You are on page 1of 1

EDITORYAL - Jeepney modernization pagkakakitaan?

Pilipino Star Ngayon 


March 4, 2023 | 12:00am

Usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang pag-phaseout sa mga pampasaherong jeepneys. Nais ng gobyerno na i-
modernize ang mga lumang jeepneys. Ito’y sa kadahilanang ang mga lumang jeepneys ay naglalabas ng maitim na usok
na hindi makabubuti sa ating kapaligiran at sa lagay ng hangin. Matagal nang plano ito ng gobyerno, panahon pa lamang
ng administrasyong Aquino at pinagpatuloy ng administrasyong Duterte, na isinusulong ng administrasyong Marcos sa
kasalukuyan. Hindi maimplementa ang modernisasyon sapagkat nagbabanta ng transport strike o tigil pasada ang mga
transport groups, hanggang sa ngayon ay inilulunsad ito ng gobyerno.

Para sa akin, wala namang masama sa modernisasyon sapagkat ito naman ay makabubuti sa ating kalikasan at
kapaligiran. Nararapat sa inilulunsad na modernisasyon ang masusing pagsusuri, pag-aaral, pag-aanalisa at konsultasyon
sa maraming sektor. Wala namang may ayaw sa modernisasyon kung walang maaapektuhan na kabuhayan dahil ang nais
natin ay kaunlaran para sa lahat. Kung magiging madali lamang ito para sa mga tsuper at operator, walang pagtutol o
pagwewelga ang mangyayari. Para saan ba ang modernisayon kung sa pagsulong nito ay maraming mamamayan ang
maiiwan at lubos na mahihirapan?

Bilang isang mamamayan at madalas na komyuter, ako ay tutol sa inilulunsad na jeepney modernization dahil sa hindi
makatarungang pagplaplano nito. Sapagkat maraming mga tsuper, jeepney operators at transport sectors ang
mahihirapan dito. Hindi kakayanin ng maraming drayber ang halaga ng mga modern jeeps dahil mabigat ito sa bulsa.
Kung ito ay mailulunsad ng tuluyan, mapipilitan ang mga tsuper at operators na itaas ang halaga ng pamasahe upang
makabawi sa kanilang inutang pambili ng modern jeepneys. Malaki ang magiging epekto nito sa mga komyuter, lalo na sa
katulad kong kabataan at estudayante na limitado lamang ang salapi sa bulsa. Ang makikinabang lang dito ay ang mga
malalaking dayuhang korporasyon na nagmamanupaktura ng mga sasakyan. Gagawing kabuhayan lamang ito ng mga
malalaking kapitalista sapagkat sa kanila ipapasa ang pagmamay-ari at operasyon ng mga jeep dahil sa kanilang
kakayahang makabili nito.

You might also like