You are on page 1of 3

Textong Descriptiv at ang Kahulugan nito

Ang pagsulat ng textong descriptiv ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga
pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat.

Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng
isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa
tanong na Ano.

Ang tekstong deskriptiv ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang
tao, bagay, lugar, at pangyayari.

Katangian:

A. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mambabasa.

B. Maaring obhetibo o suhetibo.


Obhetibo
- Direktang paglalarawan ng katangiang makatotohanan.
Suhetibo
-Ang subhetibo ay ang paglalarawan sa isang bagay batay sa sariling opinyon lamang.

C. Kahalagahang maging espisipiko at naglaman/maglaman ng konkretong detalye.

Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng sulatin kung saan naglalaman ito ng mga paglalarawan o teknikal na mga
detalye. Kadalasang ginagamit na pagkukumpara ang pagpipinta ng larawan at ang pagsusulat ng isang deskriptibong
teksto. Ang pagkakaiba nga lamang sa dalawa, hindi larawan ang iginuguhit sa teksto ngunit mga salitang nagbibigay
pagsasalarawan.

Paglalarawan

Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, sa isang hayop, sa isang
bagay, sa isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang
mapapandamang – naaamoy, nalalasa, naririnig – pananalita

LAYUNIN: makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan na ang katangi-
tanging kaibahan nito sa mga kauri ay mapalutang, ay lubos na maisakatuparan

KAHALAGAHAN: nagagawa nitong maipakita sa mambabasa/tagapakinig ang daigdig sa pamamagitan ng paningin at


pandama. Maaaring ipinta ang mga tanawin at mga bagay-bagay na singkinang ng mga kulay ng bahaghari, ang
maharlikang pagtatanghal ng isang dulang musikal, o kahit ang pinakadukhang pagkakatumpok-tumpok ng mga barung-
barong na tirahan ng mga iskuwater. Magagawang maging konkreto ang mga bagay na abstrak at ang masaklaw ay
maging tiyak.

URI:

Karaniwang Paglalarawan
 Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama
 Nagbibigay lamang ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal o
kongkretong katangian nito
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga
partikular na detalye sa payak na paraan

Halimbawang teksto:
Si Kapitan Tiyago. Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan na
alinsunod sa mga humahanga sa kanya ay galling sa langit, galling sa dugo ng mga maralita; alinsunod naman sa
kanyang mga kalabanan, si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa mga kalaban,si Kapitan Tiyago ay mukhang
bata kaysa sadya niyang gulang: aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang tatlumpu o tatlumpu’t
limang taon. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal. Ang kanyang bungong bilog, maliit at
nababalutan ng buhok na kasing itim ng kamagong, na mahaba sa dakong harap, at maikli-ikli sa dakong likuran,
ay may lamang maraming bagay sa loob, ayon sa sabi-sabi; ang kanyang maliliit na mata na hindi naman singkit ay
hindi nagbabago, ang kanyang ilong ay maliit ngunit hindi busalsal, at kung ang kanyang bibig ay hindi nawala sa
ayos, dahil sa pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sepal na nabunbun sa isang pisngi ay sumisira sa ayos
ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya’y isang magandang lalaki. Kahit malabis na ang kanyang
pagkapalanganga’t pagkamananabako, ay napag-iingatan din na palaging nagiging maputi ang kanyang mga
sariling ngipin at ang dalawang ipinahiram sa kanya ng dentist sa halagang labindalawang piso ang bawat isa.

-- El Filibusterismo ni Patricio Mariano

Masining na Paglalarawan
 Mapapandama – nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa
iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya ng patambis at tayutay
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon,
pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay

LAYUNIN: makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang
naranasan nitong damdamin sa inilalarawan

Halimbawang teksto:

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga
siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa,
itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
-- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

Ang mahalagang kasangkapan ng masining na paglalarawan:

Pandama
 Sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman ng limang pandama – naririnig,
nakikita, naaamoy, nalalasa at nahihipo, sa gayon ay higit na maunawaan at lalong kawilihan.
 Makukulay at mahuhugis o maanyo ang dapat kasangkapaning mga salita

Paghahambing
 Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na
inilalarawan
 Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong larawan naipahayag ang inilalarawan
 May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama

Angkop na Salita
 Pinipili ang paggamit ng mga salita
 Kailangan iyong tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man, yaong mapagpahiwatig ng bagay
 Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal
 Ang pagpili ng gamit ng salita ay depende na rin sa naglalarawan kung alin ang inaakala niyang higit na
mauunawaan at madarama ng kinauukulan

Pagtatambis
 Ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idyomang bukambibig ng madla sa pagsasalita
 Ito ay maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa
tuntuning pambalarila, maaaring pinagtambal na dalawang salitang may kani-kaniyang tanging sariling kahulugan
ngunit madaling napapalitan ng nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan
 Ang pagtatambis o pagsasawikain ay isang paraang pagpapaunlad ng buhay sa salita

Teknikal na Paglalarawan

LAYUNIN: mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.

 Kaysa nakatuon ang manunulat ng teknikal na sulatin sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay at
pangyayari, sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitan gumagamit ng mga ilustrasyon ang
manunulat ng teknikal na sulatin upang Makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan
 Dapat tandaan na hindi pa rin sapat ang mga ilustrasyon ato iginuhit o larawan upang magbigay ng sapat na
representasyon.Tumutulong lamang ang mga ito sa pagpapakita ng larawan

You might also like