You are on page 1of 6

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

015
[PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI]

PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI

LAYUNIN:
1. Nabababtid ang kahalagahan at gamit ng Bibliograpi,
2. Nalalaman ang katuturan at paraan paggamit ng AP at MLA
format sa pagbuo ng Bilbliograpi

Panimula:
Ang pagtatala ng mga bagay ay nakatutulong upang maging organisado ang
lalamanin ng isang pag-aaral, Malaki ang maitutulong ng tentatibong Bibliograpi para
mabigyang gabay ang mananaliksik at maging sistematiko ang pag-sasaayos ng mga
pinagkunan ng impormasyon. sa modyul na ito sundan natin kung paano ano nga ba
at paano buuin ang tentatibong bibliograpi.

TENTATIBONG BIBLIYOGRAPI
 Ang maingat na pagtatakda ng mga sanggunian o pinagkunan ng mga impormasyon
na magagamit sa pag-aaral.
 Masusing paghahanay ng mananliksik sa mga pangalan ng mannunulat, aklat at iba
pang sanggunian kung saan nakuha at nakalap ang mga impormansyong ginamit sa
pananaliksik
 Panasamantalang listahan ng mga sangguniang ginamit sa inisyal na pag-aaral.
 Ipinapakita dito ang nilalaman ng pananaliksik o aklat ay hindi lamang pansariling
opinyon o gawa-gawa ng mananaliksik kundi mayroong iba’t ibang basehang
nagpapatunay ng katumpakan o katiyakan ng mga impormasyon.

Course Module
Bibliograpi
 Karaniwang nakikita sa hulihang bahgai ng anumang sulatin
 nagbibigay impormasyon sa mambabasa kaugnay sa pinagkunan ng ideya ng isang
sulatin
 tinatawag din itong talaaklatan, talasanggunian, listahan ng mga
aklat,pahayagan,jornal, magasin, di-limbag na batis tulad ng pelikula programa sa
telebisyon at radio, website sa internet at iba pa.

Mga dapat tandaan sa pagbuo ng tentatibong bibliograpi


 Nakasulat sa hiwalay na pael
 Naka- double spaced gaya ng sulatin
 Ang pangalan ng may akda ay dapt nagsisimula sa apelyedo kasunod ang insyal ng
pangalan
 Kapag higit sa anim ang may akda dapat lamang na isulat ang anim at pagkatapos
ng anim ay lagyan ng et.al upang mabatid nila na may iba pang manunulat.
 Kailangang sunod-sunod ayon sa apelyido ng may akda ang nakalagay sa
bibliograpi.
 Kung marami ang artikulo at isa lamang ang manunulat ang petsa ng
pagkakalimbag ang dapat na pagbatayan.
 Isulat lamang sa malaking letra ang unang letra ng pamagat,ang unang letra
pagkatapos ng tutuldok o dash at proper nouns.
 Isulat sa malaking letra ang lahat ng mahahalagang salita sa pamagat ng dyornal
 I-italize ang pamagat ng mahabang sulatin gaya ng libro.
 Huwag i-italize, guhitan o lagyan ng marka ang pamagat ng mga maiigsing sulatin
gaya ng artikulo sa dyornal o sa mga na-edit na sulatin.
 Ang unang linya ay hindi dapat nakapasok, ang sumunod na linya ang dapat na
nakaindent na may sukat na ½ inch.
 llagay ang petsa ng pagkakalathala sa loob ng parentisis na nasa format na taon,
buwan araw pagkatapos ng pangalan ng may akda. Lagyan ng tuldok pagkatapos
ng parentisis.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
015
[PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI]

Mga impornasyon dapat matukoy sa Pagsulat ng Bibliograpi

1) Awtor o mga awtot


2) Pamagat
3) Lugar ng publikasyon
4) Pablisher o tagalimbag
5) petsa o taon ng pagkalimbag
6) Editor, tagasalin, consultant (kung mayroon)

PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: FORMAT na APA at MLA


 APA format – ito ay estilo kung saan madalas ginagamit sa mga disiplinang
sikolohiya at iba pang kaugnay na disiplina. Binuo at pinaunlad ito ang American
Psychological Association o APA, sa paggamit nito ay mahahalagang tandaan ng
mga sumusunod:

1. sa pagbanggit ng pinagmulan ng sanggunian, ilalagay ang apelyido ng may-


akda at ang taon kung kailan nailathala ang teksto.
2. kung dalawa o higit pa ang may akda kailangang gumamit ng et.al karugtong
ng unang pangalan.

