You are on page 1of 22

10 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:

Pasiya Ko, Pananagutan Ko

May – Akda: Shirley R. Gotanco


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Matatandaan sa mga nakalipas na aralin, malaki ang gampanin ng
isip at loob ng isang indibidwal sa kanyang makataong kilos. Ito ang
nagiging gabay upang ang mga gagawin ng tao ay maging mapanagutan.

Kumikilos ang tao ayon sa kanyang nararamdaman o ayon sa sitwasyong


kanyang kinalalagyan, ang mga damdamin at kalagayan sa buhay ng tao,
ay mga salik o “factors” na nakaiimpluwensya ayon sa kanyang ginawa.
Inaasahang malilinang mo nang may sapat na kaalaman, kakayahan, at
higit na pang-unawa ang mga sumusunod na kompetensi:

1. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao


sa kahihinatnan ng kanyang kilos at pasiya.

2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos


dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi
ng tao.

Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik
ng pinaka wastong sagot.

1. Ito ang isang uri ng salik na tumutukoy sa dikta o gana ng body


appetites, “gana”, o pagkiling sa isang bagay, kilos o damdamin.

A. gawi C. consequent
B. antecedence D. masidhing damdamin

2. Maraming mga gawi o kilos na noong una ay hindi tinatanggap ng


lipunan. Subalit, ng magtagal ay naging bahagi na ng sistema. Ang gawi ay
masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao. Ang
pangungusap ay:

A. Tama, dahil ang kilos ay mapanagutan.


B. Mali, dahil ang gawi ay kinamulatan na ng bawat tao.
C. Mali, dahil kapag palaging ginagawa, wala itong kapanagutan.
D.Tama, dahil sa pinaka unang kilos pa lang ay ginamitan na ito
ng isip at loob.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Nagtanong sa botika si Carlo ng “atorvastatin”, gamot ito ng kanyang Ama
sa sakit sa puso. Habang nanonood ng TV ang tindera ay sumagot ito ng “wala
ng stock”, subalit ang totoo ay mayroon naman pala. Anong salik ang naka
apekto sa sitwayon?
A. takot C. karahasan
B. gawi D. kamangmangan

4. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng takot?


A. “Napasigaw si Leni sa pagdapo ng ipis sa kanyang balikat”.
B. “Kinimkim ni Russel ang galit niya kay Cecile”.
C. “Tahimik na tinatanggap ni Ana ang pananabunot ni Arlene sa
kanya”.
D. wala sa nabanggit.

5. Kinasanayan na ni Elma ang pagpunta sa bahay ampunan kapag sasapit ang


buwan ng Disyembre. Anong salik ang naka apekto sa sitwayon?
A. vincible C. kilos
B. gawi D. invincible

Aralin

1 Pasya’t Kilos Ko, Pananagutan Ko

Balikan
Sa pagakakataong ito ay napatunayan mo na ang tunay na
kahulugan ng Kalayaan. Ito ang kakayahang magmahal at maglingkod.
Ngayon, balikan naman natin ang mga naging pasiya mo nang nagdaang
araw. Sa mga negatibong katangiang maaaring naipamalas mo, pumili ka
ng isa na maaaring naging hadlang sa iyong pagkamit ng tunay na
Kalayaan. Magbigay ng sariling sitwasyon na maaaring nakaapekto sa iyong
sarili at sa iyong kapwa.

Mga Negatibong Sariling sitwasyon na Kung mali ang


Katangian na naging naipakita ko naging pagtugon,
Hadlang sa Aking Paano maipapakita
Pagkamit sa Tunay na ang paggamit ng
Kalayaan. tunay na Kalayaan?
1.Pagiging magpagmataas
2.Pagiging sinungaling
3.Pagiging insensitibo sa
kapwa
4.Pagiging makasarili
5.Pagiging tamad

City of Good 2
Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa susunod na gawain ay sasagutin mo naman ang mga sumusunod
na tanong:
1. Bakit may pananagutan ang tao sa kanyang makataong kilos?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damidamin, takot,
karahasan, at gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang
mga kilos?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain Blg.1 Dahilan at Bunga

Ibigay ang dahilan at bunga ng makataong kilos. Gawing gabay ang


fishbone diagram sa ibaba.

KARAHASAN TAKOT
GAWI

MAKATAONG
KILOS

KAMANGMANGAN MASIDHING DAMDAMIN

Kung maaari po ay mailagay ang mga salita sa mga linya upang mabuo ang
fishbone diagram.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong journal.

