You are on page 1of 9

Diocese of Baguio – Schools

Immaculate Conception School of Bokod, Inc.


Poblacion, Bokod, 2605 Benguet, Philippines
E-mail Address: ics.bokod@gmail.com Cellular Phone No: 0949-470-7827
Life-Transforming and Christ’s Disciple-Forming Catholic Educational Community.
Learning Activity Sheet in Filipino 9 ( Fourth Grading)

Name: ALSAEN, Jainah Germae P. Submission : June 8, 2020


PAG- UNAWA AT PAGPAPAHALAGA SA NOBELANG NOLI ME TANGERE BILANG


ISANG OBRA MAESTRA

KABANATA 1
Mga Gawain:
A) Ibigay ang kahulugan ng salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Napalimbag: Naimprenta 5. Nagbunsod: Nagpasimuno o nagimplementa


2. Napabantog: Nakilala 6. Himagsikan: Rebolusyon
3. salingin: Hawakan 7. Nagladtad: Nagbunyag
4. Tinakpan: Tinabunan

B) Sagutin ang mga tanong


1. Sino- sino mga tauhan sa nobela na ipinakilala ng may- akda sa unang kabanata? Magbigay ng
maikling paglalarawan sa mga tauhan.

● Don Santiago de los Santos- Kinikilala bilang Kapitan Tiago, siya rin ay matulungin sa mga
taong nagdaraop.
● Tiya Isabel- Pinsan ni kapitan Tiago, siya rin ay hindi gaanong kagaling o mahusay sa
pagsalita ng kastila.
● Don Rafael- Isang marangal na ginoo.
● Padre Sibyla- Kura sa Binondo at isang paring Dominikano na malumanay sa pagsasalita
ngunit mahusay sa pakikipagtalo.
● Padre Damaso- Kura ng San Diego.
● Tenyete Guevarra- Hindi pasalita.
● G. Laruja- Binatang mapula ang buhok.
● Tiburcio de Espadana- Isang pilay na kastila at napangasawa ni Donya Victorina
● Donya Victorina- Asawa ni Tiburcio de Espadana at pinagkakailang isang Pilipina.

2. Ano ang pakay ng binatang mapula ang buhok sa pagpunta niya sa Pilipinas?

- Ang binatang mapula ang buhok ay pumunta sa Pilipinas upang makita si Kapitan Tiago.

Kabanata 2, 3 ,4 5

Gawain A) Sagutin ng maayos ang mga tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Paano ipinakilala ni Kapitan Tiago si Crisostomo Ibarra sa mga panauhin?

- Ipinakilala ni Kapitan Tiago si Crisostomo Ibarra sa mga panauhin bilang ang anak na ng
namatay niyang kaibigan na si Don Rafael Ibarra.

2. Paano ipinakita ni Crisostomo Ibarra ang paggalang kay Padre Damaso?

- Ipinakita ni Crisostomo Ibarra ang paggalang kay Padre Damaso sa paraan ng pag-abot ni
Ibarra ng kaniyang kamay kay Padre Damaso dahil ang alam niya, ito ay matalik na kaibigan
ng kanyang ama.
3. Bakit nagdabog si Padre Damaso sa harap ng hapag-kainan?

- Nagdabog si Padre Damaso sa harap ng hapag-kainan dahil, ang lamang – loob ay napunta
kay Crisostomo Ibarra. Samantalang sa kanya ay maraming sabaw,upo,kapirasong leeg,at
pakpak ng manok.

Gawain B) Kilalanin ang mga tauhan na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

Crisostomo Ibarra 1. Sino ang dumating sa bahay ni Kapitan Tiago na nakasuot ng itim na
itim?

Kapitan Tiago 2. Sino ang naghanda sa pagtitipon sa pagdating ni Crisostomo Ibarra?

Padre Damaso 3. Sino ang tumanggi na kaibigan niya si Don Rafael Ibarra?

Tenyente Guevarra 4. Sino ang nagkuwento kay Crisostomo Ibarra tungkol sa pagkamatay ng
ama niya?

Padre Damaso 5. Sino ang nakatanggap ng maraming sabaw,upo,leeg,at pakpak ng


manok sa hapag- kainan?

Tiya Isabel 6. Sino ang sumundo kay Maria Clara?

Isang matanda/ Ama 7. Sino ang lalaking nakita ni Ibarra na naghihirap sa kulungan habang
tinatawag siya?

Maria Clara 8. Sino ang babaeng tulad ng isang diwata, inaalayan ng bulaklak at
napaliligiran ng mga taong humahanga sa kanya?

