You are on page 1of 4

Sesyon 1

Pokus: Mahatma Gandhi


Kompitensi
 Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang may natatagong kahulugan (F9PT-IIIb-c-51)

HOOK
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagsasaayos ng silid
3. Pagtatala ng liban
B. Pagganyak
Kahanga – hangang Bayaning Asyano ...
Sino-sino ang mga kilala mong magigiting o bayaning Asyano? Isulat ang kanilang pangalan sa kahon gayun din ang
pinakamahalagang bagay na kanilang nagawa sa buhay.

Mga bayani o kilala mong Asyano at ang


pinakamahalagang bagay na kanilang
nagawa sa buhay.

Ano – ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang lider? Sagutin ito sa pamamagitan ng Word Association
Map.

LIDER

ACQUIRE
A. Pagtalakay sa bansang India.
B. Pagkilala kay Mohandas K. Gandhi sa pamamagitan ng pagsasagot ng impormasyong hinihingi hinggil sa kanya.

Buong
Pangalan:________________________________________________
Ibang Katawagan: _____________________________

PANGUNAHING DATOS
Kapanganakan:_______________________
Tirahan:_______________________________
Magulang:
Ama:_______________________________Ina:__________________
Asawa:____________________________________

MAKABULUHANG KARANASAN SA BUHAY


KARANASAN BILANG ISANG MAG –
AARAL:__________________________________________________
___________________________________________________________

MAHALAGANG BAGAY NA NATUTUNAN NIYA SA


KANYANG INA
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________

C. Pagpapalawak ng talasalitaan.
Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng pariralang may salungguhit sa bawat
pahayag.
1. Ang ginawang pagtulong ni Gandhi sa kanyang mga kababayan ay bukal sa kanyang kalooban.
2. Bahag ang buntot ng mga taong di kayang pagpigil sa sarili dahil ang tunay na katapangan ay nasa pagtitimpi.
3. Ang mga mamamayan ng India ay hindi nagtaingang kawali sa naging panawagan ni Gandhi para sa kapayapaan.
4. Sa lahat ng kanyang ginawa para sa bayan, kailanman ay hindi lumaki ang ulo ni Gandhi.
5. Talagang matalas ang kanyang utak kaya’t nararapat lamang na maging modelo siya lalo na ng mga kabataan.

D. Pagtalakay sa akda sa pamamagitan ng Jigsaw Reading.


Gabay na tanong:
1. Paano mo mailalarawan si Mahatma Gandhi bilang isang lider?
2. Bakit sinabi ng may akda na ang pamumuno ni Gandhi ay namumukod tangi?
3. Anong pamamaraan ang ginamit ni Gandhi sa pakikipaglaban sa mga dayuhan? Naging epektibo ba ang paraang
ito? Patunayan.
4. Sumasang-ayon ka ba sa may akdang higit na mapalad ang India kaysa sa Pilipinas dahil ito ay nagkaroon ng
pinunong gaya ni Gandhi? Bakit?
5. Sa iyong palagay, mayroon kayang pinunong Pilipino ang maihahambing mo kay Mahatma Gandhi? Sino siya?
Patunayan.
6. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider, paano ka mamumuno upang maging maayos din ang
iyong pamumunuan?

Sesyon 2
Pokus: Mahatma Gandhi
Kompitensi:

ENGANGE
Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na taludtod. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
1. “Ang paglilider mo’y namumukod – tangi, pulos halimbawa’t walang talumpati.”

2. “Kung wala ng damo’y lilipad ang balang, Kung wala nang ganito’y lalayas ang dayuhan.”

3. Naghubad ng telang Londres nilikha, naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.

4. Namulat ang India . . . daling iwinaksi ang diwang alipin . . . nais magsarili.

5. Dito ang banyaga’y siyang sinasamba at ang katutubo’y kuskusan ng paa.

REFLECT

Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at

ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda

ng Diyos; at sila'y paparusahan. Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga

gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng

mabuti, at pararangalan ka nila. Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama,

dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga

gumagawa ng masama. Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi

alang-alang na rin sa inyong budhi.

Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos

at ito ang kanilang tungkulin. 7Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran

at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.
Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mga dapat at hindi karapat dapat taglayin ni Pangulong Duterte bilang lider ng

ating bansa sa kasalukuyan upang ang ating bansa ay makaahon sa unos at kahirapan.

TRANSFER

Si Mahatma Gandhi ay isa sa mga lider sa mundo na dapat ikarangal at ipagmalaki sanhi ng kanyang
kahusayan at katapatan sa paglilingkod. Gamit ang double entry journal ay ipahayag ang inyong damdamin
at damdamin ng kamag-aral kung ikaw/kayo ang magiging nasa katayuan ni Gandhi. Banggitin din angmga
katangian at mga bagay na isinakrapisyo ni Mahatma Gandhi na dapat tularan ng mga taong nais maging
pinuno o lider. Ipahayag kung paano ito maisasabuhay.

Ang aking damdamin kung ako Ang aking damdamin ng aking


nasa katayuan ni Gandhi kamag-aral kung siya ang nasa
katayuan ni Gndhi

Ikalawang Sesyon
Pokus: Mga Kataga/Pahayag sa pagpapasidhi ng Damdamin
Kompitensi:
 Nakakapagbigay hinuha sa maaring kalabasang mensahe o ideyang tinalakay batay sa intensiyon ng
nagsasalita.
 Nagagamit ang mga pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin

I. Hook
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagsasaayos ng silid
3. Pagtatala ng liban

B. Pagganyak
Buddy-buddy: Kumuha ng kapareha na sa palagay mo ay may pagkakapareho kayo ng hilig at
gusto. Pagkatapos ay pumili kayo ng isang tao na pinakahahangaan mo at ilahad kung bakit. Ang
isusulat mo ay ang mga katangian na inilahad ng iyong kapareha. Isulat ang mga ito sa isang malinis
na papel.

II. ENGAGE
 Pagtalakay sa ginawang pagganyak
 Pagtalakay sa mga Kataga o pahayag sa Pagpapasidhi ng damdamin.
A. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Si Gandhi ay isang napakahusay na lider.
2. Masasabi kong si Gandhi ay isa sa pinakadakilang mamamayan ng India.
3. Walang kasing galing na pinuno si Gandhi.

B. Ano ang napapansin mo sa mga salitang may salungguhit sa bawat pahayag? Ano ang pagkakatulad
ng mga salitang ito?

C. Mga Kataga/ Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin.


1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita (magandang-maganda...)
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping napaka-, pagka-, kay- (napakaganda...)
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ubod, hari, sakdal, lubha (sakdal husay...)
4. Sa pamamagitan ng pangungusap na walang paksa (Naku!...)

ACQUIRE
 Bumuo ng isang talataang may limang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
patungkol kay Mahatma Gandhi. Kinakailangang gamitin ang lahat ng mga paraan sa pagpapasidhi
ng damdamin.(Dyad)
 Pagbabahagi ng isinulat na talataan sa klase.

REFLECTION

Sa iyong palagay, bait mahalagang matutunan ang tamang paglalaahd ng mga kataga o pahayag sa
pagpapasidhi ng damdamin upang maging malinaw ang damdaming inilalahad sa isang salita, parirala,
pangungusap at talata?

TRANSFER
Komik Strip: May iba’t ibang damdaming nangingibabaw o nadarama ang bawat tao. Pumili ng isang
paksa na gagawan ng maikling salitaan o dayalogo gamit ang mga Kataga o Pahayag sa Pagpapasidhi ng
Damdamin.

Pamantayan:
Laang Puntos Marka ng Guro
Nilalaman 5
Organisasyon 5
Paggamit ng tamang 5
Kataga/Pahayag
Kabuuan 15

You might also like