1. Aklat
format: Mga may-akda ( taon ng pagkakalimbag), pamagat ng aklat: subtitle
ng Libro. lungsod ng Palimbagan: pangalan ng palimbagan

Halimbawa:
Pacay W.L (2016). Pagbasa at Pagsulat ng iba’t ibang teksto tungo sa
pananaliksik. Manila,Philippines:JFS Publishing

Sunga. D.S, Buco. A.M. Tejada. L.T, Bario. J., Cruzado. C.A, Dela Cruz. R.
et.al(2013) Lundayan. Taytay Rizal. Olimpia Publishing House

Course Module
2. Encyclopedia
format: Mga may-akda.(petsa ng pagkakalathala). Pamagat ng artikulo.
Pamagat ng peryodikal, bolyum(isyu), pahina

Bergmann, P.G (1993). Relativity. The new encyclopedia Britanica


(Vol.26, pp. 150-155). Chicago: Encyclopedia Britanica

Pettinghill, O. S., Jr. (1980) Falcon and falcony. World book encyclopedia
(pp.501-508). Chicago: World Book.

3. Mga artikulo sa Peryodiko


format: Mga may-akda (petsa ng pagkakalathala). Pamagat ng artikulo.
Pamagat ng peryodiko, bolyum (isyu), pahina

Garalda. J (2014). Halaga. Anag-ag, bolyum 1. (p.12)

4. Artiulo sa Magasin
Henry. W. A., III (1990, April 9) Making the grade in today’s school, Time,
135,28,31.

5. Mga hanguang elektroniko


Burgess, Patricia. (1995). A guide for research paper:APA style.
http://webster.commet.edu./apa/apa_into.htm#content2

 MLA na format – mula ito sa pagbauo at pagpapaunlad ng Modern Language


Association o MLA. ang estilong ito ay ginagamitan ng mga magkakaugnay nga
paksa ng teksto. Sa kasalukuyan, MLA 7th edition ang siyang pinakahuling edisyong
ginamit.

 Ang awtor at eksaktong pahina ang inilalagay sa dulong bahagi ng teksto


bago ang tuldok.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
015
[PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI]

Binigynang- diin sa nasabing malikhaing sanaysay ang pahiwatig ukol


sa kahalagahan nang mas maagang pagiging bukas ng isanng bata sa
kahalagahan ng pagbasa at pagsulat sa loob at labas ng klasrum
(Villafuerte, 9-10).

 Kung magagamit naman sa buong teksto ang apelyido ng manunulat, maari


nang mga pahina na lamang ang ipaloob sa panaklong.

malinaw na malinaw ang pagpapaliwanag ni Villafuerte sa nasabing


estratehiya (15-22)

 kung parehas na akda lamang din ng may akda ang babanggitin, hindi na
kailangang isama ang apelyido ng may akda sa panaklonh, bagkus ay ang
pamagat na lamang.

binanggiti muli ni Villafuerte ang mga naging pamantayan nila bilang


mga hurado ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa
Filipino Divison ng Pagsaluat ng Sanaysay (kritikal,MAlikhain at
Makabuluhang Pagtuturo ng Sanaysay sa Antas Elementarya at
Sekondarya, 30-35).

 Kung tatlo o higit pa ang may-akda, maarig mabanggit ang lahat ng tatlong
apelyido o gumamit na lamang ng et.al:

(Villafuerte, Garalda at Barrameda,95)


(Villafuerte, et.al.,95)
Tungkuling ginagampanan ng Bibliograpi
a) Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya,
ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o sa mga materyales na hinalaw.
b) Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman,
c) Nagbibigay ng mga karagdagang informasyon para sa mambabasa na naganasis na
palawakin pa ang isang pananaliksik
d) Nagbibigay oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may katotohanan ang
mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik, at
e) Nagbibigay ng kredebilidad sa pananaliksik na isinagawa
Course Module
References

Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo
sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et., al (2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Online Supplementary Reading Material

http://webster.commet.edu./apa/apa_into.htm#content2
https://www.slideshare.net/daisy92081/bibliograpi
http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/pagsulat-ng-
talansangunian.html

Online Instructional Material

https://www.youtube.com/watch?v=40s1QJ-xFiE
https://www.youtube.com/watch?v=10eg_GB_A9E
https://www.youtube.com/watch?v=weD9a-ZL0AY

You might also like