po, kasi masama rin po ang
bang magsinungaling para lang maging pagsisinungalang. Dapat po lagging totoo yung
malapit sa iyong mga kaklase? sinasabi natin sa ibang tao.
Ipaliwanag.

Magaling! Nakikita kong kayo ay mga batang


lalaking mabuti sapagkat, alam ninyo ang tama
sa hindi tama. Bigyan ng tatlong palpak ang
mga sumagot!
*clap (2x)
IV. Pagtataya
Naibubuod ang napakinggang kuwento sa
pamamagitan ng Graphic Organizer batay sa
mga larawang inilahad

Para sa hapong ito, kayo ay magkakaroon ng


pangkatang gawain.

PANUTO SA GAWAIN:
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ibuod ang
pangyayari sa maikling kuwento sa
pamamagitan ng Graphic Organizer batay sa
mga larawang nasa harap. Pumili ng tatlong (3)
damit na nabanggit sa kuwento. Maaring iguhit
o isulat ang bawat pangyayari sa SIMULA,
GITNA, at WAKAS sa loob nito. Pumili ng
dalawang miyembro na maglalahad sa harap.
Ito ay gagawin lamang sa loob ng laning
limang minute (15 minutes)

Halimbawa:

SIMULA GITNA WAKAS

(Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang


gawain sa harap)

Mahusay! Bigyan ang bawat isa ng limang *clap (5x)


palakpak!
V. Paglalahat
Bago tayo matapos, batay sa napanood na Ma’am huwag maging mapangutya
maikling kuwento, anong mensahe ang Huwag pong magsisinungaling.
nakapaloob dito?

Ngayon naman nais kong marinig ang aha


ninyo sa ating tinalakay ngayon. Ano ang
inyong natano o nagbigay kaalaman sa inyo
pagkatapos talakayin ang aralin?
Aha! Ang pang-iinis at pangungutya pala ay
Aha!... isang bullying.
Aha! Kapag nakaranas ako ng bullying dapat
ko itong sabihin agad kay ma’am o kaya sa
magulang.
Aha! Maling husgahan ang ibang tao sa
kanilang labas na anyo lamang
Aha! Hindi tamang mag-sinungaling para
Napakahusay! Sa buhay ngayon, Marami sa lamang tanggapin ng ibang tao
mga tao ay mapanghusga...hinuhusgahan
natin ang ating kapwa dahil sa kanilang
pisikal na anyo at antas ng pamumuhay.
ngunit di man lang natin naisip na ang mga
taong ating tinatapaktapakan ay ang mga
taong may mas mataas na pang unawa at
pangarap kaysa sa atin.lahat ng tao ay may
pangarap na gustong abutin...lahat tayo ay
may hinahangad na ginhawa..ang kahirapan
ay hindi hadlang upang makamit ang ating
mga pangarap ..

Nawa’y ang aral na nakapaloob sa ating aralin


ngayon ay tumimo sa inyong puso’t isipan at
inyong maisabuhay. Makakaasa ba ako 7- Opo!
Bonifacio?

VI. Takdang Aralin


Para sa inyong takdang aralin, magsaliksik
kaugnay sa Elemento ng Maikling Kuwento.
Ipapasa sa Lunes

Pangwakas na Bati
Sino ang maaring magdasal bago tayo
maghiwahiwalay sa araw na ito? Maybeline:
Panginoon, maraming salamat po sa mga oras
na ito at pangibagong kaalaman nanaman ang
aming natanggap mula sa aming guro at higit
sa lahat sa Inyo. Nawa’y patnubayan Mo po
kami sa aming paglabas ng paaralan patungong
tahanan. Ito lamang ang aming samu’t
dalangin sa matamis na ngalan nii Hesus,
Amen.
Ito lamang sa araw na ito. Huwag iiwanang
marumi ang silid. Siguraduhing mailinis bago Paalam din po, Bb. Catherine
umuwi. Paalam!

Ipinasa ni:
Catherine Anne L. Villanueva
BSED IV- FILIPIO
Practice Teacher

You might also like