You are on page 1of 2

Ni: Engelbert S.

Atud

Kung kaswertehan sa buhay ang pwedeng maging katawagan ng isang taong


hindi man lamang naranasan na kutyain, paiyakin, bangayan, at pagtawanan ng kapwa
niya mag-aaral ay maaring mapapabilang na lamang ako doon. Hindi ko man
naranasan na manghusga at husgahan ng mga kapwa ko mag-aaral ay gagawa na
lamang ako ng isang maikling kwento tungkol sa mga naririnig kong disriminsayon na
laganap noon sa mismong paaralang aking pinapasukan.

Araw-araw bumabangon si Daniel ng sapilitan upang pumasok at


makapagtapos ng pag-aaral—tinatamad, namumutla na pawang wala ng ganang
mabuhay buhat ng palagiang diskriminasyon na kaniyang nararanasan sa loob mismo
ng apat na sulok ng kanilang silid-paaralan. Si Daniel ay ipinanganak na lalaki ngunit
lumaking ang kaniyang puso ay babae, hindi ganoon karangya ang kanilang
pamumuhay, wala sa kaniyang bokabularyo ang magsuot ng maayos na damit kapag
pumapasok sa paaralan dulot nga ng hindi siya lumaki sa marangyang pamilya. Ang
alam ng lahat ay wala siyang patutunguhan sa buhay.

Hindi pa siya nakakaupo sa kaniyang upuan ay kinukutya na siya ng kaniyang


mga kamag-aral. “Pumasok pasok ka pa eh bobo ka naman”, aniya ng kaniyang
mataray na kaklaseng babae sabay pinagbababato siya ng mga punit punit na papel
kasama ang kaniyang mga alipores. Napayuko na lamang si Daniel sa kaniyang lamesa
at hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Biglang nagsidatingan ang mga grupo ng
lalake na kaniyang kaklase at sabay suntok sa nakayukong si Daniel at pinaparinggan
ng kung anu-anong mga salita. “Bakla bakla, salot ka sa lipunan”, “Ahh bakla takot sa
lalake”, “Hoy bakla maganda ka ba? Pag nagbihis babae ka? Tanong naman ng isa at
ang mga tao sa silid ay nagtawanan ng pagkalakas lakas.

Bawat araw ganiyan ang nararanasan niya sa kaniyang paaralan at ni minsan


walang nagtangkang magligtas sa kaniyang kinatatayuan. Uuwi siyang luhaan at pilit
na ipinagpapawalang bahala ang mga nangyayari sa loob ng kanilang silid upang hindi
na makadagdag pa sa mga problemang pasan ng kaniyang mga magulang.
Pagkauwi sa bahay maglilinis pa siya sa kanilang bahay, magluluto at mag-
aalaga ng mga nakababata niyang kapatid. Pagtapos ay saka palamang siya papasok sa
kanilang kwarto at doon gagawa ng kaniyang proyekto at mga asignatura—matalino si
Daniel, madiskarte sa buhay at yun ang hindi alam ng nakakarami sa kaniya sapagkat
nakikita lamang nila ang ‘isang baklang walang lugar sa mundo at walang
patutunguhan’.

Insipirayon niya ang kaniyang mga magulang at ninanais niyang maiahon sila sa
kahirapan at hindi na sila basta bastang mamaliitin ng mga taong walang ibang ginawa
kundi pakealaman ang buhay nila.

Dumating ang araw ng kanilang pagtatapos bilang mga kolehiyo. Hindi nila
inaasahan na si Daniel ay kasali sa mga may pinakamataas na grado at nakakuha ng
mga iba’t ibang parangal at gantimpala.

Lahat ng mga nangkutya, nangmaliit sa kaniya ay pinagtitinginan siya at para


silang mga bungol na hindi na nakaimik habang tinititigan ang isang Daniel na
tinatawag nilang ‘bading, bakla bobo’ ay unang nakaapak sa entablado bilang isa sa
mga kahanga-hanga at huwarang estudyante na magtatapos sa taong iyon.

You might also like