Don Rafael Ibarra 9. Sino ang hindi sinasadyang mamamatay dahil sa pagkakakulong at
pagkakasakit?

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin 10. Sino ang nagprisinta na ipakilala ang sarili niya sa mga
panauhin sa pagtitipon nainilaan ni Kapitan Tiago?

KABANATA 8 – 9

Gawain A) Lagyan ng tsek ang patlang kung ang pahayag ay inilahad sa araling tinalakay. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

/ 1. Walang nakitang pagbabago si Crisostomo sa isang distrito ng Maynila na dinaanan niya.


____ 2. Natutuhan niya sa Alemanya na maaaring ipakilala ang sarili ninuman kapag walang taong
gustong magpapakilala nito.
____ 3. Nais ni Padre Damaso na siya ay nasa kabisera ng hapag dahil siya naman ang kompesor
ni Donya Pia Alba.
/ 4. Habang tinatahak niya ang liwasan ng San Gabriel, nakasalubong niya ang karwaheng
“Victoria” na sinakyan ni Padre Damaso.
/ 5. Si Padre Damaso ay nag-aalimpuyo sa galit dahil hindi muna komunsulta si Kapitan Tiago
tungkol sa kapakanan ni Maria Clara.
/ 6. Niliwanag ni Padre Damaso kay Kapitan Tiago ang tungkol sa pagsangguni sa kanya ng
mga balakin o desisiyong gagawin para kay Maria Clara.
/ 7. Hindi sana mapapahamak si Kapitan Tiago kung sumangguni muna siya kay Padre
Damaso.
____ 8. Nagalit si Padre Damaso sa hapag- kainan dahil leeg at paa ng manok ang napunta sa
kaniya sa hapunan.
____ 9. Itinanggi ni Padre Damaso na kaibigan niya si Don Rafael Ibarra.
/ 10. Ipinagdasal ni Kapitan Tiago ang payapang paglalakbay ni Crisosotomo Ibarra.
KABANATA 12,13,14,25

Gawain A) Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.
1. Sino ang dumating sa sementeryo na kasama ang isang utusan? Bakit hindi nila makita ang
pinaglibingan sa ama ng taong ito?

Ang tauhang dumating na may kasamang isang utusan ay si Crisostomo Ibarra na kung saan
ay hindi nila nakita sa pinaglibingan ng kanyang ama ang labi nito sa kadahilanang ipinahukay ito ng
isang kurang Malaki na kilala bilang si Padre Garote na kung iyong mamarapating isasaliksik ay
nabanggit dito na ang pareng Garote ay walang iba kundi si Padre Damaso.

2. Bakit itinapon ng sepultorero ang bangkay?

Itinapon ng sepulturero ang bangkay sa mga kadahilanang nabanggit, una; dahil sa malakas
ang ulan, pangalawa; ang labi ng patay na bitbit ng sepulturero ay napakabigat; at ang panghuli; ang
lugar na dapat nitong puntahan, Ang Libingan ng mga Intsik, ay napakalayo.

3. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Ibarra kay Padre Salvi? Bakit?

Di ako sang-ayon ngunit ang mga maling bagay ay sadyang nagagawa ng isang tao dahil sa
nadadala ito sa kanyang emosyon. Mali ang ginawa ni Ibarra sapagkat kahit na wala siya sa kanyang
sarili dulot ng galit ay dapat kontrolado parin niya ang kanyang sarili. Siya ay isang edukadong tao at
hindi dapat siya nagpadalos dalos sa kanyang mga paratang na wala pang ebidensiya.

4. Bakit pinahinto sa pag- aaral si Pilosopo Tasyo ng kanyang ina? Sang-ayon ka ba? Bakit?

Si PilosopoTasyo ay hindi nakatapos dahil pinahinto ng kaniyang ina sa takot nito na


makalimot sa Diyos. Sang-ayon ako sapagkat ang pagiging relihisyoso ay nararapat lamang na
inuuna sa iyong mga prayoridad at hindi kinakalimutan.

5. Anong pamamaraan ang ginawa ni Pilosopo Tasyo upang makalimot sa mga pangyayaring
naganap sa kanyang buhay.

Upang makalimot sa mga nangyari,si Pilosopo Tasyo ay naglibang sa pamamagitan ng


pagbabasa hanggang sa mapabayaan na niya ang kanyang kayamanan na naging sanhi ng unti-
unting paghihirap

KABANATA 15,16,17,18,21

GawainA) Suriin ang bawat pares ng salita.Isulat sa patlang ang A kung magkasingkahulugan,B
kung magkasalungat,at C kung walang kaugnayan sa isa’t isa.

