You are on page 1of 4

Masusing Tagaytay City Intgrated 7-Newton

Pangalan Baitang
Banghay- School 7-Archimedes
Aralin Guro Bb. Marjorie Jen I. Credo Asignatura Filipino
11:00-12:00 Ika-1
Petsa at Oras Markahan
3:00-4:00

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, mapanuring pag-iisip at
pagpapahalaga upang isulong ang wikang Filipino.

B. Pamantayan sa Pagganap Pagsulat ng Pagbuo ng isang makatotohanang


proyektong panturismo.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/ Layunin F7PN-Ic-d-2
Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari
batay sa akdang napakinggan
II.PAKSA
Panitikan: Ang Mataba at Payat na Usa
Gramatika/ Retorika: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
III.MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: Supplemental Lesson Plan sa Filipino 7, Internet
B. Iba pang kagamitang pampagturo: TV, Laptop, PPT, kagamitang biswal
C. Dulog:
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (5 minuto)

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagpapanatili ng kaayusan ng silid-aralan
d. Pagtatala ng lumiban sa klase

B. Pagganyak (7 minuto)
Ibigay ang katangian ng tao na maiuugnay sa larawan.

1. Anong katangian ng tao ang maiuugnay sa unggoy? Bakit?


2. Anong kuwento ang magpapatunay sa katangiang iyong iniugnay sa unggoy? Isalaysay.
3. Paano ito nagwakas?
4. Anong aral o mensahe ang iyong natutuhan sa kuwentong ito?
5. Anong uri ito ng panitikan?
C. Paglalahad ng Aralin (10 minuto)
Ang Mataba at Payat na Usa
Pagbibigay-hinuha sa Mahahalagang Tanong:
1. Bakit mga hayop ang karaniwang tauhan na ginagamit sa pabula?
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad sa proseso ng
komunikasyon?
D. Inaasahang Pagganap
Paglalahad ng Inaasahang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag nang pasulat ng kanilang damdamin at saloobin tungkol sa
paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.
E. Pagtalakay
Pakikinig sa akda

Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti


Pabulang Maranao
(Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale)
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti
Pabula ng Maranao
(Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale)
Sanggunian : Kalinangan VII ; pahina 22-23
Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa,
sina Odang (hipon) at Orak (itlog).Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka
kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang
asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa
ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang
asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni
Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak
ay ayaw ring maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa
kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahi lito ay naluto kaya’t ipinaghele niya
ito.Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa.
Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasyasiya ng lumakad pauwi.Sa daan nakita ng gutom na si
Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.Gutum na gutom na
siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit
nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

Pagpapaliwanag ng kahulugan ng pabula.


Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na nasa anyo ng tuluyan. Isa itong salaysay o kuwento na
ang mga tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita, ngunit sa mas malalim na pakahulugan ng kuwento,
ang mga hayop na ito ay nagsisilbing representasyon ng mga tao sa lipunan.

GABAY NA TANONG:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa akdang napakinggan? Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010
2. Anong katangian ng tao ang taglay ni Lalapidingowa-I na dapat Filipino
pamarisan?
I Ang hindi dapat
pamarisan? Bakit?
3. Anong uri ng asawa sina Odang at Orak? May mga babae bang asawa na may katulad nilang
katauhan? Patunayan.
4. Isalaysay ang mga pangyayari na naging dahilan kung bakit naluto ang dalawang asawa ni
Lalapindigowa-i.
5. Ano ang naging wakas ng kuwento?
6. Angkop ba ito? Oo o hindi?
F. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Buuin ang dayagram batay sa banghay ng kuwentong napakinggan.
Pangkat 2
Itala ang mga katangian nina Lalapindigowa-I, Odang at Orak. Gamitin ang tsart sa ibaba.

Lalapindigowa-i Odang Orak

Pangkat 3
Itala ang kulturang masasalamin sa akda.

Lalapindigowa-i: Kung Bakit


Maliit ang Beywang ng Putakti

Kultura Kultura Kultura


Pangkat 4
Ilahad ang naging wakas ng kuwento.Suriin ang wakas ng kuwento batay sa tsart.

Lalapindigowa-i: Angkop ba ang wakas ng


Kung Bakit Kuwento?
Maliit ang Oo Hindi
Beywang ng (Paliwanag) (Alternatibong
Putakti wakas ng
Wakas ng Kuwento)
Kuwento

G. Paglalapat
Sumulat ng sariling wakas ng kuwentong napakinggan batay sa mga pangyayari.

Pamantayan Puntos
Kaangkupan 3
Kalinawan 3
Mensahe 4
KABUUAN 10

H. Pagtataya
Ilahad ang naging wakas ng kuwento batay sa mga pangyayari.
I. Takdang Aralin
Takdang-aralin:
1. Basahin ang akdang “Ang Mataba at Payat na Usa”. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
a. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
b. Ano-ano ang kanilang katangian?
c. Paano ito nagwakas?

*Ang araling ito ay hindi nailahad sapagkat ang mga mag-aaral ay hindi natapos sa kanilang pangkatang
gawain.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:


Marjorie Jen I. Credo Napoleon B. Blancaflor
LSB Teacher Susing Guro sa Filipino

Ipinagtibay ni:
Marissa E. Capistrano, Ed.D
HTIII/ Office-in-Charge

You might also like