You are on page 1of 17

Pabula

isang maikling katha na ang


layunin ay magbigay ng
magandang aral. Mga Hayop
ang mga tauhang gumaganap
sa pabula at masasalamin ito
ang mga ugaling taglay ng mga
tao.
Aesop Ama ng
Pabula
Elemento ng Pabula
Tauhan nagsisiganap
ay mga hayop.
Tagpuan Sumasalamin sa
lugar na ginagisnan ng mga
tauhan.
Banghay Maayos na
pagbabahany at
pagkakasunod-sunod na mga
pangyayari.
Ang Mandarangkal at ang
Karwahe (China)
Tauhan
Hari ng Qi
Mandarankal
Insekto
Isang hari ng Qi ay nangaso
kasama ang ilang katao.
Naglalakbay ang karwahe
nang biglang
makita ng kutsero sa gitna
ng daan ang isang
mandarangkal na
nakaamba ang malakarit
ng mga paa na para bang
pinipigilan ang pagdaan
ng karwahe. Nagulat ang
hari sa nagyaring
paghinto ng sasakyan.
Nais niyang malaman
kung anong uri ng insekto
ito.
Kamahalan, isa po
itong mandarangkal,
kapag ito po ay
hinahamon, ito ay agad
nagagalit, wika ng
isang sundalo.
Napabuntong-hininga ang
hari at napabulalas sa
nakitang katapangan ng
insekto. Nagmuni-muni
muna sandali at saka
sinabing
Nakakalungkot isipin na
isa lamang insekto. Kung
ito ay naging tao siya ang
pinakamatapang na
madirigma sa buong
mundo.
Iniutos niya na umikot na
lamang ang karwahe at
maghanap ng ibang daan,
hayaan na lamang ang
mandarangkal na nasa
daan.
Humanga ang mga
nakarinig sa sinabi ng
hari at dahil dito
nagpasya silang ilaan ang
kanilang sarili para sa
kapakanan ng kanilang
bansa.
Gabay na Tanong:
1. Paano nakakaapekto
ang mandarangkal sa
paglalakbay ng hari?
2. Bakit kaya mas pinili ng
hari na hayaan na lamang
ang mandarangkal at
humanap na lang ng
ibang daan?
3. Ibigay ang katangiang
ipinakita ng hari sa
kuwenti.
Iantas ang salita batay sa
damdamin o emosyon.
1.Hagulgol_____
Hikbi________
Iyak_________
Nguyngoy____
2. Nasaid________
Naubos_______
Nawala_______

3. Lungkot____
Lumbay____
Pighati____
Dalamhati____

You might also like