1. magkahawig A magkatulad
2. ningning A liwanag
3. makatakas A makalusot
4. pumanhik B bumaba
5. pagtungayaw C pagsisimula

Gawain B) Punan ang patlang ng wastong sagot.

1. Pinagmamalupitan ng Sakristan Mayor sina Crispin at Basilio sa simbahan.


2. Napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsang ginto si Crispin na pinapabayaran sa
kaniya.
3. Tumakbo si Basilio nang makakuha ng pagkakataon habang pinagmamalupitan ang kaniyang
kapatid.
4. Pinaghandaan ni Sisa ang kaniyang mga anak ng masarap na hapunan: isda at kamatis,pindang
na usa at hita ng pato.
5. Labis ang kalungkutan ni Sisa at tila napaluha sa kapabayaan ng kaniyang asawa.
6. Napasigaw si Sisa nang makita ang dugo sa noo ng bata.
7. Nanaginip nang hindi maganda si Basilio tungkol sa kaniyang kapatid ngunit tungkol sa pag –
aani ng mga bulaklak sa bukirin ang sinabi niya sa kaniyang ina.
8. Dumating si Sisa sa simbahan na may dalang basket na naglalaman ng bunga ng tanim na
gulay.
9. Pinahahanap ng mga guwardiya sibil sina Crispin at Basilio upang dakipin at maikulong.
10. Nawala sa sariling kabaitan si Sisa sa paghahanap sa kaniyang mga anak.

KABANATA 22,23,26,27

Gawain A) Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

Nag – isip – isip pakikihalubilo sa tao

Mabagal nap ag-andar nagpupumilit kumalawa

Isang uri ng kulungan

1. Umusad ang Bangka nang makasakay na ang lahat. mabagal nap ag-andar
2. Ang piloto lamang ang hindi nakisalamuha sa kanila. pakikihalubilo sa tao
3. Nagpupumiglas ang buwaya kaya muling nakabalik sa lawa. nagpupumilit kumalawa
4. Inihanda na nila ang lulutuin sa pag-asang may huhulihin sa baklad. isang uri ng kulungan
5. Nagkaroon ng katahimikan nang nagmumuni- muni ang kabataan. nag – isip – isip

Gawain B) Tukuyin kung sino ang nagwika ng sumusunod na mga pahayag.Isulat ang sagot sa
patlang.

Piloto 1.“ Utang ko sa iyo ang aking buhay.”


Crisostomo Ibarra 2. “Ang lahat ng iyong nais ay masusunod bago magbukang – liwayway.
Maria Clara 3. “Hindi pala lahat ay maligaya.”
Don Filipo 4.“Ang babaeng iyan ay nabaliw dahil sa pagkawala ng dalawa niyang
anak na nagsisilbi sa simbahan bilang saksristan.”
Kapitan Tiago 5. “Hahayaan kitang sumama sa iyong mga kaibigan ngunit umuwi ka
agad sapagkat darating si Padre Damaso.”
Maria Clara 6. “Lagi niya akong pinagmamasdan.”
Sinang 7. “Bakit kaya madilim ang silid ni Padre Salvi.”
Maria Clara/Crisostomo Ibarra 8. “Gawin rin ang paraan sana ng hindi makasama ang kura.”
Sinang at Andeng 9. “Madalas daw siyang nasa dilim,hindi kumakain at hindi rin naliligo.”
Sinang at Andeng 10. “Imposibleng hindi natin siya anyayahan.”

KABANATA 28,29,31

Gawain A) Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Naging _________________ ng pahayagan ang pagdiriwang ng kapistahan ng San Diego.


A) laman B) usap-usapan C) balita D) pamagat
2. Ang hapunan ay idinaos sa tahanan ni ______________________
A) Kapitan Tiago B) Pilosopo Tasyo C) Padre Sibyla D) Kapitan Heneral

3. Idinaos bandang ______________ ng umaga ang isang marangyang prusisyon na bahagi pa rin
ng pagdiriwang ng pista.
A) ala – una B) alas- otso C) alas- nuwebe D) alas – onse

4. Binasag ni Padre Damaso ang ilawan dahil kahit minsan ay hindi siya _______________sa sugal.
A) tumaya B) tumama C) nanalo D) nakabawi

