You are on page 1of 1

“Dagdag lito o pagbabago?

   Batay sa general shaping papers ng revised k-to-12, pagsasamahin ang social studies, kultura,
sining , at kalusugan na tatawaging SIKAP. Pag-iisa sa asignaturang Ap at Mapeh, magbibigay
lito!

Ang Ap at Mapeh ay ‘di dapat pagsamahin sa iisang asignatura, magbibigay lito ito sa maraming
estudyante pati na rin sa mga guro. Ang mga estudyante ay posibleng mahirapan makasabay sa
pagtatalakay sa mga aralin dahil dalawang asignatura ang ituturo sa kanila sa iisang araw sa loob
lamang ng ilang oras. 

Sa pagdadagdag sa isang asignatura, magkakaroon ang bawat isa nang kakulangan sa oras,
kakulangan sa pagtuturo pati na rin sa pagkatuto. Hindi mabibigyanv diin ang bawat paksa sa
iisang araw lamang, magbibigay lamang ito ng isang malaking problema sa bawat isa dahil hindi
nauunawaan ng bawat estudyante ang mga itinuturo sa kanila.

Ang Araling panlipunan at Mapeh ay ‘di magkaugnay, kaya naman bakit naiisipan nilang
pagsamahin ito? Alam nating lahat na ang Araling Panlipunan ay nagbibigay kaalaman
patungkol sa ating ekonomiya habang ang Mapeh ay patungkol sa musika, sining , sa edukasyon
sa pangangatawan at iba pa. Ang dalawang asignaturang ito’y parehong may magandang ambag
sa ating bansa’t ekonomiya, ‘di dapat sila pagsamahin bagkus mas bigyan nating pansin nang
magkahiwalay.

Sa kabilang banda, maganda rin na pag-isahin ang mga sinasabing asignatura, mababawasan ng
isang asignatura  ang kakailanganing aralin ng bawat estudyante. Mag mabibigyanv halaga ang
Ap at Mapeh, lalo na sa mga susunod pang henerasyon kung itutuloy at magpapatuloy ang
usaping pagbabago na ito sa edukasyon.

Ang Ap at Mapeh ay magkaiba kaya naman ‘di dapat ito pag-isahin. Ang Ap ay Ap, ang Mapeh
ay Mapeh , magbibigay  lito lamang ito sa bawat isa at sa hinaharap, Pagbabago sa k-12
kurikulum, lito ang dala nito!

You might also like