1. Ano ang iyong inisyal na pagkaunawa sa kaugnayan ng gawi, karahasan,


takot, kamangmangan at masidhing damdamin sa pagkakaroon ng makataong
kilos?

a. Gawi? __________________________________________________________
b. Karahasan? ____________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
c. Takot? _________________________________________________________
d. Masidhing damdamin? __________________________________________
e. Kamangmangan? ______________________________________________

Ang mga salik na nakaaapekto sa makataong Kilos


Sa puntong ito, higit mong mauunawaan, paano ba nahahadlangan ang
tao sa mga salik na nakaaapekto sa tao upang makagawa ng
mapanagutang kilos? Ating tunghayan.
Ano ang makataong kilos?
A. Kamangmangan
Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat ay taglay
ng tao, ito man ay sa batay o sa totong mga bagay. Mayroon itong
dalawang uri:
Kamangmangang Nadaraig Kamangmangang Di-nadaraig
(vincible) (invincible)
Kawalan ng kaalaman sa isang Kamangmangan dahil sa kawalan
Gawain subalit may magagawang ng kaalaman na mayroong hindi
paraan upang itama ito. alam na dapat na malaman.

Halimbawa: Hindi alam ni Minda Halimbawa: Nagbigay ng pera si


ang gamot ng kanyang kapatid sa Nelia sa matandang lalaking
Asthma, kaya nagsalisik muna ito naghihingi ng limos, pagkatapos na
sa internet upang tama ang gamot mabigyan, umalis ang matandang
na mapainom sa kapatid. lalaki at ibinili sigarilyo ang
natanggap na pera mula kay Nelia.

B. Masidhing damdamin
Ito ang dikta ng body appetites o gana ng isang partikular na bagay o
kilos.
Ang masidhing damdamin ay maaring mauuna (antecedence) o
mahuhuli (consequent)

• Mauuna (antecedence)-ito ang damdamin na nadarama o


napupukaw kahit hindi niloloob o hindi sinasadya. Ang kilos dito ng tao ay
itinuturing na Acts of man.

Halimbawa: Napayakap si Jose sa kanyang kaklase nang


malaman na nakakuha siya ng perfect score sa pagsusulit.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
• Mahuhuli (consequent)-damdaming sinadyang mapukaw at
inalagaan, ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.

Halimbawa: Matagal ng nagtitimpi si Alex sa panunukso ni


Dante, isang araw ay sinuntok niya ito.
C. Takot
Ito ang pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay. Itinuturing din
itong masidhing silakbo ng damdamin.
Halimbawa: “Hindi nagsusumbong si Tess sa pambubulas
ng kanyang kaklase”.

D. Karahasan
Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang
isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos- loob o
pagkukusa.

Halimbawa:“Nanginginig na ibinigay ni Mang Ponso ang


perang binagbentahan ng kanyang tanim na mga gulay sa sa
“riding in tandem” na may hawak na baril at nakatutok sa
kanya”.
E. Gawi
Ang mga gawain na paulit-ulit na ginagawa at naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-araw.
Halimbawa:Palaging nagmumura si Edcel
habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga
kaibigan.

Ang mga nailahad sa iyo ay may kinalaman sa emosyon ng tao.

Ano ang emosyon?


Ang emosyon o damdamin (Ingles: emotion, feeling) ay ang
pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at
sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ugali ng isang
indibidwal. Iba-iba ang emosyon na mararamdaman sa buhay, tulad ng
saya, lungkot, pagsisisi, galit, tuwa at iba pa. Lahat ng tao ay may
emosyon, maaaring manhid ang isang tao na makaramdam minsan kung
siya ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maaari ring ang emosyon ng
isang tao ay bunga ng pag-ibig o pagmamahal.

Wikipidea - malayang ensiklopedya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain Blg.1 “Pick and Tell”

Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa ikalawang kolum ang mga mga salik na
nakaaapekto sa kapanagutan ng kilos sa bawat sitwasyon. Sa
ikatlong kolum naman ay ilahad at ipaliwanag ang kapanagutan ng
bawat tauhan sa ginawang kilos.

Karahasan Kamangmangan Gawi Takot Masidhing


damdamin

Paliwanag sa
Sitwasyon Salik kapanagutan ng
tauhan
A.
Matagal ng
magkasintahan si Lanie
at Jake. May mga
ginagawa sila na dapat
ay mag asawa lamang
ang gumagawa. Sa mga
pagkakataon na gustong
makipagtalik ni Jake ay
tumatanggi si Lanie.
Pinagbabantaan nito
ang huli na I po post sa
social media ang
kanilang mga video na
magkasama sa isag
kwarto.