5. Nabalitaan ni Maria Clara na may sakit si Ibarra kaya siya ay _______________ ng kandila.
A) bumili B) nagpadala C) nagsindi D) nagtapon

6. Tinawag si ___________________ ng isang batang babae ng “Papa.”


A) Kapitan Tiago B) Pilosopo Tasyo C) Padre Salvi D) Padre Martin

7. Si Padre Salvi ang ________________ ng misa mayor sa kapistahan ng San Diego.


A) nagmisa B) nag- isip C) nakinig D) nag- abala

8. Si Padre Martin ay ________________ at nag- akalang mas magaling ang sermon ni Padre
Damaso kaysa sa kaniyang sermon.
A) nagulat B) naiinis C) nagtaka D) namutla

9. Nagpatuloy ang misa ni Padre Damaso at pinaringgan sa kanyang sermon si _______________.


A) Padre Salvi B) Ibarra C) Alperes D) Kapitan Tiago

10. Nang matapos ang misa, may ibinulong si _________________ kay Ibarra na nagbabala at
Nagsabing mag- ingat daw si Ibarra at agad umalis.
A) Elias B) Pilosopo Tasyo C) Sinang D) Maria Clara

KABANATA 32,33,34,35
Gawain A) Isulat ang A kung ang pangungusap ay tama at B kung ang pangungusap ay mali. Kung
mali, isulat ang tamang salita upang maging wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

A____________ ______________ 1. Ang taong madilaw ay nangako kay Nol Juan na gagawa ng
hindi basta- batang kalo para sa paghugos ng unang
bato.
B____________ Pilosopo Tasyo__ 2. Ayon kay Kapitan Tiago, darating ang panahon na ang
gusaling iyon ay iguguho ng kalikasan at ang
mahahalagang dokumento na nakabaon doon ay mababasa
ng susunod na salinlahi.
B____________ kasulatan_______ 3. Ang lahat ng mahahalagang tao ay bumaba sa hukay
kasama si Ibarra.
B____________ magarbo_______ 4. Naging simple ang unang paghugos dahil sa banda ng
musiko, dami ng pagkain, at nag sidating ang opisyal.
A____________ ______________ 5. Hiniling ni Elias kay Ibarra na ilihim ang tungkol sa kaniyang
ginawang babala para sa kabutihan mismo ni Crisostomo
Ibarra.
A____________ ______________ 6. Para kay Ibarra,Diyos ang humahatol sa taong may pakana
ng pagbagsak ng batong paghugos.
B____________ napatigil_______ 7. Nang dumating si Padre Damaso, nagpatuloy sa pagsasalita
si Crisostomo Ibarra habang katabi si Maria Clara.
A____________ ______________ 8. Masasakit ang mga salitang binitiwan ni Padre Damaso
tungkol kay Don Rafael Ibarra.

A____________ ______________ 9. Si Maria Clara lamang ang tanging nakapigil kay Crisostomo
sa paglapastangan nito kay Padre Damaso.
A____________ ______________ 10. Iba’t ibang balita ang kumalat tungkol sa pangyayari sa
hapunan na iyon nang patulan ni Crisostomo Ibarra si Padre
Damaso sa panlalait na ginawa sa kanyang ama.

KABANATA 39,40,42,47

Gawain A) Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Ano ang pinag- uusapan nina Pilosopo Tasyo at Don Filipo?

Isinalaysay ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo ang naging pag-uusap nila ng alkalde. Inilahad
niya ang pagtanggi na payagan siyang magbitiw sa kaniyang tungkulin.At nang nagpumilit siya,
pinasabihan siya na pagkatapos na lamang ng pista nila muling pag-usapan.ipinayo ni Pilosopo
Tasyo kay Don Filipo na huwag siyang magbitiw sa tungkulin upang maipaglaban nang patas ang
anumang laban. Ipinaliwanag din niya na kapag nagbitiw siya, magigng karaniwang mamamayan na
lamang siya.

2. Tama ba ang ginawang pananakit ni Donya Consolacion kay Sisa? Pangatuwiran ang sagot.

Hindi, sapagkat ang pananakit na ginawa ni Donya Consolacion ay hindi makatwiran. Siya
lamang ay humuhugot ng kapangyarihan sa apelyidong hawak niya na nakuha niya sa kanyang
asawa na kung saan ay nagagamit niya ito sa mali. At ayon sa kuwento gumagamit si Donya
Consolacion ng wikang hindi maintindihan ni Sisa kung kaya’t wala itong ginagawa. Isa pa ay si Sisa
ay isang ina na nabaliw dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak kung kaya’t wala ito sa sarili.

