You are on page 1of 38

Tekstong

Impormatibo
UNANG LINGGO
MELCS

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t


ibang tekstong binasa F11PB – IIIa – 98

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng


mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa F11PT – IIIa – 88
• Sa milyon-milyong impormasyon na makikita
sa social media, mahalaga ang matalas na
pagtukoy ng isang mambabasa kung ang
impormasyong nababasa ay huwad o tunay.
Isang mahalagang kakayahan sa pagbasa ang
diskriminasyon sa datos kung ang tinutukoy
ay makatotohanan o hindi, o kung
makabuluhan o hindi kailangang pagtuunan ng
pansin ang isang impormasyon. 
• Bilang isang mag-aaral na may kaalamang
bumasa, tiyak na nakapagbasa ka na ng iba’t
ibang uri ng teksto. Mula sa mga aklat,
diyaryo, mga magasin, hanggang sa mga
paskil sa kalsada, bumubungad sa iyo ang
iba’t ibang uri ng babasahing nakadaragdag
ng iyong kaalaman. 
• Tumutukoy ang teksto sa anumang uri ng
sulatin na mababasa ninuman. Mahalaga ang
mga teksto sa isang mananaliksik dahil ang
mga ito ang nagiging batayan ng mga datos
na kaniyang isinusulat. 
• Ang anumang tekstong mababasa ay may
layunin. May mga teksto na ang layon ay
magbigay ng impormasyon, maglarawan,
magsalaysay ng isang pangyayari, magturo
ng proseso, manghikayat o kahit na
magbigay-aliw. 
• Isa sa mga uri ng tekstong nagagamit bilang
pangunahing sanggunian ng isang
mananaliksik ay ang tinatawag na tekstong
impormatibo. Naglalahad ito ng mga bagong
punto o kaalaman tungkol sa isang paksa.
Puno ito ng impormasyong bago sa kaalaman
ng bumabasa. Karaniwang nagsasaad ito ng
bagong pangyayari, datos, at iba pang
kaalaman na makatutulong sa isang
mananaliksik upang mapagyaman ang
kaniyang isinusulat sa papel. 
• Kadalasan, ang sumusulat ng isang tekstong
impormatibo ay iyong may sapat na
kaalaman tungkol sa paksa. Ang layunin ng
ganitong uri ng teksto ay pataasin ang
kaalaman ng mambabasa tungkol sa isang
paksa o konsepto at tulungan siyang
maunawaan ito. 
• Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay
tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Pangunahing layunin ng impormatibong
teksto ang magpaliwanag sa mga
mambabasa tungkol sa anumang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig. 
• Ang tekstong impormatibo ay tekstong di-
piksyon (Duke at Bennett-Armistead, 2003). Ito
ay bunga ng maingat na pananaliksik, at hindi
nakabatay sa sariling pananaw lamang o sa
kathang-isip. Naglalahad ito ng mga kuwento ng
mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na
pangyayari. Ang mga katotohanan, datos, at
pangyayaring inilalahad nito ay nakabatay sa
mapagkakatiwalaang sanggunian. 
• Naglalaman din ang tekstong impormatibo ng
mayamang pagpapakahulugan at
pagpapaliwanag dahil dito inaasahang ang isang
tekstong impormatibo ay may tumpak, wasto,
makatotohanan, at napapanahong nilalaman o
impormasyon batay sa mga tunay na datos at
ipahayag sa paraang malinaw. Ang ilang tiyak na
halimbawa ng tekstong impormatibo ay
biyograpiya, mga impormasyong matatagpuan
sa diksyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat,
at mga balita sa diyaryo. 
• Mahalaga ang pagbasa ng mga tekstong nagbibigay
ng impormasyon dahil napapaunlad nito ang iba’t
ibang kasanayang pangwika, gaya ng pagbasa,
pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng impormasyon. Ayon kina
Chall, Jacobs, at Baldwin (1990) sa kanilang
pananaliksik na The Reading Crisis: Why Poor
Children Fall Behind, ang kakulangan sa pagtuturo
ng mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng
pagbaba sa komprehensiyon o kakayahang
umunawa ng mga mag-aaral sa ganitong teksto. 
• Ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkatuto
mula sa mga impormatibong teksto sa mga unang
baitang sa elementarya ay nagtatakda ng husay nila
sa pagbasa pagdating sa ikatlong baitang.
Ipinakikita ng pananaliksik na mahalaga ang
pagbasa ng mga tekstong impormatibo sa maagang
edad pa lamang ng isang mag-aaral. 
• Upang mas madaling maunawaan ang anumang
tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang
manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan
ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang
iba’t ibang impormasyon. Kabilang dito ang talaan
ng nilalaman, indeks, glosaryo para sa
mahahalagang bokabularyo, mga larawan at
ilustrasyon, kapsiyon, o iba pang uri ng palatandaan
para sa mga larawan, graph, at talahanayan. 
• Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman ng mga
datos sa isang impormatibong teksto. Bukod sa
katumpakan, mahalaga rin na napapanahon ito at
makatutulong sa pag-unawa tungkol sa isang
mahalagang isyu o usaping panlipunan. At nang
masiguro ang katumpakan ng datos, mahalagang
sumangguni sa mga babasahin at iba pang
pagmumulan ng datos na mapagkakatiwalaan. 
Uri ng Tekstong
Impormatibo
• Ayon kay June Keir, sa kanyang aklat na
Informative Texts: Recognizing and Creating
Procedures, Explanations, Recounts and
Procedures (2009) ang tekstong impormatibo
ay may mga sumusunod na uri. 
Tekstong prosidyural 

