You are on page 1of 4

Aralin 4 Tekstong Naratibo

Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng duktong-duktong at


magkakaugnay na pangyayari. Maaring ilahad sa ganitong uri ng teksto ang
mga pangyayari sa kapaligiran o mga personal na karanasan ng manunulat o
ng isang natatanging tao.

Ano ang Tekstong Naratibo?


Ang mga pangyayari sa tekstong naratibo ay may pagkakasunod-sunodd.
Pinadadaloy ang mga pangyayari ayon sa nais ng manunulat. Dahil
pagsasalaysay ang pangunahongnginagawa ng tekstong naratibo, nabibigyan
ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang
isip.Ngunit, kaiba sa tekstong deskriptibo, binigyang-diin nito ang takbo ng
mga pangyayari lalo na ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ang pagsasalaysay ay maaaring magamit para sa iba-ibang paksa o layunin ng


teksto. Ilan sa mga uri ng tekstong naratibo ang sumusunod:

 Salaysay na nagpapaliwanag
 Salaysay ng mga pangyayari
 Salaysay na pangkasaysayan
 Likhang katha batay sa kasaysayan
 Salaysay na pantalambuhay
 Salaysay ng nakaraan
 Salaysay ng pakikipagsapalaran

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong


naratibo ang

 Maikling kwento, nobela, mito, kwentong-bayan, alamat at parabola


 Anekdota
 Talambuhay
 Paglalakbay
 Balita
 Report tungkol sa nabasang libro/nobela
 Rebuy ng pelikula, aklat o palabas
 Buod ng kwento

Elemento ng Isang Tekstong Naratibo

Banghay
Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakaayos ng mga pangyayari habang
isinasalaysay ito; pinag-isipan kung paano ilalahad at pinipili kung alin ang
mga itatampok na pangyayari. Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakalahad ng
mga pangyayari. Ang mahusay na paghahanda ng estruktura ng mga
pangyayari ang makahihikayat sa mambabasa na basahin ito. Karaniwang
sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari ayon sa Freytag’s
Pyramid nagsisimula sa eksposisyon, patungong komplikasyon, kasukdulan,
pababa sa kakalasan, at tungong wakas. Ngunit hindi ito kinakailangan
sundin sa paglalahad ng mga pangyayari sa isang salaysay. Maaring gumamit
ng kronolohikal na ayos ng mga pangyayari o kaya’y pagbabalik-tanaw upang
ipaliwanag ang isang bagay na nakalipas na. Maaari ding simulant ang
kuwento sa kalagitnaan ng mga pangyayari (in media res) at balikan ang
simula hanggang umabot muli sa gitna ang salaysay at ituloy hanggang wakas.
Bukod pa rito ay pinipili lang din kung aling tagpo ang dapat isalaysay nang
madetalye at kung alin lamang ang maaring banggitin na tila buod ng mga
pangyayari.

Tagpuan
Walang pagsasalaysay o naratio na mabuuo kung walang lugar na
pinangyarihan ng kuwento at panhaon kung kalian ito naganap. May mga
pangyayaring nagsimula at natapos lamang sa iisang lugar at mayroon ding
nag-iiba-iba ng lugar dahil hinihingi ng sitwasyon. Mahalagang mailarawan
ang tagpuan dahil nakadaragdag ito sa organisasyon ng naratibo. Nagaganap
ang isang pangyayari sa isang tiyak na oras, araw o panahon. Ito rin ang
dahilan kung bakit may nauunang pangyayari at may nahuhuli. Maging
malinaw sa pagtuloy ng mga panahon sa pagsasalaysay upang hindi mailto
ang mambabasa sa daloy nito. Dapat ding maalinsunod ang mga pangyayari
sa kahingian ng tagpo.

Tauhan

Tauhan ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang
kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. Maaaring manggaling
sa kanila ang dahilan ng pagbabago-bago ng mga pangyayari.

Suliranin o Tunggalian

Ang bahaging nagpapakita ng suliranin at tunggalian sa isang kuwento ang


pinakamadramang tagpo ng kuwento at inaasahang may maidudulot na
mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos. Mula rito ay maaaring
makakuha ng kaisipan o mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong
naratibo. Wala yatang kuwento na hindi nagtataglay ng suliranin. Kung
magkakagayon walang hamong ihaharap sa mambabasa. Nakasalalay rito ang
pagbabago ng daloy ng isang naratibo. Kung minsan at ang tauhan ang
nagiging suliranin sa kuwento. Minsan naman ay bunga ito ng mga kalamidad
ar suliraning panlipinan. Maaari ding mag-ugat sa loob ng mga tauhan ang
suliranin.