City of Good
Character 6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B.
Pagarahe na si Mang
Berto ng kanyang
Tricycle nang mapansin
niya na may cellphone
na naka siksik sa gilid
ng upuan nito.Hindi
niya matiyak kung sa
huling pasahero na
sumakay sa kanyang
Tricycle ang nag mamay-
ari nito.Kinuha niya ang
cellphone.

C.
Gabi na at mag-isa
lamang sa bahay si
Mandy nang may
masilip siyang tao na
umaakyat sa terrace ng
kanilang kapit-bahay.
D.
Kinaugalian na ni Alou
na dumaan sa
simbahan bago umuwi
ng kanilang bahay.

E.
May diabetes si Noel,
subalit sa haba at tagal
ng biyahe, pagdating sa
kanilang bahay ay
natakam siya sa lechon
na nasa hapag kainan at
hindi niya napigilang
kumain nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Gawain Blg. 1 Context Clues.
Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang talata na buhat sa iyong
pagkatuto upang mabuo ang batayang konsepto.

Ang makataong kilos (human act) ay ginagamitan ng isip na niloob at


walang pumigil sa kanya, kilos na isinagawa ng tao nang may _____________,
________________, ______________. May kapanagutan ang tao sa kanyang
kilos, dahil ginamit nya ang kanyang isip. Kaya ang kilos ay resulta ng
____________. Ginagamitan ito ng isip at ______________.
7
Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos
sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung ______________ o
__________. Ayon kay Aristoteles, ang isang kilos ay di-agad nahuhusgahan
kung asama o Mabuti nakasalalay ito sa _____________ng tao.

May mga_________________________________________, sa pananagutan ng tao


at maaari ding mabawasan ang pananagutan ng tao dahil sa mga hadlang
na ito.

Isagawa

Gawain Blg.1 “Our Chores, Our Responsibilities

Panuto:

A. Ang bawat miyembro ng iyong pamilya ay may kanya kanyang


tungkulin. Isulat sa unang kolum ang mga pangalan ng iyong mga
kapamilya na kasama mo sa bahay, sa pangalawang kolum ay isulat
at tukuyin ang kanilang mga nakaatang na gawain o responsibilidad
sa inyong tahanan. Sa pangatlong kolum ay suriin ang mga
kapagutan ng bawat isa kapag ginagawa nila o hindi nila ginagawa
ang kanilang tungkulin.
B. Gumawa ng paliwanag sa bawat pagsusuri.

C. Gayahin ang pormat sa ibaba.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Halimbawa:

Si Tatay Nagtatrabaho Naibibigay ang Mataas ang


aming mga kapanagutan na
pangangailangan naka atang sa
balikat ng aking
ama sapagkat
siya ang
naghahanap
buhay para sa
amin.

Ngayon, ay ikaw naman

Pangalan ng Pagsusuri sa
Tungkulin Paliwanag
Kapamilya kapanagutan

Gawain Blg.2: “Hilig”

Panuto: Naranasan mo na bang maglaan ng mahabang oras ng paglalaro


sa computer o kaya ay sa pakikipag text sa iyong kaibigan na
inaabot ka ng hanggang hating gabi? Ano sa palagay mo ang
maaring idulot nito? Suriin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutan
ang mga gabay na tanong sa iyong journal notebook.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa umaga man o sa hapon ay palaging Isa sa hilig ni Mark ay makipag-
naglalaro ng computer games si Alvin. usap sa kanyang mga kaibigan
Hindi na nito alintana ang oras at pati sa Chat gamit ang Cellphone ng
pagkain sa tamang oras ay hindi narin kanyang Ate. Palagi siyang
niya nagagawa. May mga tungkulin inaabot ng hating gabi sa
din siya sa bahay na hindi na pakikipag-text. Nakararamdam
nagagampanan nang maayos. siya ng inis kapag kinukuha ng
kanyang ate ang Cellphone nito
ng hindi pa siya tapos.

Tayahin
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik na iyong napili. Gawin
ito sa iyong Journal.

1. Magalang at masipag si Jacob. Matalino siya sa klase dahil


napatunayan na ang kanyang galing. Dahil dito, naging apple of the eye o
nasa kaniya ang atensiyon ng kanyang mga kaklase. May pananagutan ba si
Jacob kung bakit nasa kanya ang paghanga at mataas na pagtingin ng
kanyang mga guro?
A. Oo, Dahil dapat siyang higit na mag-aral nang mabuti upang hindi
mawala ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kaklase.
B. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
C. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang klase upang sumagot
sa mga talakayan.
D. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang
sumagot.

