You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
JOSE SANVICTORES SR. NATIONAL SCHOOL
La Purisima, Cagwait, Surigao del Sur

MALA- MASUSING BANGHAY ARALIN


(Unang Markahan)

Grade/Seksiyon: 9-Mendeleev Oras: 9:30 – 10:30 ng umaga

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin sa paggawa ng sariling
diyalogo. (F9WG-llc-48)
I - Layunin: Sa loob ng isang linggong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa isang diyalogo.


 Nakasusulat ng isang diyalogo gamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin.
 Napapahalagahan ang iba’t ibang ekspresyon sa pangungusap sa nakalaang sitwasyon.

II - PAKSANG-ARALIN:

a. Paksa: Paggamit ng Iba’ t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin


b. Sanggunian: Filipino 9 aklat
c. Kagamitan: laptop, papel, bolpen, kartolina at manila paper

III – PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
- Pagdarasal
- Pagtala ng lumiban

B. Balik-aral
- Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa tinalakay noong nakarang araw.

C. Paglalahad

1. Pagganyak
(Apply knowledge of content within and across curriculum teaching
areas)
- Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Magkakaroon ng paligsahan sa
paghahanap ng mga kaperasong papel at buuin ito ng pangkat.Kung may
mabuo. Ipaliwanag kung ano ang simbolo ng hayop na ito.

2. Pagtatalakay
- Tatawag ang guro ng mag-aaral upang basahin ang mga layunin.
- Ilahad ng guro ang paksang tatalakayin.
Unang Grupo
 Ipapabuo ang nagkahalo-halong diyalogo.
 Gagawin ito sa loob ng 2 minuto lamang.
 Sa nabuong diyalogo ng pangkat una, Bibigyan ng kahulugan ang mga
salitang ginamit sa diyalogo.
 Magtawag ang guro ng representante sa grupo para ibahagi ang nabuo.

Ikalawang Grupo (Select develop organize and use appropriate teaching and learning
resources, including ICT, to address learning goals)
 Bibigyan ng guro ng mga tanyag na linya mula sa mga pelikulang tagalog.
Basahin at unawaing mabuti kung anong damdamin o emosyon ang isinasaad nito.
 Magtawag ang guro ng representante sa grupo para ibahagi ang nabuo.

Pag-uulat ng mga sagot

3. Paglinang sa Kabihasaan (formative Assessment)

Panuto: Sa loob ng kahon sa ibaba, sumulat ng isang diyalogo sa pagitan ng dalawang hayop
na nag-uusap tungkol sa kanilang kalagayan bilang mga alaga sa bahay. Gagamit ang mga tauhan ng
mga pahayag na nagpapakita ng iba’ t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin o emosyon.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG DIYALOGO


Nilalaman Bahagdan Kuha na puntos
Orihinalidad ang gawang 2
diyalogo
Organisado ang usapin sa 1
isang diyalogo
Angkop ang mga 2
ekspresyon sa
pagpapahayag ng diyalogo
Kabuuan 5

4. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


- Bakit mahalaga ang iba’t ibang ekspresyon sa pangungusap?
- Bakit kailangan nating gamitin ang iba;t ibang ekspresyon sa isang
diayalogo?

D. Paglalahat

- Ang emosyon o damdamin ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa


ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o
sa ugali ng isang indibidwal. Iba- iba ang emosyon na mararamdaman
sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, pagkagalit, tuwa at iba pa. Lahat ng tao
ay may emosyon, maaaring manhid ang isang tao na minsan makaramdam kung
siya ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maaari rin na ang emosyon ng isang
tao ay dulot ng pag-ibig o pagmamahal.

- Sa panahon ngayon na laganap ang paggamit ng social media networking sites,


nabibigyang-kalayaan ang kabataang ipahayag ang kanilang damdamin o
emosyon, ngunit kailangan ding malaman ng kabataan o kahit ang mga matatanda
na ang kalayaang kanilang tinatamasa ay may kaakibat na responsilbilidad.
Gayunpaman, may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin
na kailangan nating isaisip bago ito gagamitin.

IV – Paglalapat
(Plan and deliver teaching strategies that are responsive to the educational needs of
learners in difficult circumstances including: geographic isolation; chronic illness;
displacement due to armed conflict urban resettlement or disasters; child abuse labor
practices)

- Pangkatang Gawain: Dalawang Pangkat

Panuto: Gagawa ang bawat pangkat ng isang diyalogo gamit ang iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag ng damdamin o emosyon. Kunwari ikaw ay isang purok lider. Gamit ang iba’t ibang
ekspresyon na nagpapahayag ng damdamin at emosyon hikayatin ang iyong kapitbahay na sundin
ang panawagan ng pamahalaan na lahat ng mga mamamayan ay dapat manatili sa kani-kanilang
tahanan.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG DIYALOGO


Nilalaman Bahagdan Kuha na puntos
Orihinalidad ang gawang 1
diyalogo
Organisado ang usapin sa 1
isang diyalogo
Angkop ang mga 3
ekspresyon sa
pagpapahayag ng diyalogo
Kabuuan 5
V - Takdang Aralin

- Magsaliksik kung ano ang kahulugan ng sanaysay at ang mga uri ng


sanaysay.

Inihanda ni: Winasto at Sinuri ni:

NERISSA LINELL JOIE L. APELLANES ANIBEL ARONG-LAMO,


EdD
Guro sa Filipino Master Teacher I

Inaprubahan ni:

CLYDE D. REALINGO, MAED


Teacher In Charge

Ikalawang grupo

A B
Gulong ang buhay Buhay ng tao
Hindi totoong Puno ng sakit
Paraiso ang lasap Nasaan ang ginhawa? ng
Bukas ay di mo piho. sinumang nilalang

1. Ano ang mga salitang naitala ninyo na pareho ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan?
1. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.
2. Isa-isahin kung paano mo binigkas ang mga ito.
3. Itala ang mga sinalungguhitang salita at bigkasin.
4. Paano nakatulong ang diin sa pagbigkas?
5. Ano ang ponemang suprasegmental? Paano ito nakapagpapabago ng kahulugan?

Unang grupo
 

“Isang hapon, may mag-asawang Hapon at may anak silang nagbabasa ng aklat tungkol sa nabasang
tao sa tulay. Habang nagbabasa siya, tinawag siya ng kanyang mga magulang: Juan, tumayo ka na
at tayo ng magtulungan sa paglilinis ng bahay. Tumulong naman kaagad si Juan.”

1. Ano ang mga salitang/salitang-ugat na naitala ninyo na pareho ang baybay ngunit magkaiba ng
kahulugan?
2. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.
3. Isa-isahin kung paano mo binigkas ang mga ito.
4. Paano nakatulong ang diin sa pagbigkas?
5. Ano ang ponemang suprasegmental? Paano ito nakapagpapabago ng kahulugan?
Bawal ang pass sa laro at mga aksyon, tanging bibig lang ang gagamitin.
Oh! Klas, kamusta ang laro? Ano ang napansin niyo kanina? May nais ba itong iparating?

You might also like