You are on page 1of 20

TEKSTONG

NARATIBO
O
NAGSASALAYSAY
ANO ANG TEKSTONG
NARATIBO?
•Ang tekstong naratibo ay
pasalaysay o pagkukwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o isang tagpuan nang
may maayos na pagkakasunod-
sunod mula sa simula hanggang
katapusan.
• Layunin ng tekstong naratibo na
magsalaysay ng dugtong-dugtong at
magkakaugnay na pangyayari.
• Dahil pasalaysay ang pangunahing
ginagawa ng tekstong naratibo,
nabibigyan ng pagkakataon ang
mambabasa na makabuo ng imahe
sa kaniyang isip.
• Bibibigyang-diin nito ang takbo ng
mga pangyayari lalo na ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
•Ilan sa mga uri ng tekstong naratibo
ang sumusunod:
Salaysay na Salaysay ng
nagpapaliwanag nakaraan
Salaysay ng mga Salaysay ng
pangyayari pakikipagsapalaran
Salaysay na Salaysay na
pangkasaysayan patalambuhay
Likhang katha batay
sa kasaysayan
•Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o
akdang gumagamit ng tekstong naratibo:
• Maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan,
alamat, at parabula
• Anekdota
• Talambuhay
• Paglalakbay
• Balita
• Report tungkol sa nabasang libro
• Rebyu ng pelikula, aklat, o palabas
• Buod ng kuwento
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO
1. Banghay
- Tumutukoy sa pagkakaayos ng mga
pangyayari habang isinasalaysay ito;
pinag-iisipan kung paano ilalahad at
pinipili ang itatampok na pangayayari.
2. Tagpuan
- Mahalagang mailarawan ang tagpuan
dahil nakadaragdag ito sa organisasyon ng
naratibo.
- Maging malinaw sa pagtukoy ng mga
panahon sa pagsasalaysay upang hindi
malito ang mambabasa sa daloy nito.
- Dapat ding naaalinsunod ang mga
pangyayari sa kahingian ng tagpuan.
3. Tauhan
- ang nagdadala at nagpapaikot
ng mga pangyayari sa isang salaysay.
- Maaaring manggaling sa kanila
ang dahilan ng pagbabago-bago ng
mga pangyayari.
4. Suliranin o Tunggalian

- ang pinakamadramang tagpo ng kuwento at


inaasahang may maidudulot na mahalagang
pagbabago patungo sa pagtatapos
- maaaring makakuha ng kaisipan o mensahe
- Kung minsan ay ang tauhan ang nagiging
suliranin sa kuwento. Minsan naman ay bunga ito ng
mga kalamidad at suliraning panlipunan. Maaari
ding mag-ugat sa loob ng mga tauhan ang suliranin.
5. Diyalogo
- kapag nagsasalita na ang tauhan sa
isang kuwento, siya ay nagiging totoong tao,
ngunit hindi lahat ng pagsasalaysay ay
kailangang may diyalogo
- ginagamit ang diyalogo upang gawing
makatotohanan ang mga pangyayari sa
pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.
Tandaan:
Hindi lahat ng mga nabanggit na elemento ay
palaging tinataglay ng isang tekstong naratibo.
Ang pinakamahalaga ay may sinusundang wastong
pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari at
naglalarawan din ng mga detalye sa eksena upang
mabigyan ito ng buhay sa isip ng mambabasa.
Sa isang mahusay na tekstong naratibo,
nararamdaman ng mambabasa ang mga pangyayaring
isinasalaysay nang parang siya’y nakapaloob at
kasangkot sa mga pangyayari.
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
NARATIBO
Layunin ng may-akda

* Anong uri ng pagsasalaysay ang ginamit sa teksto?


* Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang
pagsulat?
* Mabisa ba ang ginamit na uri ng pagsasalaysay
upang maisakatuparan ang layunin ng may-akda?
* Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng
may-akda na magsalaysay ng magkakaugnay na
pangyayari?
Mga ginamit na elemento ng naratibo

* Ano ang ayos ng mga pangyayari ayon sa


lohikal na sanhi-bunga nito?
* Anong teknik sa pagsasalaysay ang ginamit
upang ilahad ang mga pangyayari?
* Sino-sinong tauhan ang kasama sa
pangayayari? Kanino nakasentro ang salaysay?
* Nakatulong ba ang salaysay upang maabot
ang layunin ng teksto?
PAGHAHANDA PARA SA PAGSULAT
NG TEKSTONG NARATIBO
• Sa pagpaplano ng isusulat na tekstong naratibo,
unang isipin kung ano ang magiging paksa at layunin
ng isusulat.
• Piliin kung alin sa mga pangyayari ang dapat
bigyang-pansin sa pamamagitan ng detalyadong
pagsasalaysay at paglalarawan o paglalahad bilang
isang tagpo, at kung alin ang maaaring iwan na lang
bilang buod.
• Kung susulat ng kuwentong pampanitikan,
kailangang sundin ang mga kombensiyon at
elemento sa pagsulat nito.
• Dapat itong magkaroon ng tauhan, tagpuan, at
banghay.
• Maging organisado.
• Maaaring gumamit ng iba’t-ibang teknik.
• Isaalang-alang pa rin ang ugnayan ng mga
ideya, ang diin, at kalinawan ng mga pahayag o
pangungusap.

You might also like