You are on page 1of 2

Pauline R.

Serrano Grade 11- Obedience (Block B)

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Bionote ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Si Rodrigo Roa Duterte ang ika-16 at


kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Siya ay
ipinanganak noong ika-28 ng Marso 1945 sa
Maasin, Southern Leyte. Ang kaniyang
panunungkulan sa bansa ay naitalaga noong ika-30
ng Hunyo 2016 hanggang ika-30 ng Hunyo 2022.
Siya ay nagtapos ng Bachelor of Arts degree sa
Political Science noong 1968 sa Lyceum of the
Philippines University at nakamit ang law degree sa
San Beda College of Law noong 1972. Sa
kaparehang taon din siya nakapasa sa Bar exams.
Siya ay naging ganap na abogado at naging
tagausig (prosecutor) ng Davao City.

Bago siya maging Pangulo ng bansa ay


https://when-the-cold-breeze-blows-
naging Mayor siya ng Davao City noong 1988 at
away.fandom.com/wiki/Rodrigo_Duterte nanungkulan ng pitong (7) magkakasunod na
termino sa lungsod. Kinilala ang kaniyang lungsod
bilang pugad ng karahasan, subalit sa kaniyang mahigit dalawang dekadang pamumuno
ay itinuring itong pinakaligtas na lugar sa bansa. At sa kaniyang paglipat sa Malacañang,
ipinatupad niya ang mga programang war on drugs, Rice Tariffication Law (RTL), national
ID program at marami pang iba.
Pauline R. Serrano Grade 11- Obedience (Block B)

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Sitwasyon: Pagpapakilala bilang tagapagsalita sa isang ginaganap na Student


Leader and Management Training Seminar.

Bionote ni Pauline R. Serrano

Si Pauline R. Serrano ay labing pitong


(17) taong gulang na ipinanganak noong
ika-18 ng Oktubre 2004 sa bayan ng Daet,
Camarines Norte. Siya ay nagtapos ng
Kinder hanggang Junior High School sa
pampublikong paaralan ng Moreno
Integrated School. Sa kaniyang pagtatapos
sa Elementarya ay pinarangalan siya bilang
Valedictorian ng buong klase, at sa kaniyang
pagtatapos sa Junior High School ay
nagkamit siya ng karangalang With High
Honors. Sa kasalukuyan, siya’y isang Senior
High School student sa Camarines Norte
Senior Senior High School.

Ang sipag, tiyaga, at pagpupursigi


niya sa pag-aaral at pagtuklas ng mga
bagay-bagay sa mundo ang naging mitya sa pagkamit ng mga karangalang kaniyang
natanggap. Nagsimula ang kaniyang pusong lider noong siya’y nasa Elementarya.
Nabigyan siya ng pagkakataon na maging Pangulo ng Supreme Pupil Government ng
paaralan, at pagdating naman sa Division Federation ng Supreme Pupil Government ay
nahalal siya bilang Ikalawang Pangulo ng organisasyon. Sa pagtuntong niya sa hayskul,
patuloy pa rin ang pagiging aktibo niya sa mga samahan na makapagpapaunad ng
paaralan. Naging Grade 10 representative siya sa Youth for Environment in Schools
Organization (YES-O) at Supreme Student Government (SSG). Ngayon, sa pagpasok
niya sa Senior High School ay nagpatuloy parin ang kaniyang pagmamahal sa inang
kalikasan at panunungkulan sa mga tao at paaralan. Sa kasalukuyan ay miyembro siya
ng YES-O at nahalal bilang Public Relations ng Bioragon Organization. Ang mga
responsibilidad na kaniyang kinakaharap ay hindi naging madali subalit, ito ay kaniyang
mabuting ginampanan na humubog sa kaniyang pagkatao ngayon.

You might also like