3. Bakit inutusan ng alperes si Marta na gamutin,pakainin,at bigyan ng maayos na higaan si Sisa?

Inutusan si Marta na bigyan ang baliw ng isang baro,gamutin,pakaining mabuti at bigyan ng


maayos na higaan dahil ihahatid niya ito kay Ibarra kinabukasan.

4. Paano nabago ang buhay ni Don Tiburcio?

Natagpuan niya si Tiburcio de Espadana na bagama’t tatlumpu’t limang taon pa lamang ay


may anyong matanda pa kaysa kay Donya Victorina na kaniyang pinakasalan. Isang kababayan ang
nagpakilala sa kaniya kay Donya Victorina.Nagkita sina Donya Victorina at Don Tiburcio. Sa loob ng
kalahating oras na pag- uusap ay nagkaunawaan at nagkaibigan. Nagpakasal sila at lumipat sa
Santa Ana. Sa malaking kasiyahang- loob ni Donya Victorina sa asawa, Ipinagpagawa niya ito ng
isang maayos na pustisong ngipin at ipinagpatahi ng mga ternong kasuotan sa mga lalong tanyag na
mananahi.

KABANATA 45,48,49,50,51

Gawain A) Basahin at suriin ang sumusunod na mga pangungusap.Isulat sa patlang ang bilang na
nagpamali sa bawat pangungusap. Kung walang mali, isulat ang bilang 5.

5_____ 1. Sina Kapitan Pablo at Elias ay kapwa sumisigaw o naghahanap ng katarungan


1 2 3
para sa kanilang pamilya.
4
_____ 2. Nais ni Elias na makausap si Ibarra nang sarilinan sa loob ng isang araw.
1 2 3 4
_____ 3. Si Ibarra ang sugong tagadala ng mga hangarin ng maraming sawimpalad.
1 2 3 4
_____ 4. Kasama sa kanilang hinaing ang pagkakaloob ng katarungan pagbabago sa mga kawal
1 2 3
ng sandatahan,at sa mga pari.
4
_____ 5. Hindi maipagkakaila na ang mga prayle ay marami ring naitulong.
1 2 3 4

_____ 6. Si Elias ay may magandang nakaraan na binabalikan.


1 2 3 4
_____ 7. Walang kibo at hindi mapakali si Linares nang makatanggap ng liham buhat kay
1 2 3
Donya Consolacion.
4
_____ 8. Nais niyang ipapatay ang alperes dahil kung hindi niya ito magagawa, ibubunyag niya ang
1 2
katotohanan kay Maria Clara.
3 4
_____ 9. Nagbago na ng palagay si Padre salvi kay Ibarra na ngayon ay hinahangaan na niya.
1 2 3 4
_____ 10. Nais ni Ibarra na makausap si Maria Clara ng masinsinan.
1 2 3 4

KABANATA 55,56,57,58

GawainA) Alamin ang iyong kaalaman sa katatapos na aralin upang masukat ang iyong natutunan.
Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng nasa hanay A.

A B
D 1. Malapad a) matanda
A 2. Paslit b) natuwa
C 3. Nanangis c) katotohanan
C 4. Haka – haka d) makitid
E 5. Nakagapos e) nakakalag

Gawain B Hanapin sa loob ng kahon kung sino ang tinutukoy na tauhan sa sumusunod na mga
pahayag.

a) Elias g) matanda

b) Padre Salvi h) Ibarra

c) Andong i) Alperes

d) Pilosopo Tasyo j) Sinang

e) Tarsilo k) Tiya Isabel

f) Maria Clara

E 1. Siya ang kapatid ni Bruno na nahuli ng mga guwardiya sibil.


A 2. Siya ang sumunog ng kuwarto ni Ibarra.
3. Siya ang natagpuan bangkay na nakabitin sa bakuran ng isang kapitbahay.
B 4. Hindi siya mapakali at nangangatog sa mga posibleng mangyari sa nayon.
C 5. Siya ang isa pa sa mga nahuli ng guwardiya sibil na hindi pinaniniwalaan ang mga sinabi.
D 6. Matandang nagmamasid sa bilangguan,uugod – ugod na at natagpuang patay kinabukasan.
F 7. Siya ang hindi sumali sa hapunan.
H 8. Siya ang dumating na animong luksang – luksa pagkatapos magdasal.
I 9. Siya ang nagpakulong sa lahat ng mga nahuli.
K 10. Siya ang pumipigil kay Ibarra na huwag umalis at manatili sa kanilang tahanan dahil sa
kaguluhang narinig sa labas.