2. Ang tao ay inaaasahan na dapat palagiang gumagawa nang mabuting


kilos. Anoman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting
gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?

A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihang panlahat.


B. Depende, kung may obligasyon siya sa kapuwa na gawin ito.
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung
ang pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

3. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi


mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?

A. Dahil sa kahinaan ng isang tao


B. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos.
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ng isip.
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ng Isip at loob.

City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


4. Nagbilin ang iyong nanay na ihanda na ang mga gagamiting materials
na kinakailangan sa online classes mula sa iba’t ibang subjects. Ngunit,
dumating ang iyong pinsan at mayroong pinakiusap na gawin para sa laro
ninyo sa online games at nakalimutan mo na ang bilin ng iyong ina. May
pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan dahil hindi mo nagawa ang
bilin ng iyong ina?

A. Wala, dahil kasalanan ng pinsan ko dahil kung hindi siya


dumating eh, tapos ko na sana ang iniuutos ng aking ina.
B. Wala, kasi kaya ko namang ipaliwanag ang mga bagay na aming
kailangan sa online classes kasi virtual lang naman at hindi face to face, at
walang magagawa ang teacher ko kung wala akong gagamitin sa aming
presentations.
C. Mayroon, dahil bilang estudyante ay responsibilidad ko na
tumugon sa hinihinging requirents ng paaralan online man o face to face
classes.
D. Mayroon, dahil wala akong choice. Kailangan kong mag-aral para
sa aking kinabukasan.

5. Obligasyon ba ng tao na isagawa ang makataong kilos? Ipaliwanag.

A. Oo, dahil bahagi tayo ng Sistema ng lipunan.


B. Oo, dahil ang mapanagutang indibidwal ay may makataong kilos.
C. Oo, dahil bahagi na ito ng pang-araw-araw na Gawain ng tao.
D. Oo, dahil bago magsimula ang kilos ay may pagkukusa na sa taong
gumawa ng kilos.

Karagdagang Gawain
Gawain Blg. 1 Mga Isyung Panlipunan, Pag-usapan!

Panuto: Ito ay isang pangkatang Gawain. Maghanap ng artikulo sa balita,


ukol sa napapanahong isyu sa ating lipunan. Halimbawang isyu:

A. Pagsisimula ng klase sa gitna ng pandemya sa Pilipinas.

B. Manila Bay Rehabilitation

C. Maanumalyang Sangay ng Philhealth

Suriin ang mga sitwasyon kung ang mga karakter sa nasabing


artikulo ay nahadlangan ang kanilang kilos at pasiya. Sa iyong palagay
papaano ang positibong pagtugon nang makataong kilos ang mga tauhan,
ayon sa mga salik na iyong natutuhan sa aralin?

Iulat ang artikulo sa klase sa pamamagitan “news reporting”.


Iupload ang video sa ating facebook page.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kumusta ang iyong naging pagsagot? Inaasahan ko na marami kang
natutuhan at maisasabuhay ang mga araling ating tinalakay.

MAIKLING PAGSUSULIT
(Post Assessment)

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik na


wastong sagot.

1. Anong salik ang nakaiimpluwensiya sa sitwasyong ito? “Nahuli si Elmer


na overspeeding sa kalye na wala namang nakalagay na speed limit sign.
Siya ay nagmamadali dahil sa tawag ng kalikasan at masakit na ang
kanyang tiyan.
A. Antecedent act, hindi sinasadyang nagawa ang maling kilos.
B. Consequent act, Planado at may pagkusa na gawin ang kilos.
C. Invincible ignorance, kamangmangang di-nadaraig - walang paraan o
may kakulangan upang maiwasto ang nagawang kilos
D. Vincible ignorance, kamangmangang nadaraig -kakulangan ng
kaalaman sa mga bagay, ngunit may magagawang paraan

2. Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng “gawi” bilang isa sa mga salik
na nakaaapekto o nakakapagpabago sa makataong kilos?
A. Pagkurap ng mata
B. Paglilinis ng ilong
C. Paghimas sa tiyan dahil nagugutom
D. Pagsigaw nang malakas habang nanonood ng nakakatakot

3. Ano ang kapanagutan ng isang estudyante na nagpapakita ng presensya


ng isip at loob?
A. Pagpasok nang huli sa klase dahil tumatawid pa ng ilog upang makapag-
aral.
B. Pagsisikap na makabuo ng investigatory project kahit na nahihirapan.
C. Hilig niyang pumasok sa library upang magbasa ng paborito nyang
Journal anime.
D.Pakikisali sa umpukan ng mga kaklase habang may ipinagagawa ang
guro upang iwasto ang kanilang usapan.