Diyalogo

Kapag nagsalita na ang tauhan sa isang kuwento, siya ay nagiging totoong


tao, ngunit hindi lahat ng pagsasalaysay ay kailangang may diyalogo.
Ginagamit ang diyalogo upang gawing makatotohanan ang mga pangyayari sa
pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.

Gabay sa pagbasa ng Tektong Naratibo

Layunin ng may-akda

 Anong urri ng pagsasalysay ang ginamit sa teksto?


 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Mabisa ba ang ginamit na uri ng pagsasalaysay upang maisakatuparan
ang layunin ng may-akda?
 Malinaw bang naipakita sa tekto ang naging layunin ng may-akda na
magsalaysay ng magkakaugnay na pangyayari?

Mga ginamit na elemento ng naratibo

 Ano ang ayos ng mga pangyayari ayon sa lohikal na sanhi-bunga nito?


 Anong teknik sa [agsasalaysay ang ginamit upang ilahad ang mga pangyayari?
 Mabisa ba ang ginamit na teknik sa pagsasalaysay?
 Saan at kalian naganap ang salaysay? Ano ang kaugnayan ng tagpuan sa
pangyayari?
 Sino-sinong tauhan ang kasama sa pangyayari? Kanino nakasentro ang
salaysay?
 Malinaw ba ang perpektibang ginamit sa pagsasalaysay? Kung hindi, bakit?
 Ano ang tampok na bahagi ng salaysay?
 Paano ginamit ang pagsasalaysay sa teksto o ano ang silbi ng salaysay sa
layunin ng teksto?
 Nakatulong ba ang salaysay upang maabot ang layunin ng teksto?

Paghahanda para sa pagsulat ng tekstong Naratibo

Sa pagpaplano ng isusulat na tekstong naratibo, unang isipin kung ano ang


magiging paksa at layunin ng isusulat. Malinaw dapat kung paano magagamit ang
tekstong naratibo upang mapalutang ang layunin ng isusulat. Sunod ay piliin ang
itatampok na angyayari sa pagsasalaysay. Hanapan ito ng kahalagahan o mga
bahaging kapupulutan ng bagong kaalaman. Kapag natukoy na ang itatampok na
oangyayari, isa-isahin ang mga detalye na bubuo rito kapag isinasalaysay na. Piliin
kung alin sa mga pangyayari ang sapat bigyang-pansin sa pamamagitan ng
detalyadong pagsasalaysay at paglalarawan o paglalahad bilang isang tagpo, at
kung alin ang maaaring iwan na lang bilang buod.

Mga patnubay na tanong sa pagsusuri ng teksto

1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?


Ilahad ang pangunahig paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya.

2. Ano-anong katangian ng tekstong naratibo ang makikita sa teksto?


Ibigay ang mga element, uri ng salaysay, at teknik ng pagsasalaysay na ginagamit sa
teksto.

3. Paano maiuugnay ang labuuang mensahe ng binasang teskto sa iyong


sarili,pamilya, komunidad, bansa, at daigdig? Anong pangyayari o pagbabago ang
naidulot ng impormasyong nakuha mula sa binasa?

Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Naratibo


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pasulat ng teksto 7
Nagtataglay ng mga detalye na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng wasto
at sapat na pananaliksik upang maging batay sa katotohanan.

Malinaw ang tagpuan at mga tauhan ng salaysay 10


Maayos ang pagkakalahad ng mga pangyayari at madaling matukoy ang
pagkakasunod-sunod ng mga ito

Malinaw ang ugnayang sanhi at bunga ng mga pangyayari

Nagtataglay ng suliranin o tunggalian na nakatulong sa pagkakaroon ng


kabuluhan ng teksto, at nagtampok ng mahahalagang pangyayari

Gumamit ng mabisang teknik sa pagsasalaysay at nailalarawan ito nang


may kompleto at malinaw na detalye.
Nakaugnay sa nais iparating ng teksto 3
Nakapukaw ng damdamin o anumang reaksiyon mula sa mambabasa
Suunod sa wastong balarila,baybay, at mga panuntunan sa pagsulat. 5
Angkop at wasto ang mga ginamit na salita.
Kabuuan 25pts.

You might also like