Tekstong nagpapaliwanag 

Tekstong gumugunita 
Mga ulat
Tekstong
naglalarawan 
Tekstong prosidyural
• Nagbibigay ito ng mga panuto o hakbang kung
paano isasakatuparan ang isang gawain o
kompletuhin ang isang proseso. Naglalaman ang
tekstong prosidyural ng mga salitang kilos, salitang
nagsasaad ng pagkakasunod-sunod, pang-abay na
pamanahon, utos at salitang teknikal. 
Tekstong
nagpapaliwanag
• May dalawang anyo ng pagpapaliwanag sa
pagkakaganap ng isang bagay- yaong
nagpapaliwanag kung (a) “bakit” at (b) “paano”
naganap ang isang bagay. 
Tekstong gumugunita
• Inilalahad ng tekstong ito kung paano nagaganap ang isang
pangyayari sa impormatibo o nakaaaliw na paraan. Inilalahad nito
ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod, mula simula
hanggang wakas. Maaaring personal na sangkot ang may-akdang
sumusulat nito o maaaring isang insidente o pangyayari sa
kasaysayan ang ginugunita. Karaniwang mababasa sa tekstong
gumugunita ang mga pangngalan, salitang kilos, pangatnig, pang-
abay, pang-uri, at mga salitang nagpapahiwatig ng panahon. 
Mga ulat
• Naglalahad ang ulat ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagay sa paraang obhetibo. Nagbibigay muna ito ng
pangunahing kaisipan tungkol sa paksa na sinusundan ng mga
talatang nagbibigay ng karagdagang paliwanag tungkol dito.
Ang pinakamahalagang detalye nito gaya ng “ano,” “sino,”
“saan,” “kalian,” at “bakit” ay nasa unang talata habang nasa
hulihan naman ang mga detalyeng di-gaanong mahalaga.
Masinop ang pagkakasulat ng isang ulat. Matipid ito sa gamit
ng mga salita at mga impormasyong ibinibigay nito ay malaya
sa personal na pananaw ng may-akda. 
Tekstong naglalarawan
• Nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng isang
bagay, gaya ng detalye ng pisikal na anyo, amoy, tunog,
lasa, hatid na damdamin at iba pa. Nag-uumpisa ito sa
isang panimula na sinusundan ng balangkas ng mga
katangian ng bagay na inilalarawan. Maari rin itong
pasukan ng sariling pagtataya ng may-akda.
Nagtatapos naman ito sa isang konklusyon na
naglalagom sa mga paglalarawang ibinigay. 
Iba pang Uri ng
Tekstong
Impormatibo
May iba’t ibang uri ng Tekstong impormatibo
depende sa estruktura ng paglalahad nito. Ang mga
estrukturang ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay sa
sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-
depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon. 
Sanhi at bunga
Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng
manunulat ang malinaw na relasyon ng dalawang
bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari
ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito
(bunga). 
Paghahambing
kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay,
konsepto o pangyayari. 
Pagbibigay
depenisyon
ipinapaliwanag ng ganitong uri ang
kahulugan ng isang salita, termino o
konsepto. 
Pagkaklasipika
ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati ng
isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o
grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
Nagsisismula ang manunulat sa pagtalakay sa
pangkalahatang kategorya, at pagkatapos ay bibigyang-
depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o
grupo sa ilalim nito. 
Mga Bahagi
Tekstong
Impormatibo
Panimula
naglalaman ito ng paksang pangungusap na
tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa
teksto. 
Katawan
dito inilalahad ang mga impormasyong nagbibigay ng tiyak
na detalye tungkol sa paksa. Ito ang bahaging
nagpapaliwanag o nagpapalawak sa paksa. Ang mga datos
na binabanggit dito ay obhetibo at nakabatay sa pag-aaral.
Maari ding magpasok ng mga grapikong representasyon
bilang biswalisasyon ng mga datos. Binabanggit din dito ang
mga awtoridad o ekspertong pinagkunan ng mga datos. 
Konklusyon
nilalagom sa bahaging ito ang mahahalagang punto
na nabanggit sa teksto. Dito rin maaring talakayin
ang halaga o implikasyon ng mga impormasyong
natalakay 
Talasanggunian
iniisa-isa rito ang mga sangguniang pinagbatayan ng teksto.
Pinatitibay nito ang kredibilidad ng mga impormasyong
inilahad. Kung hindi maglalagay ng hiwalay na
talasanggunian, maaari ding nasa katawan mismo ng teksto
ang mga sangguniang ginamit gaya ng pagtukoy sa isang
aklat o dyornal na sinangguni, taon ng pagkakalimbag, at
pangalan ng may-akda. Maaari ding ilagay ang apelyido ng
may-akda at taon kung kailan niya inilahad ang
impormasyong ginamit na batayan. 
Panuto: Isulat ang tamang sagot na tinutukoy ng pangungusap
sa bawat bilang. 

1. Ito ang nagiging batayan ng mananaliksik na mga datos


sa kaniyang isusulat.  TEKSTO

2. Nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng bagay,


gaya ng detalye ng pisikal na anyo, amoy, tunog, lasa, hatid
na damdamin at iba pa. TEKSTONG NAGLALARAWAN
 
3. Inilalahad nito kung paano naganap ang isang pangyayari
sa impormatibo at nakakaaliw na paraan. 
TEKSTONG GUMUGUNITA
Panuto: Isulat ang tamang sagot na tinutukoy ng pangungusap
sa bawat bilang. 
4. Naglalahad ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol
sa isang paksa.  TEKSTONG IMPORMATIBO

5. Nagbibigay ng panuto o hakbang kung paano


isakatuparan ang isang gawain o kumpletuhin ang isang
proseso.  TEKSTONG PROSIDYURAL

6. Nagbibigay muna ito ng pangunahing kaisipan tungkol sa


paksa na sinusundan ng mga talatang nagbibigay ng
karagdagang paliwanag tungkol dito. 
MGA ULAT
Sanggunian
Sanggunian 
De Laza, Crizel S., Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Rex 
Publishing House Inc. 2017. Pahina 35-58. 

Reyes, Alvin Ringgo C., Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 
Diwa Learning System Inc. 2019. Pahina 3-8. 

Dayag, Alma M., Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa 
Pananaliksik. Phoenix Publishing House, Inc. 2016. Pahina 5-9. 

You might also like