4. Inabot ni Nestor ang kanyang sukli at dali –dali siyang umalis nang hindi
nabibilang ang pera. Nang siya ay nakauwi nakita niyang sobra pala ang
isinukli na ibinigay ng tindera. Hindi na siya bumalik dahil napagod na siya.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Antecedent act C. Invincible ignorance
B. Consequent act D. Vincible ignorance

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Si Marissa ay nagmamadali at biglang pumasok sa aking bahay.
Tinanong ko siya, Bakit ka humahangos? Ngunit hindi siya sumasagot. Ang
sabi ko’y sandali at bibili lamang ako ng makakain. Sa aking paglabas ay
nakasalubong ko ang kanyang asawang si Rogelio at tinatanong ako kung
nakita ko ang kanyang asawa. Ang sabi ko’y oo nasa bahay hindi ko alam
na siya pala ay may dalang patalim sa kanyang likuran. At sa aking pag-uwi
ay nakita kong nakahandusay na si Marissa.” Maaari ka bang managot sa
ganitong sitwasyon?
A. Hindi kasi una sa lahat hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa
kanila at hindi ko alam na may dalang patalim ang kaniyang asawa.
B. Oo, Dahil dapat kinausap ko muna ng masinsinan si Marissa bago ako
lumabas para bumili lamang ng pagkain.
C. Hindi, kasi usapang mag -asawa iyon at hindi ako dapat nakikialam sa
kanila.
D. Oo, dapat inisip ko na may kakaibang nangyayari at hindi ko muna
dapat itinuro si Marissa kung nasaan.

6. Aling salik ang ipinakikita sa ganitong sitwasyon? “Kinuha ni Nestor ang


kanyang sukli at dali–dali siyang umalis nang hindi nabibilang ang pera.
Nang siya ay nakauwi nakita nyang sobra pla ang perang ibinigay ng tindera
sa kanya hindi na siya bumalik dahil pagod na siya at malayo na ang
lalakarin niya.
A. Kamangmangang di-madaraig C. Gawi
B. Kamangmangang nadaraig D. Masidhing damdamin.

7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang di-mapananagutan ang kilos?


A. Kinuha ni Jhon ang pera sa volt ng kanilang opisina kung saan siya
nagtatrabaho at pilit siyang pinasakay at pinagmaneho ng sasakyan
habang may nakatutok na baril sa kanya hanggang sa maakatakas na
ang mga magnanakaw.
B. Ayaw ni Elmang umamin sa kaniyang mga magulang na siya ay
buntis dahil baka saktan siya.
C.Biglang may tumalong palaka sa harapan niya kaya siya ay napasigaw
at siya ay napamura. Dahil dito ang mga tao ay nagulat at nataranta.
D. Wala sa nabanggit.

8. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan?


A.Ito ay Malaya, niloob, ginusto at may kaalaman
B.Pinili, ikinilos at ginusto
C. May kunsensiya
D. May awa’t habag

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi
mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?

A. Dahil sa kahinaan ng isang tao


B. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos.
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ng isip.
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ng Isip at loob.

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang di-mapananagutan ang kilos,


o Antecedent Act?
A. Napabahing si ate nang malakas sa kapilya habang nagtuturo ang pastor
ng mga salita ng Diyos.
B. Si Charlie ay hindi sigurado sa mga doktrinang ipinatutupad ng
kinabibilangang relihiyon, Ngunit, ayaw niyang alamin ang mga
katotohanan sa likod ng mga ito.
C. Pag daan ni Remy mula sa umpukan ng mga kaibigan ay nahikayat
siyang lumapit at naengganyo
siyang magbigay ng kaniyang reaksiyon sa usapan.
D.Matagal ng may galit si Modesto kay Crisanto, kaya noong nagkita sila ay
bigla niya itong tinambangan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
SUBUKIN:
1. D
2. D TAYAHIN:

3. D 1. A

4. A 2. A

5. B 3. C

4. C

5. B

Sanggunian
Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao 10-Modyul para sa mga Mag-aaral, DepEd

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, 2nd Edition. Vibal Publishing Group Inc.


Imelda dela Cruz, Ma. Elvira A. Asuan, Nenita I.de Vega, Sofia Aurora, EdD

Website
Wikipidea - malayang ensiklopedya

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Shirley R. Gutanco (Marikina Heights High School)


Mga Tagasuri:
Adrian P. Leander (Guro, Kalumpang National High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine C. Paningbatan
Librarian II, Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like