You are on page 1of 2

KABANATA 11: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN

● Don Rafael
- Pinakamayaman sa bayan ng San Diego
- Ginagalang at maraming may utang sa kanya
- Ngunit hindi siya makapangyarihan dahil sa kababaang loob at hindi niya pinalakas ang
sarili
- Kaya’t walang kumampi noong siya’y patawan ng mali
● Kapitan Tiago
- Sinasalubong ng orkestra, inuulan ng regalo at pinaghahandaan, dinadalhan ng prutas
- Ikaapat na bahagi ng huling usa o baboy-ramo ang kanyang parte
- Ngunit walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan
➢ Sakristang Tiago
- Palihim na tawag sa kanya ng mga tao
● Gobernadorcillo/ Kapitan sa bayan
- Hindi rin kabilang sa mga makapangyarihan
- Sa halip na mag-utos, siya pa ang sumusunod sa utos ng Alkalde Mayor

❖ TUNAY NA MAKAPANGYARIHAN
1. Kura ng San Diego
2. Alperes

● Padre Salvi
- Paring Pransiskano
- Pumalit kay Padre Damaso bilang kura ng San Diego
- Payat at masasakitin
- Parang laging nag-iisip
- Matapat sa simbahan
- Pinagmumulta ang mga nagkakasala at bihira manakit
* samantalang si Padre Damaso
- nanununtok o namamalo ng baston
- dahil sa madalas na pag-aayuno at pangingilin ay naging putlain
● Alperes
- Tanging kaaway ni Padre Salvi
- Napangasawa ang matandang Pilipina na si Donya Consolacion
> Bilang pagsisisi o paghihiganti lagi siyang naglalasing
> O kaya’y pinagmamartsa ang kanyang mga guardia civil sa kainitan ng araw
habang siya ay nasa lilim
> madalas bugbugin ang asawa

● Ayon sa Alperes:
- Sinasabi niya sa mga kastila na mag-ingat kay Padre Salvi kapag siya ay bibisitahin sa
kumbento:
* “sikulate, e!”
- pumanatag sa pagkakaupo dahil malapot na tsokolate ang ipapabigay
ng
Kura

* “sikulate, a!”
- umalis agad dahil malabnaw na tsokolate ang ibibigay
● Para magantihan ni Padre Salvi:
- Kapag nakitang pumasok sa simbahan ang alperes
> uutusang ipasara sa sakristan ang mga pinto
> magsesermon ng napakatagal ang kura
> dahil dito nagmumurang lalabas ng simbahan ang alperes

➔ Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap.
Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

KABANATA 12: TODOS LOS SANTOS

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito at masukal ang kabuuan ng
libingan. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking
krus na nasa gitna ng libingan at ito ay nakatungtong sa bato at nakatitik ang INRI na niluma na ng
panahon. Sa ibang bahagi ng libingan, may naghuhukay na dalawang tao, ang sepultorero at isang
baguhan. Nagrereklamo ang lalaking baguhan kung bakit sila naghuhukay sa bangkay na sariwa pa.
Sumagot ang sepultorero na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan
kung saan ipinahukay ng isang matabang kura ang isang bangkay na may 20 araw pa lang na nailibing
sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang
ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay daw ay kailangang pasanin
at ilibing sa libingan ng mga intsik. Ngunit dahil ito ay mabigat, itinapon na lamang niya ito sa lawa.

You might also like