You are on page 1of 12

MAKIKINIG

AKO !!!!

Inihanda ni: Bb. Maricel Peñas


Mula sa Gulistan ni Sa’di
Parabula mula sa Iran
Salin ni Mercy P. Ros
Gulista- maimpluwensyang obra sa panitikang Persian;
kalipunan ng mga tula at kuwento na pinagmulan ng
karunungan
Sa’di- isa sa mga dakilang makatang Persian
Qazi- tagahatol ng simbahan
Padshah- hari
Ang Sultan ng tribu ng Tunani ay nagkaroon
ng malubhang karamdaman. Ang pag-uusap
tungkol dito ay hindi pinahihintulutan sa
kanilang kaugalian. Ang mga manggagamot ng
tribu ay sumasang-ayon na ang sakit na ito ay
malulunasan lamang sa pamamagitan ng apdo
ng taong may magandang katangian.
Ipinag-utos na hanapin ang taong nagtataglay ng
nasabing katangian, at ang anak ng isang nagmamay-ari
ng lupa ay natuklasang nagtataglay ng mga katangiang
binanggit ng manggagamot. Ipinatawag ang Sultan ang
mga magulang ng bata at nakamit naman niya ang
kapahintulutan ng mag-asawa sa pamamagitan ng
pagbibigay sa mga ito ng kayamanan. Ang Qazi naman ay
naglabas ng batas na nagpapahintulot na gawain ang
pagpaslang sa bata para lang sa kaligtasan ng Sultan.
Nang ang bata ay papatayin na, tumingala ito sa langit na
ngumiti.
Nagtanong ang Sultan, “Ano ang iyong ikinagagalak sa mga
oras na ito na ikaw ay papaslangin na?”
Ang sagot ng bata, “Ako ay nagagalak sa pagmamahal na
ibinigay ng aking ama at ina upang ipabalot ang aking kalagayan
sa Qazi at humingi ng katarungan sa Padshah. Subalit sa
kalagayan ko ngayon, ang aking ama at ina ay nagpapakasasa sa
yaman ng mundo kapalit ng buhay ko. Ang Qazi ay naglabas pa
ng kautusan para maging ayon sa batas ang pagpaslang sa akin.
Ang Sultan ay naniniwala na gagaling siya kapag ako ay
napaslang. Wala akong ibang mapagbabalingan kung di ang
pagmamahal ng Diyos na higit na makapangyarihan. Kanino ako
magpapatulong na makamit ang katarungan laban sa iyo, kung sa
iyo rin dapat lumapit?”
Ang Sultan ay nagambala sa kaniyang
narinig. Siya ay napaluha at siya ay nagwika,
“Mas mabuti pang ako ay mawala kaysa ang
batang ito.” Hinagkan niya ang ulo at pisngi
at binigyan ng walang-hanggang yaman. Sa
loob ng isang linggo, ang Sultan ay gumaling
sa karamdaman.
Naalala ko ang palaging binabanggit
ng isang taga-pagpatakbo ng elepante
sa pampang ng Ilog Nile, “Kung alam
mo ang kalagayan ng isang langgam sa
paanan mo, ito rin ang kalagayan mo sa
paanan ng elepante.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

–Ano-ano ang naging problema ng mga tauhan sa


binasang parabula? Ano-ano ang naging
solusyon sa mga ito?

–Sumasang-ayon ka ba sa iminungkahing lunas ng


mga manggagamot sa karamdaman ng Sultan?
Pangatwiran ang iyong sagot.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

–Kung ikaw ay isa sa mga kasapi ng Qazi, sasang-


ayunan mo ba ang bagong batas na binuo
kaugnay ng kalagayan ng Sultan? Bakit?

–May mga pangyayari ba sa parabula na


nangyayari pa rin sa mundo sa kasalukuyan?
Patunayan ang sagot.
Panuto: Sagutin ang mga
sumusunod:

–Kung ikaw ang batang tauhan sa


kuwento, ano ang magiging
saloobin mo sa iyong
magulang? Bakit?
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na
mga pahayag:
1. Ako ay nagagalak sa pagmamahal na ibinigay ng aking ama
at ina upang ipaabot ang aking kalagayan sa Qazi.
2. Ang aking ama at ina ay nagpapakasasasa yaman ng mundo
kapalit ng buhay ko.
3. Wala akong ibang mapagbabalingan kung di ang
pagmamahal ng Diyos na higit na makapangyarihan.
4. Kanino ako magpapatulong na makamit ang katarungan
laban sa iyo, kung sa iyo rin ako dapat lumapit?
5. Mas mabuti pang ako ay mawala kaysa ang batang ito.
Maraming Salamat
sa Pakikinig !!!

You might also like