You are on page 1of 1

“Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria”

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may


isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ngtakot at pangamba
sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa
naglalakihang hampas ng alon nito. SiMaria ay isang anak ng isang
mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng
mga alon, simulanoon ay lagi na siyang pumupunta sa
dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay
kumakanta ay tilatumatahimik ang paligid at nawawala ang mga
hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa
kanya.Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang
tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyangpagkahinto sa
paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.Sa katahimikan
ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring
Alon na kumain sa haloskalahating bahagi ng isla, napakaraming
namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay
naghampas siyang napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng
isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng
buongmamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang
tinig upang tumigil ang Haring Alon.Nakipag sagupaan ang tinig ni
Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas
ng alon nabumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay
huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi
namuling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay
ang mga tao ng walang takot at pangamba sakanilang puso.

You might also like