You are on page 1of 8

DIGNIDAD

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang


Unang Markahan – Modyul 16: DIGNIDAD

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Jerone Edison Lorente Marcial O. Rañola Memorial School
Content Editors:
Edna D. Barrameda Daraga National High School
Ellen B. Abarientos Principal, Caguiba National High School
Language Editors:
Gina L. Hernandez Daraga National High School
Ma. Dolores B. Castro Bonga National High School
Quality Assurance Team:
Norma B. Samantela, CESO V Schools Division Superintendent
Wifredo J. Gavarra Assistant Schools Division Superintendent
Fatima D. Buen Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Sancita Peñarubia Chief, Curriculum Implementation Division
Edison L. Mallapre EPS, LRMDS
Judith P. Restubog EPS, Edukasyon sa Pagpapakatao
Lay-out Editor:
Sherwin Jay A. Aguilar Bonga National High School
I. PANIMULA
Sa nakaraang talakayan napatunayan mo na ang dignidad ng tao ay
nakabatay sa kaniyang pagiging bukod-tangi at sa pagkakawangis niya sa
Diyos. Naunawaan mo rin na maaaring tayo ay magkakaiba subalit pantay-
pantay sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng ating dignidad. Natutunan mo
rin na kaakibat ng paggalang sa iyong dignidad ay mayroon ka ring
karampatang tungkulin na igalang ang dignidad ng iyong kapwa.
Subalit sa kabilang banda, maraming mga tao, lalo na ang mga nasa
laylayan ng lipunan ang mababa ang tingin sa kanilang sarili at tila baga
nawawalan na ng pagpapahalaga at paggalang sa kanilang sariling dignidad.
Halina’t muli nating tuklasin kung ano ang nakalaan sa atin sa araw na
ito. Handa ka na ba? Tara na!

Note: Isulat sa iyong journal ang mga kasagutan sa sumusunod na gawain.

II. LAYUNIN

Sa modyul na ito, inaasahan ang kabataang tulad mo na:

4.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang


itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kaniyang
taglay na dignidad bilang tao

III. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN


Bago tayo magpatuloy, balikan muna natin ang natutunan mo mula sa
nakaraang aralin. Sagutin ang tanong sa loob ng balumbon.

Ano ang pinagbabatayan ng dignidad ng tao?


Patunayan.

Sagot:_____________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________

1
IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Tunghayan ang mga kasunod na larawan. Tukuyin ang ipinahahayag


ng bawat isang aytem sa letrang A, B, at C tungkol sa larawan. Isulat ang
sagot sa mga patlang.

A. Madalas na katawagan sa kanila ng mga tao


B. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao
C. Ang kanilang tingin sa kanilang sarili

Tanong: Ano ang iyong naging damdamin matapos ang gawain?


Sagot:
______________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_________

V. PAGPAPALALIM

Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng


isang tao?
Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang
bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong
hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan.

2
May ilang mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na
saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay sa pakinabang na maaari nilang
makuha mula rito. Halimbawa, maraming kompanya na binabale-wala na
lamang ang maraming taong serbisyo ng kanilang mga empleyado sa dahilang
hindi na sila kasimproduktibo at epektibo noong sila ay bata pa at malakas.
Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda. At
lalo’t higit, hindi sila katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon at
isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang. Wala man siyang tinapos
na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na kondisyon, nararapat
na igalang ang kaniyang dignidad bilang tao.

Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay


ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-
alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa.
Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali
o walang hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na mabawasan
ang paggalang ng anak sa kaniyang mga magulang kapag ang mga ito ay
tumanda na at naging mahina.

Mahalagang iyong isaisip at isapuso na tao ang pinakabukod-tangi sa


lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob. Nakatatanggap
tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya.
Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito, kung kaya nakararamdam tayo
ng kakulangan. Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa
ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan.
Ang lahat ng materyal na bagay ay makalupa lamang, hindi natin dapat
na inuubos ang ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang hindi matinag
na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian. Nagmumula
ang kahalagahang ito hindi sa anumang “mayroon” ang isang tao kung hindi
ano siya bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay
na ito, hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng
dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan.
Kailangan mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos
upang mapanatili ang dignidad. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala na
tayo ay ANAK ng DIYOS.

3
VI. PAGSASAPUSO

GETS KO ‘TO!
Kaugnay sa iyong mga naging tugon sa bahaging Paglinang ng
Kaalaman, Kakayahan at Pagunawa, punan ang tsart ng hinihingi nito.
Ano ang karaniwang Paano mo ipakikita sa
tingin nila sa kanilang kanila na sila ay
Kapwa sitwasyon sa buhay? bukod-tangi dahil sa
kanilang dignidad?

CHATBOX!

Sagutin mo ang tanong ni Mayhana. Isulat ang sagot sa loob ng chatbox.

Anong mahalagang bagay ang natuklasan mo sa iyong sarili


tungkol sa halaga ng pagiging bukod-tangi ng iyong kapwa sa
kabila ng kanilang estado at pinagdaraanan sa buhay? Ipaliwanag.

Sagot:_____________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
___________

4
VII. PAGSASABUHAY

Sa pagkakataong ito, subukan mong magnilay kung paano mo


isasabuhay ang mga pagpapahalagang iyong natutunan mula sa modyul na
ito.

Kung may dapat kang itama sa pakikitungo sa iyong


kapwa, ano ito? Paano mo ito maitatama?

Sagot:
____________________________________________________
____________________________________________________

VIII. PAGTATAYA:
Binabati kita! Natapos mo na ang modyul na ito. Subalit tingnan nga
natin kung magagawa mo ang nakasulat sa pisara.

Gumawa ng angkop na kilos upang maipakita sa kapwang


itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa
kaniyang taglay na dignidad bilang tao.
Magkaroon ng pagninilay matapos mong isagawa ang iyong plano.
Isulat ito sa iyong journal.

5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Kagamitan ng Mag-aaral). 2013. pp. 165-


167.

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 DLPS. SDO Albay and DepEd RO-V. 2019.

http://www.google.com/search?q=squatter&client=ms-android-
vivo&source=lnms&tbm=isch#imgrc=cnr_2isdbwvltM

https://www.alamy.com/a-handicapped-man-is-sitting-on-the-ground-near-a-
disabled-person-image6774533.html

https://www.google.com/amp/s/filipinessence.wolrdpress.com/2010/12/21/limo
s-at-ang-musmos-ng-lansangan/amp/

You might also like