KABANATA 59,61,62,63,64

Gawain A) Piliin at bilugan ang letra ng kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

A 1. Nagulumihanan ang mga tao sa mga balitang kumakalat sa kanilang bayan.


A) nalito B) nadismaya C) nabuang D) naniwala
A 2. Bumati nang magiliw ang binata sa dalaga.
A) masaya B) masigla C) malakas D) maasikaso
B 3. Mas pipiliin kong magdusa sa aking sariling bayan kaysa mamuhay sa ibang bansa.

A) mamili B) maghirap C) mamatay D) mamalagi


A 4. Lubhang pinaigi niya ang kanyang galing upang mapansin.
A) pinaghusay B) pinagbuti C) pinalakas D) pinagiting
C 5. Inatasan ko siyang pamunuan ang hukbo ng sandataan.
A) hinabilinan B) pinaratangan C) inutusan D) hinirang

Gawain B) Piliin ang tamang sagot batay sa pangyayaring naganap sa aralin. Isulat ang titk sa
patlang.
A 1. Huhulihin si Kapitan Tinong at sasamsamin ang kanyang ari- arian dahil ________.
A) sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra
B) hindi sila nakapagbayad
C) madalas niyang pinupuri si Ibarra na isa ring inuusig
C 2. Ang pagpapatayo ng paaralan ay kunwari lamang sapagkat ang tunay na dahilan nito ayon
sa mga usap – usapan ay upang ________.
A) pagkakitaan ang paaralan ng mga prayle
B) ipangaral ang salita ng diyos
C) may tanggulan kung sakaling lusubin ang mga rebelde
B 3. Tuwang – tuwa si Kapitan Tiago nang umuwi siya dahil ______.
A) nais niyang makita si Maria Clara.
B) hindi siya hinuli at hindi mararanasan ang parusa
C) makukulong sina Kapitan Tinong
A 4. Magpapakasal si Maria Clara kay Linares dahil -----------.
A) bilang pasasalamat niya sa kanilang kinagisnang ama
B) natatakot siya kay Donya Victorina
C) ayaw na niyang kulitin at pagmatiyagan pa ni Padre Salvi
C 5. Nais ni Ibarra na isama si Elias sa pangingibang – bansa dahil _________.
A) gusto niya itong tulungang makaahon sa hirap
B) nais niyang tulungang makamit ang katarungang matagal nang hinahanap
C) mayroon siyang utang na loob sa pagliligtas sa kaniyang buhay.
A 6. Dinamdam ni Padre Damaso ang kautusang maging kura sa isang napakalayong lugar
kung kaya’t ____________.
A) natagpuan ang paring ito na patay na sa kaniyang higaan
B) naghimagsik siya laban sa kautusan
C) kinitil niya ang kaniyang buhay
A 7. Si Kapitan Tiago ay nalulong sa paghithit ng apyan at sa pananabong dahil _______.
A) nalugmok siya sa mga pangyayari sa kaniyang buhay
B) iniwan siya ng kaniyang asawa
C) wala na siyang pag – asang natatanaw
8. Halos lingguhan kung mawalan ng postisong ngipin si Don Tiburcio dahil _______.
A) madalas itong nadarapa at nasusubsob
B) madalas itong hablutin ni Donya Victorina
C) madalas niya itong nakakalimutan sa kung saan
C 9. Muling nagbalik ang alaala at katinuan ni Sisa nang _______.
A) tawagin at habulin siya ni Basilio
B) mayakap at mahagkan siya ni Basilio
C) makita niya ang namumutlang mukha ni Basilio
10. Pumasok sa kumbento si Maria Clara dahil ________.
A) sa kabiguan sa pag- ibig
B) sa nais niyang maramdaman ang tawag ng Panginoon
C) ayaw niyang magpakasal sa taong hindi niya iniibig

Gawain C) Sagutin ng maayos ang mga tanong.


1. Ano – anong aral ang natutunan mo sa nobelang nabasa mo?

Kryterya sa pagbibigay ng puntos:

1. Nilalaman -------- 5pts


2. organisasyon ---- 3pts
3. baybay ------------ 2pts
Kabuuan ----------- 10pts

2. Bumuo ng apat na saknong na panalangin na kung saan hinihinging malunasan na ang


kanser ng lipunan noon na hanggang ngayon ay nararanasan pa din. Isulat ito sa nakalaang
patlang.

You might also like